Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kelan ang unang heartbreak nyo at pano nyo ito nalagpasan?

chazzaeigens

Professional
Advanced Member
Messages
166
Reaction score
2
Points
28
Curious lang!

Just want to share

Way back 3rd year college, there was this payatot guy na I met ko through a common friend, added me sa FB then started talking to me everyday. Sure pumayag ako makipag kita ulit and makipag date. Sya ang unang unang guy na pinakilala ko sa family. We were already M.U na that time, he was my first ano not to the extent na ano. Kaya every single detail is really memorable para sakin. He was a good singer, kisser? ;) he was smart! We "broke up" just because gusto nya ligawan ung childhood crush nya and in that moment I was crushed...


I was sleep deprieved for 6 freaking days! Dinibdib ko talaga hahaha kahit anong aliw sa sarili hindi parin ako makatulog!
I was even not taking care of my self.. Yung tipong hindi na ako kumakain pero naliligo naman ako
3 years yung moving phase ko
Sa loob nun.... Binabalik balikan ko pa rin sya
I got enganged sa sports na minsan ay sinamahan ko sya mag laro, I went to the same church he used to take me...

I did everything to make him look back to me pero wala olats.
Everything I did for 3 years was for him...

But thankful ako.. in those years mas nakilala ko pa ang sarili ko, mas naging socially approachable, nawala ang pag katahimik ko that time kase I get to talk to people during tournaments sa laro, I became really active... Pumayat naman at gumanda hahahahha (that time) :P

Ngayon hanggang wave na lang sya sa chat hahaha
 
Buti kapa tapos kana sa level ng sakit 😢 ako on process palang.
 
relate ako dito :lmao:

share ko lang din experience ko :yes:

una yung ex ko nung high school wayback 98 inabot ako ng 8 years bago tinanggap na wala na talaga siya, ang rason: parang nagkasawaan kami
pangalawa yung ex ko nung fresh grad ako sa associate course ko dati wayback 2004, same month same age kami kaso bago kami tuluyang maghiwalay dati na walang closure may time na pumunta ko sa kanila dahil birthday ng nakakabatang kapatid niya, that time wala akong ginawa kundi skateboarding araw-araw hanggang sa mapagod, halos ganon ang routine ko lagi. wala talaga kong balak pumunta sa kanila that time pero nagdecide akong pumunta kahit may tampuhan kami, eto naman ako si engot pumunta naman ako :slap: ang masaklap pa eh ang cold ng pakikitungo niya sakin tapos imbis na siya maghanda ng pagkain ibang tao pa sinabi lang sakin bago siya bumalik sa labas "pumunta ka na sa labas pagkatapos mo kumain" habang nakain ako don ko naramdaman na nababalewala na ko pero kahit anong iwas ko ganon talaga ang nararamdaman ko, nung lumabas ako para maki join sa happenings kasama mga pinsan niya ayaw niya ko kausapin, ang ginawa ko habang nakaupo tinakpan ko na lang mata ko at unti-unti akong naluha ng walang rason, nung narinig niya na ganon ako sinabi ba namang "tumahan ka, nakakahiya baka isipin nila na ikaw pa ang babae sating dalawa" binewala ko lang ang sinabi niya dahil sa totoo lang masakit sa side ko ang sitwasyon that time ayoko talaga ng nababalewala ako pagdating sa relasyon. nung tumahan ako kinausap ako ng pinsan niyang lalaki tungkol sa relasyon pero lumilipad ang isip ko kaya hindi ko naintindihan ang mga sinabi sakin :pacute: nung okay na ang lahat saka kami nagusap para maging okay ang lahat, umaga na ko nakauwi galing sa kanila dahil walwalan yung napuntahan ko kahit alam kong papagalitan ako paguwi hindi ko na naisip yung dahil gusto ko talaga maging okay ang relasyon naming dalawa, kinabukasan nagtataka ako kung bakit hindi siya natawag o nagtetext sakin kaya kinagabihan naglakas loob akong tumawag sa kanila para alamin kung ano ang problema, siya ang nakasagot sa boses pa lang niya ramdam ko na pagiging cold niya, ang masaklap pa eh bigla niyang sinabi na ayaw niya muna magka boyfriend kaya nagtaka ako nagtanong kung ano rason pero ang sinabi niya lang ayaw lang niya talaga muna, akala ko cool off lang kaya nung gabi lumabas ako at pinutahan ang barkada ko para magwalwal kaming dalawa, habang hindi pa ko tinatamaan na open ko sa barkda ko ang sitwasyon ng relasyon namin ang sabi lang "tawagan mo mamaya paguwi mo, baka okay na kayo" so ayun nga ang ginawa ko after ko makipaginuman sa barkada ko, tumawag ako sa kanila pero ang nakasagot hipag niya, ayaw naman niya ko kausapin kaya hipag niya ang kausap ko na hindi ko ikinatuwa "break na daw kayo" unang sinabi sakin ng hipag niya bago sabihin sakin yun katabi lang niya hipag niya sa kabilang linya kaya naririnig ko siya, nagtaka ako kung bakit, nung malaman ko ang rason don ako nagtaka "ayaw sayo ng pinsan ko" kaya tinanong ko kung bakit at bakit nakikielam ang pinsan niya sa relasyon samin pero hindi sinagot ang sinabi kong yun, huling tanong sakin ng hipag niya "may ipapasabi ka ba sa kanya?" don ko na sinabi lahat tungkol sa ugali niya "pakisabi t***a siya" sinabi agad ng hipag niya yun sa kanya, ano pa daw gusto kong sabihin tanong sakin ng hipag niya "makitid ang utak at paranoid" narinig ko na lang sa kabilang linya "Wala akong paki" nagpasalamat na lang ako sa hipag niya sabay binaba ko na yung telepono pero after ng tagpong yung don na ko tuluyang humagulgol. ilang araw pa lang ang nalipas halos wala ako lagi sa sarili kahit saan ako magpunta siya naiisip ko at hindi matanggap kung bakit ganon ang nangyari, nung time na tinignan ko account niya sa friendster nagulat ako dahil may boyfriend na ulit siya take note bestfriend pa niya, don ko nalaman na naging rebound lang ako kaya lalo akong nainis at lalong nadagdagan yung sakit na naramdaman ko nun, mid august nangyari yun kaya sa tuwing dumadating ang august unti-unting bumabalik sakin ang lahat ng nangyari pero noon yung pero ngayon wala na sakin. tag ulan noon galing ako sa tindahan dahil routine ko na tumambay sa tindahan after kumain tanghali nun makulimlim sa langit nararamdaman ko na bubuhos na ang ulan hanggang sa naramdaman ko na bumuhos na, imbis na tumakbo ako pauwi para hindi mabasa sa ulan naglakad ako dahan dahan, nang nakatayo ako sa harap ng gate namin tumingala ako tumingin sa langit at napaisip na dinadamayan ako ng ulan at sa bawat patak na dumadaloy sa aking mukha unti-unti kong nakakalimutan ang lahat nangyari sakin kaya don nabuo ang username at pen name na ginagamit ko pag nagsusulat ako (nasa arts&lit lahat ng ginawa ko)

