Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Learn to Read Notes for Newbies ( #Keyboard )

PinkSugar

 
 
Symbianize Angel
Veteran Member
Messages
2,470
Reaction score
207
Points
208
Kamusta mga kasymb nais ko lang ibahagi ang ang aking napulot na basic tutorial sa pagbasa ng music sheets specially sa keyboard :yipee:

Ito po yung link.
Learn the Basics

i-update ko rin ito dagdag kaalaman at mga natutunan ko..

Sa mga nais magdagdag mga sir at mam :welcome: po post your ideas na rin.

Credits sa author ng link :salute:

+ Ako po ay hindi tagapagturo at lalong hindi magaling sa pagbasa ng musika. Nais ko lang po ibahagi ang aking natutunan.

Sa unang bahagi ng link tinalakay diyan na ang musika ay may lenggwahe din. Mga simbolo at notasyong nakasulat na may katumbas na halaga o kahulugan. :yes:

Ang unang unang mapapansin mo dito ay ang limang guhit. Diyan matatagpuan ang bawat notang may katumbas na tunog at bilang. Ang tawag dito ay Staff. Nagsisimula ang pagbasa mula sa baba pataas. :)

images


Sa Staff makikita sa unang bahagi ay ay ang mga Cleffs. Ang G cleff o treble cleff at F cleff o bass cleff. Karaniwan nakikita ang G cleff at ito ay gamit sa mga mataas na tunugan. Ang F cleff naman ay sa mababang tunugan at makikita sa isang Grand Staff kung tawagin.

Narito ang mga katumbas na nota sa bawat lines ng G cleff :read:

images


mas magandang makabisado mo ang bawat pwesto ng notes para sa mabilis na pagbasa ng musika. ak ak may memorization talaga pero madali naman.

Ayon sa aking guro dati mas madali daw makabisado ang mga nota sa isang Staff kung gagamitin mismo ang mga daliri ng iyong kamay. Ito po ang isang halimbawa.. Pero di naman kailangan na sulatan mo rin ang bawat daliri mo tulad ng ginawa ko :lol: Ito ay paraan lamang para maipakita ko sa inyo ang idea na ito :thumbsup:

attachment.php


(ak ak pagpasensyahan niyo na ang kamay ko hindi pang model pero ang importante ay yung notes. yung Mi=E , So/Sol= G , Si/Ti= B , Re=D , Fa= F)
at yung space sa bawat daliri ay FACE. :)


Downloadble Music Sheets attached are NOT MINE and for EDUCATIONAL Purpose only. Na-download ko lungs din po yan sa net at gusto kong ibahagi sa mga katulad kong mahilig at gustong matutong tumugtog. CREDITS sa mga original uploaders nito


pdf.gif
Grow Old with You

pdf.gif
Beauty and Madness

pdf.gif
A Thousand Miles

pdf.gif
Ill Be

pdf.gif
The Scientist

pdf.gif
214

pdf.gif
Canon in C

pdf.gif
Runaway



:salute:
 

Attachments

  • Ill_be.pdf
    92.9 KB · Views: 148
  • grow_old_with_you.pdf
    128 KB · Views: 187
  • Coldplay-The Scientist-SheetMusicDownload.pdf
    153.3 KB · Views: 120
  • Beauty_Madness_PianoLeadSheet.pdf
    128.1 KB · Views: 140
  • Canon-in-C.pdf
    178.9 KB · Views: 14
  • Run_Away.pdf
    201.9 KB · Views: 111
  • VanessaCarlton-AThousandMiles.pdf
    273.3 KB · Views: 162
  • Rivermaya-214.pdf
    117.1 KB · Views: 278
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

Kamusta mga kasymb nais ko lang ibahagi ang ang aking napulot na basic tutorial sa pagbasa ng music sheets specially sa keyboard :yipee:

Ito po yung link.
Learn the Basics

i-update ko rin ito dagdag kaalaman at mga natutunan ko..

Sa mga nais magdagdag mga sir at mam :welcome: po post your ideas na rin.

Credits sa author ng link :salute:

+ Ako po ay hindi tagapagturo at lalong hindi magaling sa pagbasa ng musika. Nais ko lang po ibahagi ang aking natutunan.

