Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "2. Miskol") -Update Oct/31/2014

Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "2. Miskol") -Update Oct/31/2014

FOURTEEN
Unang Serye: "Unang Nilay"

"Unang Nilay"


fourteen.jpg

FIRST POST
1. Utot
2. UtoTin
3. Jackstone
4. Sampaguita

CONTINUATION 1
5. Impyerno
6. Sampaguita Part 2
7. Kisame
8. Panaginip

CONTINUATION 2
9. Headline
10. Puwing
11. Liham
12. Liham Part 2

CONTINUATION 3
13. Time Machine
14. Ulan
15. Tinolang Manok
16. Katok

CONTINUATION 4
17. Groceries
18. Junson
19. Nutbuk
20. Tanga

CONTINUATION 5
21. Ben Tumbling
22. Utak
23. TXT
24. Kendi


______________________________________________________________________________________________________​


FOURTEEN
Ikalawang Serye: "Huling Nilay"

"Huling Nilay"



FIRST POST
1. Bakit?
2. Miskol


______________________________________________________________________________________


1. Utot
“BASTA SEKSI, ALWAYS LIBRE!” Natawa ako bigla, hindi dahil sa pamatay na SLOGAN ni Manong Driver kundi sa aking naamoy.

Biglang nangati ang ilong ko sa naamoy kung yun, di ko alam kung magtatakip ba ako ng ilong o sisikapin ko na lang na di huminga para di halata...

Sakay ako ng jeep pauwi sa tinutuluyan kong dorm, dala ko ang tatlong piraso ng itlog na maalat, limang piraso ng kamatis, at isang kilong bigas para sa aking hapunan. Mag-iisang taon na rin ako sa kolehiyo, nakakaraos naman kahit madalas ito kinakain ko..

Nangangalay na mga paa ko, halos di na lumalapat ang pwet ko sa upuan ng jeep. Sabi ni manong driver waluhan lang daw yung jip pero sampu kaming naksakay sa isang hilera. Ang taba pa ng katabi ko , dalwa tao katumbas kaya bale labing-isa na kami.. Hai..siksikan talaga.. Halo- halo ang mga amoy pero nangingibabaw pa rin ang natatanging amoy.. Alam ko utot yun. Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa, pero di ko kaya. Kinamot ko na lng kunwari ang bibig ko para matakpan ang aking pagngiti..

Parang alam ko kung sino umutot , mayroon na kong suspek… Alam ko sya yun, kanina pa sya di mapakali sa pag upo , paangat angat pa sya ng pwet, halatang may gustong ilabas.

Pero di ako natatawa dahil sa kanya, di rin ako lalo natutuwa sa amoy ng utot nya… May naalala lang talaga ako sa twing makakaamoy ako ng utot… At sa twing maaalala ko sya napapangiti ako.

Pumara na ako, malayo pa ang dorm pero parang trip ko maglakad.. Nahilo ako dun sa utot ni kuya, parang bulok na repolyo na di ko mawari… Lalanghap muna ako ng sariwang hangin, saka di ko n rin mapigilan ang pagtawa ko...Uupo muna ako sa parke, tambay muna ako at nang makapagnilay-nilay…
Naalala ko na naman sya…

Nalala ko ang utot nya, kahit ni minsan di ko yun narinig o naamoy. Naalala kita Tin...naaalala kita...

_____________________________________________________________________________________________

2. UtoTin
“Pwede ba ako umutot?”

Maliwanag ang mga katagang yun, maliwanag pa sa bukang liwayway. Ang katagang yun, ay tila ba isang susi na nagbubukas sa aking isipan patungo sa mga ala-ala ni Tin. Makulet na ala ala. Masayang ala-ala.

Yun ata yung paborito nyang sabihin. Kababata ko si Tin pero mas matanda lang sya sa kin ng isang taon.

Naalala ko pa nung nasa elementarya pa kami, twing papasok sya ng bahay papansinin nya ang sofa namin,

“Ganda naman ng sofa nyu, nkakahiyang upuan,baka kasi maututan ko. Pilo pwede ba umutot?”

“Utot well!”, sagot ko naman.

May iba din syang version ng katagang yan. Minsan habang kumakain kami ng fishball sa kanto, bigla na lng sya bubungad,

“Permission to fart sir!”. Sasakyan ko naman, “Permission granted!”. Di na kami natatawa dun.

Minsan natanong ko sya, “Umuutot ka ba talaga?”

“Bakit naaamoy mo ba?”

“Hindi eh, ala akong naaamoy.”

“Bka ala lang talagang amoy utot ko”, sabay tatawa sya.

“Kaya mo bang pigilin ang utot?” , tanong ko.

“Ako kaya ko, talent ko na ata yun, Bat mo natanong?”

“Wala! Dala lang ng kuryusidad.”

“Wag masyado curious baka yan ikakapahamak mo.”

“OK na yung mapahamak at mamatay basta madami kang natutunan.”

Biglang sumama ang ekspresyon ng mukha nya sa sinabi kong yun. Nadulas na naman ako. Nasabi ko naman ang bawal.
Sa twing mababanggit ko ang salitang kamatayan, para bang nagagalit sya. Ayaw na ayaw nya marinig yun. Yung mga bagay tungkol sa kamatayan, pagkawala, paghihiwalay. Ayoko syang tanungin kung bakit, natatakot din akong malaman.

________________________________________________________________________________________________________

3. Jackstone
“Bakla ka ba?”

Di ko makakalimutan yang tanong na yan. Yan ang tanong sa kin ng kuya ko nun nung bata pa ako.

