Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Ang Huling Lihim Ni Rizal

Mga KaMobilarian, nais ko lang i-share ang aking ginawang kwento. matagal kuna itong nasimulan. pero di ko pa matapostapos :lol::lol::lol: introduction muna . maraming salamat po!

Prologue

May anino ng tao sa harap ng National Museum. Matangkad ang anino. 'Di maaninag ang muka nito dahil sa sirang ilaw ng poste.

Malakas ang buhos ng ulan. Kasabay nito ay ang malakas na hangin, at nakakabinging kulog na may nakakatakot na kidlat; tila isang espada ng angel mula sa langit na tutusok sa puso ng demonyo.

Unti-unting gumalaw ang anino at nawala ito na parang usok sa gitna ng malamig na ulan. Kumidlat at kumulog ng malakas. Wala na ang anino.

Dinig sa buong museum ang malakas na yapak ng mga sapatos sa parquet na sahig nito. Palakas ng palakas at pabilis ng pabilis ang mga yapak. May taong tumatakbo sa pasilyo, ang curator ng museum. Tila isang takot na tupa na hinahabol ng mabangis na lobo. Halos hindi s’ya makahinga sa sobrang kaba at pagod sa pagtakbo. Huminto sya. Di na n’ya kayang tumakbo pa.

“Wag! Sino ka? Ano ang kaylangan mo sa akin?” tanong n’ya sa anino habang nakahawak sa dib-dib at kinakapos ng hininga.

“Di na mahalaga kong sino ako. Ibigay mo na ang hinahanap ko, para hindi kana mahirapan pa,” Alingaw-ngaw na tinig ng anino habang papalapit.

“Di ko alam ang sinasabi mo?” Matapang na tugon ng curator, tumingin s’ya sa palagid. Madilim, wala s’yang maaninag. Sinira ng anino ang main breaker ng buong gusali. Kumidlat ng malakas at bumungad sa kanyang ang higanting painting ni Juan Luna. Ang Spolarium. Nasa entrance na s’ya ng museum.

“Wag mo na akong paikutin pa tanda! Yan din ang sabi ng dalawa mo pang mga kasama bago ko sila tinapos,” sabi ng anino habang may binubunot sa kayang itim na leather jacket.

Nagulat ang matanda sa kanyang mga narinig. Dalawa ko pang mga kasama? Nanlaki ang kanyang mga mata nang mawari n’ya ang maaring sinapit ng mga kasama sa mga kamay ng anino.

“Anong ginawa mo sa kanila? Bat mo ginagawa ‘to sa’min?” galit na tanong nya sa anino.

“Wala akong galit sa inyo. Trabaho lang ‘tong ginagawa ko. Kaya ibigay muna ang hinahanap ko para di kana maghirapan tulad ng dinanas nilang dalawa!” banta ng anino sa matanda habang papalapit pa ito habang may hawak na baril.

Maghirap tulad nila? Hindi maisip ng matandang curator kung anong karumaldumal ang ginawa ng anino sa mga kasama n'ya. Ngunit kong pinagpalit ng dalawa ang kanilang buhay upang mapangalagaan ang sekreto. Handa rin naman ang matanda sa pag buwis ng kanyang buhay para dito. Matagal nang inaasahan ng matanda na darating ang araw na to. Ang araw na kung saan manganganib ang kanilang mga buhay dahil sa pagpapangalaga ng natatagong sekreto. Ito na ang araw na yon.

Naramdaman ng matanda na unti-unti nang nanghihina ang katawan n'ya. Nawawalan na s'ya ng lakas at nanlalabo narin ang mata n'ya. Para bagang napipinto s'yang himatayin. Nandilim ang kanyang mga mata at hindi na n'ya alam pa ang nangyari sumunod.

Masakit at mahapdi ang hita ko. Nagising at biglang napasigaw ang matanda sa sobrang sakit na nararamdaman. Tila may matalas na bagay na pumunit sa kanyang balat at tagos sa laman. Espada? Napansin n'ya na wala na ang espadang hawak ng estatwa sa corner ng hallway. Ginamit n'ya ito sa akin. Nakita n'ya ang dugo na dumadaloy sa kanyang kanang hita. Ngayon n'ya lang ulit nasaksihan ang sarili n'yang dugo simula nang maaksidinte sila ng kanyang asawa dalawampu't-apat na taon na ang nakakaraan. Dumadaloy ito mula sa kanyang hita patungo sa makintab na sahig na parang isang mamahaling red wine.

Sumigaw s'ya ng malakas, nais n'yang makahingi ng saklulo, ngunit 'di marinig ng matanda ang sarili nyang boses. Napansin n'ya na may nakapalupot na tila sa kanyang bunga-nga, pinipigilan ang kanyang malakas na sigaw. Nagpupumiglas ang matanda upang makatakas, ngunit 'di sya makagalaw. Nakatali ang mga kamay ko. Nakalambitin ang curator sa isang metal stand. Naalala ng matanda ang stand na ito. Ito rin dati ang ginagamit ng mag militar nong panahon ng Martial Law upang gamitin bilang torture system sa mga hinihinalang kasapi ng kilusan laban sa Gobyerno. Lumapit ang anino at kinalag ang nakapulupot sa bibig ng curator.

“Ano tanda? Sasabihin mo na ba sa akin kung nasaan ang hinahanap ko?” Pang-uuyam na tanong ng anino habang pinaglalaruan ang espada na prang isang eskrimador.

“Kahit patayin mo pa ako! Di mo makukuha ang hinahanap mo!” Sagot ng matanda habang iniinda ang sakit mula sa sugat. at iniinda ang sariling bigat habang nakalambitin.

Umalingaw-ngaw ang sigaw ng matanda sa sobrang sakit na nadarama. Itinusok ng anino nang walang pakundangan ang espada sa matandang nakagapos, at ngayon sa kaliwang binti naman. Tumalsik ang dugo ng matanda at diniligan ng mapulang likido na mula dito ang sahig. Ininda ng matanda ang sobrang hapdi nang dahan dahang binubunot ng anino ang espadang nakabaon sa hita nito.

“Nasaan na ang Hinahanap ko!?” sigaw ng anino sa matanda sabay hagis sa espada. Nabalot ng galit sya ng galit.

Binunot ng anino ang baril nya sa kanyang bewang at tinutok sa matanda. Nanlilisik ang mga mata nito. Para syang demonyo at makikita sa mga mata nito ang apoy ng impyerno. Habang nang-gagalaiti sa galit, idiniin ng anino ang dulo ng silencer ng kanyang baril sa braso ng matanda sabay pinaputok ito. Sumigaw ang matanda sa sobrang sakit, ngunit tinakpan anino ang kanyang bibig ng kamay nito na naka-gwantis na kulay itim. Di makahinga ang matanda, pumipiglas ito sa sobrang sakit ngunit masyadong malakas ang anino sa pagpigil sa kyang hininga. Ito na ang katapusan ko.

