Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem KAILAN KAYA?

Kailan kaya?
by: Yours truly

Kailan kaya muling ngingiti
para sa pag-ibig na matagal ng minimithi.
May darating pa kaya para ako'y mahalin.
At sa araw araw ako ang laging pipiliin.

Di ko pa limot ang pait ng kahapon,
ngunit alang-alang sa sarili ako'y pilit na babangon.
Nagbabakasakaling ako'y makakaahon,
sa pag-ibig na puno ng pighati hanggang sa ngayon.

Sumugal ako sa isang pag-ibig na walang katiyakan.
Akala ko'y walang hangganan ang kasiyahan.
Yun pala'y may katapusan,
iniwan ako nang di ko inaasahan.

Wala akong nagawa,
ika'y bumalik sa iyong totoong mutya.
Hindi na maghahabol pa,
ibibigay ko sa'yo ang iyong laya.
Kahit masakit, ako'y magpaparaya.
Basta't sa aki'y 'wag nang babalik pa.

Tanggap ko na,
na ika'y isa na lamang alaala.
Ang Diyos na ang nagtakda,
hindi tayo para sa isa't isa.

Ang tanong ko na lang sa aking sarili'y
Kailan kaya?
Kailan kaya papabor sa akin ang tadhana.
Kailan kaya darating ang taong sa aki'y nakatakda.
Kung meron man, sana'y mahanap ko na.
Kung wala man, sa Diyos na lamang ipapaubaya.

Gayunpama'y hindi pa rin mawawalan ng pag-asa.
Na baka isang araw darating ang taong saki'y nakatakda.
Dahil gaano man naging malupit sa'kin ang mundo,
may magmamahal pa rin sa akin ng totoo at buong buo.




 
"Dahil gaano man naging malupit sa'kin ang mundo,
may magmamahal pa rin sa akin ng totoo at buong buo."

kahit gaano kapait ang nakaraan natin at kahit gaano kasakit ang pinadama satin ng mundo may mga tao parin ang tatanggap kung sino o kung ano tayo.

sobrang ganda ng dulo ma'am!
 
binibini, tama yang nasa iyong isipan
wag kang susuko, ikaw ay muling lumaban
wag kang papagapi, wag kang panghihinaan
kaya mong malampasan, iyong pinag dadaanan

sadyang tadhana ay ganyan,
ika'y pinaglalaruan, ika'y sinusubukan
wag kang mag alala kung pinaiyak ka ng kahapon
ang mahalaga ay natuto ka at ika'y muling bumangon

sigurado ako sa iyo'y may darating muli,
pagkat di ka sumuko hanggang huli,
sana'y wag ka lang magmadali,
upang kahapon ay wag maulit muli

naniniwala ako, Diyos natin di ka pababayan
darating din yun sa panahong di mo inaasahan
makakasama mo hanggang sa walang hanggan
mamahalin ka ng tapat at totoo, di ka na muling masasaktan

kaya binibini, hinagpis ay tama na
kalungkutan mo'y palayain mo na
pagkat ang bukas ay paparating na
kaya sana ngiti mo'y manumbalik na
 
Back
Top Bottom