Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Huawei Mate 9

jaylence10

Symbianize Angel
Advanced Member
Messages
2,098
Reaction score
1
Points
28
View attachment 320089

MAIN SPECIFICATIONS

Display: 5.9" FHD IPS
CPU: HiSilicon Kirin 960 (2.4GHz Octa-core)
GPU: Mali-G71
RAM: 4GB
STORAGE: 64GB
SD Card: ~256GB
Front Cam: 8MP (f/1.9 aperture)
Rear Cam: 12MP Leica sensor + 20MP Monochrome sensor
Battery: 4000mAh
USB connector: USB Type-C
OS: Android Nougat with EMUI 5.0
Date released: November 2016

**Price Range: Php 24,000 ~ 25,000 (or 800/mo. for 30mos. from Smart

SOFTWARE UPDATES

Use this link to check for available firmware updates: http://hwmt.ru/hwmtsite/firmware-database/?firmware_model=MHA-L29C636&firmware_page=0

Or this app: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.teammt.gmanrainy.huaweifirmwarefinder


UPDATING FIRMWARE USING FIRMWARE FINDER

Default OS version upon purchase: MHA-L29C36B180 - EMUI 5.0
Update version: MHA-L29C636B181 - EMUI 5.0 (Signed and authorized for OTA update using Firmware Finder).
Update versions: MHA-L29C636B183; B187; & B188 - EMUI 5.0 (These versions are still unsigned and can't be installed using Firmware Finder)

Requirements:
1. Download and install Firmware Finder app from google playstore.

Procedures:

1. Launch Firmware Finder app.
2. Pindutin yung parang refresh button sa may lower right para lumabas yung mga available firmwares.
2. Sa Settings ng Firmware Finder, enable "Use Proxy for Install". Mag i-install pa sya ng additional app, ang Firmware Finder Proxy app.
3. Kapag tapos nang ma-install, Open Firmware Finder Proxy app. Take note nyo ang instructions.
3.1) Open Phone Settings app:
---> Settings ---> Wifi ---> Long press nyo yung Wifi SSID kung saan kayo connected ---> Modify network ---> show advance options ---> Set Proxy to "Manual"

Sa proxy settings, input nyo ang mga sumusunod:
Proxy hostname: localhost
Proxy port: 8080
Bypass proxy for: localhost

3.2) Save

4. After nyan pwede na kayong bumalik sa software updater para i-check kung may available firmware.

Note:
Para i-check kung pwede i-install yung firmwares sa Firmware Finder, click nyo lang yung gusto nyong firmware. Sa options "check firmware access".
Pag lumabas "not authorized" hindi sya pwede i-install.


View attachment 320311 View attachment 320312


FIRMWARE MANUAL UPDATE USING HWOTA METHOD

Requirements:

1. Unlocked bootloader
2. ADB/Fastboot with appropriate drivers installed sa computer

Procedures:

1. Download latest MHA-L29C636 firmware (Piliin ang FullOTA-MF)

http://hwmt.ru/hwmtsite/firmware-database/?firmware_model=MHA-L29C636&firmware_page=0

Kailangan natin ang 3 files para magawa natin ang firmware manual update gamit ang HWOTA method.

Sa napili nyong firmware version, pindutin ang "filelist".
Magbubukas yan ng panibagong tab sa browser. Kapag pinindot nyo yung address bar ng bagong bukas na tab, mapapansin nyo nyo pinakadulo ng address na "filelist.xml".
Para ma-download natin yung mga kailangang files, kailangan natin palitan yung "filelist.xml" na extension sa address.

1.a) update.zip
--> para ma-download ang update.zip, palitan ang "filelist.xml" extension sa url ng "update.zip".
--> Pindutin ang Enter para magsimulang mag-download

1.b) update_data_full_public.zip
--> para ma-download ang update_data_full_public.zip, palitan ang "filelist.xml" extension sa url ng "public/update_data_full_public.zip".
--> Pindutin ang ENTER para magsimulang mag-download.

--> Rename nyo yung downloaded file update_data_full_public.zip to update_data_public.zip

1.c) update_full_MHA-L29_hw_spcseas.zip
--> para ma-download ang update_full_MHA-L29_hw_spcseas.zip, palitan ang "filelist.xml" extension sa url ng "MHA-L29_hw_spcseas/MHA-L29_hw_spcseas.zip".
--> Pindutin ang ENTER para magsimulang mag-download.

--> Rename nyo yung downloaded file update_full_MHA-L29_hw_spcseas.zip to update_all_hw.zip


OR

Pwede nyo rin I-download yang 3 files gamit ang Firmware Finder app. Piliin nyo lang yung version na gusto nyo, pindutin ang DOWNLOAD tapos lagyan ng check yung 3 Files. Pagkatapos ng download, check nyo yung filenames kung pareho dun sa required filenames sa itaas. Kung hindi, rename nyo.