Sa unang bahagi ng link tinalakay diyan na ang musika ay may lenggwahe din. Mga simbolo at notasyong nakasulat na may katumbas na halaga o kahulugan. :yes:

Ang unang unang mapapansin mo dito ay ang limang guhit. Diyan matatagpuan ang bawat notang may katumbas na tunog at bilang. Ang tawag dito ay Staff. Nagsisimula ang pagbasa mula sa baba pataas. :)

http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQDvdIK31uFRpeIOK4MD-NWxPwE8tTHBpeYRRP_5T3L7G9zv8PsZGMIaw

Sa Staff makikita sa unang bahagi ay ay ang mga Cleffs. Ang G cleff o treble cleff at F cleff o bass cleff. Karaniwan nakikita ang G cleff at ito ay gamit sa mga mataas na tunugan. Ang F cleff naman ay sa mababang tunugan at makikita sa isang Grand Staff kung tawagin.

Narito ang mga katumbas na nota sa bawat lines ng G cleff :read:

http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQ9IWf5e4cpBWluHxju2rCJgDh04W2FCKbnHtntTJ5pE0NOs2OEhoxm6vQ

mas magandang makabisado mo ang bawat pwesto ng notes para sa mabilis na pagbasa ng musika. ak ak may memorization talaga pero madali naman. At sabi ng aking mentor mas madali mo makabisado pag ganito parang nagbibilang ka lang :thumbsup:

https://m.ak.fbcdn.net/photos-b.ak/hphotos-ak-ash4/s720x720/1003123_135541063311118_335654485_n.jpg
(ak ak pagpasensyahan niyo na ang kamay ko hindi pang model pero ang importante ay yung notes. yung Mi=E , So/Sol= G , Si/Ti= B , Re=D , Fa= F)
at yung space sa bawat daliri ay FACE. :)

ito na lungs po muna ngayon. dagdagan ko na lang ulet. :bye:

:thanks:
http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRzVM_uc-_Cxs5hsuOpvKh5uM5drcilCFiOBrpXoSBpY_RpxzdVb68amI8

Segwey ko lang ito.. Para sa mga mag piano o keyboard sa bahay nila at gusto na itong magamit sa pinakamabilis na paraan pwede niyo po itong pag aralan :read:

this is my quoted post from sis cherlovah's thread :wub:




hehe makikishare na rin ako ng natutunan ko..

* kapag magpapraktis ka na mag keyboard kailangan nakatapat ka sa middle C sa bandang gitna rin iyon ng keyboard.

* sit properly para hindi ka mangawit.

* pag aralan ang position ng mga daliri mo sa mga notes na katumbas sa bawat tiklado.

http://img703.imageshack.us/img703/7156/fingers1.jpg

http://img836.imageshack.us/img836/8928/fingers2.jpg

iyan po ang position na hanggang pang 5 nota.. do-re-mi-fa-so(sol). ang isang octave ay binubuo ng 8notes kaya kukulangin ang daliri sa kanan mo pa lang :suicide: dont worry kapag isang octave na ang pinag uusapan para hindi mabitin ang daliri mo at sakto lang ang posisyon ng daliri mo ay ganito na 1-2-3-1-2-3-4-5 :clap: sana po ay naintindihan niyo wala pa kasi ako makitang piktyur ;D

ganun din ang sa left hand mo.. para hindi mabitin ganito naman ang posisyon 5-4-3-2-1-3-2-1. :clap: parang binaligtad lang.. sana po naintindihan niyo mga sir at mam :-[ di po kasi ako magaling magpaliwanag :giggle:

* panghuli i- exercise ang iyong mga daliri para mas lumambot siya mas madaling tumipa ng tiklado at mas makatulong maabot ang malayong nota ;)

-----------
sana nga makatulong ito kahit kaunti :giggle:


pwede mo na rin mapagpraktisan ang nasa attachment.

Pahaves kay tol Vennom


madaling paraan yan :yes: para mahasa ang daliri mo. :thumbsup:

* kapag may ( . ) sa taas ex. pa 1 ibig sabihin higher do. 1 is do in so-fa-silaba. :)

:thanks: po dito.. :)
mukang diko na makukuha yug piano ko ah..
pero plano ko bumili ng accoustic guitar..
mag shared din ako dito pag may time.. :D
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

wewet ko yan royal :pacute:

sige share ka na rin :)
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

ito ang gusto kung topic. thanks ts.

grade-2 palang ako, marunong ng gumamit ng ukulele, hanggang napasali sa mga contest at nanalo naman. grade4 natuto ako mag guitar.
ang problem lang, di ako tinuroan bumasa ng nota. huhu

high school life, natuto ako ng organ at keyboard then after college naging organist ako sa church.

intro pa lang yan ts. hehe. BM ko na lang tong thread mo.
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

up ko lang para makita sa iba.
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

ak ak my 2nd update:

Continuation:

