Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kapag ang Tadhana, nananakit.

Kung sino ang Pwedeng-pwede, 'yun pa ang impossible.
Pero kung sino ang hindi pwede, yung pa ang nagiging Possible.
Hindi ko alam. Naguguluhan ako.Nung nagpasabog ng kamalasan. Nasalo ko ata.


Korni p*ta!


Siya 'yung babaeng panay turo sa akin 'nung kaklase ko.
Hindi ko pinapansin, may jowa na ako eh. Wala naman akong balak magloko sa First Girlfriend ko.
4th Year College na ako at sa wakas naka-jackpot din. Jackpot talaga kasi. Matalino. Oo, matalino nga.


Bigla ko siya nakasalubong, with matching bangga! Nahulog Cellphone ko, kausap ko kasi si Girlfriend.
Panay ang sorry niya. Panay talaga. Ikaw na 'yung maiirita eh, pero sabi ko ok lang.
Paalis na sana ako nang hindi ko na marinig sa kabilang linya ang kaninang kausap ko.
Anak ng p*tcha, nasira Cellphone ko. P*tang napatanong pa ako kung China ba Phone ko?
Pero paglingon ko sa likod ko, andun pa siya, nakatingin sa akin. Imbes na maaawa ako sa sarili ko
dahil nasiraan ako ng cellphone. Para akong nakakita ng Stars, ewan, ang wierd, parang puro kulay, hindi
ko talaga alam, ang gulo na ang ganda..ng nakita ko sa mukha niya.


KAKAIBA.


Para akong napa-WOW.
Kung sa Pilipinas Got Talent, Standing Ovation na siya para sa akin.
Kung sa The Voice, hininga niya palang maririnig mo, iikot na ako para sa kanya.


EPIC ang p*ta, sakit sa puso pero heaven. First Time ko ma-amaze sa mukha na nanlulumo at mangiyak-ngiyak dahil
sa hindi niya sinasadyang nagawa. Lumapit ako sa kanya, parang gusto kong hawakan ang mukha niya. Haplusin.


Nagkagusto ata ako sa kanya.Totoo ba talaga 'yung love at first sight?
Pero hindi naman siya First Sight eh. Ewan!



Pero, may girlfriend nga pala ako.


Nagsorry uli siya sa akin ng makita niya akong lumapit sa kanya.


Inalam ko pangalan niya. Rebecca.
Pangalan ng mga Kontra-bida.


Sabi ko sa kanya, libre niya nalang ako para makabawi siya.
Diskarte ng lolo mo.
Pumayag naman siya at dumeretso kami sa Canteen para magmeryenda.



3rd Year. IT.19. Mahilig sa matamis. Mahilig maglakwatsa, out of town. Dance Troupe Member.
Hindi marunong kumanta. Madaldal. Saktuhan lang pagdating sa pagiging relihiyosa. Computer Geek.
Makulit. Masayahin. Mukhang Mabait. At Siguradong Maganda.


Nagkakasala ako.


Hindi ko mapigilan ang sarili kong kunin ang cellphone number niya. Napakamot nalang ako sa ulo nang
maalala kong nasira nga pala Cellphone ko. Facebook Account, binigay niya naman.



Ilang linggong kwentuhan. Tawanan. Minsan may harutan pa. Nanggigigil ako sa kanya.
Nanggigigil rin ako sa sarili ko. Paano ko sasabihin sa Girlfriend ko na...



Nagkakagusto na ako sa iba.
Paano ko sasabihin kay Rebecca, na nagkakagusto na ako sa kanya.
Typical na tanong sa tulad kong, malikot ang puso.



Lumipas pa ang ilang linggo, nakilala ko na pamilya niya.
Kaibigan ko na ang mga Kuya niya. Kasundo ko rin ang Tatay niya.
Kasabay din nun ang paghihiwalay namin ng Girlfriend ko.
Sorry talaga Jana. Sorry talaga.


Kakarmahin ako panigurado nito. Nakasakit ako ng Babae eh.




Pero matapos naming maghiwalay ni Jana, hindi ko nagawang ligawan agad si Rebecca.
Lumipas na isang taon mula nung nagkakilala kami, nakalimutan ko pang ligawan siya dahil
masyado akong kampante na andiyan siya. Kaibigan ko. 'Yung klase ng taong hindi mawawala
sa tabi ko.



Hanggang sa dumating ang araw na, nagtapat siya sa akin.
Bumalik sa isip ko 'nung unang beses kong nakita ng malapitan 'yung mukha niyang mangiyak-ngiyak.
Napa-iyak ako, na parang tanga, dahil ako dapat nagsasabi sa kanya na ako ang unang nagkagusto sa
kanya.


Inamin ko ang nararamdaman ko. Sa oras na nagtapat siya, sumunod na segundo'y kami na.
Dahil nagtapat narin ako sa kanya. Kung anong saya ang naramdaman ko 'nung unang beses ko siyang
makita ng malapitan, triple ang nararamdaman ko. Sobrang Saya ko.


Sa sobrang saya ko, sumakit ulo ko. Nagising nalang ako sa Clinic.