after ng mga nangyari nagdesisyon ako na ayusin ang sarili ko kaya nanligaw sa iba pero na friend zone pero okay lang, pumunta kung saan saang lugar kasama ang kalaro sa skate scene kahit late na nakakauwi para maglibang, dumating yung time na nagdecide ako na magaral ulit hanggang sa tuluyan ko na siyang nakalimutan. sa ngayon kahit friends kami sa facebook hindi kami gaanong naguusap dahil ayoko magsayang ng oras sa kanya, inanfollow ko na siya dahil walang ginawa kundi magpacute kahit may anak na siya pero walang tatay ang anak niya, inisip ko na lang ginusto niya yun one time may nabasa pa ko sa mga picture niya na may umaway sa kanya at sinabihang "kerida" pero hindi na ko nagaksaya ng panahon para itanong yun dahil okay na ko at masaya sa buhay. may time na nagusap kami ulit para mangamusta pagkagaling ko sa boracay, hindi ko na lang pinahalata na nabibwisit ako sa mga sagot niya dahil pa english english kahit wrong grammar at jejemon kung magreply hanggang sa dumating yung time na bigla siyang nag pm sakin para magtanong kung saan banda yung venue ng pupuntahan nilang birthday, nag seen lang ako para hindi masayang oras ko kasi naging john micheal na siya nung time na nagpm siya sakin. until now panay likes na lang siya sa mga picture ko sa facebook, siguro naisip niya na ako yung "the one that got away"