Sa G-Cleff parin po tayo. Kung di mo po trip ang sinulat kong mga nota sa kamay ko, pwede namang E-G-B-D-F o Every Good Boy Does Fine na lungs :yes: at yung mga notes sa spaces na F-A-C-E ay obyus naman na :giggle: :lmao:

Ikaw na lungs bahala pumili kung saang paraan ka madadalian ng pag kabisa :yes: mas mabilis mas maganda :yes:

Ang pagsulat ng G-Cleff sa ating 5 lines ay magmumula sa 2nd line mula sa baba, ibig sabihin doon natin matatagpuan ang notang So/Sol. Ngayon na may isa ka ng nota, pwede mo na ngayon makuha ang mga notang Fa-Mi-Re-Do. Yun oh :wow: alam mo na ngayon kung saan nagsisimula ang do :yes: Ang Do na yan ang Middle C na tinatawag :thumbsup:

Weyt a minuite saan mo ilalagay ang Do kasi magiging pantay sila ng Re kapag nagkataon?
Dito na ngayon sisingit natin si Leger Line o Ledger Line :thumbsup:
Ang Leger Line ay ginagamit sa mataas o mababang pitch ng notes na hindi na matatagpuan sa ordinaryong staff o sa 5 lines.
Ito yun oh..
Ledger_lines.svg

:thumbsup:

please :read:
piano-line-notes.gif

Treble-Clef-Line-Notes.gif


Piano-space-notes.gif

treble-clef-bass-notes.gif

kanan po ang gagamitin para tugtugin ito :yes:

Sa F-Cleff or Bass Cleff naman. Ginagamit ito sa mababang tunugan. Sa piano kaliwa ang ginagamit dito sa kanan naman ang para sa G-Cleff.

please :read:


Ang pagsulat nito ay sa pangalawang guhit mula naman sa taas. Gagawa ka muna ng tuldok at sunod ay curve na animoy parang tenga at may dalawang tuldok at ang ibig sabihin mula sa guhit na yun magmumula ang notang Fa kaya F. At dahil may nota ka na ulet na Fa makukuha mo na ang iba pang nota gaya ng Mi-Re-Do.
Ang mga notang nasa guhit ng F-CLeff ay G-B-D-F-A o Good Boys Dont Fool Around para madali. at A-C-E-G naman sa spaces nito na All Cows Eat Grass.. (oo nga naman :pacute: )

Ang mataas o Higher do ng F-Cleff ang Middle C na siya namang Lower do ng G-Cleff


Pansinin mo ito :read:

bassclef-notenames-1.jpg

as in ABCDEFG lungs :wow: mas marami pa nga kung ikukumpara sa letters ng alpahabet..
Kapag natapos ang G wala ng H no :punish: siyempre balik A kana ulet :yes:

Kapag kumpleto na siya ganito ang Grand Staff.
grand_staff.gif


notes-on-the-bass-clef.png


+ CREDITS po sa IMAGES LINKS na pinagkuhaan ko ng images :thumbsup: :salute:
 
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

very nice tutorials.:clap:
ipagpatuloy nyo lang po yan..
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

:thanks: tol ken
oo try ko pa to madagdagan :panic:


:thanks: po sa pag up sir wenz :pacute:

Edit:

3rd update..

Ngayong alam mo na ang Staff at Cleffs punta na tayo sa NOTA.. ak ak

Ang Notes ay may mga parts din pala ( akalain mo yun :pacute: )

Yes, ito po yun :yes:

* Note Head - from the word it self siya ang head, dito nalalaman kung anong note ang tutugtugin ni musician :giggle: May dalawang mukha ito ang open (white) at closed (black). ak ak parang close open lungs :laugh:

next

* the Stem - yun oh :wow: may tangkay siya pero tuwid na linya ito :yes: Pwedeng nakakabit ito sa head sa kaliwa o kanan pero may sinusunod na rule regarding this na kapag ang note head ay nasa gitnang linya pataas ang stem niya ay papunta sa pababang direksyon at kung hindi umabot sa gitnang line papunta naman sa taas ang kanyang stem.

