Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kasaysayan ng Buhay Ko: Ang Alamat Ng GCW (Quarter 3)

alberteinstein

Apprentice
Advanced Member
Messages
61
Reaction score
0
Points
26
Ang susunod na kasaysayan ay Rated IQ

:slow:
:slow:
:slow:

> > > > Start of Third Quarter < < < <



:slow:

:slow:


:slow:

kung ginawa ko yun sa kanya, siguro sasambahin na ako nun. Hindi po ako nagbibiro. Alam mo yung parang batang hindi pa nakakakita ng sobrang perpektong lalake sa buong buhay nya, halos maiyak na nga sya sa tuwa nung pumayag akong sumama sa kanyang bahay at kulang nalang gawan ako ng replika sa loob ng kwarto nya.

Minsan ganun lang talaga kababaw ang mga reasoning nya sa buhay.

:slow:
:slow:

tapos eto pa ang ginawa nya sa akin?
na parang anlaki-laki ng kasalanan ko sa mundo at kelangan pang danasin ang parusa na to.

:slow:

ewan ko ba sa babae na yun di ko naman sya iniinsulto, sya pa nga ang magtutulak sa akin para ipainsulto sya, ayaw ko naman magsinungaling sa mga tao kase masyado talaga akong gentleman at hindi ko kayang sabihin ang mga bagay na yun sa harap nya. Siyempre ayaw ko ding masaktan ang damdamin nya at magtampo sa akin ng sobra. Isa na ata sa pinakamahirap na gawin sa mundo ay ang pagsuyo sa nagtatampong babae mas mahirap pa nga yun kumpara sa paggawa ng mga teorya.

:slow:

:slow:


siguro masyado lang akong perpekto para sakanya at feeling nya eh magmumukha lang syang mashondang alalay pag kasama ako.

kaya pinagtatabuyan nya ako palabas sa pamamahay nya

:slow:




Napalayo pa tuloy ako mula dito patungo sa mansyon ko
ang malas malas ko talaga sa araw na ito.



Kung marunong lang ako magsinungaling siguro di na mabubulilyaso ang plano kong pag
gamit ng inborn kong kagwapuhan para makaakit at bigyan ako ng pamasahe pauwing mansyon

:slow:

mahigit 7493 metro pa ata ang layo nun mula dito

:slow:

heto ako ngayon basang basa sa pawis hatid ng napakahot na si pesteng araw.



:slow:


So medyu i-shoshorcut ko nalang ang kasaysayan ko dahil wala ka naman sigurong ka gana-ganang malaman kung paano ako naglakad, nagtanong ng direksyon sa mga nilalang dun, muntik nang humingi ng pamasahe sa estrangherong nilalang, umupo sa tabi-tabi at lumunok ng laway.



:slow:





:slow:


Dahil sa karumaldumal na sinapit ko sa buong araw hanggang napadpad ako sa bakanteng lote.

:slow:

Nakasandal ako ngayon sa isang sementadong pader na may maraming sulat.
Sa bandang taas may nakasulat na:

:slow:

[Vandalism is not a crime; Its an art]

:slow:

"Art? Art bang matatawag to?" reklamo ko sa tintang walang kamalay-malay.

:slow:

tumutunog na ang mga maliliit kong intestine sa loob ng aking tiyan, sinisisi ko tuloy ang sarili ko kung bakit hindi ko muna syang yayain kumain bago nya isagawa ang mala-langit nyang plano sa loob ng kwarto.


:slow:


Kahit na nagugutom ako, pinipilit ko pa ring lakarin ang rutang papunta sa mansyon.

:slow:

huminto muna ako sa isang maliit na tindahan para magbabasakali na merong magbibigay sa akin ng kahit anong pagkain, pero mahigit isang oras na ang sinayang ko dun wala pa ring may lakas ng loob sa maamo kong mukha maliban lang sa mga ilang kabataan na humihingi ng banal kong autograph.


:slow:

:slow:


alas tres na, di ko na alam ang pupuntahan mukhang di na gumagana ang mahigit dalawangdaan kong mga IQ dahil sa gutom.

