Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Flamingo - Chapter 8

FLAMINGO
royalty-free-flamingo-clipart-illustration-49170.jpg


Posible bang magmahal ka ng isang taong, hindi mo pa nakikita o nakikilala?
Kung ang isasagot mo ay "oo" at sasabihin mong ang diyos, eh laos na yan!
Dahil uso na ang bagong henerasyon ng pag-ibig, na natatagpuan lamang sa mga chatrooms, at social medias.

At dahil walang kinalaman ang feysbuk, google plus, at twitter sa kwento, ay magtatanong nalang ulit ako.


Gaano ba ka-sagrado ang ritwal na ginagawa bago ang pulot gata?
Yun na ba talaga ang destinasyon ng long engagement, o delayed monthly period?
Ano nga ba ang sequel ng kasal?

divorce? pwede!
annulment? corny..

Death?!

***

Chapter 1

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinigurado ko kung kailangan ko na bang mag-take ng supplement, para maalala ko ang lahat. Sa isang iglap nagsulputan lahat ng detalye ng nakaraan. Mula sa kakaibang amoy ng hangin sa bayan ng Mojaeles, hanggang humantong sa mukha ng babaeng hinding hindi ko pwedeng makalimutan habang nabubuhay.

Dinilat ko ang aking mata nasa harapan ko na si Ingrid. May kakaibang ngiti sa kanyang labi habang hawak ang dalawang cup na naglalaman ng coffee. Tatayo sana ako para tulungan sya, ngunit naunahan nya ako. Inilapag nya ang umuusok na kape sa harap ko. Nakaka-alarma ang kanyang ngiti habang inaayos ang upuan. Isang table, dalawang upuan, dalawang taong magkaharap, at isang kwentong naghihintay na mailatag.

Inilapag nya ang voice recorder sa ibabaw ng magarbong table, na binabalutan ng asul na tela. Bahagyang ipinatong ang dalawang kamay, at tska ito itinikom.

"Pwede ka nang magsimula Marcus.." si Ingrid.

"Para saan ang recorder?" usisa ko.

"Just for fun!" natatawa nyang sagot.

Kumiliti sa ilong ko ang mabango at nakakagising na amoy ng dekalidad na kape. Uminom ng bahagya bago tuluyang magsalita.

"Ilang beses kong pinag-isipan ito, pero sumagi din sa utak ko na wala namang mawawala" pauna ko.

Tahimik lang sya at walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig. Napakunot ang noo ko sa kanyang nakakairitang ugali. Wala akong nagawa kundi tuluyan nang magsalita.

"Maniniwala kaba kung sasabihin kong ikinasal na ako?" tanong ko.

Sumilip ang kanyang ngiti. "Oo, pwede! Tao ka naman, at karapatan mo yun" pilisopo nyang sagot.

"Isang beses akong ikinasal, sa magkaibang babae.." dugtong ko.

Naputol ang kanyang ngiti, at mabilis na pinalitan ng pagdududa ang kanyang mukha. Nag-aagaw ang tawa, at kyuryosidad sa kanyang isip. Batid ko sa hindi maipaliwanag nyang paggalaw.

"Paano nangyari yun?!" tanging salitang nasabi nya.

-----

Doktora si Ingrid Mercillano. Hindi nang mga nanay na nagdadalang tao. Hindi ng mga aso, at lalong hindi ng mga pekeng diploma at resibo. Isa syang Psychiatrist, at isa ako sa mga pasyente nya. Nakilala ko sya noong panahon lubog ako sa depresyon. Hindi naman ako parokyano, but somehow nagkaroon sya ng interes sa buhay ko. Madaming beses kong pinaunlakan ang ideya nyang ganito, pero katumbas din noon ang hindi ko pagsulpot. Mahigit dalawang taon na kong nakikipag hide-and-seek sa kanya, pero hindi pa din sya huminto. May gusto syang malaman ang lagi nyang dahilan.

Nagsawa din ako kakatago. Napagod na din ang daliri ko kaka-cancel ng mga tawag nya. At ngayon ang araw na nag-iba ang ihip ng hangin sa isip ko. Pumayag ako sa kagustuhan nya, bakit? Trip lang.

"Lumalamig ang kape. Tumatakbo ang oras, hanggang kailan ka makikipag-usap sa sarili?" ang biglang pasulupot nyang tanong.