Panu ba naman daw lagi kong kasama ay babae saka lagi kong nilalaro ay pambabae. Ewan ko ba, si Tin lang naman lagi kong kasama at kalaro , di ko naming pwedeng sabihin na no choice ako kasi nasisiyahan naman ako sa ginagawa ko. Ayaw naman kasi ni Tin ng panlalaking laro kaya tuloy halos pambabae nilalaro namin. Madami kaming trip na laruin, piko, chinese garter at yung pinakapaborito namin, Jackstone.. inaabot kami ng gabi ni Tin sa kaka-Jackstone kasi hindi ko sya matalo talo.. Magaling si Tin sa Jackstone, sabi ko nga sa kanya kung may Unibersidad lang na tumatanggap ng varsity ng jackstone, iskolar ka na. Ewan ko ba di ko rin masisisi si kuya kung pagdudahan nya yung pagkalalaki ko. Kahit siguro ibang tao sa amin ganun iniisip.

Minsan nasabi ko kay Tin ayoko ng maglaro ng mga larong pambabae kasi napagkakamalan na akong bakla. Pero magaling lang ata talaga mambara si Tin,

“Bakla ka ba?” tanong nya.

“Hindi ah!”, sagot ko.

“Di naman pala, bat mo ba iniisip ang iniisip ng iba, at kung maging bakla ka ano naman problema dun. At kung magiging bakla ka magiging masaya pa ko, magkukulutan tayo”, sabay tawa si Tin.

Pag naiisip ko yun ngayon natatawa na lang ako. Kahit papano naman di ako lumaking bakla. Di ko din kinahiya na noon naglaro ako ng piko, chinese garter at jackstone. Ewan ko ba bat ganoon yung kultura natin, lagi tayo umaayon sa dikta ng tradisyun at makalumang paniniwala sa halip na manindigan tayo sa mga bagay na ikakasiya natin at ng mga taong tumatanggap sa tin. Tama si Tin, minsan kailangan mong lumabas sa agos ng tradisyon, madalas kailangan mo baliin ang mga expectation para malaman mo kung sino ka at para malaman mo kung ano gusto mo.

Halos araw- araw kami magkasama ni Tin. Antayan kami pag uwian. Ganun lagi hanggang mag hiskul kami. Na-miss ko yung Pan de coco moment namin. Tuwing Biyernes pumupunta kami sa tabing dagat, dala dala namin ang mainit na pan de coco at malamig na sago’t gulaman. Mayaman ang ala-ala ko sa lugar na yun, dun namin malayang napapag usapan ang mga bagay bagay sa buhay namin. Minsan tinanong nya ko habang nandun kami,

“Pilo ano gusto mo sa buhay, anong pangarap mo?”

“Ako iisa lang naman gusto ko, marinig at maamoy ang utot mo!”, sabay tawa ako. Kasi naman mula noon sa araw-araw na kami ay magkasama, ni minsan di ko pa narinig o naamoy ang utot ni Tin kahit lagi syang nagbibiro tungkol dun.

Pero hindi natawa si Tin. Seryoso ata sya. Sabi nya kung gusto ko raw magtagumpay sa buhay, dapat magkaroon daw ako ng pangarap. Sa totoo lang , nung panahong yun di ko pa alam gusto ko sa buhay.

Tinanong ko sya, “ Kaw Tin, ano pangarap mo?”

Parang nalungkot ako bigla sa tanong ko. Naiisip ko kasi nasa huling taon nang hiskul si Tin at magkokolehiyo na sya, at ako ay nasa third year pa lang. BIgla sumagi sa isip ko ano magiging buhay ko na malayo na si Tin. Nasanay na kasi akong lagi syang nandyan.

Hinihintay ko sagot ni Tin. Malalim yata iniisip nya. Malayo tingin nya. Nilalaro nya ang mga buhangin sa kanyang mga palad habang nakatingin sa papalubog na araw. Bigla syang nagsalita,

“Pilo…” sambit ni Tin. Kala ko sasagutin na nya yung tanong ko.

“ Pilo, lika uwi na tayo, madilim na.”, sabay tayo ni Tin.

Tumayo na rin ako. Ayokong tingnan si Tin pero alam kong malungkot mga mata nya.

__________________________________________________________________

4. Sampaguita
“Kuya bili ka, sampu lang!”

Boses yun ng isang batang babae, habang inaabot nya sa kin ang mga kwintas ng sampaguita.

Bigla akong napukaw sa tinig nyang yun, napukaw sa malalim na pagninilay-nilay. Tumingin ako sa paligid, maliwanag na ang ilaw sa mga poste, madilim na ang paligid. Gabi na pala, di ko na namalayan.

“Kuya, sampaguita, bili ka na. Sariwa kakapitas lang.”

“Aanhin ko naman yang sampagita na yan?”, balik ko.

“Bigay mo sa gelpren mo kuya, tiyak matutuwa yun.”

“Wala akong gelpren eh, panu ba yan?”

“Bakit kuya? Bakla ka ba? Sayang pogi mo pa naman.”

Natawa ako sa sinabi nyang yun. “Ilang taon ka na ba at ang dami mo ng alam?”

“Sampu kuya!”

“Sampu? Kaya pala sampu din sampagita mo, ang mahal.”

“Kuya mura na nga yan, may VAT kasi.”

“VAT? Ano kinalamn ng VAT sa sampagita?”

“Ewan, basta sabi ng nanay ngmamahal daw lahat ng bilihin kasi may VAT, pero di ko alam kung ano ang VAT na yan.”

Napapangiti ako ng batang to. Iba na talaga ang mga bata sa henerasyon ngayon, mulat na sila sa mga bagay sa paligid nila kahit di pa nila ito maintindihan.