last yung ex kong tiga las piñas na 10 years ang age gap, wayback 2008 naging kami tapos once a month din kami magkita dahil nag aaral ako nun. march 2009 bago mamatay father ko may nangyaring hindi maganda halos masiraan ako ng bait dahil hindi ko alam ang gagawin pag nabuntis ko siya, marami akong naiisip nun kaya nagopen ako sa classmate kong babae sa minor subject na huwag ko ipalaglag kung sakaling may mabuo pero una pa lang yun ang solusyon ko, nung time na nagkita kami sa isang mall sa las piñas bago kami kumain sinabi niya agad sakin na nararamdaman niya na magkakaron na siya kaya kahit papano nabunutan ako ng tinik, kinabukasan habang nasa school ako nagtext siya na nagkaron na siya kaya nabunutan ako ng tinik. 2010 august 15 nagpm ako sa kanya sa facebook at sinabi ko sa katapusan na kami magkita dahil nagiipon ako para sa 2nd anniversary samin pero nagulat ako sa nabasa ko na hindi ko inaasahan "hindi na ko makikipagkita sayo bye" kaya nagtaka ako kung bakit pero hindi na siya sumagot sa sinabi kong yun, magulo isip ko that time at nagtataka kung bakit ganon ang sinabi niya, dahil hindi ako kuntento sa sinabi niyang yun nagdecide ako na buksan ang facebook niya para malaman ang totoo (buti na lang binigay niya sakin email at password) nung nabuksan ko account niya don ako nagulat sa mga nabasa ko, may nanulot sa kanya at pimukha pa sakin na mahal niya yung lalaki kaya nilabas ko sa social media lahat ng galit ko (pero ngayon hindi na ko ganon dahil nagbago na ko hehehe....) after ng mga nabasa ko tumawag sakin ang kaibigan ko na business partner ko na ngayon sa negosyo at nagtanong kung ano ang nangyari sinabi ko lang na basahin niya yung pinost ko at nagtanong na kung gusto ko lumabas at magpahangin saglit, hindi na ko nagdalawang isip kaya lumabas ako para maglibang, yung savings na dapat para sa anniversary namin ginastos ko para mag walwal hanggang sa malasing ako, nung medyo lasing don ako humagulgol ng tuluyan dahil kahit may tama na ko masakit pa rin ang ginawa ni ex kahit may pasok ako sa intern kinabukasan naisipan kong magpalate dahil wala talaga ko sa sarili that time kahit nasa school ako hindi ko pinapahalata na may problema ako pero napapansin pa rin ng ibang schoolmate ko kaya pangiti ngiti lang ako hanggang sa yayain ako ng teacher ko sa intern na maginom kaya hindi na ko nagdalawang isip pero hindi ko ginawa yung ginawa ko nung andon ako sa bahay ng kaibigan ko kasi alam kong pagtatawanan nila ako,dumating ang september (same year) wala talaga kong balak umalis kahit may mga nagyaya sakin para gumala nagulat ako ng biglang nagring yung telepono at dali-dali kong sinagot at nagulat ako kung sino ang nasa kabilang linya, sino pa nga ba di si ex humingi ng sorry pero that time medyo hindi ko pa tanggap ang lahat kaya ayun bumalik na naman kasi that time nasa recovering stage pa lang ako, sabi ko lang "para saan pa ang sorry mo, ginawa ko naman ang lahat para tumagal relasyon natin"

"ano ba pagkukulang ko?"

"alam mong graduating ako kahit busy ako sa thesis ko gumagawa ako ng paraan magkita lang tayo"
hindi niya sinagot lahat ng sinabi ko

sinabi niya na gusto niyang makipagkita sakin dahil gusto niya ng closure pero tumanggi ako para ano pa kung makikipagkita ako sa kanya kasi sa ginawa pa lang niya sakin alam ko na ang sagot, kahit sinabi ko sa kanya na may gusto sakin ang pinsan niya pero tinanggihan ko alok ng pinsan niya dahil lang sa kanya ang mali ko nagmahal ako sa maling tao. bago niya sabihinng sorry at napansin kong mapuputol na yung linya inunahan ko na siyang bagsakan ng telepono, ayun sira ang araw ko kaya nagdecide akong lumabas, nung nasa bar ako kasama mga barkada ko nagtext yung isang classmate ko dati na nasa gig kaya nagdahilan ako sa mga kasama ko sa bar at nagsabi na babalik pero hindi na ko nakabalik dahil inumaga na ko. sa ngayon sila nagkatuluyan nung pinalit niya sakin at may dalawa na siyang anak sa huling kita ko sa facebook niya may problema ata silang magasawa pero hindi ko na inisip na karma niya yun, ang itsura niya ngayon parang mas matanda siya sakin tignan kasi napagiwanan sa kusina. august madness ang tawag sa dalawang babaeng nakarelasyon ko dahil month of august naging kami.


sorry napahaba kwento ko :lmao:
 
Pa-share din ka-Mobi.
Way back 1998, nagkatagpo kami at she became my first college girlfriend. I've decided to provide all of my time and effort to make sure na most of the times, magkasama kami. after class, sa galaan and anything. but the problem, unti unti kong nare realize na akin na lang lahat ang effort. Pero naba-balewala yun kasi nga mahal na mahal at assuming na siya na. A year of this kind of relationship, nakakapanghina rin pala. Lalo na lagi kong sinisigurado na may time ako para magkita kami at ilang beses na siyang nagso sorry na nakalimutan nya yung date namin at malalaman ko na lng na gumala siya ng mga close classmates nya (girls naman lahat). Tampo ako siyempre, pero pag siya ang nag sorry, ok na, suko na patawad na ako.
Vocational course nya at ako ay engineering. Mean to say, maiiwan nya ako at magta trabaho na siya. Pero, kung gusto, may paraan. nagpa iba ako ng schedule ng nga subjects ko to still find time na magkita kami. Natapos lng lahat ng paraan ko ng maging night shift sya for three long months. Then here comes yung ber months, diretso na ako sa Bahay nila para doon mag-Christmas and prepared something special not just for her, pati sa family nya at medyo naiba yung ambiance. tahimik yung mga family member nya at ganon din siya. Dahil nga di usual sa akin ang scenario na yun, nag usap kami one on one. dalawang tanong lang yung hiningan ko ng sagot sa kanya. 1. bkit ganon ang reaksyon sa akin nina ma at tita? sagot nya, ang alam wala na tayo. strike one yun. 2. May iba na, di ba? Sagit nya: Oo. Last sentence na nasabi ko sa kanya kahit nangingilid na yung luha ko, Sana gumawa ka rin ng paraan para mas malaman ko ng maaga, para hindi ka nahihirapan. sabay paalam sa mama at tita nya. may strike 3 pa ito, it happened December 25, 1999.
Now it happened two decades ago, paano ko nalampasan? Simple, I pursue may career, still open my heart to another relationship, found a woman, love her much greater than my first, engage for 7 years, became my wife and grant me 2 princes and a princess. Doon ko rin na realized na buti na lang three months lang ako nakulong sa sakit para mag move-on. and still thinks not just positive but also proactive. Mas malaking biyaya pala ang nakalaan sa akin.
I hope it enlightens some of the thoughts ng ibang ka-mobi natin. :)
 
First HeartBreak
Merry Joy (2010-2012)
Na love at first sight ako nung bumista sya sa work mga 2010 nun akla ko hindi ko na sya makita 18 years old yta sya nun first year college, dumaan ang taon naging ojt ko sya, nung una pag lumalabas kami kasama mga kaibigan tapos one time kami nalang, , naging kami may problema yung pagpadala ng allowance nya kaya ako na nagbibigay ng allowance nya nun, may nagtetext sa kanya na lalaki sabi nya hindi nya type pero nag away kami nun to the rescue yung lalaki, sabi nya hihiwalayan din nya pero hindi nangyari, sya dahilan kung bakit nag abroad ako para tulungan ko sya sa pag aaral nya kc isang taon nlang 4th year college na sya. Yun nag abroad ako ng 2012 , after 1 year kinasal na sila, ilang taon din na hindi ako naka move on. Pero hindi na sya nakatapos ng pag aaral.

Angelica (2015)
Nag try ako dati na manligaw kc matagal na din akong single may nakita ako sa facebook niligawan ko 18 years old plang sya nun pero sa facebook lng kami. Napadalhan ko din ng pera kc sabi nya may babayaran sya sa school nasa pinas ako nun naka bakasyon, pagbalik ko sa Saudi nag chat sabi nya ayaw daw nya ng LDR break na daw kami sabi ko cge, after ng ilang araw may cover photo sya ng lalaki.