Tinanggal ko ang unang butones ng suot kong polo. Dinukot ko ang kwintas na merong pendant na yari sa abaka. Bakas sa itsura nito ang nagdaang panahon, at sa likod naman ang kakaibang kwentong nakapaloob dito. Isang kwentong nais kong ihayag. Kwento ng pag-ibig na gumawa ng malalim na ukit sa puso ko. Inilapag ko ito sa ibabaw ng mesa.

"Sabihin mo nga. Naniniwala ka ba kay Ramon Revilla?" natatawa nyang tanong.

"Hindi yan anting-anting!" irita kong sagot.

"Relax Marcus! Para saan ang wooden amulet na hugis ostrich?"

"Hindi yan ostrich. Malaki masyado ang ibong yun para isabit sa leeg ko" pilosopo kong sagot.

"Hindi bird? Hindi plane?" pang-aasar nya.

"Flamingo! A big pink bird, that symbolized love!" matikas kong sagot.

Muli, pumikit ako. Sinimulan kong alalahanin ang lahat ng detalyeng natatandaan ko.

------------

Ang mga ngiti ni Sarah, ang pinakamagandang ngiting bumusog sa aking mga mata. Bumaba sya sa langit, para punan ang kulang na parte ng pagkatao ko. Hindi ko sya hiniling, pero sa isang iglap nariyan sya. Nag-krus ang aming landas noong nasa kolehiyo pa kami. Galing syang probinsya, at mag-isang nanirahan sa maynila. Nagkaroon ako ng dahilan para magsipag sa buhay. Natuto ako ng mga bagay na hindi kakikitaan sakin noon. Sa madaling salita, malaki ang pinagbago ko.

Nakatapos kami ng kolehiyo. Bitbit ang mga pangarap na nagsisimula nang lumipad, napagdesisyon naming magsama sa iisang bubong. Hindi naging mahirap ang lahat. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Walang dapat problemahin. Kahit pa ang kakapusan sa pera, hindi naging balakit sa tinatahak naming daan.

Nakahanap ako ng trabaho noong sumunod na taon. Admin assistant sa isang kompanya, hindi na masama. May sahod na pwede nang bumuhay ng pamilya. Kahit kapos sa oras, nagkakaroon pa din kami ng panahon sa isa't isa. Naging makulay ang pagsasama namin, kaya noong naka-ipon na ng pera niyaya ko na syang tapusin na ang pagiging single namin. Nagpakasal kami nung sumunod na taon. Walang magandang venue, walang audience na malakas magtake-out ng handa. Isang simpleng kasal. Isang lihim na kasal.

Pero tulad ng madalas na sinasabi ng lahat. Palaging karugtong ng kaligayahan ang kalungkutan. Iikot ang mundo, at dadaan ka sa parteng hindi nasisilayan ng araw. Hindi ko nakitang paparating ang bagyong namuo sa langit. Dalawang buwan nagkaroon sya ng karamdaman. Hindi din nagtagal.

Pumanaw si Sarah.

"Oh my!" gulat na wika ni Ingrid. Muntikan pang matabig ang iniinom na kape. Halata sa mukha ang pagkagulat ng doktora.

"As in namatay sya?!" tanong nya.

"Ay hindi! Natulog lang!" pabiro kong sagot.

"Sorry Marcus!" humugot sya ng malalim na hangin. "Gusto mo bang wag na nating ituloy ito?" tanong nya. Alam kong naapektuhan na sya sa kwento ko, at iniisip na makakasama pa sa akin kung magpatuloy.

"No, it's okay! Nasimulan ko na naman"

"Sigurado?"

"Oo."

Sa puntong yun nakitaan ko si Ingrid ng kakaibang interes. Ipinatong na nya ang siko sa limesa, at itinukod iyon sa kanyang baba. Bahagya nya pang nilapit ang kanyang ulo palapit sa akin, para marining nya ng husto ang lahat ng aking sasabihin.

"Akala ko noon ang pagkawala ni Sarah ang pinakamalaking problema ko sa buhay" pagpapatuloy ko.

"Akala ko din yun lang ang ibinigay ng diyos na pasanin sa akin, ngunit may malaki pa palang krus na naghihintay sa daan ko"

"Ano nangyari?" tanong nya.

"Kakaibang balita ang dumating sa akin noong dumalaw ako sa ahensya ng gobyerno, para kunin ang papeles na nagpapatunay na sya'y pumanaw na. At para na din mag-file ng bagong estado"

"And then?" nasasabik nyang tanong.

"Natuklasan kong ikinasal ako kay Sarah" wika ko.

"Huh?"