2. I-konekta ang CP sa computer gamit ang usb cable. Sa pinaka-root directory ng Micro-SD card, gumawa ng bagong folder na may pangalang HWOTA.

3. Kopyahin ang dinownload na 3 Files papunta sa loob ng HWOTA folder sa Micro-SD Card.

4. Kapag tapos nang kopyahin ang mga files, tanggalin sa pagkakasaksak ang CP sa computer. I-power OFF ang phone.
--> Kapag naka-OFF na ang phone, mag-reboot sa fastboot/bootloader mode (Gawin ang nasa ibaba).
--> Fastboot/Bootloader Mode = Isaksak ang CP sa computer gamit ang USB Cable habang pinipindot ng matagal ang Volume Down.

5. I-download ang Mate 9 Updater Tool at I-extract ang downloaded file (HWOTA folder) sa desktop ng inyong computer o kahit saang directory na gusto nyo na madaling mahanap.

--> Mate 9 Updater Tool: https://mega.nz/#!CxNgyTDC!aG3jgSzjumDfxveOsGb-OOtAHkp6qJOGTsvT8l1PmHo

6. Buksan ang bagong extract na HWOTA Folder at I-run ang update.bat as administrator.

7. May lalabas na command prompt window at sasabihing magreboot kayo sa fastboot mode. Pindutin lang ang Enter kasi nasa fastboot mode ang phone nyo.

8. Papalitan ng tool na yan ang Stock Recovery image ng Mate 9 nyo ng TWRP Custom Recovery.
--> Kapag tapos na yung pag execute ng .bat file, tanggalin sa pagkakasaksak ang phone.
--> Pindutin ng matagal ang Power Button para mag-OFF ang phone.
--> Magkasabay na pindutin ang Volum Up + Power Button ng ilang segundo para magreboot sa TWRP Recovery Mode.

9. Kapag nasa TWRP Mode na, isaksak ulit ang phone sa computer gamit ang usb cable. Maghintay ng ilang segundo at pindutin ang Entery Key ng dalawang beses.

10. Kapag humingi ng Update Source, isulat ang 1 at pindutin ang Enter.
Kapag huming ulit ng update type selection, isulat ang 1 at pindutin ang Enter nang 2 beses.


Kusang magre-restart ang phone para simulan ang pag-install ng update.
Hintaying matapos ang installation.
 

Attachments

  • images.jpg
    images.jpg
    14.3 KB · Views: 5
  • OTA.png
    OTA.png
    110.8 KB · Views: 16
  • OTA_changelog.png
    OTA_changelog.png
    149 KB · Views: 18
Last edited:
Update:

Failed ang B187, unauthorized pa. Ibig sabihin hindi pa sya signed ni huawei.
Pwede pa rin naman i-install gamit ang manual update.
Pero medyo matrabaho kaya di ko muna gagawin.

Ang susubukan ko ay ang B181, dahil nung nagcheck ako, authorized na ang B181.

Edit: SUCCESSFUL ang pag update sa B181.
 
Last edited:
Enabling Text (Font) Style and Adding Fonts

Kung pupunta kayo sa:

SETTINGS > DISPLAY

Mapapansin na walang options para magpalit ang Font Style.
Yun ay dahil naka-disable yung option.

PROCEDURES:

1. Download adb/fastboot files

https://mega.nz/#!95020b5K!ioZjt7E5w_Mhmn-yK-aqepgM3ZUWFF_t4c2BmEpXpnU

2. Ikonekta si Huawei Mate 9 sa computer.
3. Extract nyo yung downloaded adb files (preferably sa desktop ng inyong computer). Open adb folder. Habang hawak ang Shift Key, mag Right Click (Mouse) kayo sa kahit saang bakanteng area sa loob ng adb folder. Select "OPEN COMMAND WINDOW HERE"
4. Command window, type nyo ito para malaman natin kung recognized si Huawei Mate 9.

code:

adb devices

dapat ganito ang makukuha nyong sagot:

xxxxxxxxxx device

5. Type nyo ang sunod na code para enable ang Text Style option sa Settings:

code:

adb shell settings put system hw_hide_font_style false

6. Reboot

code:

adb reboot

or simply gamitin ang power button para mag-reboot.

