Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Bakit wala ng Bata ngayon?

Bakit wala ng Bata ngayon?

Nung kabataan mo, naaalala nyo pa ba ang mga larong eto?
Patintero
Langit-lupa
Agawan base
Teks
Dampa
Sabong ng gagamba
futbol at basebol sa kalye
BangSak
Taguan
Luksong baka at luksong tinik
Sumpit
etc etc etc...

Eto yung mga laro noong kabataan ko. Kung mapapansin mo, ang layo na ng mga laro ng kabataan ngayon,
kumpara sa laro noong bata pa ako.

Pagkagaling sa skwela, tanghali... pilit kang papatulugin ng magulang mo or yaya mo...
Gigising ka ng alas tres ng hapon, kung saan magsisimula na ang saya ng araw mo...
Sa mga oras na eto, magmemeryenda ka, madalas tinapay or bananaQ na may kasamang malamig na Sarsi.
Pagkatapos kumaen, ayan na! Lalabas kana ng bahay, kung saan makikita mo ang mga kababata mo, mga kalaro mo, babae man o lalake
na nagaantay na sayo para simulan ang napili nyong laro para sa araw na iyon.

Kung papansinin mo, ang daming bata sa kalye, lahat naglalaro, pinagpapawisan, nadudungisan, na parang ayaw ng umuwi ng bahay at gusto lang maglaro sa kalye buong araw.
Naalala ko, kapag sumitsit na ang nanay ko, automatic, may pingot ako papasok ng bahay, pero ok lang, masayang masaya ako sa paglalaro ko sa kalye.
Kahit nasugatan, narungisan, enjoy na enjoy ka padin sa paglalaro sa kalye kasama ang mga kaibigan mo.

Iba ang samahan ng mga kabataan noon, kung baga, sanggang-dikit. May kanya kanyang bansag at grupo pa ang kabataan noon. Iba gumagawa ng mga grupo tulad ng Power Ranger,
iba naman sa banda tulad ng Moffats, Backstreetboys o Spice Girls. Meron din naman solo artist, tulad ni Tarzan... dahil yung kabitbahay ko nun mahilig lumabas ng bahay ng nakabrief lang :lol:
Dahil sa mga samahan at grupo na eto, minsan pa nga e nagkakaron pa ng costumes ang mga bata noon, kanya kanyang gawa ng espada, maskara at kapa. Meron iba parang si FPJ kung makadala ng baril,
pero walang tatalo sa isa kong kapitbahay na si Rambo, daming baril na dala, may uling pa yung mukha (oh diba kapitbahay ko si Tarzan at Rambo :lol: ).

Dati, may kuryenta o wala masaya ang bata... maraming pwedeng gawin lalo na kamo kapag walang kuryente at gabi na. Dito madalas nilalaro ang Taguan. Naalala ko yung kaibigan kong si Norlan,
sa itim nya, kahit hindi na sya magtago basta gabi at walang kuryente, tatayo lang yan sa isang lugar at di mo na makikita, pwera lang kung ngingiti dahil sa puti ng ipin nya.
Isa pa sa mga nagawa ko noon, nung nauso ang flute, umaakyat ako sa puno ng mangga at doon tumutugtog. Minsan napapagkamalan akong baliw, meron naman din natutuwa at nakikikanta habang tinitugtog ko ang flute.

Pagdumataing ang summer, nakakatuwang isipin at maalala na sabay sabay pala kayo nabinyagan/natuli ng mga kalaro/kaibigan mo. Sabay sabay kayo nagsuot ng palda, nangamatis :lol:

Isa sa mga magandang karanasan ng mga kabataan noon kasama na ako ay tuwing umuulan. DIto, kanya kanyang takbo sa kalye, pwesto sa alulod kung saan babagsak ang malakas na tubig na parang shower.
Lalo na pagbumaha, kanya kanyang swimming, kanya kanyang hanap ng styro or kahoy na malaki para gawing bangka/salbabida. Minsan, kasama mo pa ang alaga mong aso maligo sa ulan at baha, masaya lang talaga :)

Ang hindi ko malilimutan noon, tuwing sasapit ang pasko. DIto, kasama ang mga kalaro at kaibigan, sabay sabay kame gumagawa ng instrumento para sa pangangaroling. Tansan, lata, stick, goma, iniipon namin,
para magmukha kameng may banda. Lahat ng bahay nililibot namin at kinakantahan, minsan pa nga ginagawa naming remix, beatbox with rap para maiba naman. Nakakaipon kame, para kinabukasan, alas tres ng hapon, may pangmeryenda kame :)

Ngayon, napapansin ko, "Bakit wala ng Bata ngayon?"

