Maniwala ka kay Kristo at sa paniniwala mo gawin mo ang mga habilin Niya ayun sa desisyon mo at pagmamahal mo huwag mong iasa lahat sa kanya. Do your part atleast para hindi tayo magmukhang mga robot lang dito na nilalang.
Salamat sa pag answer ts.
Share ko lang.
Ito po yung sa amin ts.
1.)Maniwala ka na Totoo na may Dios at ang kanyang salita.
2)Magsisi ka sa iyong mga kasalanan.
3.)Manampalataya ka kay Jesus Christ at Tanggapin mo siya bilang Panginoon at tagapagligtas mo.
4.)At ang resulta ng Pananampalataya mo kay Jesus Christ ay mabubuting gawa.
Ang mabubuting gawa at pagkamuhi sa kasalanan ang isa sa mga ebedensya na tayo ay ligtas na.
Ang sino mang nananampalataya kay Kristo Jesus ay may mabuting pagbabago sa kanyang pamumuhay. IICor 5:17.
Kung ang isang tao na nagsasabi na siya ay nananampalataya na kay Kristo at hindi nagbabago kundi ito ay patuloy parin na masaya sa pag-gawa ng kasalanan, may problema siya sa kaniyang kaligtasan.
Walang sinomang tao na makapagsasabi sa isang tao na siya ay hindi ligtas or ligtas na 100%, tanging siya at ang Dios lamang.
Last edited: