1.)
Lie sa pambabae - Masarap po kasi mambabae. We(most of us) lie to keep our slate clean even though it really isn't. Do mind that some cheat because they are pushed by their partners to their limit. Like what? Like false accusations. Para tumigil kayo eh tototohanin na lang ng iba.
Huwag masyadong jealous girls.
Kung nambabae kami at nahuli, tanungin niyo sarili niyo kung bakit. Baka may mali sa inyo kaya nagawa namin yun.
Minsan matuto din kayo mangilatis. Babaero/habulin na nga, sasagutin niyo pa din. Ginusto niyo yan.
Lie sa ibang bagay - May gusto din kaming gawin minsan na ayaw niyo or ayaw niyo lang kami payagan like playing computer games, inuman etc. Minsan kayo din ang dahilan kung bakit kami nagsisinungaling. Minsan din daig niyo pa parents namin sa pagbabantay sa amin. Kadalasan gusto niyo KAYO KAYO KAYO LANG ang dapat buhusan namin ng oras namin at dapat 24 oras sa pagrereport. Dapat kasi parehas nakikipagsabayan sa trip. Kung ayaw mo sa trip ng partner mo o hindi mo kayang sabayan edi let go. Break na agad. Kasi kapag nagpatuloy pa eh away lang ang patutunguhan.
2.)
Ang mga babae kasi karamihan eh hindi marunong makinig at hindi marunong umunawa sa amin. Gusto niyo kasi kayo ang prinsesa o reyna na dapat pagsilbihan at palaging tama. Kaunting mali o pagkukulang lang namin eh big deal na. May oras na tama at nasa katwiran din kami, bakit kami magsosorry? Kapag hindi kayo sinuyo kami na agad mapride?
Sasabihin niyo eh "kung mahal niyo kami dapat magbigay daan na lang kayo sa amin kahit mali kami." Same question din sa inyo. Learn to respect us too.
Basta dapat patas. Alam niyo naman sa isa't isa kung sino ang tama kaya gawin ang dapat at huwag selfish.
To make this short... Kiss and make up na lang ang solution.
Hahaha!