Yan ang tanong na pumapasok sa isip ko, ayon na din sa aking pansariling obserbasyon.

Kung mapapansin mo, halos wala ng batang naglalaro sa kalye tuwing hapon, makikita mo nalang ang bata sa kalye dahil nangangalakal ng basura, kahoy at plastik para kumita ng pera ng may maipangkaen sa araw na iyon...

Mapapansin mong, unti unti na o halos patay na talaga ang mga lumang laro na nabanggit ko sa itaas. Eto ay pinalitan na ng modernong teknolohiya, kung saan, kahit nasaan ka at magisa ka lang, makakapaglaro ka.

Mapapansin mong, ang laro ng bata sa computer ay nilalaro din ng matanda, ang laro ng matanda sa computer ay kaya din laruin ng bata, may larong pambata pa ba?

Mapapansin mong, halos wala ng grupo ng kabataan ang gumagaya sa mga boy band, anime, or mga superhero sa TV, bagkus, gumagawa sila ng grupo para sa kanilang
proteksyon, para mang-away ng ibang grupo.

Mapapansin mong, konti nalang ang batang tumutugtog ng instrumento sa kalye o bahay, kundi, ang hawak ng kabataan ngayon ay computer, psp or mp3 player na. Halos wala ng nagsisikap mag-aral ng musika at instrumento.

Mapapansin mong, ang mga kabataan ngayon, lalabas lang ng bahay kapag nawalan ng kuryente para magpalamig, pero yung iba, dala dala padin ang mga wireless gadget para magenjoy.

Mapapansin mong, halos wala ng naliligo sa ulan, kundi mas ikakatuwa pa nila eto, at makahiga sa kama at maglaro ng computer.

Mapapansin mong, ang kabataan sa inyong lugar lalo na yung mga mayayaman ay halos di magkakakilala, dahil hindi sila lumalabas ng bahay para maglaro, pinapanatili nalang sila sa loob para maglaro ng computer at iba pa.

Mapapansin mong, pagsasapit ang pasko, kokonti nalang ang mga batang nangangaroling, kung meron man, hindi eto nageffort gumawa ng instrumento, palakpak at mabilisang kanta nalang para mabigyan agad ng pera.

Dahil sa pagbabago ng teknolohiya, nagbago din ang ating kabataan ngayon. Masasabi nateng ang ibang aspeto neto ay nakabuti, pero ang ibang aspeto ay nakasama.

Andyan ang karahasan, riot at pagiiba ng ugali. Nakikita ko madalas ang mga ganitong bata sa loob ng mga computer shop. Kung sino pa ang bata, sya pa ang malakas magmura.

Dito na ba talaga papunta ang henerasyon ng mga kabataan ngayon? Sa modernong teknolohiya nakaasa? Subsob sa mga magagarang gadget ng buong araw? Hindi na pinapagpawasin dahil kakaen at hihiga habang hawak ang kanya kanyang gadget?

Unti unti na bang mamamatay ang mga tradisyonal na laro ng mga batang Pilipino? Kinalimutan na ba eto?

Kung ano tatanungin, ibabalik ko eto, sa paraan ng pagturo sa mga magiging anak ko sa hinaharap, ituturo ko ang mga larong kinalakihan ko... Dahil para saken, ang panahon na iyo ay ang pinakamagandang panahon para maging bata ka :)


Just sharing, thanks for reading!

-Ronell
 
4 thumbs up ksama dlwang paa! :rofl:

ayos na ayos to brod. although batang 90's ako naiintindihan ko to dahil naranasan ko to.
halos di na nga ko umuuwe ng bahay e, at tuwing umaga iinom muna ko ng dugong gamot (yung pang hikain)
para di ako atakihin ng sakit ko dati kasi palalaro ako. pero katulad nga ng sabi mo ts
although sugatan o nahirapan, worth it naman ang mga yan dahil sa sayang naidudulot nito.

naalala ko pa nung kamuntikan akong masagasaan ng kotse dahil sa larong SIPA, halos ilang beses narin ako muntik maaksidente dahil dyan hehehe.
pero at the end of the day kahit kinabahan ako still kinabukasan o sa ibang araw maglalaro parin ako nyan heheh.

sana maituro ko to sa magiging anak ko, at the age of 22 magkakababy na ko this november, sana makapaglaro sila ng pinsan nya na anak ng pinakamtanda naming kuya heheheh. Ayokong lamunin siya ng teknolohiya dahil ayoko rin hindi niya maranasang masugatan mahirapan magkaron ng kaaway na kababata niya rin.
gusto kong maranasan nya yun, ng sa ganon e alam niya na hirap muna bago sarap. para rin maging ready siya pag laki nya sa mga posibleng maging problema o kung ano man.

