Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

ang boring pala ng font ko... sa CP kasi naka FlipFont ako kaya ang ganda ng Font... tsk... tsk...

matry nga eto

WAPAK!!!
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

pa update naman :)
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

waaa... wala pa ba update? mag re-restday na ako di ko pa ulit nabaasa next update, amfff.. tuesday night na pasok ko..waaaaa.. dami ko mamimiss na chapter..

pahabain mo pa story mo pre para mas ganado ang pagttrabaho.. :rock:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

aba.. may drama pala to.. nice! nice! :thumbsup:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

Chapter 21 - So Good

"So... 8 years old ka ng ipaalaga ka ng tatay mo sa tiyahin mo?" tanong sa akin ni Marj.

"Umuuwi din naman ako minsan... Nangangamusta..."

"Minsan?! Andun ang family mo?!"

"Hindi nga ako maalagaan ni tatay dahil nga sa allergy ko... Anong ipapakain niya sa akin?! Buhangin?!"

"Off mo bukas di ba?"

Tumango ako, "bakit?"

"Tama ako ng sinabi kayla Daddy..."

Napakunot-noo ako.

"Kasi... Golf bukas namin... Gusto ni Daddy... Kasama ka..."

Tumindi lalo ang pagkakunot-noo ko.

Ang bilis, na-spike (volleyball) na niya ang noo ko. Sabay layo sa akin. Nahawakan ko ang mga kamay niya kaya gumanti ako ng matitinding pitik. Tawanan na ang nangyari pagkatapos.

"Sige na... Gabi na..." tumayo na siya at humalik sa pisngi ko. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto.

"Tayo na ba?" pahabol kong tanong sa kanya.

Lumingon siya at kumapit sa door knob, "Hindi!!" sigaw niya sabay labas at sarado ng pinto.

Wala pang dalawang segundo, bumukas muli ang pinto, "Mabagal ka kasi!" sigaw niyang muli sabay sara.
................................

Mga bandang 11pm, kalagitnaan ng tulog ko, nakaramdam ako ng uhaw. Tahimik akong bumaba sa kusina, para syempre uminom ng tubig.

Pero bago ko pa man marating ang kusina, may naririnig na akong kumakain, alam mo yon? Yung tunog ng plato kapag tinatamaan ng kutsara.

OK lang sana kung tao ang nakita kong kumakain... Pero HINDI... Na OO. Pero that time, mukhang HINDI.

"Whoooah..." reaction ko matapos makita ang kumakain.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng taong kumakain?!" mapang-asar na sabi ni MOM na kasalukuyang kulay puti ang mukha dahil sa Facial Mask.

"Sorry po..."

Tumango naman siya, "nauuhaw ka?!"

"Opo..."

"Hay... Ganyan din si Lino... Kaya may ref siya sa kwarto niya eh... Parating bumababa dito para uminom ng tubig..." sabi niya habang pinagsasalin ako ng tubig sa baso, "maupo ka..."

Umupo naman ako sa tapat niya, sa kitchen table siya kumakain.

"Alam kong mabait kang bata."

Sa loob-loob ko, parang ayokong maniwala.

"Bilib na bilib sayo ang asawa kong si Fred..."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na yung nakaraang pinakain kita ng Prawn..."

"Wala na po yon Nay..."

Napatingin siya sa akin.

"Mom po pala..." ngiti kong bawi.

"Si Marj... Suwail yon..."

'Sobra,' bulong ko sa sarili.

"Nakikita kong... Bumubuti ang ugali niya ka-kasama sayo... I just hope... Mahalin niyo lang ang isa't-isa..."

Ninamnam ko muna ang sinabi niya bago ako sumagot, "opo..."

"Pero ayoko pa ng APO ha!! Mga bata pa kayo!!"
................................

Sa Golf ng Daddy ni Marj,

"OK Japhet... Let me teach you..." paanyaya sa akin ni DAD.

Lumapit naman ako. Itinuro ang mga basic, aim, swing, backswing, drive, lahat siguro ng terms na hindi naman talaga nag-sink-in sa utak ko. Madali lang naman ang Golf, hahatawin mo lang ang bola gamit ang club.

Unang subok. Aim. Swing. Backswing, "Ano pong tawag kapag hinataw ko na?!"

Natawa si Marj.

"Initial shot," sabi naman ni Kuya Lino.

"FIRE!" sigaw ko.

Ilang sandali lang... Bumagsak kami sa kakatawa.

"Hahaha..." walang tigil na tawa ni DAD sabay hawak sa balikat ko.

"Hahaha!! Iho... Yung bola ang ishu-shoot sa hole! Hindi yung CLUB!"

NABITIWAN ko yung panghataw.