Razil (2015-2017)
Nakadalawa na ako ng heartbreak kaya medyo takot na ako, dumating si razil nasa saudi din sya nun, alam ko may boyfriend sya, nag aaply kc sya sa online radio ko as dj, nag usap kami after ng pag uusap namin nag post sys a wall sabi nya crush nya daw yung boses ko, hindi ko alam kung pinagseselos nya lng yung boyfriend nya kc akla ko meron. Kc bkit nya ipagpapalit yung boyfriend ny na taga America sa taga Saudi lng na katulad ko. Kaya hindi ako naniwala nun, pero sinasbi nya na wala, pinag seseloan nya mga tao, tinetest ko aya nun kung totoo sya, block ko sya, mga grabe din ginawa ko hangang naging kami na. Naging ok kami for 3 years alam ko mahal na mahal ako hangang nun umuwi na sya mga august, nabigla din ako nun kc dpat after 2 months pa sya uuwi, pero ang alam ko kung uuwi sya apply sya sa Taiwan sabi ko baka nman pag nasa Taiwan kna ipagpalit mo na ako sabi nya hindi kaya naniwala nman ako.
Pauwi na sya nun nakasakay sa roro may send sya na picture may kasama sya na isang babae at isang lalake, tinanong ko sya sino yung lalaki sabi nya wala lng humiram lng daw sya ng power bank dun kc lowbatt sya, so akla ko ganun lng naniwala nman ako. Pero nugn naka uwi nay a nag iba na sya, dati kc bago ako matulog kausap ko sya, gusto ko sana ganun din kahit nasa pinas na sya, pero pag tumatawag ako nagriring lng, mag umpisa ako tumawag 1am dito sa Saudi hangang 5am, araw araw. Dumaan ng isang buwan ganun, tapos nasagot nya sya pa galit, sabi ko nagpupuyat yung tao hindi mo pa sinasagot ang tawag yun nakapagmura ako, nadamay pati pamilya nya, hanggang nun pag tatawag ako mag ring lng tapos busy, tawag ulit ako 1am to 5am, 3 months cguro na ganun sa isip ko bka wala lng signal, nalaman ko nlang na block ako sobrang sakit nun,. Hangang may Makita ako na facebook, malakas ang loob ko na sya ang gumawa kc initial ng pangalan nya yun at isang lalaki, naka pag usap kami ng december abi nya sinagot daw nya yung lalaki kc gipit sya at ang gusto ng lalaki sagutin nya para bigyan sya ng pera, so nagpadala ako ng pera pang tuition ng kapatid nya at pambayad sa lalaki, nag chat sya ok na daw hiniwalayan na daw nya yung lalaki, akla ko ok na nun, tumawag na sya sa akin ng december, at greet pa ako ng happy anniversary ng january, hangang sa hindi ko na sya makontak, kaya ang tinatawagn ko nlang ang family nya para hindi mastorbo sap ag aaply nya kc sabi nya pag maka alis sya sa pinas babalik sya sa akin, pero dumating ang February sabi nya wag ko na daw sya guluhin, yun na depressed ako nagtago ako ng isang buwan medyo ok na ako ng April 2017.

Liesel (2010-2019)
Si Liesel una ko sya na ka chat 2010 mga first year college din yta nun, nagandahan din ako sa kanya kaya add ko sya sa facebook, nag chachat na kami, nung nasa Saudi na ako tinatawagan ko din yan every month. Hangang sa makatapos sya ng nursing sabi nya mag abroad stya yun nga nag abroad sya ditto sa Saudi, same city sa akin parang same barangay lng, peor nung nandito hindi na sya nagrereply, tapos sabi nya makulit daw ako, at may boyfriend na daw sya, tapos block na nya ako, This year na search ko sya sa facebook, nag chachat ako hangang magreply sya pero tanggap ko nan a hindi magiging kami. Umuwi pl sy ng January 2019 sabi ko bka pag may communication tayo sabay tayo nagbakasyon sabi ko kc march din ako nagbakasyon. Nag chachat ako pero pag magreply sya abutin ng araw hangang sabi ko ang hirap nman pumasok sa mundo mo sabi ko, sabi nman nya cge add mo ako sa imo sabi nya. Yun nakwento nya na block ako kc ang reason pra mag abroad sy ay trabaho at gusto nya ipakita sa tita nya na trabaho lng sya, pero nung umuwi ng January Nakita ny mga kapatid nya may bf at gf na kaya sabi nya sarili nya nab ka ok na din kahit wala na sya dun sa bahay nila, pero mataas daw ang expectation ng family na mapapangasawa nya dpat Malaki din ang sahod, sabi ko hindi pla ako bagay sayo, sabi nman nya hindi basta ayusin mo buhay mo malay mo sagutin kita after sabi ko mnatagal pa yun sabi nya cge tayo na pero private lng muna, kinabukasan nagsend na ako ng resume pa assest para makapasok sa ibang bansa, pero after ilang araw ayaw na nya, kc nung time nay an tinatanong sa bahay barangay nya, tinawagan ko sya sabi nya bakit, at yun nagalit na sabi nya dba sabi ko private muna ano ginagawa mo, mag single muna ako, ayaw ko sana na mawala kami kaya tinatawagan ko sya makulit daw ako kaya block nya number ko, imo, whatsapp, facebook, Instagram lahat ng gagamitin ko pang message sa kanya block, hangang ngaun block, masakit kc nung time nay an masaya ako kc sinabi ko sa bahay na may girlfriend na ako, pero napalitan ng lungkot kc sa araw na yun dun sy umayaw. Tinutuloy ko parin ang sinasabi nya, trinatry ko mag review ng para ielts sa online pero ko kaya kc maiisip mo na yung tao na nagsabi na gawin ko yun ay wala na, itutuly ko parin na mag apply sa ibang bansa kaya nag resign na ako ditto sa company ko, ifollow up ko nlang ult, kelangan ko na din umalis ditto kc sobrang depressed na ako, maalala ko si razil dito, si liesel at si irish.