"Ikinasal ako sa Sarah na nabubuhay pa, at hindi yung pumanaw na"


A story inspired by the movie 3 idiots. echos!
 
Last edited:
Re: Flamingo - Chapter 7

:megaphone: huy gissssiiinnnnggggg mag update ka na :rofl:

:protest: update update update :protest:



:waiting: :laugh:
 
Re: Flamingo - Chapter 7

asan na ang otor nito?:think:

bakit wala pang update?!
 
Re: Flamingo - Chapter 7

Later po :D
 
Re: Flamingo - Chapter 7

Ayos. Maganda ung flow ng story. Madameng makakarelate. Para sa akin gusto ko yung mga ganitong tipo na tema, "kantong-kanto" ang dating at puwede mangyari ano mang oras. Sulat pa po sir.
 
Chapter 8

Sa muling pagkakataon, nilagay na naman ako sa sitwasyong may mga katanungang hindi abot ng palyado kong utak. Bakit kailangang itago sa akin ang lahat? Lalo na si Rica. Mas madali pa akong kausap kesa kay clever bot, kaya siguradong maiintindihan ko kung sasabihin nyang isa lamang syang adopted. Ang buong misteryo ay tila yelong natutunaw sa baso. Habang lumiliit ang tipak, lalong nakikita ang tubig.

Kung may buhay ang auto ginamitan na ako ng mga salitang hindi pwedeng isulat. Halos paliparin ko ang apat na gulong nito sa pagmamadali. Malalakas na busina naman ang bato ko sa mga kotseng nais kong i-over take. Galit. Yun lang ang nararamdaman ko.

"Bawal mag-park dyan.." sita ng isang lalaki nang makita akong naglalakad, limang dipa na ang layo sa kotse. Nakakapagtakang nagkaroon bigla ng harang ang dapat na dadaanan ng auto, patungo sa bahay nila Sarah.

"Sarado na ang daan sir. Saan pa ba pwede?" tanong ko.

"Ngayon lang naman sinara yan. May emergency siguro kaya hinarangan ng mga tao.. May ambulansya kasing pumasok kanina" paliwanag nya.

Hindi ko na nagawang sumagot. May punto ang sinasabi nya. Pabalik na sana ako ng kotse, nang biglang magsalita naman ang babaeng katabi lamang ng lalaking sumaway sa akin.

Napabalikwas ako ng takbo sa narinig ko. Kung kanina puno ng galit kahit ang pagmamaneho ko, sa isang iglap lang nakalimutan ko na ang dahilan. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko.

"Si Sarah na naman siguro.." wika ng babae.

Kinusot ko pang maigi ang talukap ng aking dalawang mata. Nasa pintuan ang dalawang medic. Bukas ang pinto na nagbigay daan sa aking mata para masaksihan ang kaganapan sa loob. May kung anong bigat na nagpabagal sa hakbang ng aking mga paa. Sa harap ko si Sarah. Nakahiga sa stretcher. May aparatong nakabusal sa kanyang bibig. Kahit paghinga yata napigil nang dumaan iyon sa harapan ko.

"Kamag-anak ka nya sir?" pagbasag ng isang medic.

"Oo! Asawa nya ako.." sagot ko, ngunit ang tingin ay sumusunod sa ambulansyang maghahatid kay Sarah sa hospital.

"May asawa na pala sya.. Anong pangalan nila sir?" bahagyang kumulot ang kilay ko sa sinabi nya. Ibig sabihin kilala ng lalaking ito si Sarah. Magkakilala ba talaga sila? O matagal nang pasyente si Sarah, at sila ang madalas sumusundo sa kanya. Sa dami ng iniisip ko. Nalimutan ko nang itanong kung anong nangyari.

"Marcus.. Uhm.. Fixed marriage kami. Kaya hindi ko alam ang history ng sakit nya.." pagsisinungaling ko.

"Iimbitahan na namin kayo, para maging kasama nya sa hospital.."

Sunod-sunod na tungo lang ang sinagot ko. Nasa isip kong sasakyan ko nalang ang bawat sasabihin ng doktor, para hindi sila maghinala sa akin. Mabuti nang maging kalmante. Nasa loob na ako ng isang laro, kaya ang tanging magagawa ko ay maglaro din.

Kapag dumadaan lang sa lubak, saka nagkakaroon ng ingay sa loob ng ambulansya. Hindi ko namalayang hawak ko na pala ang kamay nya. Putla ang magkabilang pisngi, at namumugto ang mga mata. Dahan-dahan kong hinawi ang piraso ng kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Tao ako, kaya normal lang makaramdam ng awa. Pero ang ipinagtataka ko, ay kung bakit ang bilis mawala ng galit ko sa kanya.