7. Balik kayo sa: SETTINGS > DISPLAY. Dapat makikita nyo na ang options na TEXT STYLE

8. Para sa mga downloadable font styles, refer kayo sa link sa ibaba. Nandun na rin ang procedures kung pano mag-install ng font.

https://forum.xda-developers.com/mate-8/themes-apps/noroot-font-styles-updated-02-09-16-t3453559


View attachment 321249 View attachment 321250 View attachment 321251
 

Attachments

  • Settings.png
    Settings.png
    143.2 KB · Views: 12
  • Display.png
    Display.png
    150.6 KB · Views: 10
  • Text Style.png
    Text Style.png
    318.4 KB · Views: 13
Last edited:
Sir. Pang mate 8 naman yun.gagana kaya yan sa mate 9??? By the way. Ako nag downgrade from b183 to b172.. lag sakin sa b183, pinaka smooth sakin b172 eh
 
Sir. Pang mate 8 naman yun.gagana kaya yan sa mate 9??? By the way. Ako nag downgrade from b183 to b172.. lag sakin sa b183, pinaka smooth sakin b172 eh

Yes sir. Gamit ko yan ngayon sa Mate 9 ko.
B181 gamit ko ngayon. Walang problema sakin.
May bago, 187 at 188 kaso may bug sa Raw Setting ng camera.
 
Nga pala.. may way kaya sa adb na mabalik yung na off na notification ng data?? Like kung 2g lang or 3g or 4g or lte??? Dati kasi ok eh. Pero ngayun. Lalabas lang sya oag naka data on.. hehehe
Saka after ko ma dl ang font?? Panu sya palalabasin???
 
Last edited:
Nga pala.. may way kaya sa adb na mabalik yung na off na notification ng data?? Like kung 2g lang or 3g or 4g or lte??? Dati kasi ok eh. Pero ngayun. Lalabas lang sya oag naka data on.. hehehe

Di yata kaya ng adb ang ganun. Pagkakaalam ko kasi si systemUI.apk ang naghahandle sa mga display sa status bar.

Wala ba sa B172? Sa B181 kasi meron.
 
Kahit sa 183 wala na din naman ah??? Saka nga lang sya lalabas pag naka on ang data. Di gaya dati sa 158 yata yun. Or 13xx... Alam mo agad ang internet access sa lugar kasi nakalagay 2g 3g or 4g kahit di mo i open ang data..

Nga pala.. root ba phone mo???
 
Kahit sa 183 wala na din naman ah??? Saka nga lang sya lalabas pag naka on ang data. Di gaya dati sa 158 yata yun. Or 13xx... Alam mo agad ang internet access sa lugar kasi nakalagay 2g 3g or 4g kahit di mo i open ang data..

Nga pala.. root ba phone mo???

Ay oo nga. Wala na pala. Lalabas lang yung network mode icons pag naka-enable ang data.

Nope. Hindi pa ako rooted.
 
same pala tayu.. hahaha.. nakaka tamad mag re install ng apps eh :D
 
same pala tayu.. hahaha.. nakaka tamad mag re install ng apps eh :D

Gustong gusto ko na nga sana subukan yung B188 gamit ang HWOTA method kahit may bug sa camera. Kaya lang kailangan pa mag unlock ng bootloader. Marereformat ang phone pag nag unlock ng bootloader.
 
pm nio naman ako if magkano price ng mate 9 ? ang hirap kase maghanap sa mall ng mate 9, sobrang limited lang ng pagpipilian or available huawei phones dito ph
 
May Oreo na ang Mate 9 :excited:

Android Version: 8.0.0
EMUI Version: 8.0.0

Sa palagay ko Beta Version pa lang 'to.
So far, okay naman ang lahat.

Screenshots:

View attachment 330922 View attachment 330923

Susubukan kong I-upload ang buong update files sa Mega Drive kung kakayanin ng connection ko.
 

Attachments

  • Screenshot_20171114-120757.png
    Screenshot_20171114-120757.png
    137.6 KB · Views: 8
  • Screenshot_20171114-121022.png
    Screenshot_20171114-121022.png
    160.5 KB · Views: 8
Last edited:
nag beta ka din bossing???

Oo boss, naging smooth lalo si Mate 9 ko.
Kaso nga lang nganga ako dun sa files ko. Nakalimutan ko magbackup bago mag unlock ng bootloader. Ayun bura lahat kasi automatic factory reset pag nag-unlock ng bootloader.

Pero sulit naman ang pag-update sa oreo beta.

Yung official oreo para kay Mate 9, siguro baka after na ma-release si Mate 10.
 
Good day mga paps!

tanong ko lang po, kasi nag update ako ng mate 9 ko hbang tulog ako, tapos pagkagising ko nasa erecovery po sya,

hindi kaya ng ibang gumagawa ng cp ang sabi nila dalhin k daw sa huawei mismo, galing ng dubai ang mate 9 ko,

salamat sa makakatulong
 
kung wla ka gsm box medyo my kahirapan mag flash nyan ksi nakalock yung bootloader nyan
 
Back
Top Bottom