“Kuya bili na, bigay mo sa boypren mo kung wala ka gelpren.”

Natawa ako lalo, natutuwa akong kausap ang batang eto.

“Kuya, pwede mo rin isabit sa santo o kaya sa birhen.”

“Eh wala akong ganun, di ako katoliko eh.”

“Ganun kuya eh ano ka, Muslim?”

“Hindi rin! Born Again ako.”

“Ano yun kuya? Katoliko at Muslim lang kasi alam ko.”

Nahirapan akong sagutin ang tanong nyang yun. Nahirapan ako kasi di ko alam kung paano ko ba ipapaintindi sa kmura nyang isipan. Bigla akong nalaungkot sa narinig, minsan may mga bagay sa lipunan natin na di bukas sa mga bata, di pa minumulat sa kanila kasi wala pa daw silang pag-unawa. Kaya madalas nakakasanayan na nila kung ano dinidikta ng lipunan at sa kung anong nakikita nila sa kinalakihan nilang pamayanan. Minsan di na nila nakikita ang ibang bagay, ang ibang daan. At sa huli kahit may magmulat sa kanila nito ayaw na nila itong yakapin dahil sa mga paniniwalang itinanim ng kinalakihan nilang tradisyun na mahirap ng mabali.

“Pero kuya naniniwala ka naman sa Diyos?”, tanong nya ulit
.
“Oo naman!”, pasimple kong sagot. Pero dumating din sa punto ng buhay ko na nagdudua ako kung nandyan ba tlaga Sya. Pero kadalasan sa mga panahong yun, kung saan mo hinanahanap ang mga butas sa pagiging totoo nya ay doon mo makikita ang mga bagay na nagpapatunay na sya ay nandyan lang. Mula sa sikat ng araw, sa huni ng ibon, sa tinig ni nanay, sa mga mata ni tatay, sa mga ngiti ni Tin… Lahat yun nagpapatunay sa ideya ng Maykapal sa buhay ko.




SUNDAN SA CONTINUATION 1...

UNANG NILAY CONTINUATION | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |

HULING NILAY CONTINUATION | 1 |

_____________________________________________________
SPOILER: THE FOLLOWING LINES ARE EXCERPT FROM THE LAST PART OF THIS STORY

"Makasarili ka Tin!
Kala ko ba lalaban ka, kala ko ba lalaban tayo!
Pero ngayon nasaan ka na?"
-Pilo




__________________________________________________________________
Ang mga pangyayari at tauhan sa kuwento ay pawang kathang isip lamang. Ano man ang pagkakahalintulad
sa tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya.
Ito ay original na katha ng may-akda at pag mamay ari ng may akda. Ang pagkopya ng akda o kahit parte lang nito ay pinahihintulot naman basta't may kaukulang permiso ng may-akda. Salamat.
GENRE: Love, friendship, family, tragedy, philosopical, radical
 
Last edited:
Re: Fourteen (21st update!)

galing mo otor i love you pilo , wahaha :laugh:
 
Re: Fourteen (21st update!)

TS update please . nabasa ko na lahat e , pati yung con.5
promise TS napapaluha ako sa story mo at kiLig bwahaha :hit:
 
Re: Fourteen (21st update!)

TS update please . nabasa ko na lahat e , pati yung con.5
promise TS napapaluha ako sa story mo at kiLig bwahaha :hit:

Salamat sa pagbabasa Sir..:clap:
Try ko post ang Update ASAP... :dance:
 
Last edited:
Re: Fourteen (22nd update!)

Ayan ng update n rin ako sa wakas... :dance:
Basahin nyu n lng sa Continuation 5 yung 22nd Update....
Salamat sa mga ng aabang... :salute:
 
Re: Fourteen (22nd update!)

TY TS !! da best ka tlga .
si pilo at tin inaabangan ko , pati yung kay kat .. ty ts more update pa , kaka iyak na nkakakilig basahin :D
 
Re: Fourteen (22nd update!)

TS wala naman sa continuation 5 yung update mo e :hit:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

continuation 5



21. Ben tumbling

“dubdub-dub-dubdub! Dubdub-dub-dubdub! “

ito ang malakas na bulong ng aking puso habang papalapit na si kat sa kinaroroonan ko. Kinapa ko ang aking dibdib, parang sasabog. Ano ba itong nararamdaman ko, napadami yata ang na-inom ko na kape kanina.

Malapit na si kat, kinuha ko ang isa kong nutbuk para pantakip sa mukha ko habang sinisilip ko ng bahagya ang mga dumaraan. Ayan na si kat, sa tapat ko na. Huminto sya! Nakilala nya ba ako kahit nakatakip na ang mukha ko? Di ko makita ang mga mukha nya at tanging nasisilip ko lamang ang ibabang parte ng katawan nya, pero alam kong sya yun.

Bat sya napahinto sa may tapat ng kinauupuan ko? Nakilala nya ba ako? Makikiupo rin ba sya? Wag naman sana.

Ewan ko ba parang nasa pelikula lang, tumahimik bigla ang paligid at tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na tibok ng aking puso. Mabagal ang lahat, na tila ang oras ay naghihintay rin sa susunod na mangyayari. Nang biglang…

“atsing! Atsing!” kasunod nun ay narinig ko tunog ng singhot.

Kaya pala napahinto si kat kasi babaheng pala sya. Inamoy ko ang sarili ko bigla. Di pa naman ako ganun kabaho. Baka yung lalaking nasa harap nya ang salarin.

Nakahinga na ako ng maluwag nung nakalagpas na si kat. Bumalik na rin sa normal ang aking puso. Pero muli ko namang naalala ang assignment ko sa math. Si kat lang talaga makakatulong sa akin, tinulungan na nga ako ng tadhana at pinadaan na nya si kat.kailangang di ko sayangin ang binigay na opurtunidad.

Kailangan kausapin ko na si kat, kailangan puntahan ko sya bago pa sya tuluyang maglaho sa paningin ko. Tama na ang hiya-hiya. Siguro ay nalimutan na nya ang ngyari kanina. O kung matandaan man nya, di malaking bagay yun. Ang katangahan ay parte ng isang normal na tao.

Tama. Kakausapin ko sya.

Dali-dali akong tumindig upang habulin ang ang papalayo ng si kat. Nung halos dalawang dipa na lang ang pagitan namin ay bigla na naman akong tinamaan ng hiya. Bigla na lang naglaho ang lakas ng loob na tinipon ko kanina. Hay. Ang dami kasing tao, at di ko man lang alam ko ano sasabihin ko.

Tama. Susundan ko na lamang sya hanggang umunti na lang ang tao.

Papasok na kami ng parke at umuunti na rin ang nakakasabay naming sa paglalakad. At dumating sa punto na halos kami na lang ang laman ng makitid na daan. Bigla syang napahinto. Naku nahalata yata na sinusundan ko sya. Bigla kong naisip magtago. Ngunit saan?
Ayun sa mga may halamanan, sabay lundag ko sa mga mayayabong na halaman sa gilid ng daan. Ang ganda ng pagkakalundag ko na tila ba isang bida sa aksyon na pelikula na lumulundag papalayo sa sumasabog na granada. Sa isip-isip ko, ito na yata ang pinaka exciting na parte ng buhay ko, eto rin ang parte na gusto kong e-edit at tanggalin. Di na kasi nagiging wholesome, di na cool ika nga, nagiging komedya na. Nagmumukha na akong tanga para sa simpleng math assignment.

Nagpatuloy si kat sa paglalakad, di nya ata ako nahalata. Ayos, matagumpay ang pagtatago ko, di naman nasayang ang mala-ben tumbling (pelikula ni lito lapid) kong dive kanina. Bumalik ulit ako sa paglalakad, eto na talaga, kailangan ko na syang kausapin.

“kat! Sandali lang kat!” tawag ko sa kanya.

Bigla na naming tumahimik ang lahat at tanging naririnig ko lamang ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Huminto si kat at dahan-dahang lumingon. Tila ba kaybagal ng oras, parang isang pelikulang may slomo effect. Lumakas ang hangin at sinayaw ang mahabang buhok ni kat, kasabay ng ng mga nahuhulog na dahon ng acacia. Pakiramdam ko’y nanaginip ako.

Nasilayan ko ang ngiti ni kat. Magandang ngiti na biglang naman nyan binawi.

…. (matagal na katahimikan)

biglang tumaas ang kilay nya.

“bat mo ako sinusundan?” mataray na tanong.

“ah, eh, hindi! Hindi kita sinusundan.” nanginginig na yata ako.

Biglang humagikgik ng tawa si kat. Nangti-trip lang pala.

“joke lang paolo. Hinahanap mo ang nutbok mo no?”

“paano mo nalaman?”

“sorry paolo, di ko sinasadya nailagay ko sa bag yung nutbok mo kanina.at kanina ko lng din napansin na may sobra akong nutbok at naisip ko sayo yun.” nagmamadali kasi ako.

“oo nga eh may math assignment pa namn tayo dun.” tipid kong sagot.

“oo nga eh, uy may gagawin ka ba ngayon? Gusto mo sabay na tayo magdinner saka sabay natin sagutan ang assign kung ok lng sayo?”

“ah sige!” naubusan na yata ako ng sasabihin.

“isama natin si leah, para masaya.”

kala ko masusolo ko na si kat. Kala ko date na.

“sige, ok yun para madali natin masasagot ang assignment.”

napangiti uli si kat. Pilyang ngiti.

“bakit? “ nagtataka kong tanong.

“ sa susunod matuto kang magsuklay, at sa susunod din galingan mo ang pag-dive.” sabay tawa nya.

Napakamot na rin ako sa ulo at ngumiti na lang. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni kat papunta sa dorm nila. Doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo. Isang simpleng katangahang naglapit sa akin sa kanila.



itutuloy...



ts asan ang update dito ??
 
Re: Fourteen (22nd update!)

oo nga di ko nasave kagabi, w8 ill fix it agad... xnxa tlga...
 
Re: Fourteen (22nd update!)

ayan na- fix ko na... :)
 
Re: Fourteen (23rd update!)

na-Post ko na 23rd update sa continuation 5... :clap:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 5



21. Ben Tumbling

“Dubdub-dub-dubdub! Dubdub-dub-dubdub! “

Ito ang malakas na bulong ng aking puso habang papalapit na si Kat sa kinaroroonan ko. Kinapa ko ang aking dibdib, parang sasabog. Ano ba itong nararamdaman ko, napadami yata ang na-inom ko na kape kanina.

Malapit na si Kat, kinuha ko ang isa kong nutbuk para pantakip sa mukha ko habang sinisilip ko ng bahagya ang mga dumaraan. Ayan na si Kat, sa tapat ko na. Huminto sya! Nakilala nya ba ako kahit nakatakip na ang mukha ko? Di ko makita ang mga mukha nya at tanging nasisilip ko lamang ang ibabang parte ng katawan nya, pero alam kong sya yun.