:slow:

uupo na sana ako sa tabi ng kalsada ng biglang may nagbigay sa akin ng napakahalagang tinapay kasama ang tiratirang cola, labag man sa prinsipyo ko ang kaawan ng tao pero sa oras na ito kailangan ko yung labagin. Dali-dali kong ininom ang cola bago ko pinasalamatan ang nagbigay sa akin, na isa palang bata. Isang bata na minsa'y nakapagligtas ng isang alamat.



:slow:

"ang sarap kaya tumulong. Para pag malaki na ako, meron din tutulong sa akin!" sabi ng bata.

:slow:

Napakabait nya talagang bata
Saludo ang katalinuhan ko sayo



:slow:



:slow:

gustuhin ko mang magmakaawa sa magulang ng bata para ihatid nila ako sa mansyon kaya lang nahihiya ako na napasama sa kasaysayan ang eksenang yun.


:slow:
 
nakakaubos ng dugo idol :slow: :praise: isa kang natatangi at walang katulad :slow:
 
idol....sana balang araw mabahaginan mo rin ako ng iyong banal na autograph:slow: :praise:
 
gustuhin ko mang magmakaawa sa magulang ng bata para ihatid nila ako sa mansyon kaya lang nahihiya ako na napasama sa kasaysayan ang eksenang yun.


:slow:

dahil sa tindi ng gravity dito sa mundo nabagsakan tuloy ako ng tae ng ibon sa buhok at natalsikan pa ang natatanging pagkain sa aking kamay na hindi ko man lang natikman ang kanyang sarap at dun na nagsimulang nawasak ang aking misteryosong hairstyle na maging sanhi para magkaroon ako ng matinding lakas para habulin ang walang modong ibon na yun, ngunit nabigo ako.



:slow:

nakabanggaan ko ang tigasing kahoy dahil sa katitingin ko sa taas, nadapa ako sa matinding impak.




:slow:

:slow:


:slow:







:slow:
:slow:

:slow:

:slow:

parang isang pelikula na hindi ko namalayan ang lahat at nagising nalang ako sa isang maliit na bahay sa gitna ng madaming supot, supot na hindi galing sa alinmang species ng amazing spiderman.

:slow:

:slow:


pagtingin ko sa labas gamit ang butas ng bahay ay puro kagubatan na parang walang katao-tao at wala ding bakas ng teknolohiya sa loob at labas.

:slow:

"napulot kita kanina na walang malay sa damuhan kaya dinala kita dito."
sabi ng boses

:slow:
"bat mo ko dinala dito?" tanong ko



"pasensya ka na lalake, kung marumi ang bahay ko."

"bahay bato?" mahina kong sagot sa kanya.

"nasaan na po ang mga pamilya nyo, yung mga anak nyo po, asawa, mga apo? dagdag kong tanong sa kanya

:slow:

"wala pa akong asawa, nag-iisa lang akong namuhay dito since 1945."

:slow:

"wala po ba kayong ibang mga kamag-anak?"

"wala na rin sila, ang gandang lalake mo naman lalake, pero bat ang tanga tanga mo?" sagot at tanong nya sa akin

:slow:

"lola, di po ako tanga, mataas nga po tong IQ ko." ang pagtapat ko sa kanya ng katotohanan

"e bat ka nadapa kanina?"

"dahil po sa gutom lola"

"wag mo na akong tawaging lola, cutie na lang."

"....! ?"

:slow:

"teka, magpahinga ka muna jan may kukunin lang ako sa kusina."

:slow:

ano ba na namang kamalasan to pati matandang hukluban naiinlove na din sakin. Kailangan kong makagawa ng paraan para makaalis dito ayokong masayang ang flawless kong balat na kutis porselana.

:slow:

"pogi kain ka muna, mukhang nagugutom ka na kasi."

"busog pa po ako."

"sige na para lumakas ka"

:slow:


:slow:

:slow:

"naranasan mo na bang magkaroon ng napakabwisit na araw, yung talagang bwisit na bwisit ka talaga?" bwisit kong tanong sa kanya.

"halos ara-araw, pero ngayon mukhang swerte na ako." ang may balak na masamang sagot nya sa akin.

:slow:


Nakakatakot naman dito, pati yung pagkain, mas gugustuhin ko pang magutom kaysa kainin to. Kailangan ko na talagang makaalis dito bago maggabi.