Tinangal ng anino ang kamay nya sa muka ng matanda. Umubo ng malakas ang curator habang naghahabol ng hininga. Tumawa ng malakas ang anino at tila natutuwa pa habang naghihirap ang matandang nakagapos.

Hindi nya maintindihan ang nadarama. Magkahalong kaba, sakit, takot, galit at pagkaawa sa sarili ang sa kanya'y nakabalot ngayon. Kaylan pa matatapos to.

"Ano pa ang hinihintay mo? Patayin mo na ako!" Matapang na hamon ng matanda habang humahagilap ng hininga.

Madilim sa loob ng museum. Ang liwanag lamang ng kidlat ang tanging ilaw sa loob. Malakas ang ulan sa labas. May tilang pintura na kulay pula sa sahig. Dugo ito ng matadang curator ng national museum mula sa mga sugat nya. May tama s'ya ng bala sa braso, at tuloy tuloy itong nagdurugo.Maputla na ang muka ng matanda. Nanghihina na rin s'ya dahil sa dami ng dugo nyang nawala gawa ng mga sugat n'ya. Alam n'yang kahit sumigaw pa s'ya ng saklulo ay wla ring mangyayari. Patay na ang guard, nakahandusay narin ang katawan nito sa sahig; at sa lakas ng ulan walang sino man ang makakaalam ng kalagayan n'ya ngayon.

"Sabihin mo na kung na nasaan ang hinahanap ko, para matapos na ang paghihirap mo!" Galit na sabi ng anino.

"Ha.ha! Walang sino man ang maaring maakaalam ng sekto! Isasama ko ito sa hukay," Mabangis na sigaw ng matanda.

Pumutok muli sa huling pagkakataon ang baril ng anino. Kasabay nito ang malakas na kulog at kidlat. Di na gumagalaw ang matanda. Naliligo s'ya sa sariling dugo. May tama sya sa gitna ng noo at ito na rin ang tumapos sa paghihirap n'ya sa kamay ng anino. Sa wakas natapos narin ang paghihirap n'ya. Kinapkapan ng anino ang matanda. Kinuha nya ang pitaka nito sabay binuksan. May nakita syang larawan sa loob nito. Tinignan n'ya rin ang mga massages sa cellphone ng matanda.

Tumingin ang anino sa relo nya. 12:05 na ng madaling araw. Tapos na ang misyon n'ya sa National Museum. Ngunit tulad ng dati bigo parin s'ya na makuha ang hinahanap n'ya. Kinapa ng anino ang cellphone n'ya sa loob ng itim na jacket. Nagtype sya ng mga numero. May boses na sumagot kabilang linya.

"Tagumpay ba ang misyon?" Tanong ng mahiwagang boses.

"Hindi ko po nakuha ang hinahanap natin" pabulong na sabi ng anino.

Hindi sumagot ang boses sa kabilang linya. Tila dismayado ito sa kapalpakan ng anino.

"Wag kayong mag alala. Alam ko na po kung sino ang makakatulong sa atin," Pasiguradong sabi ng anino.

Nawala ang connection sa kabilang linya.
 

Attachments

  • Spoliarium-by-Juan-Luna-at-the-National-Museum-of-the-Philippines.jpg
    Spoliarium-by-Juan-Luna-at-the-National-Museum-of-the-Philippines.jpg
    100.8 KB · Views: 25
Last edited:
Re: Wala pang Titulo

Ang ganda, ito yong mga genre na gustong-gusto kong basahin, maliban sa erotic story :naughty: tuloy mo susubaybayin ko.

Lagyan mo na ng title, yung catchy, para maraming maenganyo na basahin to.
 
Re: Wala pang Titulo

Ang ganda, ito yong mga genre na gustong-gusto kong basahin, maliban sa erotic story :naughty: tuloy mo susubaybayin ko.

Lagyan mo na ng title, yung catchy, para maraming maenganyo na basahin to.


salamat po!
 
Re: Wala pang Titulo

Napakagandang konsepto at panimulang istorya. Pangarap ko makapagsulat ng ganito,ngunit tinatalo ako ng katamaran kapg magsusulat na. Sira ako sa mahahabang nobela,kaya madalas ay puro short stories or essays lang likha ko. Nawa ay matapos mo ito at maipost na ang kasunod. Astig ka otor!
 
Re: Wala pang Titulo


Napakagandang konsepto at panimulang istorya. Pangarap ko makapagsulat ng ganito,ngunit tinatalo ako ng katamaran kapg magsusulat na. Sira ako sa mahahabang nobela,kaya madalas ay puro short stories or essays lang likha ko. Nawa ay matapos mo ito at maipost na ang kasunod. Astig ka otor!

Salamat po, ipopost ko po ang CHAPTER1.

- - - Updated - - -


Chapter 1


Nakakabingi ang ringtone ng cellphone ni Alex. Naalimpungatan s’ya at tumingin sa Timex digital alarm clock n’ya. 2:34 AM. Sino ang tatawag sa kanya sa mga oras na ito. Alam n’ya ang publisher n’ya lang ang tumatawag ng ganito ka alanganing oras. Walang pakundangan si Jenifer Jeminez kong mang isturbo, basta't tungkol sa trabaho n'ya at sa pinapublish na libro ni Alex. She doesn’t care at all!

“Ang importante ay maging best seller ang libro mo Alex!” Yan ang parati n'yang sinsabi habang naalala ni alex ang muka ni Jen pag pinagsasabihan s’ya nito. Kinuha n'ya ang telepono at pinindot ang accept button.

“Jen! Ano nanaman ang problema d’yan sa manuscript, ha?” Tanong ni Alex habang kinuskusot ang kanyang mga mata at humihikab sa sobrang antok.

“Hello Prof. Alcantara?” Tanong ng matapang at malalim na boses sa kabilang linya. Boses ng isang taong may awtoridad.

“Oh Sorry po! Akala ko po publisher ko kayo, sino po sila?”

“Ah.. This is detective Robles ng homicide division of NBI”

Biglang naalimpungatan si alex nang marinig n'ya ang NBI. Bakit ako tatawagan ng NBI nang ganitong oras? Sinubukang alalahanin ni Alex ang mga ginawa n’ya buong araw. Gumising sya ng 5:45 AM kahapon. Kumain ng breakfast, pandesal na may palaman na peanut butter at kape. Naligo at nagsepilyo. Pumasok sa university at nagturo ng halos limang oras. Pumunta sa National library at nagreaserch sa bago n'yang sinusulat na libro. Bandang mga 7:30 PM dumiritso kay Jen Jeminez para sa isang writer-to-publisher meeting. Yun lang nman ang ginawa ko maghapon. Bat tatawag ang NBI?

