Actually noon pa lang aware na 'kong introvert ako eh. Kasi even as a child, ayoko talagang napapansin ako lagi ng ibang tao. Kumbaga ayoko ng atensyon. Nakaka-conscious kasi, kaya sobrang uncomfortable sa feeling. The reason why I said that is because matangkad kasi ako. So bilang bata syempre mas noticeable ako kumpara sa ibang mga bata na ka-age ko, especially pag sa school tapos may pila, yung mga ganung bagay. Kaya noon pa lang gusto ko lang talagang manahimik sa sarili kong mundo/personal space eh, kasi nandun yung peace of mind ko. Nandun yung comfort zone ko. Kaya kunwari pag nasa isang malaking grupo ako ng mga tao, mas pipiliin kong pumwesto sa likuran eh kesa gumitna o pumwesto sa harapan... Kasi sa ganun at least di ako mapapansin ng iba, na parang
wallflower lang ako. Kaya growing up napapansin din tuloy ng parents ko na medyo ilang nga daw ako sa tao. Tapos pansin ng marami, mahiyain daw ako. Mahilig lang ako ngumiti, pero di ako mahilig makipag-usap sa iba. To some degree totoo na nahihiya ako, pero mostly ayoko lang talaga humarap sa maraming tao kasi hassle, kasi ayoko talaga nung feeling na nasa isang uncomfortable na sitwasyon ako eh. Pero ngayon syempre iba na. Hindi na 'ko totally ganun kasi syempre kelangan din nating matuto makisalamuha sa ibang tao eh... Essential sa buhay natin yung makipag-socialize sa iba. Kaya pag kinakailangan, kayang-kaya ko naman humarap sa mga tao & makipag-usap. Pero kung di naman needed, mas gusto ko na lang mag-stay sa
"personal bubble" ko wherein comfortable ako & di ako naiistorbo ng ibang tao
But then again, tulad ng iba dito, yun nga may tendencies din ako na maging extrovert.. Kasi di naman ako yung tipong sobrang introvert to the point na hirap makipag-socialize sa iba hanggang ngayon, na nasasabihan nang "weirdo" ng iba kasi laging may sariling mundo. Kahit may introverted side ako, may mga nagiging kalaro naman ako nung bata pa 'ko. Tapos simula highschool hanggang college days, lagi din akong may sariling grupo ng mga barkada eh, di nawawala yan... Although I like to keep my circle small maski ngayon, kasi mas madali para sakin yung ganun eh, alam ko kaagad kung sino yung mga solid na mapagkakatiwalaan ko kumpara sa pag kunwari, sobrang dami kong mga kakilala/kaibigan. So mukhang ambivert nga rin talaga ako, pero mas leaning lang talaga sa pagiging introvert.
Totoo 'to. Sa karamihan ng mga tao, loneliness equates to sadness... Pero sating mga introvert ang loneliness kasi is serenity/peace of mind. So to an extent, parang happiness na rin siya haha. Kaya nga nitong nagka-covid pandemic tapos nagka-lockdowns, marami satin yung nahirapan mag-adjust kasi laging nasa bahay lang, tapos wala ring masyadong nakakausap araw-araw. Yung iba nga bumagsak ang mental health dahil sa ganyan... Pero ako, normal days ko lang yun eh
Walang adjustment na kelangang gawin haha.