Workout + Losing weight no excuse !2019
Hi guys
Age : 26 years old
HT : 5'6
KG : 66
This thread para makatulong sa ibang tao na need mag build ng muscle or how to lose weight po. Sana makatulong �� lahat ng advice ko dito base po sa experience ko up to this now nagwoworkout pa din ako . Lahat tayo gusto natin maging beach bods! sabay-sabay tayo magworkout let's go!
☑ Home workout or Gym workout no problem
☑ Dapat Motivated ka
☑ Goal setting! Pinakaimportante sa lahat.
☑ No excuse no reason!
☑ No money no problem
☑ NO SUPPLEMENT
☑ Proper sleep atleast 8 hours a day
☑ Metabolism
☑ Muscle Rest
☑ Healthy Food.
☑ Drink more water
Everyday of my routine :
Bago tayo mag workout make sure na may sapat tayong tulog para energetic tayo mag buhat at kumain bago mag workout ( after 60mins pwede na mag workout ) .
Guys mag stretching tayo bago mag buhat mag search po kayo sa youtube kung ano ano yun. Ang stretching para din syang warm up. so ayos ready na mag workout
Unang una bago po kayo mag workout alamin muna ang workout program nyo. For me ito kasi ang akin. Dapat Everyday may program kayo for example.
Monday - Chest workout
Tues - Abs workout
Wed - Bicep workout
Thurs - Legs workout
Friday - Shoulder workout
Etc. Etc.
Guys mas maganda mag workout pag focus tayo sa isang target muscle per day. Example chest day nyo ngayon huwag nyo na hahaluan ng ibang workout wag na kayo mag tricep. Focus on one muscle. Okay ?
Kung may gym mas ayos. Kung wala ayos lang din yan, madaming program para sa home workout tulad push ups search lang po kayo sa youtube or dumbles home workout.
Guys tandaan natin parang tao din ang muscle natin napapagod at kailangan ng pahinga at iwasan ang overworkout.
Pag naoverworkout po ang muscle natin may chance na hindi na sya mag grow. Tama na ang 1 to 1 hour and 30 mins ang workout time natin dipende sa program workout mo( matatapos mo ang program mo rest lang 45-60 seconds sa ganitong rest mas nagiging intense ang muscle mo para lumaki). Hindi mo kailangan magworkout ng matagal para lang mapush ang muscle mo mas lalo mo lang sya pinapahirapan at pinapagod.
Sa rest naman ng muscle natin kailangan marest ng 48 hours ang muscle natin. Mas mabilis lumaki ang muscle natin pag napapahinga sya at nabbuild ang strength sa muscle natin + healthy foods syempre..
Then sa pinakarestday mo naman mag jogging ka o treadmill stleast 30-45mins . Mag set ka ng sequence. First 5mins walking then 10 minutes jogging after that walking. Then running as fast as you can atleast 1-2minutes. Ikaw bahala kung anong sequence gusto mo. Basta tandaan mo slow to medium run - slow to fast. Huwag kang mag stay sa isang running speed okay. ( sa ganitong paraan mabilis mabawasan ang baby fats mo sa buong katawan )
Sa eating habbit naman. Siguraduhin mo healthy ang kinakain mo more in high protein and low carbs kainin mo ( kailangan natin ng carbs for energy lalo na bago mag workout at sa protein naman ito kailangan ng muscle para mag build o lumaki ito ).
Guys tandaan hindi totoo ang the less you food consume the more you lose weight no po! The more you eat food the more you lose weight po
dito papasok ang metabolism nstin
every 3 hours kain po tayo high protein at less carbs para bumilis ang metabolism natin at bumilis ang pagbuild ng muscle natin at lose weight . hindi po tayo tataba pag kumakain tayo at nagwoworkout
Para sa home workout naman need mo ng yoga mat o kaya dumbles.
Sa yoga mat madami kana magagawa abs , chest , shoulder lahat ng workout magagawa mo . Search ka sa youtube
then sa dumbles naman madami ka din magagawa halos lahat din ng program magagawa mo. Mag search ka po sa google or youtube para sa knowledge at tamang pag workout at tamang program. Tandaan po focus on one muscle a day okay ?. Then that's it po good luck mga ka fitness! Sana ma achieve natin ang body goal natin
Oo nga pala dati sa gym din ako nag woworkout kaso ngayon medyo komplikado na sitwasyon ko nasa barko ako nag wwork. Still no reason no excuse. Naggawa ako ng dumbles at dips bar at kung ano ano pa para lang makapagworkout. Kadalasan sa cabin ko ako nag woworkout. Madalas calisthenics ginagawa ko + dumbles and abs workout. So ayun guys no reason no excuse
Sana makatulong sa inyo