“Yes Sir, This is Prof. Alcantara speaking,” Nagulahan si alex sa mga nangyayari. Kinuha n'ya ang kanyang event planner na nasa side table ng kama n’ya para tignan yung mga appointments n'ya ngayong araw.

“Mr. Alcantara, pwede kaba mahingan ng statement ng sandali?” tanong ng matikas na boses sa kabilang linya.

Nanglaki ang mga mata ni Alex ng marinig ang sinabi ng tao sa kabilang linya.

“Statement? For what?” Tanong n’ya habang naghahnap sa planner ng appointment sa NBI. Ngunit wala.


Ano’ng ginawa ko? Wala naman s'yang maiisip na kaso o kremin na pwede nyang magawa. Sa buong buhay ni Alex puro pag-aaral at pag-tuturo lang ang alam n'ya. Simula nang maging fulltime s’ya na history professor sa UP ay doon na lamang umikot ang buhay n'ya. Minsan nga nakakalimutan na n'ya ang sariling birthday sa sobrangn pagka-busy sa pagsusulat at pagtuturo. Pero bakit NBI? Ang alam n'ya nagkaroon s'ya ng violation dati, pero J-walking lang yun. Nagmulta na s'ya at nag community service para doon.

"About sa pagkamatay ni Dr. Saavedra. Actually, murder,” malungkot na sabi ng tao sa kabilang linya.

Naramdaman ni Alex ang biglang pagbilis ng tibok ng puso n'ya. Nanlamig s’ya bigla at halos di makapaniwala sa narinig. "Ha!?..murder!? Ano nang yari kay Salvi?" na tanong ni Alex na may kasamang gulat.

Kinapa ni Alex ang remote control sa kama n'ya at binuksan ang TV. Naghanap s'ya ng balita.

Breaking news: National Museum Curator found DEAD.

Nilipat n'ya sa ibang channel.

Dr. Saavedra: We Lost a National Tresure Today!

'Di makapaniwala si Alex sa nakikita n'ya sa TV. Nagkukumpulan ang mga kotse ng mga pulis. Nakakasilaw ang mga ilaw nito, at napaka daming tao. Puno ng mga reporters ang paligid. Ano to?


Nakaraang araw lang ay nagkita sila ni Salvi sa isang coffee shop. Matagal nang mgkaibigan si Alex at Salvi. Naging Prof. ni Alex si Salvi dati sa UP nong kumukuha siya ng graduate studies para kanyang doctoral degree. Mabait si Salvi na kaybigan, matalino, at higit sa lahat prang anak na ang turing n'ya kay Alex. Ganun din si Alex, parang tunay na ama narin ang turing n'ya kay Salvi.

Si Dr. Salvador Saavedra, o si Salvi sa ng mga malalpit niyang kaibigan, ay ang kasalukuyang curator ng National Museum. Dati s'yang professor ng History sa UP. Isang batikan na Author ng mga history books. Naging dalubhasa s'ya sa biography ng mga bayani. Isa sa kanyang specialty ay ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal. Lahat na ata ng tanong mo tungkol kay Rizal ay alam ni Salvi. Halos nga magkasama na sila ni Rizal dati sa sobrang detalyado ng alam n'ya tungkol dito. Mrami na s'yang librong nasulat tungkol kay Rizal. Pati ang pagiging babaero nya sa Europe ay di nakaligtas kay Salvi.

Naalala nga ni Alex ang isang paper na sinulat ni Salvi tungkol sa Tula ni Rizal na ang pamagat ay "Sa aking mga kababata". Naging kontrobersyal ang paper na to sa buong hitory community. Nagkaroon ng mga debate ang mga tanyag na historyador tungkol dito. Nakwento ito ni Alex sa mga graduating class dati sa UP nong nagkaroon sya ng talk dito, ika 150th birthday kasi ni Rizal noon; Kya naimbetahan sya bilang guest speaker.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop at malansang isda," Bilang tula ni Alex.

"Ok..sino sa inyo ang nakaka-alala ng tulang Sa aking mga kababata?" Tanong nya sa mga tao.

Nagbulungan ang mga estudyante. Anong klaseng tanong yan? Kahit grade 5 student alam na alam kung sino ang sumulat ng tulang yan. Ginawa nya ito pra sa mga kababata n'ya dati sa laguna. Napakaganda ng mensahe ng tulang ito. Pinapahalagahan nito ang kahulugan ng kalayaan at wika. Nag taas ng kamay ang payat na lalaki sa dulo. Nakasalamin ito na makapal at hati sa gilid ang buhok.

"Si Dr. Jose Rizal syempre! Wala ng iba" Sigaw mula sa madala.

"Hmmm.. Ok salamat. Pero pano kung sabihin ko sa inyo na hindi si Rizal ang sumulat ng tulang yon!"

Nagulat ang lahat sa narinig nila. Buong buhay nila alam nila na si Rizal ang sumulat ng tulang iyon. Nasa mga pahina ito ng liro ng kasaysayan. Mula magkaisip sila at makilala si Rizal alam nilang walang ibang tao ang makakasulat non kundi ang pambansang bayani lamang. Isang kalapastanganan ang sinasabi ng propesor. Nagbibiro lamang ito!

"Hindi ako nagbibiro o gumagawa ng kwento. May patunay ako," matapang na panindigan ni Alex.

"Simula ng bata tayo alam nating si Pepe ay isang henyo. Nakapagbasa na sya sa lumang edad dahil sa nanay nya. At dahil doon, masasabing si Pepe ay gumagawa na ng tula sa murang edad na walang taong gulang habang ang mga kaedaran nya ay naglalaro sa ilog at mga parang," paliwanag niya.

"oo naman! Kaya nga kakaiba si Rizal!" Sigaw ng isang estudyante sa likoran malapit sa projector.

"Hindi kakaiba si Pepe! Tulad din natin s'yang dumaan sa pagkabata at minsan tinatamad din syang mag-aral," wika ni alex kasabay sa pag on nya ng projector.

"Ayon sa paper na ginawa ni Dr. Saavedra, maaring hindi si Jose Rizal ang may akda ng Tulang Sa aking mga kababata. S'ya ay may halos Thirty five years na pagkakataon upang ilagay ang pangalan n'ya bilang may akda ng tula. Ngunit di n'ya ginawa. Ang tula ay nilimbag isang dekada pagkatapos s'yang mabaril sa luneta; at wlang manuscript na makikita na sinulat n'ya nga ito, " Paliwanag ni Alex sa lahat.

" Ang tulang ito ay nagmula kay Saturnino Reselis, isang guro sa Laguna at kababata umano s'ya ni Rizal mismo. Ngunit si Saturnino ay di nabangit ni Rizal sa kahit ano mang sulat o sa mga diaries nya. Ang tula ay unang nilimbag sa Spanish ni Epifanio De los Santos. Kung kanino pinangalan ang EDSA ngayon," dagdag ng Propesor.