Bat sya napahinto sa may tapat ng kinauupuan ko? Nakilala nya ba ako? Makikiupo rin ba sya? Wag naman sana.

Ewan ko ba parang nasa pelikula lang, tumahimik bigla ang paligid at tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na tibok ng aking puso. Mabagal ang lahat, na tila ang oras ay naghihintay rin sa susunod na mangyayari. Nang biglang…

“Atsing! Atsing!” Kasunod nun ay narinig ko tunog ng singhot.

Kaya pala napahinto si Kat kasi babaheng pala sya. Inamoy ko ang sarili ko bigla. Di pa naman ako ganun kabaho. Baka yung lalaking nasa harap nya ang salarin.

Nakahinga na ako ng maluwag nung nakalagpas na si Kat. Bumalik na rin sa normal ang aking puso. Pero muli ko namang naalala ang assignment ko sa math. Si Kat lang talaga makakatulong sa akin, tinulungan na nga ako ng tadhana at pinadaan na nya si Kat.Kailangang di ko sayangin ang binigay na opurtunidad.

Kailangan kausapin ko na si Kat, kailangan puntahan ko sya bago pa sya tuluyang maglaho sa paningin ko. Tama na ang hiya-hiya. Siguro ay nalimutan na nya ang ngyari kanina. O kung matandaan man nya, di malaking bagay yun. Ang katangahan ay parte ng isang normal na tao.

Tama. Kakausapin ko sya.

Dali-dali akong tumindig upang habulin ang ang papalayo ng si Kat. Nung halos dalawang dipa na lang ang pagitan namin ay bigla na naman akong tinamaan ng hiya. Bigla na lang naglaho ang lakas ng loob na tinipon ko kanina. Hay. Ang dami kasing tao, at di ko man lang alam ko ano sasabihin ko.

Tama. Susundan ko na lamang sya hanggang umunti na lang ang tao.

Papasok na kami ng parke at umuunti na rin ang nakakasabay naming sa paglalakad. At dumating sa punto na halos kami na lang ang laman ng makitid na daan. Bigla syang napahinto. Naku nahalata yata na sinusundan ko sya. Bigla kong naisip magtago. Ngunit saan?
Ayun sa mga may halamanan, sabay lundag ko sa mga mayayabong na halaman sa gilid ng daan. Ang ganda ng pagkakalundag ko na tila ba isang bida sa aksyon na pelikula na lumulundag papalayo sa sumasabog na granada. Sa isip-isip ko, ito na yata ang pinaka exciting na parte ng buhay ko, eto rin ang parte na gusto kong e-edit at tanggalin. Di na kasi nagiging wholesome, di na cool ika nga, nagiging komedya na. Nagmumukha na akong tanga para sa simpleng Math assignment.

Nagpatuloy si Kat sa paglalakad, di nya ata ako nahalata. Ayos, matagumpay ang pagtatago ko, di naman nasayang ang mala-Ben Tumbling (Pelikula ni Lito Lapid) kong dive kanina. Bumalik ulit ako sa paglalakad, eto na talaga, kailangan ko na syang kausapin.

“Kat! Sandali lang Kat!” Tawag ko sa kanya.

Bigla na naming tumahimik ang lahat at tanging naririnig ko lamang ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Huminto si Kat at dahan-dahang lumingon. Tila ba kaybagal ng oras, parang isang pelikulang may slomo effect. Lumakas ang hangin at sinayaw ang mahabang buhok ni Kat, kasabay ng ng mga nahuhulog na dahon ng Acacia. Pakiramdam ko’y nanaginip ako.

Nasilayan ko ang ngiti ni Kat. Magandang ngiti na biglang naman nyan binawi.

…. (matagal na katahimikan)

Biglang tumaas ang kilay nya.

“Bat mo ako sinusundan?” Mataray na tanong.

“Ah, eh, hindi! Hindi kita sinusundan.” Nanginginig na yata ako.

Biglang humagikgik ng tawa si Kat. Nangti-trip lang pala.

“Joke lang Paolo. Hinahanap mo ang nutbok mo no?”

“Paano mo nalaman?”

“Sorry Paolo, di ko sinasadya nailagay ko sa bag yung nutbok mo kanina.At kanina ko lng din napansin na may sobra akong nutbok at naisip ko sayo yun.” Nagmamadali kasi ako.

“Oo nga eh may math assignment pa namn tayo dun.” Tipid kong sagot.

“Oo nga eh, uy may gagawin ka ba ngayon? Gusto mo sabay na tayo magdinner saka sabay natin sagutan ang assign kung OK lng sayo?”

“Ah sige!” Naubusan na yata ako ng sasabihin.

“Isama natin si Leah, para masaya.”

Kala ko masusolo ko na si Kat. Kala ko date na.

“Sige, OK yun para madali natin masasagot ang assignment.”

Napangiti uli si Kat. Pilyang ngiti.

“Bakit? “ Nagtataka kong tanong.

“ Sa susunod matuto kang magsuklay, at sa susunod din galingan mo ang pag-dive.” Sabay tawa nya.

Napakamot na rin ako sa ulo at ngumiti na lang. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Kat papunta sa Dorm nila. Doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo. Isang simpleng katangahang naglapit sa akin sa kanila.

_____________________________________________________________________

22. Utak


“Uy! Paolo, nakatulala ka na naman!”

Pansin ni Leah habang ginugupit ang mga karton na gagamitin namin sa project nya.

“Mukhang malalim iniisip mo ah!”

“Wala! May naalala lang ako.”

“Sino na naman yan? Parang alam ko na kung sino yan.”