Hindi ko maitago, pero nakikita ko sa kanya si Rica noon. Sa kilos at pananalita ay halos magkapareha. Kaya ganoon na lamang siguro ako kabilis umamo kapag nakikita ko syang nahihirapan ngayon. Sa isang banda hindi ko maiwasang mainis. Ganito din ang sitwasyon namin noong sinugod na sa hospital si Rica. Wala akong ideya kung anong nangyayari. Mabilis at parang ihip lang ng hangin ng mawala sya. Sa isang kindat lang ng tadhana, isang malamig at wala nang buhay na Rica ang humarap sa akin.

Malamig ang hangin na umiikot sa loob ng kwarto. Ingay lang ng aparatong nakakairitang pakinggan ang ume-ere sa paligid. May bahagyang paggalaw sa kanyang mga mata habang ito'y nakapikit, na nakakatuwang pagmasdan.

"Meningioma.." wika ng lalaking pamilyar ang boses.

Nakapatong sa balikat ko ang kanyang kamay, habang ako'y nakatingin sa payapa nyang mukha habang natutulog.

"Matagal na po ba ang sakit nya?"

"Kung tutuusin naagapan na sana. Sadyang matigas lang ang ulo nya tulad ng kapatid nya.."

"Wala na kayong kamay na pwedeng itakip sa dami ng butas. Alam ko na po ang katotohanan.." wika ko.

"Sinisingil na ako sa mga nagawa ko.."

Inikot ko ang upuan patungo sa direksyon nya. Handa na kong marinig ang buong katotohanan. Kung anong tunay na nangyari, at kung bakit kailangang itago ang lahat. Ang tanong lang ay kung handa ba ang aking tenga sa aking mga maririnig? Naupo si Mang Fred sa gilid ng kama. Ibinaba ang salamin at inilapag iyon ng dahan-dahan.

"Sino bang mag-aakalang hindi sila magkapatid? Isang buwan palang si Rica ng iwan sya sa akin ng isang kaibigan. Isang buwan lang daw. Natuto nang maglakad si Rica, pero wala pa din kahit anino nya."

"Lumaki at napamahal na sya sa akin, kaya hindi na ako nagdalawang isip na ampunin sya. Madali din syang nakagaangan ng loob ni Sarah. Daig pa nila ang tunay na magkapatid kung pagmamasdan mo sila"

Mahaba ang kanyang introduction. Kinailangan ko pang mag-rewind ng ilang minuto bago tuluyang maintindihan na adopted nga talaga si Rica. Sinubukan kong magmukhang interesante, para ma-skip na ang alamat at malaman ko na ang dahilan ng lahat.

"Maayos ang takbo ng lahat, nang biglang guluhin ni William.."

"William? Sya ang boyfriend ni Sarah!"

"Sya ang kasintahan ni Rica.." kabig ni Mang Fred.

Wala na kong ganang magulat sa sinabi nya. Naubos na yata ang expression kong iyon, sa dami ba naman ng natuklasan ko. Sinabi nyang nagkaroon ng matinding interes si Sarah kay William dahil sa kabaitan na taglay nito. Pero huli na ang pagtatapat, nang malaman nyang sila na ni Rica. Nagkaroon ng matinding inggit at sama ng loob si Sarah sa tinuring nyang tunay na kapatid. Dumating ang panahong nasa altar na sana ang dalawa, nang biglang nawala si William.

Kahit ako'y nabibitin sa pagtulo ng luha ni Mang Fred, na kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata. Tinalo pa ng kanyang buntong hininga ang tunog ng aparatong nasa gilid ng kama. Malalim ang huli nyang pinakawalan. Ako mismo ay nadadala sa nakalulumong hitsura nya.

"Sinisingil na ako sa ginawa ko kay Rica.."

"Ano pong nangyari?"

"Isang daang libong piso lang ang halaga ng buhay ni William, para ibangon ko ang nagluluksang puso ni Sarah.."

Kusang nag-react ang aking lalamunan. Nilunok nito ang laway na kanina pa naiipon. Hindi agad ako nakapagsalita. Kriminal ang taong nasa harap ko. Anumang oras pwede akong matagpuan sa cavite, kung susubukan kong gumawa ng hakbang. Mabilis kong inikot ang aking mata sa kwarto. Walang tao sa paligid, lahat ng sinabi nya tenga ko lang ang naka-digest.