" Ilang beses binangit sa tula ang saling Kalayaan? Tanong ni Alex sa lahat.

"Dalawang beses binangit ang salitang kalayaan sa tula!" Sigaw ng payat na estudyante sa likuran na may makapal na salamin.

Pinindot ni Alex ang next slide sa hawak nyang remote ng projector. Lumiwanag ang sumunod na slide at makikita sa telon ang kabuuhan ng tula. Naka highlights din ang mga salitang kalayaan dito.

"Ok..makikita dito sa slide na tama s'ya. Dalawang beses binangit ang salitang kalayaan" Paliwanag n'ya habang nakaturo sa slide ang hawak nyang laser pointer.

"Ngunit, ang salitang Kalayaan mismo ay 'di pa ginagamit noong 19th century. 'Ni wala ngang letrang K sa alpabeto ng tagalog noon. Kundi Letrang C ang ginagamit nila," Dag-dag ni Alex habang pinindot ang next slide.

" Noong October 12, 1886. nag padala ng isang sulat si Rizal sa kapatid nitong si Paciano, habang nasa Europe ito"

Makikita sa screen ang isang original sulat na pinadala ni Rizal sa kapatid. Sulat kamay n'ya ang makikita at may lagda pa sa ilalam. Sulat nya ito sa kuya n'yang si Paciano.

" Ok, Nag karoon ng malaking problema ang twenty one years old na si Pepe habang sinasalin n'ya sa tagalog ang kwentong Wilhelm Tell ni Schiller, Isang manunulat na Aleman. Di n'ya alam kung pano isalin sa wikang Tagalog ang German word na Freiheit or liberty kaya nagtanong s'ya sa kapatid. Bukod dito, ay inamin n'ya mismo sa sulat na kay Marcelo H. del Pilar n'ya palang nalaman ang salitang Malaya o Kalayan noong isinalin ni del Pilar ang gawa nyang El Amor Patrio na nilimbag sa Dyaryong Tagalog na La Solidaridad, Si del Pilar ang Editor-in-chief nito," Paliwanag pa ng Professor.

"Prof. Alcantara, p'wede ba kayong maimbitahan ngayon din. Andito kami sa Musuem mismo. Kung gusto n'yo ay ipapasundo ko na lang kayo sa tao ko para 'di na kayo maabala. May itatanong lang kaming nga bagay," Biglang sabi ng tao sa kabilang linya ng telepono.

Nagulat si Alex. May tao pala sa kabilang linya, nakalimutan ko na. Biglang bumalik ang wisyo n'ya sa kasalukuyan. Ngunit 'di n'ya alam ang isasagot dito. Nagigimbal prin s'ya dahil sa nangyari kay Salvi.

"Prof? are you still there?" Galit na tanong ni Detective Robles.

"Yes Sir, You can fetch me here in my Apartment. I'll be ready in less than 15 minutes," Napilitang Sabi ni Alex sa Kabilang linya sabay na binigay n'ya ang kanyang address.

"Ok, Prof. Papadala ko na ang tao ko. Mag hintay kalang d'yan," Tugon ni Detective Robles.

‘Di alam ni Alex ang gagawin. Ano ang ka’ylangan ng NBI sa akin? Paulit-ulit n'yang tanong sa sarili. Baka inaakala nilang ako ang pumatay kay Salvi? Bakit ko gagawin iyon sa isang matalik na kaibigan? D s'ya mapakali sa mga maaring mangyari sa kanya sa kamay ng mga pulis at NBI.

May biglang kumatok sa pinto ni Alex. malakas at pabilis ng pabilis ang pagkatok nito. Ambilis naman ng mga pulis. Di pa ko nagbibihis. naisip n'ya.

"Sandali lang! Ito na't lalabas na ko," sigaw ni Alex na may halong inis sa walang tigil na pag katok sa pinto n'ya.

Binuksan n’ya ang pintuan at hindi s’ya makapaniwala, at nagulat sa kan’yang nakita.
 
Last edited:
Re: Wala pang Titulo

Interesting :think: keep it up sana wag tamarin ��
 
Re: Wala pang Titulo

ts maraming salamat sa obra mo... maganda ang istorya at di nakakatamad basahin ang galing mopo..
 
Re: Wala pang Titulo

Chapter 2

Wala paring kuryente sa buong gusali at hindi parin gumagana ang aircon sa loob ng office ng Curator. Katatapos lang tumawag ni Detective Robles, pinasok n’ya ang hawak na cellphone sa bulsa ng jacket sabay punas sa pawis n’ya. Makikita sa muka ng detective ang muka isang mangangaso na nakahuli ng isang malaking hayop sa isang patibong. Tinignan n’ya ang larawan na kuha ng mga taga Scene of the crime operatives. Di’ n’ya maiwasang mangimbal sa karumaldumal na sinapit nga mga biktima na nasa mga imahe na hawak n’ya. Anong klaseng tao ang may gawa nito.

“Detective Robles!” Mahinang twag ng assistant n’ya.

“Wala po tayong marecover na data sa hard drive ng CCTV. Nawala lahat ang connections no’ng nasira ang main breaker ng building,” pinakita ng agent ang CCTV file sa laptop. Walang Makita dito puro distortion signal at biglang umitim na ang video.

Tinignan ng detective ang screen ng laptop. “Naloko na!” sabay punas ng pawis gamit ang panyo.

“Matalino ang killer, alam nya ang ginagawa n’ya,” kinuha n’ya ang laptop at nag-backtrack ng mga video files na kuha ng CCTV bago pa ito mawalan ng power.

Tinignan ng assistant ang detective. “Sir, Mukang pinagpapawisan ata kayo masyado ngayon ah?” tanong ng assistant.

“Ah.. wala to Morales. Mainit kasi dito sa loob,” Sagot ni Robles habang tuloy parin sa pagpunas ng pawis.

Halos mabasa na ng pawis ang collar ng polo n’ya na may nakapatong pa na jacket. Tinignan nya ang kanyang relong Taghuer, 3:20 AM na. wala parin ang propesor na pinasundo n’ya.

“Ano na po ang balita kay Prof. Alcantara Sir?” tanong ng kasama n'ya habang nag aayos ng mga files sa laptop computer nito.

“Wala parin, ‘di parin dumarating hangang ngayon,” Sabay kapa sa cellphone sa loob ng jacket at tinignan kung may notification dito. Wala parin. Ibininalik nya ulit ito sa loob ng jacket.

Dahan-dahang lumapit si Robles sa lamesa ng Curator at umupo sa silya nito. Ninamnam n’ya ang pakiramdam ng pagiging Curator ng isang National Museum habang naka upo. Malambot ang likuran ng upuan, gawa sa mamahaling leather at foam ang upholstery nito. Matigas ang wooden frame ng upuan, gawa sa Narra. Hinimas n’ya ang mga arms ng upuan. Pulido ang pagkagawa nito, wala s’yang masabi. Ang mesa ay gawa rin sa Narra at may naka-ukit pang mga detalye sa mga poste ng mga paa nito. Mahilig ang Detective sa mga antigong kagamitan kaya alam n’ya ang value ng mga ito.