* the Flag - ito ay pakurbang guhit na nakadikit sa stem ng note. Lagi ito ang nakakabit sa kanan lang :what: at ito rin ang nagsasabi kay musician kung ilang beats ang kanyang tutugtugin :music:

Tapos na tayo sa kanyang parts, now proceed tayo sa dito

please :read:
musictheoryandhistory_f4.jpg

sa break down na yan mapapag aralan ang uri ng notes at katumbas nila. Mula sa whole note hanggang sa thirty second note.
Mapapansin mo rin na mula sa eight note nagkaroon na ng flag, at nadadagdagan pa ng isang flag pa ulit kapag nahati nanaman siya. Habang nadadagdagan ang kanyang flag, bumibilis ang beat niyan. :thumbsup:

waa may beat?? :panic: ano yun?? ak ak parang heart beat lungs yan :wub:, kung paano tumibok ang puso ang notes meron din niyan. ( ak ak sa mga walang puso pwede naman gamitin ang paa pang beat )

Kung mapapansin sa ating staff pagkatapos ng Cleffs kasunod niyan ay may parang fraction :yes: may math din po sa music pero yung beats lang yun kaya dont worry be happy :laugh:

tingnan mo to :read:
Time-Signatures-Numerator.png


Ang tawag sa fraction na yan ay Time signature. :)

Hehe sa fraction may numerator at denominator di ba?

Ang ating mala fraction na Time Signature ay ang panukat natin, dito nakabase kung ilang beats meron sa isang measure. Huwag po malito sa measure, yan ay ang ating bar, yan ang naghahati sa staff natin. Ibig sabihin kapag tapos ng notes at may bar na, may isang measure ka na. :thumbsup: Kapag double bar na it means tapos na :yes:
Ang Numerator ang nagsasabi kung ilang bilang ng nota meron sa isang measure. Ang Denominator naman ang nagsasabi kung anong uri ng nota ang katumbas ng 1 beat.

pansinin :pacute:
GroupDownloadAttachment.asp

katulad ng nasa taas 4/4 ibig sabihin may 4 na apating nota o quarter note. Kaya sa measure na yan may 4 na quarter notes tapos yang quarter notes na yan ay 1 beat ang katumbas. :yes:

usapang time signature parin.. pansinin mo ito

cut-time.jpg


Ang malaking letter "C" na yan ay time signature parin na ang ibig sabihin ay "Common Time" at kung minsan o madalas ipinapalit sa katumbas nitong 4/4. Kaya kung C lang ang nakalagay na time signature matik 4/4 na yan :yes: ..

Ooops weyt lungs ano yung nasa babang may "C" tapos may slash? Ibig sabihin ng horizontal slash na yan ay hinahati niya yung "common time" ng literal. "Cut Common Time" ang tawag diyan at yan naman ang ipinapalit sa 2/2. Oh di ba hinati lang talaga yung 4/4. :thumbsup:


+ CREDITS po sa IMAGES LINKS na pinagkuhaan ko ng images :thumbsup: :salute:
 
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

Gusto ko madagdagan kaalaman ko pagdating sa :music:

Pa enroll.....
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

more pa ts.. :clap:
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

:thanks: sa pag enroll sir yve :giggle:

ak ak enroll talaga ang term bigti


:hello: teajae sige try ko update ngayon, iedit ko na lungs to :thumbsup:



Ak ak yun oh may update nanaman :lmao:


Eto na nga po ako mangungulit nanaman sa inyo :salute:

Pag-aralan naman natin ang Ties at Dots

Sa pagbasa natin sa mga musical hindi natin maiiwasan ang makakita ng Dot. Ano bang itsura nito?
The-dot.jpg


Kung ang Flag sa note ay hinahati ang katumbas na beats ang Dot ay ganun din pero sa kabaligtaran. Matatagpuan ito lagi sa kanan ng nota at kapag nakakita ka ng
note na may dot ibig sabihin magdadagdag ka ng kalahati sa orihinal na beat nito. :yes:

Gaya ng example sa taas, ang Dotted Half Note ay katumbas ng Half Note at Quarter Note
So magiging 3 beats na siya :clap:

Paano nangyari? Ang Half note=2 beats at may Dot kaya plus kalahati ng 2 beats ay 1 beat. Hehe 2+1=3 :yes: :clap:

Harinawa ay nagets :sigh:

next..


Ang Tie naman ay isang kurbang linya na nagkokonekta dalawang magkaibang nota. Ak ak magkapatid sila ni Dot pero
mas mabenta si Tie kasi mas musical-friendly ito gamitin. Ang Tie ay nagdadagdag din ng beats pero di tulad ni Dot na nakadepende sa original note.
Kaya mag i-imagine ka pa para magbilang :count: , kay Tie alam mo na agad ang idadagdag mong beat. Gaya nito.
tied_notes-1.gif


So, magiging 5 beats siya. Whole Note + Quarter Note= 4 + 1 = 5 :) :yes:

Ngayon ayos na tayo sa mga basics :yes: proceed tayo sa Scale or Iskala

Ang pinakabasic na Scale na ginagamit ay ang C Scale :yes: kaya ito rin ang madalas ginagamit.
Ano nga ba itsura ng C Scale para may idea ka :read:
c-major-scale.gif

