Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Help] Legit DV235t Problem

shiveter

Recruit
Basic Member
Messages
7
Reaction score
0
Points
16
Magandang araw po! Sana po merong makatulong sa problema ko dito about DV235t. Di ko po alam ang mechanics or formats (kung meron man) dito sa forums na ito na sinusunod (kasi wala naman po akong nakita) so... that hehe.

Meron po akong Legit DV235t na working flawlessly naman for about 6 months na (mabilis naman sa side, I am getting what I paid for na 2 Mb/s a month), when suddenly just recently, biglang nawala ang connection ko. Wala naman akong unpaid balance; kakabayad ko nga lang nun eh. Wala ako nun sa place ko when the incident happened, basta ang sabi ng huling gumamit ng PC ko is habang nung umuulan ng malakas, biglang nag-"Cable Unplugged- No Connections Available" daw yung lumabas dun sa lower-left corner, and then nung nagbalik sya after being unplugged and plugged again, yung yellow triangle na lang ang natira. Naisip ko baka down lang yung basestation dito sa amin pero two days have passed, hindi pa rin bumabalik yung connection. I did some tinkering and observation kung ano talaga ang nangyayari.

I observed the following:

1. 1 LED lang ang nagb-blink at nas-stuck na lang sya dun. Sa log ng 192.168.15.1, wala namang lumalabas na error about this, pero naka-stuck lang sya sa "READY to CONNECTING" then "autoconnect ..." as dun sa nakikita ko sa log.
2. When I try to unscrew the antenna, it seems na nagiging normal yung response nya as if wala talagang antenna na nakakabit (Error Code 400 = No Channel Available)
3. Habang nangyayari yung 1 LED blink anomaly, napansin ko din na hindi na nya binabago yung signal intensity (CINR) na pinapakita nya everytime na nagt-try syang mag-reconnect. Ang ipinapakita lang nung signal intensity box (RSSI, Tx Power, Temp) eh yung pinaka-unang signal intensity na na-detect nung antenna on varied frequencies bago sya magb-blink ng 1 LED lang.
4. Over time, hindi na sumasagap ng new signal intensities yung antenna, yung pinaka-unang na-register na lang nya talagang signal intensity yung ipinapakita nya, tapos inuulit-ulit nya na lang i-flash yun dun sa signal intensity box. Nagf-flash pa rin sya nung details about that registered signal intensity kahit tinanggal ko na yung antenna (which is hindi naman dapat di ba, kase kapag tinanggal dapat yung antenna automatic mag-flash yun ng Error Code 400 tapos susubok sya na mag-reconnect ulit).

I tried to do the following:

1. I tried to downgrade the DV235t firmware to different versions, and tried to reconnect, kaso ganun pa din nangyayari.
2. I tried to use Globe MAC, and tried to reconnect, kaso (interestingly) ganun pa rin yung nangyayari.
3. I tried Recovery, kaso wala.
4. I tried to unplug the device with varying times, from long and short durations, kaso wala pa din.
5. I tried to reboot it, ilang "milyong" beses na siguro (umaasa eh hehe), kaso wala pa rin.
6. I tried calling the ******* CCS, kaso wala ka namang maririnig sa kanila kundi walang kamatayang "i-reset nyo po yung device nyo".

I suspected:

1. Baka yung mismong antenna or yung socket nung antenna from the device yung may problema, and it needs replacement.
2. (kinda stupid) Baka nabasa and something went electrically wrong.

Ano po ba talaga ang problema nito, and how to resolve this? Napakalaki pong abala nito sa akin and I need it to be fixed ASAP. Calling CCS and wait for their actions is like waiting for snow to come here at the Philippines, so kayo na po ang nilapitan ko hehe. Salamat po.
 
parehas tayo ts parang ganyan din dv ko isang led light signal lang gumagana, ngbi-blink lang sya mga 5 times siguro then mamamatay tapos iilaw ulit.. sana may fix pa.. help mga master diyan..
 
ts, based sa nabasa ko, nagreboot yung device mo habang may gumagamit di ba? and legit user ka. naka-v7 ba ang firmware mo? kung ganun nga, pwedeng remoted yan. pwedeng may ginalaw sa settings ng device mo via telnet or gui. kung ano yun, yan ang hindi natin alam dahil maraming pwedeng galawin jan para hindi magconnect.
 
Back
Top Bottom