Tumayo ang detective sa silyang kinauupuan n’ya. “Iba talaga ang taste ni Dr. Saavedra sa mga gamit ano?” tanong n’ya sa kasama. Muling n'yang kinuha ang cellphone sa bulsa ng jacket n’ya upang tignan kung may notification. Ngunit Wla parin.

Napasin ng Detective ang malaking painting na nakasabit sa pader sa likuran lamang ng office table ng Curator. Hindi n’ya napansin kanina ito no’ng umuupo s’ya sa silya dahil sa madilim ang paligid. Kinuha n’ya ang flash light na nasa isa pang bulsa ng jacket at itinapat ang ilaw neto sa malaking larawan. Nakakabighani ang painting. Tila buhay na buhay ito na nakatitig sa kanya. Ngunit napansin n’yang ang taong nasa painting ay ang Curator mismo, si Dr. Saavedra. Halos hawig sila ni Rizal dahil sa hawi ng buhok nito. Nakasuot ito ng magarang barong, may madetalying burda ito; at May malaking gusali sa background ng painting, ang National Museum. Lumapit ng kunti ang detective at itinapat ang ilaw upang suriin pa ng malapitan ang painting. Maynakasabit sa leeg ng curator. Isang medalyon na may mga simbolo. May mga sikat ito ng araw halintulad sa makikita sa ating watawat, may tatsulok sa gitna na may muka ng isang tao, at may dalawang letrang naka ukit sa magkabilang dulo, C at R.

“Order of the knights of Rizal!” sigaw ni agent Morales, kita sa muka nito ang kagalakan ng taong naalala ang isang bagay na matagal nang nakalimutan. “Nalala ko na! Yan ang simbolo ng knights of Rizal; at base sa suot ni Dr. Saavedra, masasabing mataas ang katungkulan nito sa OKR.”

Nagulat ang Detective at lumingon sa assistant. “Knights of Rizal?” kumunot ang noo ni Detective Robles sa narinig. “Eh ano naman ang Ibigsabihin ng C at R sa medalyon diba dapat K at R yan?” interesadong tanong ng Detective sa assistant.

Lumapit ang assistant n’ya at tinuro ang medalyon sa painting. “Yang muka ng tao po na nasa gitna ay si Dr. Jose Rizal mismo, at yang C at R ay Caballeros de Rizal ang ibig sabihin. Orden De Caballeros De Rizal ang Spanish name ng organisayon” wika ng assistant n'ya. “Matagal nang balibalita na ang knights of Rizal ay ginawa upang itago ang isang sekreto tungkol kay Rizal,” Paliwanag pa n’ya.

“Sekreto? Ano naman ang pwedeng itago ng isang organisasyon para kay Rizal? Eh halos lahat alam ang buhay n’ya. Madami nang naglipanang mga libro tungkol sa kanya mula sa paboritong pagkain hangang sa mga babae n’ya,” wika ng detective, makikita sa muka n’ya nag pagkadismaya sa narinig mula sa assistant.

“Sabi sa mga usap-usapan may lihim na itainatago ang OKR na hindi alam ng marami at ang mga matataas lang na pinununo ng organisasyon ang pawang may alam nito. Kahit nga raw mismo ang mga myembro ay hindi alam kung ano ito. Yan ang chismis sa loob man o labas ng OKR.” Paliwanag ni agent Morales.

“Hahaha! Ano namang lihim yan Morales?” Patawang tanong ng detective. “Napapadalas ata ang panonood mo ng telebisyon ngayon ah? Hahaha!” Biro pa n’ya.

Napansin ng detective ang bust statue ni Rizal sa corner ng opisina. Nilapitan nya ito. Maganda ang pagkalilok ng estatwa. Mahusay ang kamay ng guma nito. Tinignan n’ya ang brass plate na nasa bandang ilalalim ng dibdib ni Rizal. Guellermo Tolintino. Na gulat s’ya sa nakita. Isang pamabansang alagad ng sining ang guma nito. Namangha s’ya at sa sobrang pagkamangha ay umatras s’ya ng kunti upang iwasang masagi ang estatwa.

Lumapit muli ang detective sa mesa upang buksan ang laptop. Tinignan n’ya ang e-mail n’ya. May bagong mail galing sa investatgation department.

“Yung huling dalawang biktima, kasapi rin ng Knights of Rizal. Sina Fr. Atonio Nakpil at Dr. Jose De Veyra,” itinuloy pa n’ya ang pagbabasa ng kabuan ng mail report.

“So may pattern ang killings. Lahat sila ay member ng OKR!” Tumingin s’ya sa kasama na para bagang may gawa itong kasalanan sa kanya. Tinignan ulit ng detective ang cellphone nya. Walang mensahe. Nasan na ang Propesor?

Nilatag ng detective ang talong pictures na kinunan sa crimes scenes. Una ay ang lirato ng katawan ni Dr. Nakpil. Nakakpanindig balahibo ang sinapit n’yang kamatayan.

“Grabe naman ‘tong ginawa sa biktimang si Fr. Nakpil,” wika ni Robles sa kasama. Patuloy parin s’ya sap ag-scan ng mga larawan sa laptop. “Parang hindi lang basta pinatay ang mga biktima, parang may tema pa ang kanilang pagkamatay,” konklosyon ng detective.

“Opo Sir, mukang sinadya pa mismo ng killer ang posisyon ng mga katawan ng biktima pra nag mukang masterpiece n’ya,” dag-dag pa ng assistant sa mga napansin ng detective.


“Tulad dito sa kaso ni Fr. Nakpil,” tinuro ng detective ang litrato sa screen ng laptop. Makikita ang isang katawang hubad na nakayapos sa malaking cruz sa tabi ng pulpito. “At isa pa, sino ba nmang nasa katinuan ang papatay ng isang pari!?” galit na tanong ni robles sa kasama.

“Si Fr. Nakpil ang Cura Paruko ng Dayosisan ng Quiapo.” malungkot na wika ni Morales. “Mabait na pari yang si Fr. Nakpil, parati pa ako humahabol sa mesa n’ya twing sabado.” Dag-dag pa n’ya.

“kaya nga eh. Wala namang nawalang gamit sa simbahan o maski sa gamit ng pari kaya imposibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen” wika ng detective habang patuloy sa pag-scan ng mga pictures sa laptop, sabay pahid ng pawis sa noo.
Isanara ng detective ang folder na naglalaman ng mga files tungkol sa kaso ni Fr. Nakpil at binuksan ang isa pang folder, ang file ni Dr. De Veyra. Tinignan n’ya ang mga kuha ng SOCO at pinag aralan ang mga ito.