BTW thanks sa pag share ts! UP UP UP !:D

- - - Updated - - -

4 thumbs up ksama dlwang paa! :rofl:

ayos na ayos to brod. although batang 90's ako naiintindihan ko to dahil naranasan ko to.
halos di na nga ko umuuwe ng bahay e, at tuwing umaga iinom muna ko ng dugong gamot (yung pang hikain)
para di ako atakihin ng sakit ko dati kasi palalaro ako. pero katulad nga ng sabi mo ts
although sugatan o nahirapan, worth it naman ang mga yan dahil sa sayang naidudulot nito.

naalala ko pa nung kamuntikan akong masagasaan ng kotse dahil sa larong SIPA, halos ilang beses narin ako muntik maaksidente dahil dyan hehehe.
pero at the end of the day kahit kinabahan ako still kinabukasan o sa ibang araw maglalaro parin ako nyan heheh.

sana maituro ko to sa magiging anak ko, at the age of 22 magkakababy na ko this november, sana makapaglaro sila ng pinsan nya na anak ng pinakamtanda naming kuya heheheh. Ayokong lamunin siya ng teknolohiya dahil ayoko rin hindi niya maranasang masugatan mahirapan magkaron ng kaaway na kababata niya rin.
gusto kong maranasan nya yun, ng sa ganon e alam niya na hirap muna bago sarap. para rin maging ready siya pag laki nya sa mga posibleng maging problema o kung ano man.

BTW thanks sa pag share ts! UP UP UP !:D
 
TS ayus ang kwento mo. talagang nakakarelate ako, dahil talagang na-enjoy ko ang kabataan ko. pero napapansin ko nga na talagang wala na yung dating sigla mga street, at mga kalsada. naalala ko noon, yung street namin ang dami naming mga bata na naglalaro noon doon, iba ibsng klaseng laro ang nilalaro namin. pero ang mga bata ngayon, wala na. maaga sila nasasadlak sa mga gawaing di dapat ginagawa ng pangkaraniwang bata.

napapansin ko rin sa bunso kong kapatid ngayon. kasi, nung nasa edad nya pa ako non, talagang laman ako ng kalye samin. yung kapatid ko naman laman ng PC shop.
 
salamat sa mga bumasa. ako po ay muling nabuhay :)

ngayon, ako ay nasa US for a short period of time... napapansin ko halos walang bata sa lansangan dito... magpunta ako sa mall, puno ng bata sa mga video game shop...

obesity is one of the problem ng mga kabataan ngayon... why? due to lack of physical activities... puro video games nalang, sad but it's the ugly truth.
 
:clap: sarap bumalik sa pag kabata at kung bumalik man ako gusto ko during 90's year parin
kaya nga di ko binibilhan ng gadget mga kapatid kung bata pa kasi ayokong un ang maging mundo nila tapos di mo p mautusan ksi nakaharap lng lagi s PC or CP nila. gusto ko rin maranasan nila makipag away s ibang bata tapos mag babati rin naman pag katapos :lol: ..kahit s province kumukunti na rin ung batang nag lalaro sa labas dahil un nga umaabot n s knila ung technology at unti unti ng nagsusulputan ang mga computer shop kahit s tabi ng eskwelahan :slap:
 
:clap: sarap bumalik sa pag kabata at kung bumalik man ako gusto ko during 90's year parin
kaya nga di ko binibilhan ng gadget mga kapatid kung bata pa kasi ayokong un ang maging mundo nila tapos di mo p mautusan ksi nakaharap lng lagi s PC or CP nila. gusto ko rin maranasan nila makipag away s ibang bata tapos mag babati rin naman pag katapos :lol: ..kahit s province kumukunti na rin ung batang nag lalaro sa labas dahil un nga umaabot n s knila ung technology at unti unti ng nagsusulputan ang mga computer shop kahit s tabi ng eskwelahan :slap:

agree :)

maraming pakinabang ang paglalaro nila or pakikisalamuha nila sa ibang bata... nabibuild ang kanilang emosyon, leadership skills, communication etc...