Ang Iskala ay mayroong 8 notes :) alam mo na siguro yun; Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do. :sing:

Yang mga nota rin na yan ang katumbas ng puting tiklado sa piano :thumbsup:

Pwedeng pag-aralan mo yan sa piano or keyboard kung mayroon at kung wala naman pwede ka naman gumawa muna sa papel ng keyboard image kahit yung pang C scale lungs :thumbsup:
gaya nito atleast may idea at mapapag-aralan mo na.

c-major-piano-scale.png


or kung may pc ka naman sa bahay pwede mo tong gamitin Virtual Keyboard courtesy ni Master Demn13 :pacute: ak ak


Next..


Sharps, Flats, Natural and Keys

Malamang nakakita ka na ng mga symbols na ito at makakakita ka talaga. Ang Sharp ( # ) hehe parang pang Hashtag o number key ang peg at Flat ( b ) parang lowercase na B lungs :yes:
Nilalagay sila sa bandang kaliwa ng nota at ibig sabihin nito ay tutugtugin mo ang notang yun ng half step higher para sa Sharp at half-step lower naman sa Flat.
th

Sa ating C Scale ang Sharf at Flat ang mga Itim na pindutan o tiklado sa piano. :yes:

Please :read:
accidentals_MUSIC.png

allkeyboard2.JPG

Sa example sa taas ang sharf natin ay nasa F or Fa kaya F# ang note natin. Kapag sa piano natin titingnan ang F# ay ang semitone na nasa pagitan ng F at G.
Ano ba ang Semi-tone? Ito yung itim na tiklado natin :yes: na nasa pagitan ng mga puting tiklado :slap: pasensya na kung medyo magulo :lmao: Kung may Semi-tone meron ding Whole TOne Ito yung mga Puting pindutan natin.
At sa kaso ng image sa taas ang note natin na F# ay mapareho lungs ng Gb tingnan mo ulet yung image. Ang teknik lungs eh kapag pataas ang nota gagamitin mo ay sharp at kapag pababa naman ang pagbasang ng nota ang gamit
ay Flats :read: pakipansing maigi :thumbsup:

ak ak meron pa..

Ang Natural symbol
naturalsign.jpg
hehe simple lang to kapag nakita mo to sa isang note ibig sabihin inaalis niya ang powers ni Sharp at Flat :yes:


+ Credits po sa IMAGE LINKS ang mga image na pinagkuhaan ko. :) :salute:
 
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

ak ak pasintabi lungs po at mag uupdate ulit ako :lmao:


well ehem kung iniisip ng iba ay puro nota lung ng nota ang music :music:
siyempre napapagod din po ito :haha: ak ak yung kumakanta opkors.. kawawa
naman ang isang singer sa isang piyesa kung ito ay walang pahinga o Rest, kaya sa pagtugtog natin
ng music may kasama ring rest :yes:

ano ba ang symbol nito?

ak ak ito po ang "mga" Rest ibig sabihin hindi lang isa o tatlo.
note_rest_look_length.jpg

memorize lung natin yung symbols na yan para mas madali :yes: memorization talaga po sa umpisa pero kapag gamay
mo na hindi na po masyado mahirap :thumbsup: para ka na lungs nagbabasa ng english book na
iba man ang lengwahe na ginamit ay naiintindihan mo kung ano ang ibig sabihin.

balik tayo sa image po, kahanay po niyan ang nitong length. Focus po ang tingin sa Rest Columns at nandiyan po ang example
ay whole rest at dahil sinabing whole automatic ito ay 4beats :yes: ibig sabihin hihinto ka po sa pagtugtog habang binibilang ang 4beats.
Sa isang singer naman, hihinto naman siya sa pagkanta nito depende sa piyesa niya.

kung mapapansin mo rin, kung ilan ang flag ng katumbas nitong note ay ganun din ang parang flag nito sa rest pero ang flag nito ay nasa kaliwa o pakaliwa. Ang pagsulat nito
ay pa slant na linya muna pagkatapos ay yung flag niya na pakaliwa. :yes: ( example nito ay ang eight-rest hanggang thirthy-second rest )

Ang whole rest naman ay tila isang rectangle na may shade, ito parang nakabitin sa fourth line ng staff at ang half rest nakatihaya :wow: ak ak ( :naughty: to :lmao: ) :peace:
Kung ito ay isusulat mo lungs na hindi nakalagay sa staff natin siyepre lalagyan mo siya ng line :) para malalaman parin na ito whole rest o half rest.