“Oh eto, mas Malala ang nangyari sa head ng Manila Zoo, pinalapa sa mga buwaya!” nagimbal ang detective ng makita ang lusay-lusay na katawan ni Dr. Deveyra na nasa larawan.

Halos maghiwahiwalay ang katawan ni Dr. Deveyra sa tinamo n’ya mula sa mga gutom na buwaya. Di maatim ng detective ang karumaldumal na sinapit ng Doktor bago ito tuluyang namatay.

May mga masasayang ala-ala si detective Robles tungkol sa Manila Zoo. Isa ito sa dating dinarayo ng mga tao dahil sa pigging tahanan nito sa mga iba’t ibang uri ng hayop sa mundo, yung iba nga eh ditto lang sa pilipinas makikita.
“Daddy!” sigaw ng batang lalake sa nakatalikod na Ama. “Daddy, puntahan natin ang mga elepante,” masang wika ng bata sa ama.

“Sige ba, tara,” binuhat ng ama ang anak n’ya at isinakay sa likod ng kanyang leeg.
Masaya ang bata habang naglalakad ang ama at kargakarga ito. Makikita sa muka nito ang tunay na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Malalaking leon at tigre na nag papahinga sa loob ng kulungan na gawa sa bakal. Ang mga ibon naman ay walang humpay sap ag kanta. Habang ang mga unggoy ay patalon-talon mula sa mga sangga ng puno sa loob ng kulungan nila.

Biglang lumiwanag ang paligid, naibalik na ang kuryente sa buong building. Naputol bigla ang mga bagay na sinasariwa ng detective sa kanyang mga ala-ala. Naramdaman n’ya ang malamig na hangin mula sa nagbukas na aircondition. Dahan-dahang gumaan ang pakiramdam n’ya. Hindi na mainit sa loob.

“At ito namang si Dr. Saavedra ay tila ginapos ng hubo’t hubad sa isang haligi ng museum,” wika ni agent Robles.

“So, lahat sila ay konektado lang sa isang Organisasyon, Ang Knights of Rizal,” maaring hindi nagkataon ang pagkamatay ng mga ito, at ito’y sadyang isang assassination plot laban sa mga pinununo ng organisasyon” Wika ng detective sa kasama habang malalim na nag -iisip tungkol sa mga bagay na nalaman at nasaksihan n’ya ngayon. Kinapa n’ya ang cellphone sa bulsa, at tinignan ito. May mensahe s’yang natanggap mula sa mga pinadala n’ya upang sunduin ang propesor. sa Wakas.
 
Last edited:
Grabi ang ganda po ng story. Naeexcite akong malaman kung ano yung lihim na tinatago ni RizalSana mapopost po yung kasunod.
 
Last edited:
ongoing na po yung next chapter. medyo busy lang sa work and studies. :)
 
Epilogue palang ang nababasa ko. Hindi naman sa gusto kong maging KJ dito. Pero parang identical ang settings, characters at istorya ng epilogue mo TS sa prologue ng The Da Vinci code ni Dan Brown?

Kindly check it here: https://danbrown.com/wp-content/themes/danbrown/assets/db_dvc_book_excerpts.pdf

Yung setting is museum. The characters are the curator na may sikreto at ang Albino na gustong alamin kung nasaan ang sikreto na ito.

Kindly check it TS. Thanks and more power.
 
Chapter 3

May nakatayong tao sa harap ng pintuan ni Alex. Hindi pamilyar ang muka n’ya. Madilim pa ang paligid at ang maliit na bombilya lamang ang nagsisilbing liwanag upang maaninag ang muka nito. Nakasuot s’ya ng itim na leather jacket at may face mask di’ng kulay itim. Hindi ito mapakali at katok ng katok na tila nagmamadaling makapasok.

“Ave?” Gulat na tanong ni Alex sa babae na nasa harap ng pinto ng kanyang apartment.

“Ano ang ginagawa mo dito?” dag-dag pa n’ya na may halong kalituhan sa boses.

Mabilis na pumasok ang babae sabay sarado ng pinto. “Alex, don’t panic. Just listen to me closely.” Sabay lock ng pinto ng apartment.

“Bakit? Ano ba ang nangyayari?” magulumihanang tanong ni Alex.

“Hindi ko rin alam!” Sagot ng babae habang nag mamadaling sinasarado ang mga kurtina ng mga bentana’

Gulong-gulo ang utak ni Alex, hindi n’ya alam kung talaga bang totoo ang mga nagyayari o nananaginip lang ba s’ya. Maraming tanong ang bumabagabag sa utak n’ya sa mga oras na’to. Sariwa pa sa utak n’ya ang balita ng pagkapatay sa matalik n’yang kaybigan at tinuturing na Aman na si Dr. Saavedra.

“Condolence, Walang kapatawaran ang ginawa nila kay Salvi” Malungkot na pahiwatig n’ya sa babae.

Humarap ang babae kay Alex. “Mamaya na natin pag usapan yan.”

Hindi maintindihan ni Alex ang nararamdaman. Nag hahalo ang lungkot, galak, takot at pag aalala sa puso n’ya. Malungkot s’ya dahil sa karumaldumal na pag patay kay Salvi Saavedra, pero sa kabilang banda ay may kunting tuwa sa puso n’ya dahil Nakita n’ya ulet si Ave.

“Dad?” wika ng babae na nasa bungad ng pintuan.

“Ave, Anak. Halika” masayang wika ng Am n’ya, habang inaanyayahan s’yang lumapit.

Naabutan n’ya ang Ama habang may mentorship ito sa isang estudyante n’ya sa loob ng opisina. Agad na tumayo ang estudyante mula sa pagkakaupo nito sa silya at inaninag ang tao sa pintuan. Isang magandang dilag ang kanyang Nakita. Mahaba ang naka ponytail n’yang buhok na kasing itim ng uling, katamtaman ang pangangatawan at may kurba ang bewang. Kpansin-pansin din ang suot n’yang salamin na dual tone ang kulay, itim ung frame ng lens habang pink naman ang bridge neto na naka sukbit sa ibabaw ng tenga n’ya. Nakaksilaw sa puti ang ngipin n’ya na tila baga’y gawa sa mapuputing perlas. Parang nag slow motion ang paligid habang lumalakad s’ya papunta sa Ama.

“Alex, nga pala ang nag-iisa kong anak si Ave” pakilala n’ya sa estudyante.

Inabot ni Alex ang kan’yang kamay sa dalaga na may kunting kaba sa dib-dib. “Hi Ave, I’m Alexander Alcantara, but you can definitely call me Alex for short.”

Hinawakan ng dalaga ang kamay n’ya at kinamayan ito, “So you are Alex? You can call me Ave, but my full name is Marie Claire Saavedra, right Dad?” pabirong wika n’ya sabay tingin sa Ama.