natutunong makipagkaibigan ang mga bata

nagkakaron ng exercise etc...

kaya ako kung magkakapamilya na, papalakihin ko sila na parang 90s :)
 
90s ^_^ parte ako nyan napakasayang umakyat ng bubong at puno at duon mag foodtrip at kwentuhan kuha ng alatiris ba un? haha tapos bayabas at star apple sa kasalukuyan dun sa mga dating kanto at place namen nung 90s pa wala ka ng makikitang naglalaro dun parang ghost town na wahahaha buti yung basketball hindi nawawala halos lahat ng bata ngayon nasa computer shop wala ka ng maririnig sa labas ng minumurang bata dahil naakyat ng puno o bubong wala na rin makikitang naglalaro ng pellet gun tsaka sumpit yung bala nya ung monggo xD nakakamiss makakita ng mga batang naglalaro nyan lalo na yung jolen at turumpo pagandahan pa kame nun ng design water color,color marker tapos may thumb tax pa minsan yung tinta ng ballpen ang gamit. hanep din ang mga turumpo non gamit namen concrete nail pinapalitan namen ung pako para pag pinaikot naman kumikislap tlaga sya tawag pa nga namen sa tira na yon "highway" wahahaha pakaskas sya sa daan papuntang isang direction napakalayo nun pero makikita mo nagspark ung concrete nail pero ang pinaka top na laro nun jolen-teks matagal malaos yan taon ang binilang jan haha naalala ko elementary kame kalaban namen mga high school nakahubad pa ung mga matatanda nameng kalaro dalawa lang sila tapos kame benteng bata kawawa katawan nila samen tinatadtad ng bala ng pellet gun wahahaha may anim na building kase samen dun kame kadalasan nag babase tapos ung matanda nameng kalaro dadalawa lang sila minsan tatlo pero kawawa tlg sila hahaha baon baon sa katawan nila at pantal xD cguro mag sisimula un ng tanghali hanggang mawala liwanag tsaka lang titigil naaalala ko pa nga madame kame tinamaan na tao at naperwisyo hahaha tapos mumurahin kayong lahat mag didisperse lahat takbuhan dahil sa takot na mabarangay ngayon tepok na lahat ng klase ng laro samen
 
Last edited:
Kaya maswerte ako dahil batang 90s ako.

Ngayon kung hindi nagcocomputer at nagccp.
 
thanks sa mga comments :)
 
Tama ka dyan t.s siguro ibang henerasyon na yong mga kabataan ngayon...kesa sa dati...kasi mapapansin mo sa kanilang hilig at depende rin kasi yan sa surrounding's kung baga... ngayon malamang ang karamihan kabataan ang mga sakit highblood o yong tinatawag nilang malnores...


anyway's nakakamiss talaga yong mga eninumerate mong laro lahat yan nalaro ko na...siguro magkapareho tayo ng frequency kung baga....
 
Tama ka dyan t.s siguro ibang henerasyon na yong mga kabataan ngayon...kesa sa dati...kasi mapapansin mo sa kanilang hilig at depende rin kasi yan sa surrounding's kung baga... ngayon malamang ang karamihan kabataan ang mga sakit highblood o yong tinatawag nilang malnores...


anyway's nakakamiss talaga yong mga eninumerate mong laro lahat yan nalaro ko na...siguro magkapareho tayo ng frequency kung baga....

agree... mas prone to sa diabetes ang kabataan ngayon dahil puro pindot ang ginagawa...

oo nakakamiss ang mga laro na yon, sana pwede pa ulitin
 
salamat dito TS...
laking 80s-90s ako...tayo ata ang batch na pinakamasaya ang kabataan...
 
wow nakaka tuwa ang sulat mo TS. . relate na relate ako dyan as a batang 90's hehee nakaka miss talaga ang buhay nuon. masayang masaya ..ngayon may mga pamilya na at anak..minsan ini isip ko na sana madanasan din ng anak ko ang mga bagay na to.
 
nice one yup iba n tlga ngyn d tulad dati, darating yung point d nila alam yng mga larong yan maski tawag man lng...
 
iba talaga ang panahon natin noon sa panahon nila ngayon. Ganun talaga binago ng teknolohiya ang halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Ang masasabi ko lang ang swerte ng mga batang dinanas yung mga laro sa taas gaya ko 😂! Di gaya now, stationary na halos lahat ng laro, kaya madaming batang may sakit bata pa lang dahil kulang sa physical activities..
 
Back
Top Bottom