Kaya kapag nakakita ka nito
400px-Piano_staff.png

Example sa taas ay sa do, re, mi, fa, so, la, ti then quarter rest. At dahil dalawang staff yan dalawang kamay din po ang gagamitin :yes:
kasi may G-Ceff at F-Cleff siya :ok: sabay po siya tutugtugin dahil pareho sila ng ginamit na nota :thumbsup: at ang importante ay yung rest dahil ito ang topic :yes:

Kadalasan ang rests ay matatagpuan sa bawat dulo ng line ng kanta :)




Wait there's more hindi pa ako tapos nuh :tse:

Next tayo,


Learn the KEYS
Sa pangungulit ko sa inyo ay napag-aralan natin ang Key of C, na siyang basic key sa music. Bawat Keys katulad ng C ay mayroong scale na may 8 notes. Ibig sabihin
mula sa mababang do hanggang sa mataas na do o C to C :yes: :count: mo pa :haha: C ang unang note nito kaya siya tinawag na Key of C :thumbsup: Ganun din sa Ibang Keys na mapag-aaralan natin.
May kaugnayan ang unang note o ang tonic[/b] sa pangalan ng o sa Key Signature na gagamitin.

Kuha pa tayo ng isang example. Ang Key of G.
Srm0046.GIF

Hehe paano ulit ito naging key of G? Dahil sa G o second line nagsimula ng first note natin :thumbsup:
Ngayon bakit may nakalagay sa baba na may whole step at half step? Remember yung whole tone at semitone natin sa ating last update? Yep yan nga yun :yes:

please :read:
whole-and-half-steps.gif

Piano Scale

Isa sa mga dapat tandaan na may pattern na sinusunod sa keys at sa ating tiklado sa piano :) Yung WS sa image means Whole Step at yung HS means Half Step.
Bawat Keys na mayroong Scale ay laging ganito ang pattern WS-Ws-HS-WS-WS-WS-HS. Mag iba iba man ang keys ganyan parin siya.

600px-Key-of-G%2C-no-key-signature.png

Sa key of G sa taas pagdating sa ating 4th line o yung sa note na F kinailangan siyang lagyan ng Sharp (#) alang-alang sa pagsunod sa ating pattern. Kailangan niyang maging Semi-tonepara makapunta sa Higher G :thumbsup:

Magulo ba? Sa mga gulung-gulo ak ak ito:
Paikliin ko muna ang pattern ( W-W-H-W-W-W-H ).
Pagdating mo sa Second to the last note na F, di ba ang F ay whole tone papuntang G (tingnan ang piano scale) pero dahil ang F na ito ay ang Second to the last note kailangan maging Semi-tone ito
para masunod ang pattern ng W-W-H-W-W-W-H-W. So matik na magiging F# siya dahil F# lungs naman ang nag-iisang semitone ng F to G :thumbsup: Gets :ok:
Kung hindi waa.. tingnan mo po ulet :yes:

ok na ak ak bigyan pa kita ng problema :haha: jowk lungs
Paano kung ganito?
Key-of-C-%2C-no-key-signature.png

Key of C# yan, kung mapapansin mo lahat ng notes ay puro sharp (#) juice ko po ang sakit sa mata niyan kung paulit ulit na may sharp parang redundant hindi ba?
Ok pa sana sa key of G dahil isa lang.

Dahil diyan nabuo si Key Signature at ang Key Signature na ito ay matatagpuan sa unahan lungs ng staff natin.
Kaya kapag ito ay isusulat sa time signature ganito na ang mga itsura nila..

Key of G
7.gif


Key of C#
Scales_Csmaj.gif


Nilipat lungs sa unahan ang mga sharps natin para madaling madefine ni musician na "ah nasa Key of G to or Key of blah blah ito.." :thumbsup:
Pero bagamat ito'y nalipat nakatapat parin ang sharp(s) sa line kung saan meron dapat i semi-tone :yes: :clap:


ak ak Ito na lungs po muna :confused:


:lmao:


+ Credits po sa IMAGE LINKS ang mga image na pinagkuhaan ko. :) :salute:
 
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

astig sir.. nabasa ko na sya .. nahihirapan lang ako intindihin kc newbie lang ako sa music.. by the way thnx po
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

hello sayo akoulit :hi:

:thanks: po sa pagbisita sa thread..

may kahirapan po talaga sa umpisa pero matutunan mo rin po yan :yes:

waa ak ak di po ako sir :giggle:
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

ak ak

pasegwey lungs ng Transposition mula sa aking mabuting samaritanong kaibigan sa musika :music:

Originally quoted from tjc0ol's post:

:D In order to transpose on the piano, it is necessary to have knowledge of some piano theory. One of the most important things to be familiar with is the 12 major and 12 minor scales. This will help you immensely as you transpose a song from one key to another. You will not have to guess which note to play, but instead you will already have a thorough knowledge of that particular key signature and will therefore know which note to play.