Nilakasan ko nalang ang aking loob. Hindi ako nagpakita ng takot, kahit pa hindi na butterfly ang nasa stomach ko kundi nagre-wrestling na mga daga.

"Mahal ko silang dalawa. Wala akong makitang paraan, para maayos ang kanilang samahan.."

"Kasalanan ho ang nagawa ninyo!" matapang kong sagot.

"Tama ka! Espesyal si Sarah, kaya hindi ako makakapayag na masasaktan lang sya ng isang lalaki.."

Matagal bago nasundan ang aming usapan. Parehas kaming naubusan ng script. Naglalaro sa isip ko ang pinagdaanan ni Rica, noong nawala si William. Ganoon din kay Sarah noong muntik nang matuloy ang kasal ng kanyang minamahal. Pero wala akong makitang dapat sisihin sa dalawa. Kahit si William ay nagmahal lang.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito Marcus?"

"Ang totoo ay hindi.."

"Hiniling ko kay Rica na dalhin ka dito.."

"Para saan?!"

"Hindi mo pa ba naiintindihan? Ang lahat ay para kay Sarah.."

"Tulad ng sinabi ko, sinisingil na ako sa kasalanan ko. Alam ko na ang sakit ni Rica, bago pa sya umalis dito para hanapin ang kanyang tunay na magulang. Pero huli ko nang nalaman na kahit si Sarah ay nagbabadya ding mawala sa akin."

"Pinakasalan ako ni Rica para kay Sarah?!"

Kinabahan ako sa paglapit nya sa akin. Napabalikwas ako sa inuupuan ko. Kusang sumayaw ang mga paa ko kahit wala akong ganoong talento. Pigil ang hinga ko nang dumapo sa balikat ko ang kamay nya.

"Isang buwan Marcus.. Isang buwan lang ang itatagal nya, at isang buwan lang din ang hinihiling ko.." may kakaibang takot sa boses nya.

Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Hindi ko din alam kung paano sumang-ayon. Anong mangyayari kung sakaling hindi ako pumayag? Kung pumayag din ako magagawa ko ba ang hinihiling nya sa loob ng isang buwan? Mapapasaya ko ba sya tulad ng nais ni Rica at ni Mang Fred? May isa pa..

Paano kung mahulog din ang loob ko sa kanya? Makakaya ko kayang mawala sya?


itutuloy nalang ulit :D
 
later daw oh.:D Yesterday pa to :weep: update sir :chaku:

uy! updated na pala :slap: :lmao:

Ayos. Maganda ung flow ng story. Madameng makakarelate. Para sa akin gusto ko yung mga ganitong tipo na tema, "kantong-kanto" ang dating at puwede mangyari ano mang oras. Sulat pa po sir.

alam mo naman tayo, tambay lang sa kanto :lol: salamat sa pagbasa :D

macarthur tayo :salute:

:megaphone: huy gissssiiinnnnggggg mag update ka na :rofl:

:protest: update update update :protest:



:waiting: :laugh:

updated na jef :lol:

asan na ang otor nito?:think:

bakit wala pang update?!

present! este updated! :D
 
ayun.. may update na. busy pa eh! mamaya 'to saken..:)
thank's sa update ts..
 
ay! nakalimutan ko na :lol: next week ito idol :D
 
Pre, sorry. Chapter 6 palang ako pero d ko na napigilan ndi mag reply. Gandaaaaa! Nahihiwagaan ako sa storya. Katulad ni marcus, nararamdaman ko din yung pagkalito ng isip niya. Astig! :)
 
Pre, sorry. Chapter 6 palang ako pero d ko na napigilan ndi mag reply. Gandaaaaa! Nahihiwagaan ako sa storya. Katulad ni marcus, nararamdaman ko din yung pagkalito ng isip niya. Astig! :)

salamat sa pagbasa pre :salute:


sundan ko na 'to kapag free time na ulit :D
 
San na update TS? katapusan na ng JULY!!!..



sayang namaaaannnn,,, :weep:
 
Boss Amphie! Ang galing ng kwento! Sana tuloy-tuloy ang update ng mga kwento mo
 
ngayon ko lang dinalaw ito,drop by lang sana dahil may gagawin pa ko pero nang umpisahan ko nang basahin napako ako nang wala sa oras dahil sa kakaibang twist ng kwento, nadala ako ng kwento kaya pati ako naguluhan,wait for the next chapter okay lang kahit "take your time" sulit naman ang paghihintay
 
Back
Top Bottom