Irish (2017)
Nung dumating si irish may 2017 hindi pa ako totally ok nun, nag apply din sya na dj, at sinabi ng nagpasok sa kanya broken hearted din, ang profile picture ko dati black ganun din sya nun. Wala ako kinakausap, nag chachat sya pero hindi ko pinapansin hangang sabi ko sa sarili ko pansinin ko nab ka kelangan nya ng kausap, pero sa isip ko dati yung ex ko parin parang umaasa parin ako na babalik si razil. So si irish na kauap ko for 15 months, may nararamadman na din ako sa kanya hindi ko lng pinapahalata kc ok nman sya, nagseselos ako pag in another call sya ganun din nman sya, ang problema lng kc may anak na sya parang dati ayaw ko ng ganun na makatuluyan pero dba nagbabago din tayo pagnakikita natin na totoo sya, pero hindi ko parin sinasabi na gusto ko na sya. Then bumalik si razil nag uusap na kami sabi ny Malabo na sila ng boyfriend nya ako nman si tanga umasa ulit na babalik si razil kahi alam ko na Malabo lng sila at hindi pa sial hiwalay, hindi ko na napapansin si rish, pero sinasabi ni irish na iiwan din ako ni razil pero hindi ako naniwala, at dumating ang June 2019 nung last na nag chat na si razil after nun block na nya ako kc ipaubaya na daw nya ako kay irish asbi ko nman hindi kami, hinabol ko parin sya kahit alam ko na may boyfriend pa sya, At dumating ang august 2019 sabi ko sa sarili ko tama na, tama na yung 2 years na paghihintay ko kay razil, nagpaalam na ako sa kapatid sabi ko kakalimutan ko na si razil.
Nung mag move on na sana ako at alam ko nman na nandyan parin si irisi, gusto ko na din sana sya itry na maging kami kc palagi nman nya sinasabi na mahal ako, pero binigla ako, august 8 may kausap pla sya sa bigo, pero palagi nman kami nag uusap kaya hindi ako makapaniwala na naghanap sya, hangang pinost nya nan a in a relationship na sya, sobrang sakit nun, kc wala na ako mapuntahan dapat sya na pero wala na kc may nahanap na syang lalaki, Malaki pa ang sahod, a big at line lng sila naguusap. Sabi ng lalaki sa kanya sya na bahal magtapos ng bahay nya, bigyan nya ng load family nya every month 5k, pupunthan nya sya sa Kuwait pag may time sila pumunta dun kc sa airport sya nagtatrabaho, wala ko laban dun kc wala nmna ako ganun na pera, pero sinasabi parin ni irish na mahal nya ako pero may iba na kc sya, nag iba na kc sya nung may bago na sya, naglilihim na din sya, sabihin na busy yun pla nasa bigo nag guest, dati pinagbabawalan ny ako mag bigo sya pla may ginagawa, yun kagabi Nakita ko sya na nag bigo nasaktan ako kc sabi nya busy sya, nag guest din ako, nagalit sya, pinahiya ko daw sya, pero sabi nya kahit maghiwalay daw sya ng boyfriend nya ngaun hindi na sya babalik sa akin.

So yun ngaun taon may imove on ako na tatlo, si razil akla ko maging ok na kami hindi pla, iba sinasabi nya sa akin iba sinasabi nya mga kaibigan nya pero tanga ako kc umaasa ako na bablalik kahit alam ko na comitted parin sya sa boyfriend nya kc malabo lng sila block na nya ako sa facebook, pero babalikan na yta nya yung boyfriend na\ya na nakilaa nya sa pinas, si liesel na nag sabi na ayusin ko ang buhay ko sya dahilan bakit nagresign ako mag apply sa ibang bansa pero wala na din sya, may boyfriend na yta sya hindi ako sure block na din nya ako sa facebook, si irish na sya na sana pero dahil hindi nya ako nahintay na mag move on naghanap ng iba. Galit na din sa akin kc pinahiya ko daw sya sa bigo, block nya na ako sa bigo at facebook, lahat sila block na nila ako sa facebook.
Kelangan ko na din tlga makaalis dito sa saudi madami na hindi maganda na nagyari sa akin palagi ako pinagpapalit.
Sana malagpasan ko ito.
 