Another concept you should be familiar with when transposing is the Circle of Fifth Theory. This theory is a simple way to understand key signatures. By starting at any key, count seven keys to the right or left (both black and white keys) and you will find the perfect fifth. In other words, the perfect 5th is seven half steps, or the distance between the first and the eighth key.

If you start at C (which has zero flats and zero sharps in the key signature) and count upwards, G is the fifth key. G is the perfect fifth of C. The key signature of G only has one sharp. Then if you find the perfect fifth of G, you will find that D has two sharps. Then A, the perfect fifth of D, has three sharps and so fourth. Now, lets say you go back to C and find the perfect fifth of C counting downwards. You will find that F is the perfect fifth, and the key signature of F has only one flat.

Counting downwards again, you will find that the key signature of B flat has two flats. Continue on in this pattern for the rest of the keys. This theory will help you enormously in terms of transposition.

Being able to freely transpose songs to different keys is a talent that takes time to build. Stay positive and be patient. If you have knowledge of these concepts previously mentioned, you should have no problem transposing songs.


eto yung diagram ng circle of fifth :yes:
cir5thmap.gif

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Dahil medyo #nosebleed ako sa english at mas madaling maintindihan mula po kay Wiki ito po :) ( mas lalong english yata yun :rofl: )

attachment.php


Isa siyang musical representation na katulad ng nasa taas kung saan may 12 keys major at minor keys na magkakasunod na nakaayos ng pabilog :) Nakakatulong ito para makita at maunawaan ang kaugnayan ng bawat tunugan.. Nakakatulong din sa pagbuo ng isang komposisyong pasok sa banga ( tama ang timpla ), chords at kung anik anik na modulasyon sa isang piyesa. :giggle:

Kung papansinin nasa itaas ang major C at dito rin siyempre magsisimula ang pagbasa niyan. Kung baga sa numberline yan ang masasabing zero dahil wala itong anik anik na sharps at flats

Kapag sinubukan mo siyang basahin nang pasulong parang sa takbo ng orasan, makikita mo na nagkaroon ng isang sharp ( key of G ), tapos sumunod dalawang sharps na ( key of D ) at sa mga sumunod na keys nadadagdagan din ang sharps as in order siya talaga. Nakahanay ang pagkakasunod ng mga keys na ayon sa bilang ng kanilang sharps.

Kung susuriin pag dating sa F# magkapareho sila ng bilang ng accidentals ( flats/sharps ) ng Gb kaya 100% iisa lang ang mga notang yan kaya magkatunog lang ang dalawang keys na yan... Kaya nga ang F# ay Gb din :yes: ilocate mo man sa keyboard :thumbsup:
Kapag tinugtog natin yan ganito siya..

Circle_of_fifths_ascending_within_octave.png


Pansinin mo naman yung nasa kanan ng key of C ang key of F ganun din siya may isang flats naman siya, tapos nadagdagan din ng flats na correspondent sa key niya :thumbsup: Weyt ders more..

Ganito naman siya kapag tinugtog

Circle_of_fifths_descending_within_octave.png


:thumbsup:


Para mas maintindihan pa ang circle of fifth, ano ba yang fifths na yan?

Fifths ito ang distansya mula sa 1st note hanggang sa 8 notes at mayroon itong 7 half steps. Subukan natin sa keys sa ating keyboard..

Humanap ka ng gusto mong pindutin sa keyboard ( black keys man yan o white keys ). Dagdagan mo pa ng 7 keys yang napindot mo( 1 octave ). Tingnan mo, 7 nga :wow: mapa black keys man yan o white...

attachment.php



Pag-aralan mo rin siya at mapapansin mo mula sa key of C hanggang sa key of G ( na siyang first key natin sa circle of fifths ) ay may 7 half steps din :clap: ganun din sa mga sumunod pa :dance: at hindi lang yan 5 steps ang agwat niya.

Ganun din magmula sa key of C pa-counter clockwise perfect of fifths niya rin ang key of F dahil may 7 half steps din ito at yung mga sumunod pa...



:excited:



In addition dito para mas clear sa lahat ang transposition, base tayo sa


C Major Scale
We can form a major scale using a simple formula:

whole, whole, half, whole, whole, whole, half

*A half step is the closest key to any key. C to B is a half step down. C to C# is a half step up.
*A whole step is two half steps. C to D is a whole step up. D is also two half steps up from C.

