Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tanong lang kayo

Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

Ts maganda po bang bumili ng japan cbu trucks recondition. ano po ang mga experience nyo sa mga recondition? thanks
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir ..ngaun lng ako maglalagay ng LED 2pcs ...ung nabibili sa Electronic shop ...ok lng ba n 400 ohms na resistor ang ilagay ko dun sa dalawang LED salamat
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

Sir tanong ko lang kung may alam po ba kayo sa pagwa-wire ng battery bale meron kasi kong 4 na 12V 12AH battery ngayon gusto ko kasing i-connect siya in such a way na kapag chinacharge siya naka-parallel yung connection niya tapos kapag gagamitin naman siya magiging series yung connection niya (bale 48V na siya). Please sir patulong po kung alam niyo po :pray:
eto gawin mo:
attachment.php

be sure na yung pang 48v na wire ay makapal. kung solid mas maganda. hindi ko na-indicate sa image, apat na heavy duty DPDT switch yan ha. yung switches, mas maganda kung mapapagtabi-tabi mo sila in line tapos kuha ka ng matigas na bagay (bakal) na pwedeng humawak dun sa lahat ng lever ng switch na pag itinaas/ibinaba mo ang isa, kasabay ang lahat. magiging parang circuit breaker style yung switch mo kumbaga dahil isang haba sya. nakataas-charge(parallel), nakababa-in use(series).

para saan ba ito, e-bike? paki-elaborate dahil maaaring kakailanganin mo ng relay switch dyan lalo na kung mataas na amperahe ang kakailanganin (start). masusunog agad lahat ng DPDT switch pag walang relay.
 

Attachments

  • 12V parallel to 48V circuit.jpg
    12V parallel to 48V circuit.jpg
    92.3 KB · Views: 99
Last edited:
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

@paranoia_rebirth Maraming salamat po sa reply sir :praise:
Opo sir para po sa e-trike namin (project study) naka-assign kasi sakin yung connection ng battery (series-parallel switching). Nagkaroon pa ng pagbabago, bale 2 sets na tig 4 na 12V DC battery na gagamitin namin. Ganito po mangyayari, yung isang set naka-series connection siya (para maging 48v) na nagsusuply sa motor habang yung isang set ng battery naman nagccharge, connected in parallel. Automatic switching yung mangyayari, example pag mahina na yung set1 magsupply ng battery automatic na magsswitch sila ng connection bale si set2 yung naging series at sinusupplyan niya si motor tapos si set1 naman naging parallel na nagccharge. May ginawa na po akong diagram sir di ko lang alam kung may mali ba sa connection medyo hirap din ako intindihin ang relay
Eto yung SET1 sir:
View attachment 146482

Eto po diagram ng SET1 sir pag nagsusupply siya ng 48v:
View attachment 146486

SET1 charging @ 12V:
View attachment 146487

Eto naman yung SET2 diagram:
View attachment 146483

SET2 supplying 48V:
View attachment 146488

SET2 charging @ 12V:
View attachment 146489

Tapos eto po yung pinaka-connection papunta sa motor at charger/generator:
View attachment 146484

12V SPDT relay po gamit ko sa diagram sa taas. Pasensya na sir kung medyo magulo diagram ko :slap:

Bale eto po mga tanong ko sir:
1. Saan po ako pwede magkabit ng fuse para ma-ensure na safe yung mga battery sa overloading?
2. Prone bang masunog yung SPDT relay ko kapag nag series connection yung mga battery?

Maraming salamat po ulit sir :praise:
 

Attachments

  • SET1.JPG
    SET1.JPG
    68.7 KB · Views: 8
  • SET2.JPG
    SET2.JPG
    76.3 KB · Views: 8
  • FULL.JPG
    FULL.JPG
    50.9 KB · Views: 8
  • SET1RUN.JPG
    SET1RUN.JPG
    77.3 KB · Views: 8
  • SET1CHR.JPG
    SET1CHR.JPG
    80 KB · Views: 5
  • SET2RUN.JPG
    SET2RUN.JPG
    71.1 KB · Views: 10
  • SET2CH.JPG
    SET2CH.JPG
    71.3 KB · Views: 8
Last edited:
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

una sa lahat mas maganda yung naisip mo na gamitan ng relay switch ang connection ng bawat batt. in that way automatic yung switching di tulad ng suggestion ko na manual. pagpasensyahan mo na rin kung yan lang ang nakayanan kong i-suggest, hindi bihasa sa auto electrical, hanggang wiring lang ng ilaw alam ko sa jeep ko eh (proud puj driver here).

unahin ko nang sagutin yung 2nd question mo. sa pagkakaalam ko sa relay switch, hindi sya magti-trigger kung hindi sakop ng boltahe nya. subalit kung sobra rin ang boltaheng pumasok para mag-trigger sa kanya ay masusunog din sya. so dapat sakto or kung kulang/sobra sa boltahe, dapat minimal lang. sa tingin ko kasi yun ang magiging problema mo pag gumamit ng relay. for instance, ang triggering voltage nung relay mo ay 12v, walang problema sa charging dahil parallel. lahat 12v and lahat magko-connect. kaso pano na pag gagamitin? 48v yung magti-tigger diba? sunog sya dun. or kung 12v din magti-trigger para mag-change connection to series, paano na yung relay sa 24v, 36v and 48v? magti-trigger sya sa unang relay pero pataas ng pataas ang boltahe sa series na pwedeng ikasunog nung 2nd, 3rd, 4th relay diba? kung 48v relay naman gagamitin mo, ok dahil yun ang max voltage, kaso paano sya magti-trigger pag charging? meron ngang DPDT na relay kaso di ko lang alam kung may relay na dual voltage. i might be wrong sa idea ko ha, sabi ko nga driver ako ng jeep. alam ko lang kasing gamitin 12v and 24v relay since yun ang kadalasan gamit sa mga jeep. syempre single voltage lang sila, ewan kung merong dual.

