Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Itlog

napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock ko,di to gaya ng ibang mga araw na tatawad pa ako ng limang minuto pa, ako ay dali daling bumangon at inabot ang isa sa mga gamit na mahalaga ngaun sa buhay ko.

isang mensahe ang sabi

kumarera ang tibok ng puso ko, di ko mawari kung kaba o galak ang aking nararamdaman o sadyang sira lang talga ung aking tyan dahil sa kinanin ko kagabi, dapat talaga di ko na tinalo ung tutong sa ref at ung ulam na me dalawang araw na na anduon.
mamaya na nga wika ko sa sarili, tumayo muna ako, kinuha ang sinumpaang telepono at dinala kasama sa kusina, kabalikat ng diwa kong nag natutuwa at me halong pangamba

basag na itlog
un ang pinili kong ilaglag sa mainit na kawali na nilagyan ko lamang ng mantikilya at gatas,dahan dahan kong hinahalo ang basag na itlog, gatas at mantikilya, sinusumpa ko na napanood ko pa si Gordon ramsey dahil sa pagkakaroon ng particular na pagluluto ng itlog, ung nuon na napakasimpleng paghahanda ng almusal na itlog at biglang naging komplikado

parang pag ibig, di ba pedeng simple na lang wala ng madming kaartehan,walang maraming komplikasyon, walang maraming kaartehan, salang na lang at saka tignan kung masarap na kakainin or iluluwa ang pagkain?

pero sa habang dahan dahang manunuo ang mga sangkap sa kawali aking nagpagtanto,,
gaya ng itlog na niluluto ko,
iba pa din ung dahan dahan mong hinahalo ung mga sangkap habang panut panaog ung kawali sa apoy.
mitikuloso man ang pagkakahanda, marami man kaartehan pag nagawa mo ng tama, di mo na kailangan pag isipan kung masarap o hindi, dahil garantisadong masarap at agad. Para ding relasyon, madami mang pinagdaanan ,madaming preparasyon,dahil sa pagiging metikuloso ng pagkakahanda, paniguraodng isang magandang relasyon ang resulta di mo na kailangan tikman pa ika nga

matapos ilagay sa plato ang pinaghirapang itlog, kinuha ko muli ang sinumpang telepono, sana siya na ito,
 
Back
Top Bottom