Last edited:
nuung high school pa.
okey naman kami kaso ayaw sakin ng magulang nya.
chinese kc sila. damn it.

kaya nag pasya kami secret love nalang hanggang lumipad sila pabalik sa bansa nila.

ang huling sinabi nya.

mag focus ako sa pag aaral.
at mag sideline para di pabigat sa magulang.
 
Way back 2010(highschool days) tumama ung puppy Love ko sa iba't ibang babae, pero ni isa, wala akong pinursue. since Highschool palang ako, and graduating at the same time. mas pinili ko nalang na mag focus sa ibang interests ko sa buhay at sa pag graduate. hanggang sa nag college, nag shift ng course at lumipat ng ibang school. na caught ng attention ko si highschool classmate. she was broken that time dahil sa barkada ko. So ako, tamang advice and na attract ako dahil sa sobrang pure ng puso nya, and I fell inlove with her. hanggang sa nagkaligawan, dumating ang 11-11-11, naging official ung relationship namin. for the first time, nagkaron ako ng commitment. I was extremely happy that time. all of our firsts, sa isa't isa namin nakuha. to cut the story short, inalagaan namin ung relation for 6 years. naka graduate kami parehas, naging successful sya sa career path nya, but not me. I struggled alot. thinking na hindi ko ma meet ung lifestyle na binigay sa kanya ng parents nya, and it was not good. I also faced family issues that time, tapos nagpaparinig na sya ng kasal sakin, which is hindi ko maibigay dahil sa takot akong mag fail ung kasal at higher level ng relasyon na papasukin namin. halos mabaliw ako sa sabay2x na problemang yun, that's why I Insisted a break, para huminga, para mabigyan ko ng time ung pag pursue sa career ko, para mas mabigyan ko ng time ung sarili ko, para lumipas ung bad vibes na dumadaan sa buhay. I asure her one thing, na mahal ko pa sya and hindi ko kayang wala sya sa buhay ko, kaya hindi ko nilayo ung sarili ko sa kanya, I always check her, bisita sa kanila halos araw2x, we even do private stuffs kahit pa technically e wala kaming label. para hindi mawala ung bond. after a couple of months, naayos ko na ung mga dapat ko ayusin, na settle ko na ung mga bagay na dapat isettle, and babalik na ko to continue whats lost sa part ko at sa part nya, pero huli na pla. kasi nag paligaw na sya sa iba, sa kaklase ko nung college to be exact. hinabol ko, sinusundo ko sya sa office nya kahit pa katabi lang ng condo nya ung office nila, insisted to go out even if its late already, nag makaawa ako sa parents nya to help me, pero walang nangyari. kaya bumigay na ko. December 2018 sya nangyari, and up to now, may hang over parin ako and pag naaalala ko, para paring sinusuntok ung dibdib ko sa hirap, i tried to do crazy stuffs to forget her, drink everyday, smoke, nag hanap ng ka FUBU. pero wala parin. iniisip ko kasi na mali na plang mag hangad ng magandang future para sa taong mahal mo, na ayaw mo syang mahirapan sa buhay ng kasama ka. masama na pla tlgang maging selfless sa panahon ngayon, kasi at the end of the day, sarili at sarili lang nila ang iisipin nila. knowing na nung nag struggle ka, kasama siya sa struggle na hinaharap mo. sya lang ang iniisip mo kaya ka na pepressure, kaya ka nag hahangad ng mas better. wala pla talaga sa tagal yan, dun ka pala talaga sa taong pipiliin kang samahan sa lahat ng struggles mo sa buhay. kahit pa ang cost nito is ung pag lalayo nyo ng pansamantala.
 
pucha ako lalong nppraning habang tmtgal e... lalo na akong wlang nararamdaman at bnabalot na ako ng kadiliman sa isip.. hatred and resentment nlng.. wla na rin akong pnaniniwalaan at pnakikingan laman ng utak ko paghihiganti at kamatayan at kawalang hyaan pra sa iba..
 
pucha ako lalong nppraning habang tmtgal e... lalo na akong wlang nararamdaman at bnabalot na ako ng kadiliman sa isip.. hatred and resentment nlng.. wla na rin akong pnaniniwalaan at pnakikingan laman ng utak ko paghihiganti at kamatayan at kawalang hyaan pra sa iba..

Until now?
 
Just came across this thread out of nowhere.And i think it would be better for me to share too my past experience.

First Heartbreak.