“Wala, naisip ko lang kaybilis ng panahon, parang dati lang nasa 1st year pa lang tayo. Di pa tayo magkakakilala.”

“Naks, ayan ka na naman. Pero di ko talaga malimutan nung una kitang makita, gulo-gulo pa ang buhok mo nun. Buti namn ngayon marunong ka na magsuklay.” :lol: Humagikgik ng tawa si Leah.

“Eh ikaw? Mataba ka pa nun!” :lmao: Gumanti din ako ng tawa.

Malaki na din ang ipinagbago ni Leah mula nung una ko syang makilala. Mula sa pagiging mataba at mukhang bata ngayoy naging magandang dilag na. Sa isang taon namin sa kolehiyo kapansin pansin ang pagbabago nila ni Kat. Madami talaga nagagawa ang oras. Madami itong napapabago, madami itong nahihilom. Ewan ko ba parang ako na lang ata ang walang pinagbago.

Pinagpatuloy namin ni Leah ang paggawa sa project nya. Halos magkasama kaming buong araw. Madali lng naman ang project kaso napapatagal dahil sa kulitan. Sakto alas-singko natapos namin ang ginagawa at nag-paalam na sya para umuwi. Magkikita na lng daw kami nina Kat mamyang alas syete para sabay maghapunan.

Pumasok ako sa kwarto ko. Medyo madilim na ang paligid gawa ng nagbabantang ulan. Ayoko ng ganitong pakiramdam, yung nakakadama ka ng pag-iisa. Nakaramdam ako ng pagod at nanunukso na rin ang malamig kong kama. Sige matutulog muna ako.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Naramdaman ko ang lamig ng paligid. Narinig ko ang kaluskos ng malakas na hangin at ulan.

“Pao, d dw tloy dinner.Laks ng uln eh. buks n lng. Ingatz. ” :)

Nagtext si Kat, di daw tuloy ang dinner. Pilit ko mang iwasan ang ganitong mga oras. bat lagi ako napapatapat. Kinuha ko ang mga libro ko upang libangin ang aking isipan. Kasi alam ko pag pinabayaan ko itong maglakbay, iisa lang ang patutunguhan nito. Sinubukan kong ituon ang isipan ko sa aking binabasa ngunit bakit wala akong maintindihan. Pati isip ko tinatalikuran ako. Bakit ba pati ang isip ko ikaw ang hinahanap? Bakit ba pati ang isip sayo bumabalik?

Sumuko na rin ako at itinabi na ang libro ko. Bakit ba minsan di mo madiktahan ang utak. Dahil ba sa mga subconscious memory nito na nasa involuntary na bahagi ng utak? Bat ba kasi walang delete at reformat command etong utak, bat puro add memories lang?

Ano naman ba tong naiisip ko. Pati utak ko pinagtritripan ko na naman. Sa bagay di ko masisi ang utak ko na hanapin ka, na balikan ka. Kasi halos animnapung na porsyento ng ala-ala ko ikaw ang laman. Akala ko pag makahanap ako ng pagkakaabalahang iba mawawala ka na. Akala ko pag nagkaroon ako ng ibang kaibigan malilimutan kita. Ngunit bakit sa twing napapg-isa ako ikaw ang binabalikan ko?

Bakit Tin?

Tin sabihin mo sa akin? Makasarili ba ako? Makasarili ba akong pilit kang kalimutan?

Makasarili ba ako dahil pilit kong iniiwasan ang kalungkutan sa tuwing maalala ka? Na pilit kong ipinapaintindi sa isipan ko na matagal mo na rin akong kinalimutan. Na wala rin namang patutunguhan ang lahat.



Tin… Sumagot ka…



Anim na buwan na akong naghihintay… Naiisip mo pa ba ako? :weep:

________________________________________________________


23. TXT

“Pilo, musta? Sa wakas naktext din ako. Musta college life?”

Halos isang buwan din at mahigit mula ng mg-umpisa ako sa kolehiyo, ng magtext sa akin si Tin. Pagkatapos nun ay lagi na kaming nag-uusap sa text. Halos nagtitiis ako sa sardinas para lang may pang-load ako. Madami kaming napag-uusapan. Mula sa mga simpleng ala-ala namin hanggang sa mga pangarap na ninanais namin. Mula sa malilit na tutubi hanggang sa mga nagliliparang eroplano. Mula sa tindera ng fishball sa kanto hanggang sa pangulo ng bansa.

Pero kahit na medyo seryoso na madalas ang pag-uusap namin, di pa rin mawala-wala ang kunting kulitan minsan. Madaming bagay na madali sabihin sa text. Madaming tanong na madaling itanong sa text. Kaso ang text ay walang emosyon. Walang musika ng damdamin ang mga salita.Ni hindi mo talaga alm kong malungkot nga ba talaga sya o kaya masaya. Ni hindi mo rin masisilayan ang ngiti nya o maririnig ang mga tawa. O kaya di mo masusulyapn na tumutulo na pala ang luha nya. Pero kahit papaano, sapat na ang salita sa text para maipabatid kung ano mang mensahe ang nais mong ihatid. Mga maiikling salita na may napakalawak ng ibig sabihin.

“Uy gndng gabi. Gawa mo pilo?”

“Katapos ko lng kain, antay ko lng txt mo. Kaw gawa mo?”

“Nanonood ako TV kaso di ko gsto plbas.Cno namn ksma mo kumain?”

“Yung bgo ko kilala. sna Leah at Kat. Nng aya sila eh.”

“Lapitin k tlga babae pilo, hehe. Bka nmn mlimutan mo n ako kc may bago ka n jn.”

“Di nmn Tin, kahit papano mas espesyal k sa kn.”