Nang humupa na ang tawanan, "May suggestion akong ibang gagawin... Hindi katulad ng Golf na kailangan ng mahabaang practice..."
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

IMO, mas appropriate na gawin mo itong isang one-act play (dulaang isang yugto) since the flow and structure of the story is very much like one. Just a suggestion though.

keep writing.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

weeeeeeeeeeeee... salamat PadrePio!!!

muuuaaahx...

pero as i reach the ending... malapit na kasing matapos... sa next story ko po na lang...

muuuaaahx...

malapit ng matapos... kaya malapit ng malaman kung bakit I MISS YOU LIKE CRAZY...

maraming salamat sa mga sumubaybay... sa mga nagcocomment... namimilit ng updates... sa mga nagte-thanks... at sa mga silent readers... lalo ka na JAYRINE!!! wahahaha... (may kasamang bati...)

malapit na matapos kaya hold tight...

see yah...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

sana mamya may update na.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)


malapit na matapos??:weep:

wala na bang extension??:lol::rofl:

 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

huhuhuh... di bale... basahin ko nlng paulit ulit...
abangan ko parin ung susunod na kwento mo ts...
salmt d2 ehehehe
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

sad naman na malapit ng matapos.. basta may kasunod agad ok lang., hehe! :lol:

keep it up! :salute:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

aw...malapit na pala matapos...
pero okay lang....at least kahit papano nasubaybayan ko 'to...

...basta keep on writing sir heinriq! :salute: :rock:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.21)

Chapter 22 - Together

Sa Convenient store na pinuntahan namin dati ni Marj,

"Oh?! Anong gagawin natin dito?!" tanong sa akin ni Marj.

"Paramihan ng maiinom na Slurpee!!" bulyaw ni Kuya.

"Hindi tayo papasok sa loob..." sagot ko naman.

"Ha?!" sigaw naman ni MOM.

Tinitignan lang ako ni DAD.

"Para po sa inyong kaalaman... Hindi marunong TUMAWID si Marj..." bungad ko sa gusto kong mangyari.

"What?! Marj?! At 20 hindi ka pa marunong tumawid? Eh samantalang 2 lane lang ang kalsada dito?!" pang-aasar ni Kuya kay Marj.

Natawa si DAD.

"Nag-ta-taxi na lang ako kapag kailangan kong tumawid..." sabi ni MOM.

"Parehas pa kayo..." bulong ko kay Marj. Hinampas niya ako sa balikat.

Totally, mukha kaming mga TANGA. Sabay-sabay kaming tumatawid, pabalik-balik. Ang sobrang corny na bagay, nagiging sobrang saya. Tapos naging partner-partner.

Lumipat naman kami sa 4 lane na kalsada, si MOM, tagaktak na ang pawis, "daig pa ang Aerobics..."

"Solo mode..." pang-aasar ko kay Marj habang mag-isang tumatawid.

"Manahimik ka d'yan!!" sigaw niya.

Lumingon ako kay DAD, "ang lansangan, para yang buhay, you should be very cautious sa lahat ng sasakyang dumadaan, same with our lives, we should cherish ourselves with people that comes our way."

"Japhet kapatid mo?" tanong sa akin ni MOM habang nakaturo sa kabilang banda ng kalsada.

"Sino yon Iho?" tanong din ni DAD.

Paglingon kong muli kay Marj, nasa pagitan na siya ng dalawang lane, nakatayo lang sa harap ng taong tinutukoy nila MOM at DAD.

"Dad... Si Andrew..." sagot ni Kuya Lino.
................................

Niyakad nang pauwi ni DAD sila MOM at Kuya Lino. Siya na mismo ang nagbigay daan para makapag-usap kaming tatlo.

Nagpaiwan kami sa isang coffee shop.

Sa totoo lang, wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay nilang dalawa, sila ang may problema, pero kahit alam kong wala akong karapatan, nababanas akong makitang nag-uusap silang dalawa.

Malayo-layo ako sa kanila, pang-apat na table, pero kahit sa malayo, nakita kong tumulo ang luha ni Marj, akma na akong tatayo para mag-abot ng panyo nang maunahan ako ni Andrew.

Maya-maya, masaya na sila parehas. Nagtatawanan. Na-etchapwera na ako.

Ilang saglit pa, natapos din sila, at pagkatapos din ng mahigit isang oras, tumama rin ang tingin ni Marj sa akin. Tumayo na si Andrew at umalis, pero bago pa makalayo, tinawag niya si Marj, at doon, nagyakap sila.

Hindi katulad ng huli nilang pagkikita noon sa Araneta, na pinagtalunan pa namin, masaya siya ngayon. Masayang masaya.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Alin?" nagtataka niyang sagot.

"Ngiting-ngiti ka ata... Samantalang halos hindi mo siya pansinin non..."

"Ano bang pakealam mo?!"

Hindi ko alam pero bigla na lang may kumawalang emosyon sa puso ko. At ito ang naging dahilan para sabihin ko ang hinanakit ko, "Marj?! Anong pakealam ko?! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?! Para mas madali ano ba ako sayo?!"

Tahimik lang siyang pinapanood ako.

"Marj!! Ano ba ako sayo?! Sino nga ba ako?! Eh nakita mo lang naman ako sa MRT!! Or should I say, pinag-tripan mo lang naman ako noon sa MRT!!" kulang na lang maglupasay ako, "Marj!! Umasa ako..."

"Hindi ko sinabing umasa ka!!!"

"Oo nga pala... Kasi mahal mo nga pa pala yung tarantadong yon!!"