Hangang ngayon Malaki ang pag tutol ni Ave sa kanyang pangalan. Marie Claire ay ang English na katumbas ng pangalang Maria Clara. Ave ang naging palayaw n’ya dahil ito ang tawag sa kanya ng halos lahat ng kanyang mga kaybigan. Hango ito kalsikong kanta na sinulat ni Franz Schubert na Ave Maria. Hindi nag laon ay naging permanent nickname na n’ya ito.

“Alex!” sabay sampal sa muka ni n’ya.

“Ah, sorry,” gulat na wika ni Alex nang maalimpungatan mula sa pagkatulala.

Napagtanto ni Alex na hindi nga s’ya nananiginip lang, totoo ang mga nangyayari. Sana panaginip nalang ang mga ito at sa pag-gising n’ya ay parang wala lang nangyari. Sana ay bumalik parin sa normal ang lahat tulad nung bago s’ya nagising kanina.

“Mag bihis ka! Kelangan natin umalis!” pa-utos na wika ni Ave.

Nagulat si Alex sa narinig. “Ha? Ano’ng sinasabi mong umalis? Tanong n’ya. “Mag kape ka muna. Tumawag sa akin ang NBI kanina, pupunta sila dito para sunduin ako. Kukunan nila ako ng statement about sa nangyari kay Salvi.” Paliwanag n’ya habang papunta sa kusina para gumawa ng kape.

“Alam ko!” tugon ni Ave.

Napatigil si Alex sabay lingon kay Ave. Ano ang ibig nyang sabihing alam n’ya? Nabigla si Alex sa sinabi ni Ave. Bakit alam n’ya? May hinala si Alex na ‘di maganda sa kanyang narinig mula kay Ave. pinaliwanag ni Ave na tumawag din sa kanya ang NBi upang ipaalam ang nagyari sa Ama n’ya. Natanong din sa kanya kung kakilala nya si Alex. Ayon sa imbistigasyon nila, ang pangalan ni Alex ay nka schedule for meeting bukas sa schedule notebook ni Dr. Saavedra. Dag-dag pa n’ya na hindi lang nila basta kukunan si Alex ng statement, kundi s’ya ay isa sa mga persons of interest. Pagkatapos marinig ito ni Alex ay mabilis s’yang umakyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto.

“Sige, Saglit lang.” wika n’ya habang nagmamdaling pumanhik sa itaas.

“Bilisan mo! Nauubos na ang oras.” Sigaw ni Ave sa kanya.

Nagmamadaling binuksan ni Alex ang pinto ng kanya’ng kwarto at mabilis na nagpalit ng damit. May nakahanger nang itim na polo shirt, kakatapos n’ya lang ito’ng plantsahin bago s’ya matulog knina. Ito dapat ang susuutin n’ya mamaya sa pagkikita nila ni Salvi. Kinuha n’ya ang kanyang bomber jacket at tumingin s’ya saglit sa wall mirror ng kwarto upang suri-in ang kanyang mukha. Gulong-gulo ang buhok n’ya at mukhang kelangan n’ya pang mag-ahit. Inayos n’ya na lang ang kanyang suot na salamin at saka nagmadaling bumaba.

Nagmamadaling lumabas ng apartment si Alex. Habang kinakandado n’ya ang pintuan ng kanyang apartment. Hinagilap n’ya ng tingin kung nasaan na si Ave. Nakita n’ya itong naka tayo sa tabi ng isang kulay blue-gray Volkswagen Convertible Beetle. Mabilis na tumakbo si Alex patungo sa sasakyan.

“Bilis Alex, Sakay!” Sigaw ni Ave mula sa malayo.

Binuksan ni Alex ang pinto ng sasakyan. “Saan ba tayo pupunta?” tanong n’ya habang pinupwesto ang sarili sa upuan at hinahanap ang seatbelt.

Binuksan ni Ave ang makina ng kotse sabay kinambyo “Mamaya ka na mag tanong. Mag seatbelt ka at kumapit ng mabuti.” Utos n’ya kay Alex.

Hinarurot ni Ave ang kotse. Ramdam ni Alex ang malamig na hangin habang tumatakbo ang convertible na Volkswagen Beetle. Ramdam n’ya ang pagiging convertible ng sasakyan dahil sa malamig na hangin at kita n’ya ang mga bituin sa langit. Tila gumaan ng kaunti ang loob ni Alex dahil sa malamig na ihip ng hangin. Ngunit hindi parin nito kayang palamigin ang init na dala ng kalungkutan dahil sa pagkawala ni Salvi. Maganda ang interior ng kotse, halatang mamahalin ito dahil sa klase ng materyales na ginamit sa loob nito. Ang upuan ay gawa malambot na leather. Hindi n’ya maiwasang maisip ang malaking pag babago ng kotse na to. Kasabay nito ay ang alala ng kanyang nasirang Ama. Ang Ama n’ya ay dating nag mamay-ari rin ng isang Volkswagen Type 1 1302.

“Pa, bakit ganito ang kotse natin kakaiba?” tanong ng batang Alex sa Ama.


“Volkswagen Beetle kasi to anak.” Masayang tugon ng Ama n’ya, habang hinahaplos ang buhok ni Alex.

Kaya tuwing makakakita si Alex ng Beetle car ay parati n’yang naaalala ang Ama. Ngunit meron di’ng kontrobersiya na nakakabit sa people’s car. Ang unang Volkswagen beetle ay inilunsad sa Alemanya noong 1938. Ang may ideya daw nito ay ang Aleman na diktador na si Adolf Hitler. Gusto ni Hitler na magkaroon ng mumurahing kotse para sa mga taga Alemanya noong panahon n’ya. Kaya inatasan ang car designer na si Ferdinand Porsche na gumawa ng design para sa sasakyan na ideya ni Hitler. Ang sasakyan di’ng ito ang ginamit ng mga matataas na opisyales ng Nazi at ito rin ang ginamit ng mga taga suporta ni Francisco Franco noong civil war sa Espanya.

Sinulyapan ni Alex ang kanyang relo upang tignan ang oras. 2:53 A.M. na ng madaling araw. Naisip n’yang halos dalawang oras lang ang natulog n’ya simulang tawagan s’ya ng NBI upang ibalita sa kanya ang sinapit ng matalik na kaybigan. May kinuha si Ave mula sa bulsa ng kanyang leather jacket at inabot ito kay Alex. Tinignan ni Alex kung ano ang bagay na inabot sa kanya. Noong kinuha lang n’ya at saka n’ya lang na kumpirma na ito ay isang I-phone. Hindi pamilyar si Alex sa ganitong klaseng telepono lalo na sa feature nitong touch screen. Ang kasalukuyang cellular phone n’ya ay lumang model na may keypad pa. Sinasabi nga ng mga kaybigan n’ya na isa s’yang Dinosaur sa kadahilanang hindi s’ya updated sa current technology, lalo na sa telepono. Katwiran ni Alex, hindi n’ya kelangan ng isang magara at touch screenna telepono para tumawag at mag text.