:slow:

:slow:

"lol- este cutie kailangan po akong pumunta ng banyo?"

"walang banyo dito, pero kung gusto mo tong banyo ko na lang ang gamitin mo" ang nakakadiring banat nya sa akin.

:slow:



"natatae po kase ako." palusot ko na may katotohanan dahil sa takot.

"sige sasamahan na lang kita sa labas"

"naku wag na po ako na lang po."

:slow:

:slow:


:slow:


halos isang oras akong nagpalibot-libot sa kagubatan

:slow:

:slow:

sa wakas narating ko na rin ang kalsada, kaya medyo nakakahinga na ako ng maluwag kaso madilim na at walang malapit na bahay


:slow:

:slow:

agad kong pinara ang papalapit na taxi at sumakay ng walang alinlangan.

:slow:

:slow:

:slow:

"takot ka bang mag-isa?" sabi ng drayber


"di naman ako takot mag-isa, baka kasi gusto mo lang ng kasama" sabi ko sa drayber.

:slow:

:slow:

humarap ang drayber sa akin sabay sabi ng nakakatakot na salita:

:slow:

"TALAGA!!! GUSTO MO AKONG SAMAHAN?"

:slow:

:slow:

"paano ka nakapunta dito sa loob?"


"secret" malandi nyang sagot.

:slow:

:slow:

:slow:

di pa umabot ng tatlong segundo dali dali akong- - - - . . . . . . . .



:slow:

:slow:

< < < < End of Third Quarter > > > >
 

paumanhin mahal na henyo kung ngayon lang ako nakapag-post ng aking saloobin sapagkat ako'y nagka-seizure matapos basahin ang natatanging 3rd quarter ng iyong mahiwagang obra. :praise:

patuloy pa rin ang pagdurugo ng aking ilong sa mga oras na ito ngunit asahan po ninyo na patuloy ko din pong susuportahan ang iyong mga obra maestro albert. nawa'y mapagkalooban niyo din sana po ako ng iyong banal na autograph. :praise:


mabuhay ka mahal na henyo!


:slow: :slow:
 
naiga ang pitumpot pitong langis na hinithit ko lupit mo eddooolll :slow::slow: :praise:
 
holy shit si Albert Einstein ulit pala to hahaha kaya pala di ko maintindihan kung anong nangyayare sa thread di ko alam kung medyo ewan si TS o God of Trolling hahaha, anyways napadaan lang ako haha kala ko kung ano eh. ayaw ko ng malito haha bahala na si TS sa buhay niya :slap:
 

paumanhin mahal na henyo kung ngayon lang ako nakapag-post ng aking saloobin sapagkat ako'y nagka-seizure matapos basahin ang natatanging 3rd quarter ng iyong mahiwagang obra. :praise:

patuloy pa rin ang pagdurugo ng aking ilong sa mga oras na ito ngunit asahan po ninyo na patuloy ko din pong susuportahan ang iyong mga obra maestro albert. nawa'y mapagkalooban niyo din sana po ako ng iyong banal na autograph. :praise:


mabuhay ka mahal na henyo!


:slow: :slow:



:slow:


wag kang mag-alala :slow: magkakaroon ka rin ng banal kong autograph :slow: basta punasan mo muna yang dugo
 
:praise: dipa pa ako nangangalahati idol sumakit lalo ulo ko dito :slow: tinde mo talaga :slow: ^,..,^
 
Last edited:
idol kamusta kana? now nalang ulet ako nakadalaw sa thread mo balita sayo? :think: :lmao: ^,..,^
 
giokun18 nandito na pala yung idol mo :rofl:
 
bat ko pa kasi binasa, nahilo tuloy ako
:panic:
Nako boss rey kung naabutan mo yan si master albert sa old symb ang lulupit din ng mga advices nyan sa Love & Friendship :rofl:

putek yan, 2022 na pero nakaka seizure pa din mga post nya kapag binasa mo:lmao:
Dapat dyan kay master albert nagpa-podcast eh hahaha
 
Pero magaling sya ah. Pwedeng pwede creative writer. :yes:
 
Back
Top Bottom