Halos tatlong buwan na kami ni Rebecca.
Sa tatlong buwan na nakalipas na 'yun. Lagi ring sumasakit ulo ko.
Hindi ko sinabi sa magulang ko. Pero nagawang sabihin ni Rebecca kay Papa.
Hindi ko naman masisisi. Alam ko namang mahal ako ng Tao.


Kinausap ako ni Papa at pumayag naman akong magpa-check up.
Ang daming test, at kung anu-ano pa ang mga ginawa sa akin.
Hindi alam ni Rebecca ang mga ginawa sa akin. Hindi ko narin naman gustong mag-alala pa siya.
Dahil ilang araw nalang, finals na nila. Actually, finals namin.



Brain Tumor. Final Diagnostic ng Doctor sa akin.
Sinabi ko kay Papa na gusto ko ng second opinion. Pumayag siya at katulad ng mga unang ginawang test sa akin,
ginawa uli para lang magkaresulta ang pangalawang opinion na hiningi ko.


Brain Tumor. Stage 2.



Nakahinga pa ako ng maluwag. Kasi, umaasa ako na magagamot pa 'tong sakit ko.
Sino ba naman kasi ang gustong mamatay? Halos kumpleto na ang buhay ko 'nung naging kami ni Rebecca.
Pagka-graduate niya, papakasalan ko pa siya.
Hindi pa namin nagagawa 'yung bagay na, alam mo na, bedtime stories.
Kasi, nirerespeto ko pagkababae niya at alam kong 'yung pagmamahal niya at pagkababae niya ang
pinakamahalagang maibibigay niya sa akin kapag kinasal na kami.


Pero panira ng dreams 'tong mga doctor na 'to eh. Bumalik lang ako para magpa-follow up check up.
Stage 3 na agad. Unti-unti na akong kinakabahan.
Parang nagsisitaasan ang mga nasatalampakan kong negativity, paakyat sa ulo ko.
Gusto ko silang pigilan. Gagaling pa ako.

Hindi naman kami mahirap. Kaya namang tustusan ng pamilya ko ang pangangailangan ko para gumaling ako.



Hindi na ako nakakapasok sa School, graduating pa mandin ako this year.5th and Last year ko na eh.
Ganun rin si Ecca.Pero ilang buwan na kaming hindi nagkikita. Pinapaintindi ko lahat sa kanya, para lang
hindi niya ako piliting makipagkita sa kanya.Alam kong nagtataka na siya at ilang beses narin kaming nag-away dahil dito.
Pero kahit nakikipag-unahan man ang negativity sa sarili ko. Hindi parin nawawala sa sarili ko ang pag-asang gagaling ako.


Gusto ko pa talaga mabuhay.



Pinakamasamang natanggap na regalo ni Ecca 'nung graduation niya ay 'nung nalaman niyang may Brain Tumor ako.
Stage 4 na. Ganun kabilis. Nauubos pera ni Mama at Papa, mapagamot lang ako. Pero palala na ng palala.


Nalaman na ng buong pamilya ni Ecca ang kalagayan ko.
Sa una, hindi ako kayang makita ni Ecca,tuwing papasok siya sa loob ng kwarto ko sa Hospital, ang bilis
mag-unahan ng luha sa mga pisngi niya.


Para akong sinasaksak sa dibdib sa nararamdaman niya para sa akin.
Alam kong nasasaktan siya, pero parang mas nasasaktan ako.


P*ta, mahal na mahal ko siya, bakit kelangan ko pang mamatay ng ganito ka-aga?


Alam kong malapit na akong mauna sa mga taong mahal ko.
Pero kahit gusto ko silang pigain na pagalingin ako, wala na ako magawa.
Mawawala na ako.




Rebecca,


Hindi mo alam kung gaano kita kamahal.
Sorry kung ilang buwan kitang tiniis na hindi makita at hindi makasama.
Sorry kung nagkasakit ako at mamamatay ako na nagmamahalan tayo.


Alam ko, mahal na mahal mo ako.
Alam ko, mahihirapan ka sa pagkawala ko.

Ayokong hilingin na maghanap ka ng iba at magmahal ka ng iba, para lang makalimutan mo ako.
Pero sana, huwag mong hayaan ang sarili mong mahirapan dahil sa pagkawala ko.

Gusto kita yakapin.
Magiging honest na ako, sana nga may nangyari sa atin para naman may dadagdag pa sa memory ko sa pagkawala ko.
Pero, Ano man ang mangyari sa atin. Mula nung naramdaman kong mahal kita, hanggang ngayon sa segundong 'to,
Mahal na mahal kita at kahit kaluluwa nalang ako, mamahalin parin kita.
Kung may reincarnation, hahanapin kita para lang maituloy ko plano ko na pakasalan ka at makasama ka habang buhay.


God! I Love you so much na ang sakit sakit kung bakit kita maiiwan sa ganitong paraan.
God knows how much I love you.
Gusto kong tawagin lahat ng santo, mapagaling lang ako, pero..
SORRY ECCA.
ILOVEYOU SO MUCH HON, NEY, PANGET, NGET.
ILOVEYOU SO MUCH REBECCA UY CASTILLO.



-- KENNETH MARK LIA DY







 
Back
Top Bottom