“Buksan mo!” Utos sa kanya ni Ave, sabay balik sa manubela. “Pindutin mo ung home button sa gitna.”

Pinindot ni Alex ang home button at tumambad sa kanya ang isang text message. Agad n’yang tinignan ang pangalan ng messenger, at ang nakalagay ay Dad. Galing ito kay Salvi. Naisip n’ya.Tinu-on n’ya ang atensyon sa pinaka laman ng mensahe. Nagulat s’ya sa mensahe na Nakita n’ya, maikli at kakaiba. Ang mensahe ay hindi normal na mensahe mula sa isang Ama. Kakaiba ang lenggwahe na ginamit. Hindi ito English, Tagalog, o Espanyol. Latin.


Consumatum est!

Ano to? Tanong ni Alex sa sarili. Tinignan ni Alex ang oras kung kelan pinadala ang text message. 11:59 P.M. no’ng gabi na sinapit ni Salvi ang kan’yang lagim. Bakit magsesend si Salvi ng ganito’ng klasing text message sa anak n’ya. Naisip ni Alex na ito ang naging huling salita ni Salvi bago s’ya malagutan ng hininga o ito ay isang huling habilin sapagkat alam ni Salvi ang kanyang sasapitin no’ng gabi na iyon kaya n’ya ito pinadala sa anak.

“Ano ang ibigsabihin n’yan?” tanong ni Ave, habang pinupunasan ang kunting luha sa mga mata nito.

Ramdam ni Alex ang kalungkutan ni Ave, ngunit ‘di n’ya maiwasan na magtaka kung bakit mag tatanong si Ave ng ganun sa kanya. Hindi lamang na ang kan’yang Ama ay isang kilalang batikan sa buhay ni Rizal, kundi halos lahat ata na nakapag aral ng subject na Rizal sa kolihiyo ay alam ang ibig sabihin ng mga salitang ito.

“Na ganap na!” Paliwanag ni Alex, na may halong pagkadismaya sa boses nito.

“Alam ko!” depensa ni Ave, sabay hampas ng kamay sa manebela. “I mean, ba’t n’ya sasabihin sa akin ‘yan?” tanong ni Ave, na may halong kalituhan sa boses nito.” Kaya nga ikaw agad ang pinuntahan ko kasi siguradong alam mo ang gusto n’yang sabihin sa akin.”

“May gusto s’yang sabihin sa akin sa huling pagkakataon.” Dag-dag pa n’ya habang pinipigilan n’yang tuluyang ma-iyak. “Pakiramdam ko meron s’yang gusto ipagawa sa akin kaya n’ya nasabi yan, at kung ano ma yun siguradong importante ito at maykinalaman sa pagkapatay sa kanya.”

May kinalaman sa pagkapatay sa kanya? Tanong ni Alex sa sarili habang nakapako ang tingin sa mensaheng nasa telepono. Bago pa man marinig ang mga putok ng baril, ay narinig muna ang sigaw ni Rizal na umalingaw-ngaw sa buong Bagumbayan. Ito ay ang mag salitang “Consumatum est” o “Naganap na” sa saling tagalog. Pagkatapos n’yang bitawan ang mahiwang huling mga salitang ito ay agad n’yang hinarap ang linya ng mga sundalong naka akmang bumaril sa kanya. Bumagsak si Rizal sa kanyang likuran na nakatingala ang ulo sa langit. Nilapitan s’ya ng isang sundalo at pinag kaloob ang “Tiro de gracia” pra masigurong patay s’ya at ‘di na magdusa pa, sabay na sumigaw ng “Viva Espanya!”. Ayon sa mga naksaksi, may isang aso na biglang tumakbo patungo sa katawan ni Rizal ang inikutan ito. Ito daw ay pinaniniwalaang isang masamang signos. Makalipas ang dalawang taon sumuko ang mga Kastila sa mga Amerikano at nag deklara si Aguinaldo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ngunit alam ni Alex na hiram lamang ni Rizal ang mga salitang ito. Ito ay ang mga salitang huling sinabi ng tinaguriang pinakamaimplwensyang tao sa kasaysayan na may mahigit isang bilyong tagasunod sa buong mundo, si Kristo.

“Kahit sa huling pagkakataon ay si Rizal parin ang naiisip n’ya.” Wika ni Ave sa katabi sa kotse habang patuloy sa pagmamaneho.

“Mukhang hindi si Rizal ang tinutukoy n’ya dito, kun’di si Kristo.” Wika ni Alex na may pag-aalinlangan sa boses.

Pinaliwanag ni Alex kay Ave na ang unang nag-bigkas ng mga salitang ito ay si Kristo. Ito ang mga huling salita n’ya bago s’ya malagutan ng hininga sa krus. Pamilayar si Alex sa huling mga salita na binitawan ni Kristo sa krus, ito kasi ang parating tema ng “Siete Palabras” ng mga katoliko tuwing kuwarisma. Ang mga katagang ito ay naka sulat sa talatang Juan, kapitolo 19 at versikulo 30.

Anong meron sa talatang iyon na gusto ipaalam sa amin ni Salvi? Tanong ni Alex sa sarili habang patuloy sa pag-iisip ng mga kataga ni Kristo. Napatingin si Alex kay Ave na parang nagugulumihanan sa mga naiisip tungkol sa mensahe ni Salvi. Patuloy na pinaliwanag ni Alex kay Ave na kung ito nga ba’y hiniram ni salvi sa bibliya at meron s’yang gusto ipakita sa kanilang nakatagong mensahe sa sitas ni Juan ano kaya ito. Wala s’yang maisip na espisyal na dahilan kung ano ang meron sa talatang iyon na kakaiba. Halos lahat naman ng bibliya ay magkakatulad ang nilalahad na nagkakaiba lamang sa pagkakasalin ng mga ito.

“Unless meron s’yang espisyal na bibliya na gusto n’yang hanapin natin ang sitas na iyon doon.” Mungkahi ni Alex ng may pagkaalinlangan.

Espisyal na bibliya? Tanong ni Ave sarili. Naaalala ni Ave na merong pinakaiingatang libro ang kanyang Ama, at ito nga ay isang bibiliya. Parati n’yang habilin sa anak kahit noong bata pa ito na wag papakialaman ng librong ito na nkalagay sa itaas na bahagi ng bookshelves cabinet nito.

“Mukhang alam ko na kung anong bibliya ang sinasabi n’ya.” Wika ni Ave na may kasiguraduhan sa boses nito, sabay kinambyo ang kotse at malakas na inapakan ang gasolinador nito.
 
Last edited:
Back
Top Bottom