Let's say we want to form the C major scale, we can plug in this formula

Starting with
C >
D (D is a whole step from C)
E (E is a whole step from D)
F (F is an half step from E)
G (G is a whole step from F)
A (A is a whole step from G)
B (B is a whole step from A)
C (C is an half step from B)

Always ask yourself what is a whole step from the note you want to form a piano scale. Asking questions based on the formula (whole, whole, half, whole, whole, whole, half).

Remember there are 8 notes in a scale. You may also remember the scale notes by using Roman numerals.

C Major Scale:

C D E F G A B C
I II III IV V VI VII VIII

:naughty:


fingering for scales - parang sa pag :quiet: lang ng :poke:

hands-position.GIF


Cscale.JPG



C D E F G A B C
(Right Hand Fingering) 1 2 3 1 2 3 4 5
(Left Hand Fingering) 5 4 3 2 1 3 2 1

ganun lang ka simple :naughty:

TRANSPOSIION

Ang pinaka purpose ng pag gamit ng transposition ay para itaas o ibaba ang buong key sa ibang key mula sa original key nito.

Kunwari ang isang singer ay nahihirapan sa isang kanta dahil ito ay nasa key of G at hindi kaya ng kanyang boses lalo na pagdating sa mga pitches makikiusap siya kay musician na ibaba ito ng key of F.

Ibig sabihin 1 whole step ang ibinaba from G to F at dahil keys ang pinag uusapan ibig sabihin din lahat ng notes ay ibaba ng 1 step lower :thumbsup: Ganun din kapag sa mababang pitches tapos itataas ang key para makanta ito ng maayos. Hindi kasi magandang pakinggan kapag pipilitin ni singer na kantahin ang
isang song na hindi niya kaya abutin ang lower and higher pitches at posible pa siyang masintonado :yes:

Kumbaga ay hindi mababago yung pinakatono niya, maaring tumaas lang o bumaba katulad nito

800px-Transposition_example_from_Koch.png


Pwede mong magamit ang circle of fifths sa bahaging diyan pa lungs :yes:
 

Attachments

  • Circle_of_fifths.png
    Circle_of_fifths.png
    52 KB · Views: 287
  • halfsteps.jpg
    halfsteps.jpg
    29.6 KB · Views: 559
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

:nice: pwede pa tutor in private? :D
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

salamat sa pag babahagi ng kaalaman
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

salamat dito TS
need ko to gusto ko magViolin
 
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

:nice: pwede pa tutor in private? :D
ak ak sir yve kung malapit ka lungs bakit hindi :yes:

salamat sa pag babahagi ng kaalaman

salamat dito TS
need ko to gusto ko magViolin
walang anuman po mga sir :) salamat din po sa pagbisita sa thread :hat:




UPDATE ulet dahil may time :giggle:


Ang ating musical alphabet ay binubuo ng A,B,C,D,E,F,G

lahat yan ay mga keys :yes: kung ibreak down lahat ng mga keys eh marami po ito at may magkakatunog pa kaya para madali magfofocus tayo sa mga major keys
kapag nakuha na kasi natin ang mga major keys pwede na nating makuha ang mga minors :thumbsup:

tingnan mo ito :read:


Key of C
600px-Key-of-C.png

Pinakapayak na scale ang key of C dahil wala itong kung anik anik na sharp at flats kaya lahat ng notes dito ay natural :)

Ito na nga yung mga keys na may anik anik na Sharps :laugh:

Key of G
Key-of-G.png


Key of D
600px-Key-of-D.png


Key of A
600px-Key-of-A.png


Key of E
600px-Key-of-E.png


Key of B
600px-Key-of-B.png


Key of F#
600px-Key-of-F-.png


Key of C#
600px-Key-of-C-.png



Ito naman ang mga keys na may anik anik na Flats :rofl:

Key of F
600px-Key-of-F.png


Key of Bb
600px-Key-of-Bb.png


Key of Eb
600px-Key-of-Eb.png


Key of Ab
600px-Key-of-Ab.png


Key of Db
600px-Key-of-Db.png


Key of Gb
600px-Key-of-Gb.png


Key of Cb
600px-Key-of-Cb.png



next tayo sa dynamics..

musical-dynamics_MUSIC.png
 
Last edited:
Re: Read and Learn to Play Music for Beginners

nabuo mo na ba ang version ng right here waiting? kung nasa odyssey maka grab na.... pa attach :giverose:

:nice: :kiss:
 
Back
Top Bottom