“Tlga lng pilo ah, kaw tlga, mbola k n ngayon.bka msnay ako nyan.”

“Haha tin. Di ka p ba sanay? Lagi k nmn espesyal sa kin eh. Parng espasol espesyal lng na pabotiro mo kainin dati”

“Naks bestfrend nga kita. kahit ako din may bago ng kakilala pero mas mtimbang ka pa rin pilo.”

“naku naman, baka may nanliligaw na sayo jan, di ko maipagkakaila, maganda bestfrend ko.”

“Naku pilo, 2 b honest meron na, Pero ala ako interes, ayoko pa sa gnyan.”

“kelan kasal? Imbitado ba ako?”

“Sapakin kaya kita . Anong kasal sinsabi mo eh ayaw ko p nga tumannggap ng ligaw.”

“Joke lng! Hinhanda ko lang sarili ko para di na ako mabigla pag sinabi mo yun.”

“Mtgal pa bago mngyari yun, pero don’t wori kaw gagawin kong bridesmaid ko. Haha”

“No thanks! Pwede ba flower girl na lng ako.”

“Naku sorry di ka n cute para maging flower girl, mgpastor ka na lng para kaw mgkakasal sa kin.”

“Pwede rin pero mahal sisingilin ko sayo. Kasi maarte ka eh.”

“pilo sya cge na pawala na load ko. Bukas ULit. Nyt pilo.TC”

“Cge tin mag-aaral pa din ako. Nyt.TC din.”

Halos ganyan ang takbo ng usapan namin lagi sa text. Lokohan.Asaran. Pero minsan may matino din naman. Sa araw araw naming pag uusap, di ko rin mapigilan na ngbabago na nararamdaman ko sa kanya. Pero sa hinahaba haba ng pag uusap namin, di hindi ko man lang magawang sabihin eto. Di ko alam kung takot o hiya ang pumipigil sa akin para sabihin lahat kay Tin.

Mula sa simpleng paghanga ko sa kaibigan, lumago eto sa isang espesyal na pagtingin sa kanya. Mahal ko na si Tin. Sigurado na ako dun. Pagmamahal di bilang isang simpleng tagahanga ngunit pagmamahal na ngbunga ng pangarap na makasama sya habambuhay.

Pero ang pagmamahal na itoy nakatago sa kailaliman ng aking puso, walang lakas na kumawala. Siguro itatago ko na muna ito, aantayan ko na lng lumago at maglakbay. At sa tamang oras at lugar, sya na mismo ang hahanap ng daan papunta sa puso ni Tin.





ITUTULOY...




BITIN NA NAMAN AKO ! :ranting::ranting:
MUKHANG NEXT YEAR KO NA BABASAHIN TO PARA MADAMI NG UPDATE SI TS .. :weep:
 
Re: Fourteen (24th update!- "Kendi")

24th update sa continuation 5..
Salamat :)
 
Re: Fourteen (24th update!- "Kendi")

idol ts... pa update :) ang ganda sobra :) relate ako :)
 
Re: Fourteen (24th update!- "Kendi")

Salamat sir... medyo busy p ngayon.. but ill update soon..
salamat sa pagbabasa... :yipee:

o cge idol:) ang ganda sobra ehh.. di naman talaga ako mahilig magbasa.. tapos namalayan ko ubus na pala ung episode mo :D
 
Re: Fourteen (24th update!- "Kendi")

up ko lang.. ntambakan na... ill update soon busy lang.. tnks
 
Re: Fourteen (Huling Nilay Second Update- "Miskol")

HULING NILAY 1



1. Bakit?

Tila kaybagal ng oras sa gabing ito…
Pero tila kaybilis ng panahon na lumipas. At tila ang mga ala-alang nagdaan ay parang kahapon lang. Malinaw pa ang lahat sa akin. Malinaw na ala-ala ng mga lumipas na buwan, anim na buwan.

Oo anim na buwan na kaybilis lumipas. Pero parang blanko ang ala-ala ko, di kita mahagilap. Nasaan ka ba sa mga panahong yun? Nasaan ang yung larawan, ang yung tinig, ang yung mga ngiti.. Bakit wala akong maalala Tin… Bakit?

Anim na buwan na ring wala akong naririnig sa kanya. Anim na buwan na wala akong balita. Labis na akong naguguluhan, madami akong tanong, madami akong gustong malaman.

Bago pa man dumating kami sa puntong yun ay madalas pa kami mag usap sa text. Away-bati, paulit ulit na takbo ng usapan namin. Sa panahong yun na lalo akong napalapit sa kanya, at lalo ko syang minahal. Mga simpleng bagay na madalas pag awayan namin, pero yun ang mga bagay na lalong naglapit sa amin. Nalulungkot ako pag di kami maayos, at napapangiti ako sa twing kausap sya at nagkakabiruan kami.

At di lang naman nanatili sa mga simpleng bagay ang pinag aawayan namin. Habang tumagal nagiging kumplikado ang lahat. Sadyang ang mga bagay sa mundo, pag malayo simple ang dating pero habang lumalapit nakikitang mong kumplikado pala ito.

May mga panahong halos ilang araw nya akong di kinikibo. May mga panahong sa haba ng di nya pagpaparamdam ay madalas kong isipin na unti-unti na syang nakakalimot. Dumating din sa punto na tila gusto ko na ring tumigil, na gusto ko ng sumuko. Pero madalas sa mga oras na yun, bigla naman syang magpaparamdam. At madalas din, pag narinig ko na boses nya o kya matnaggap ko mensahe nya sa cellphone, tila ba lahat ng hinanakit ko sa kanya nawawala. Na tila wala na akong iniisip na iba basta masaya ako na naalala nya ako.