sa 1st question mo naman, para saan ang overloading protection? overloading ba talaga o overcharging? kung overcharging protection kelangan mo, gamit ka ng 12v voltage regulator ng kotse para once full na mga battery mo stop na rin sya. kung overloading talaga yung tinutukoy mo, lagyan mo sya sa 48v positive out nung 2 series mo. pero dapat high amp fuse since 48v sya. malamang hindi uubra ang tipong 30amp fuse ng 12v kung ilalagay mo sa 48v since magiging 7.5amp nalang yun dun sa 48v. pwede yung 12v 30amp fuse kung low ampere lang ang motor nung e-bike (less than 7amp). and lagay ka rin ng fuse sa bawat accessories (headlight, horn) na ilalagay mo sa e-bike mo kung sakali. pero syempre kelangan mo rin ng high amp stepdown converter para pwede ma-supply-an ang mga car accessories which requires 12v or dun ka kumuha ng 12v supply sa positive out ng charge.

uulitin ko, driver ako ng jeep. marami pang maaaring mag-share ng kanilang ideya lalo na yung mga talagang bihasa sa auto electrical. ako ay isang siraniko chaka bawat electrical ko garantisabog! hehehe! hindi, based on experience ko lang sa jeep yung nababanggit ko dito.
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

Maraming salamat ulit sa reply sir :salute:
Yun na nga ang problema ko sir sa automatic switching gamit ang relay baka kasi di kayanin ng relay yung voltage kapag naka-set na siya sa series connection :slap:
About sa protection sir overcharging pala tinutukoy ko :upset: haha sorry. Sige sir salamat sa idea na 12v voltage regulator ang gagamitin. Might do some research nalang about voltage regulator para maidagdag ko sa battery connection :thumbsup:
Maraming salamat ulit sir laking tulong po :salute:
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir thanks sa thread mo XLR po yung motor ko gusto ko sana matuto mag tune up at pano mo e tune sa carb na rebore na kasi yung makina to 250 at sa ka na palitan ko na rn yung carb ko di alam kung ano ang size nang carb basta mas malaki kay sa sa stock na carb, thanks in advance..
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

Ask ko lang po kung roughly mga magkano mgagastos ko ho sa pag paparehistro ng kotse? (sedan type)
pati narin po sa pag kuha ng license?
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

bos, may tanong po ako, bakit mahina kumarga motor ko, bago rectifier, wala pa 1year bat. Ko, putol narin yellow wire rectfier ko. Pero mahina parin. Ano po kaya problema nito? Thnkz
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

TS ask ko lang. anung magandang klase na LED para sa headlight ng motor?
at panu ba dikit un?

salamat TS
 
Last edited:
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

ts tanong ko lang po ano po bang mas magandang alloy rim monster po b o dbs? o baka po may maisuggest po kayo ma mas magandang alloy rim :thanks: po in advance sir
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

How many quarts of transmission
fluid does Isuzu trooper 1992 model automatic transmission. wala kasi dipstick kaya di ko ma estimate. we put 4 quarts after we changed the transmission fluid. may problema kasi kaya iniisip baka kulang ng atf fluid, pag pinatakbo ko kasi tapos gusto ko pabilisin ang takbo parang dumudulas yung accelerate tapos tumataas ang rpm at hindi ka maka overtake kasi parang pigil. ngayon ko lang napansin to kasi bago pa lang sa amin ito at kapatid ko na girl yung palage gumagamit nito. automatic transmission pala to.
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

San makikita yung Af mixture screw sa Mio soul ko.? tska panu tanggalin yung sparkplug
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

pards..

advise naman..

FURY or RAIDER r150?

ung tipid.. angas.. at mura..
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

fury sir.. mas mabilis ang rider pero mas malaki budget sa gas.

- - - Updated - - -

Sir.. or sa mga me alam jan.. owner po ako ng yamaha mio.. ano po ba ang basic tools na pwede kong bilhin pang ayos or pang kalikot sa motor ko.. kasi kung easy lang naman gawin ako nalang ang gagawa kesa naman pupunta pa ako ng shop.. matututo na ako, wala pang gastos.. salamat!
 
Last edited:
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir ask ko lang bago pa naman MC ko ngaun kelan ba ito itutune-up
honda xrm rs125,,

isa pa sir malimit ako makakita sa motor merung ilaw sa my makina ung nagbblink panu po gawin un gusto ko rin lagyan MC ko nun eh....
salamat:help::help::help:
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir kungpow papano po ung shock sa harap...kasi parang ang tigas pag umaandar...pag nalubak eh tog tog tog tog..ang tigas sa pakiramdam parang ndi naglalaro ung shock papano ba dapat gawin dito....suzuki raider 110 Motmot ko..
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

salamat.. sige.. eh kung sniper mx at fury?

anu affordable.. matipid, at d hassle sa maintenance?
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir patulong naman baka meron kau DIY hazard lights diagram, wave 100 po, meron nako materials: 2way switch, 2pin flasher relay yung nakasulat B,L,
 
Re: AUTOMECHANICs ako, wiring, engine, etc, MOTORCYCLE, tano

sir d pla iilaw yung headlight pgpinutol ung yellow na wire?
 
Back
Top Bottom