Sinampal niya ako.

"Para saan yon?! Dahil ba totoo ang mga sinasabi ko?! Na mahal mo pa rin yong GAGO na yon?! Ano?! Sumagot ka!!!"

"Oo!... Masaya ka na?!"

Natigilan ako, napaluha. "Marj 3 months... Tatlong buwan... Tatlong buwan ang binigay ko sayo! Umasa ako... Naniwala ako... Marj... Ano ba ako?! Sa loob ng tatlong buwan naging ano ako sayo?! PAMPALIPAS-ORAS?!"

Katahimikan.

"OK..." bungad kong muli, "tapos na ang karakter ko sa buhay mo... Makakaalis na ba ako?..."

Katahimikan.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.22)

sakit naman nun.. hahayz... pero baka may twist to katulad ng hu u ni papa panjo.. hehehe
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.22)


ang lungkot ng chapter 22...:weep::weep:

parang panakip butas lang nangyari..:weep::slap:

 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.22)

super sad.., ano na kaya mangyayari., mukhang climax na ah.. :think:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.22)

Chapter 23 - Starting

"Mahal kita Marj!!!" makabasag tengang sigaw ko sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, doon natatanaw ko ang Bar na parati naming tinatambayan.

Wala akong pakealam kung panoorin ako ng lahat o ng kahit na sino. Nabaliktad na ang mga pangyayari. Hindi ako naglasing, may shift ako.

Naputol ang kadramahan ko ng may tumawag sa CP ko, si Boyet, Jr. ko, nagkaproblema daw sa delivery namin, kailangan ko ng puntahan.

"Whoooh..." nagkondisyon muna ako bago pumasok ng tren.

Nakakatawang isipin, na nakakalungkot, na nakakainis, kasakay ko uli ngayon yung dalawang Madre, this time, hindi na ako gumulong sa harap nila. Paupo na ako ng mabitawan ko ang ticket ko, pero nung dadamputin ko na ito, hindi ko 'to makuha, parang inilalampaso ko sa sahig ang ticket. May lumapit sa aking bata at siya ang pumulot nito, walang kahirap-hirap. Doon ko napansin, hindi ko talaga dinadampot ang ticket, hindi ko siya mahawakan.
................................

"Muscular Dystrophy," bungad sa akin ng doktor habang inilalatag sa harap ko ang limang-libong binayaran ko para sa laboratory, natulungan naman ako ng healthcard ng company, 13k dapat ang babayaran ko.

"Ano po yon?" tanong ko sa kanya.

"Isa 'tong disease na unti-unting nagpapahina sa mga muscle ng meron nito. Sa una, hindi siya kapansin-pansin, katagalan nakakaranas na ng numb (yung ticket na hindi madampot), ma-a-out-of-balance (paggulong sa MRT), walang grip sa mga hinahawakan (pagkabitaw sa golf club)."

"Malala po ba yon?"

"Ngayon... Hindi pa. Pero degenerative ang sakit na yan... Progressive. Lumalala."

"Paanong nagkaroon ako nito?"

"Genetic. Lahi. Either may history ang family mo na ganito..."

"Wala naman pong may sakit sa amin."

"Or... Hindi compatible ang genes ng magulang mo... May kapatid ka ba?"

"Ate."

"Asan siya? Normal ba siya?"

"Patay na siya..."

"Bakit?"

"Hindi ko po alam..."

Umuwi ako bitbit ang lahat ng sinabi ng doktor...

"Myotonic Muscular Dystrophy. On the late stages, hindi na makakapagsalita, makakatayo... Sa modern medicine, wala pang gumagaling sa sakit na ito. At wala ring gamot para dito. Therapy... You can go under therapy... But that doesn't mean gagaling ka... Pababagalin lang nito ang paglala ng sakit mo..."

Parang panaginip. Masamang panaginip.

"Mabilis ang progress ng kaso mo... Siguro less than a year." sabi ng doktor.

"Hindi naman po ito nakamamatay?"

"Normally... Hindi nakakamatay ang dystrophy, only if it affects the heart, heart is a muscle."

Gusto ko sanang sabihin kay Marj. Pero, wag na lang.
................................

"Anton... Magli-leave ako ng 3 days start bukas ha..." paalam ko.

"Ay sige... Graduation mo na sa susunod na araw di ba? Ano? Summa?"

"Sira... Hindi ako qualified kasi irregular student ako... Susunduin ko si tatay sa Pangasinan..."

"Ang tanong... Sasama kaya si Tatay?"
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.23)

malungkot ang ending nito...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.23)

ngayon ko lang napansin to..pabasa ako :thanks:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.23)

sabi na nga ba. panakip butas lang si japhet eh.. gaya ng una kong sinabi, haizzz, meron talagang ganyan na girls, nangyari na rin sakin yan, sobrang sakit, yung parang kayo na hindi pala, ang hirap, masakit umasa.
anyways nalulungkot ako para sa ending nito. mas gugustuhin ko pa hatawin ng Paddle ng 78x or more kaysa sa saktan ng ganyang klasing babae. haizzzz..
 
Back
Top Bottom