Pero nung mga huli ay halos mahigit isang linggo syang di nagtetext at tumatawag. Labis ang aking pagtataka kasi ang huling mga pag uusap namin ay masasaya at wala akong nakikitang dahilan para ikatampo nya. Di nagtagal ay sumagot din sya.

Pero di gaya ng dati, maiikli na ang mga sagot nya at matumal. Halos isang buwan na ganun sya. Kung di ko itetext di sya magrereply at di na nya sinsagot ang mga tawag ko. Madalas pag tinatanong ko kung bakit sya ganun ay laging sinasagot nya ay busy lang daw sya, at wag daw akong mag isip ng kung anu-ano. Nung una ay tila naiintidihan ko pa sya, pero nung tumagal na halos pa nun pa rin sya ay nagsimula nang magulo ang aking isipan. Di ko na mawari kung ano na ba, madalas kung isumbat sa kanya kung gusto nya umiwas ay umiwas na lang sya at kung ayaw nya na akong kausap ay sabihin na alng nya. Hindi yung inuunti unti pa nya, kasi lalong masakit.

Dun nagsimulang umusbong ang samu’t saring bagay sa isip ko. Mga dahilan na di ko alam kung ano ang totoo. Mga bagay na nagdulot ng sakit sa aking damdamin. Mga bagay na nagsimulang magpaiyak sa gabi ko. At hanggang dumating ang isang araw na natanggap ko ang isang mensahe nya,

“Mggng bc muna aq pilo,d muna kta mttxt. TC lagi :)

Ito ang huling text sa akin ni Tin. Anim na buwan na ang nakakalipas at di na ito nasundan.

Kaybagal ng oras ngayong gabi. Kaybagal lalo na pag ikaw ay may inaantay. Kaytagal ko na ring inaantay ang panahong mabigyan ko ng kasagutan ang kayatagal ko ng tanong…

Bakit?

Bakit? :noidea:




_______________________________________________________________________________________




2. Miskol

“Pao! Pao! Hoy! Gising!”

Nagising ako sa tinig ng roommate ko. Nakatulog na pala ako kagabi sa kakaisip ng mga bagay… Mga bagay na di ko alam kung dapat ko pa bang isipin.

“Kanina pa nag-riring yung cellphone mo. Yung GF mo kanina pa tumatawag. Ginising na kita, baka kasi maya sugurin ka na eh! Away pa yan!“ Bungad ng roommate sabay tawa ng may pang-aasar.

Tiningnan ko sya nang nakakunot pa noo ko, habang kinakamot yung nangangati kong ulo.

“Sinong GF? Wala naman ako GF.”

Yung na lang nasambit ko. Kasi yung isip ko yata ay naiwan pa sa pagkakatulog, at di ko pa ramdam ang realidad. Unti-unting dumampi sa akin yung mga sinabi nya, at doon na lamang nagising ang aking isip. Ang katawan ko’y biglang bumalikwas upang kunin cellphone.

“GF? Pano nya nasabi yun? Si Tin. Baka si Tin. “ Isip ko.

Dali-dali kong kinuha yung cellphone na nakapatong sa study table ko.
Lumakas ang tibok ng aking puso. Lumalim ang aking paghinga. At ang kailaliman ng isip ko’y nagdarasal… Na sana si Tin na un.

[3 Missed Calls]…

Si Kat.

Si Kat pala ang tumatawag. Ang tanga ko. Bat ba si Tin yung iniisip kung tumatawag. Tulog pa ba ang diwa ko? Yung diwa kung hanggang ngayon, di ko alam bat ayaw pang gumising sa mga ala-ala ni Tin. Anim na buwan na nga syang di nagpaparamdam. Bat pa ba kasi ako umaasa.

Sa dulong parte ng aking pag-iisip ay may mga dahilang namumuo kung bakit di na sya nagpaparamdam. Pero ayukong puntahan ang parteng yun. Ayokong isipin. Bakit pa? Masasktan lang naman ako. Ayoko pang harapin ang ideyang yon. Takot pa ako. At saka wala namang paraan para mapatunayan ko ang mga iyon. At kung meron man, baka takot rin akong gawin.

Pero alam kong balang araw… kailangan ko nang harapin iyon.

Balang araw, pero di pa ngayon.

Hinawi ko yung kurtina ng aking bintana. Nasilaw ako sa liwanag mula sa labas. Ang taas na ng araw. Alas-otso ang nakrehistro sa relo ko. Madami nang tao sa labas. Buhay na buhay na ang umaga. Di tulad ng diwa at isip kong mahimbing pang natutulog.

Kinuha ko ang aking cellphone para i-text si Kat.

[Kat Bkit?]

Inilapat ko uli yung katawan ko sa aking kama. Di ko alam kung bat ganito ang pakiramdam ko.

Parang..
Parang…. Di ko alam.
Parang may kulang. Parang may gusto akong gawin. Parang may gusto akong isipin. Parang may gusto akong marinig. Parang may gusto akong makita. Parang may gusto akong kalimutan. Parang gusto kong bigla na lang lumipas ang araw na ito. Parang gusto kong bumalik ang panahon.

Parang…

Parang gusto kong matulog ulit…





ITUTULOY...
 
Last edited:
Re: Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "1. Bakit")

tgal ko n di na-update to.. pasensya busy lng... sana may ng aabang pa,,,
 
Re: Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "1. Bakit")

kailan po yung update??...ganda kasi ng story e.....nakakarelate...haha
 
Back
Top Bottom