My first damn heartbreak was when i was still in 1st year college, my classmate. She's damn beautiful and Smart. Napakalayo kung ikukumpara sakin. I'm an Introvert person, And never expected her to be attracted to me. Back on our 1st sem, usual classmate-kulitan lang. I used to be top on our class so most of my classmates, including her seeks my help and advice. I didn't know that would be the start of our intimate relationship. On 2nd Sem since i feel comfortable talking to her, nagsimula na kong ligawan sya. A month later, napa oo ko sya. At that time masaya ako given i'm an introvert and given that she's my first love. 2 years of being together, our relationship went stronger but something that i didn't expect happened.

On our 3rd year, ako na lang muna tumuloy ng pagaral, while she stopped so she can work early to help her family. Every week na lang din kami nagkikita. At exactly our monthysary, nakita kong may kasama syang lalake. I approached her nung unexpectedly ko sya nakita then ipinakilala nya sakin as kaworkmate nya. Syempre i have trust in her so i believe that the guy was just his workmate.Along the way to our 3rd year, parang pakiramdam ko medyo tumamlay na relationship namin. May mga weeks na off sya at di pwede at sinasabi nya sakin na may pasok sya dahil kulang daw ang tao sa opisina. To my thinking, i feel there is something wrong with her, so sinubukan kong tingnan ang phone nya at cinopy ang content neto palihim to my laptop. To my surprise, nakakita ako ng mga hidden files, as i browse to it, nakita ko yung pic nya kasama yung ka workmate nya at iba pang lalaki. Hindi malalaswa ang pic kundi puro selfie na may kasama siyang lalake. Sobrang nadurog puso ko ng makita ko ang date na parang ka ka 2yrs lang namin ay may nakakasama na pala siyang iba. I didn't ask for explanation to her, ipinasa ko sa kanya ang mga pics sa messenger then ako na mismo ang nakipaghiwalay sa kanya.

Sobrang sakit sa part ko nun at sobrang naapektuhan ang pagaaral ko. Dumating yung point na halos every week akong umiinom which is hindi naman talaga ako heavy drinker. My performance on school fell, dumalas ang absences ko , hindi na din ako makakakain at natutulog ako almost 6am na. It became more even worse nung nagkaroon na ako ng mga Suicidal Thoughts. Tumabang ang pakikisama ko sa magulang ko. That time i didn't know, i already have Clinical Depression.

My suicidal thoughts are never broadcast on facebook but instead i post it on instagram as there are only few true friends that knows me that notice my behaviour there. One day, nag pm sakin ang hs friend ko na Psychology student. She did talk to me and go to our house. Uminom kame and inilabas ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko. The next day we talked again and she said to me na pumunta ako sa professor nya for free consultation sa school nila. The result is i have clinical depressio, at the age of 21.

As time pass by, unti unti ng bumalik ulit yung sigla ko and i almost completely forgot yung ginawa nya saken. It took 1 and half year for me to recover.

That's how i overcome death and heartbreak.
 
Last edited:
Until now?

@chazzaeigens yup. hndi madali mag move on pra sakin eh.. gmgcng ako minsan sa madaling araw tumutulo luha ko minsan tulala umiiyak nlng bigla. natural lang cguro un kc nasaktan ako. pero mhirap lang tlga tanggapin.. snsbi nga ng kumpare ko move on daw.. kc NOTHING LASTS FOREVER.. lahat may expiration date.. lalo tuloy akong umiyak
 
thb, my first heartbreak was when my mom passed away 19 yrs ago, and I still carry the pain up to this very moment. Although, tanggap ko na un ;)

sa relationship naman, that was 10 years ago, tinanggap ko lang and move on with my life and keep telling myself that there's always good with "goodbyes".
 
Heartbreaks and moving on. All are with process. I would like to take this opportunity to share:
1. Acceptance - of the the situation, that this situation happened to you
2. Acknowledge - thankful that it will serves as a lesson
3. Adjustment - self explanatory

Do not fall in a relationship na MU kayo, or no label at all. It is right and just na dapat malinaw ang mga bagay-bagay.
Some men take advantage for the "labeling" but in a relationship, it will all be depend sa mga babae.
Women sets the limitations/ boundaries in a relationship ALWAYS. THIS IS A FACT
 
First Heartbreak wayback 2016 LANG! Hahaha

In a past 3 years naging Fvckboy ako dahil sa kanya nung nagbreak kame. Nasaktan ako, kaya naisip kong bumawi sa iba. Alam kong mali, pero yun ang nakagawian ko nung nagmomove on ako. Di ko papahabain to, nagka JOWA ako at naka asawa na hahaha :D
 
dapat pla taung mga bigo ang mag sama sama.. tagay na yan EB EB EB hahaha:rofl:
 
Back
Top Bottom