Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Magnum Mini Movie

Paypay ng paypay si Amphie dahil sa sobrang init dito sa 'Pinas sa temperatura na 32 degrees C habang binigyan ni sampung piso ang isang Bulag na namamaypay rin. "Ang init ngayun no?" sabi ni Amphie sa bulag pero inisnob siya nito at tumakbo. "Ang suplado ng bulag na yun. Teka, tumakbo siya?" :slap:

Gusto niyang magpalamig para kahit papaano ay mabawas ang init na kanyang nararamdaman. Nakupitan pa siya ng isang bulag na nagtitinda ng bolpen, nagkukunwaring bulag pala.

Sinubukan niyang magpa-aircon sa SM pero napakaraming tao rito kaya naiinitan at pinapawisan pa rin siya hanggang sa kasingit singitan niya. Nagpasya siyang umalis, nag-isip kung ano ang masarap gawin.

May malapit resort rito kaya madali niyang pinuntahan ito baka sakaling makalusot. Pagkarating niya agad siyang tumakbo habang naghuhubad ng tshirt na parang artista pero hinarang siya sa gate. Akala mo kung sinong malaki ang katawan. Sabik na siyang magdive habang tinitignan ang naggagandahang dilag na nagtatampisaw sa tubig. "Boss 200Php po ang cottage, 60Php po ang entrance." sabi ng guard pero nakatitig lamang siya sa mga chicks. "Boss papasok ba kayo?" tanong uli ng guard. "Ha?" sabi ni Amphie at hinugot ang wallet. Litaw ang 50Php na laman ng wallet niya. "Boss pwede wag ng magcottage?" lusot niya. "Jef!" pagtawag ng guard at sinenyasan ang lifeguard, sumenyas ng parang malaking bilog. Hindi ito na gets ni Amphie pero madaling gumalaw ang lifeguard. "Kailangan po magcottage sir. Rule po rito yan." sabi ng guard. "Wala ho akong pambayad ng cottage eh bossing." panghihinayang ni Amphie.

Dumating ang lifeguard na may dalang palanggana na puno ng tubig. "Dito na lang kayo." sabi ni Jef.

Bad trip na umalis si Amphie. "Grabe ang init! Pinapainit pa ng mga lokong yun ang ulo ko!" nag-isip pa rin siya ng dapat gawin. Hindi niya maatim ang init na sumasampal sa kanyang mukha at nanunuot sa kanyang balat. "Baguio!" sigaw niya at tinignan siya ng magsyotang naglalakad sa daan at grupo ng mga bading na nakatambay sa Komwari's Eatery. "Darna!" sigaw ng isang bading at nagtawanan ang mga ito. Inirapan lang ni Amphie ang mga ito at nagkibit-balikat at taingang kawali na lang.

Sumakay siya ng bus, "Saan ho ang punta niyo?" sabi ng kundoktor habang nakatitig kay Amphie. Inilabas ni Amphie ang wallet niya at nakitang 50Php lang ang pera niya.

Nagkatitigan sila ng kundoktor at ipinakita ang 50Php sabay sabing, "Baguio ho."

Naisip ni Amphie na mabait naman ang kundoktor dahil kinausap nito ang driver at sinenyasan si Amphie na lumapit. Buong pagmamalaki namang lumapit si Amphie. Binuksan ng driver ang pinto ng bus at umarteng may sasabihin ang kundoktor. Tumigil ang bus. Tahimik ang lahat parang nasa library na titignan kung sino ang bigla na lang tumawa.

Sinipa palabas, pababa ng bus si Amphie "Maghanap ka ng maloloko mo!" sabi ng kundoktor.

Akala ni Amphie mabait ang kundoktor pero isa itong malaking pagkakamali. "OM, ang init! Lord bawasan niyo po ang init ng ulo ko. Ayoko pong gumawa ng kasalanan." panalangin pa niya. Di nagtagal ay tumakip ang ulap sa araw at bumuo ng lilim sa gitna ng daan. "O Lord salamat po." pagkasabi nito ay dumaan lamang ang ulap at uminit nanaman. Hinabol ni Amphie ang lilim, pasimple pa itong naglalakad ng mabilis.

Napagod si Amphie at nadapa. "Iba talaga ang araw na ito." sabi niya. Napatingala siya ng dahan-dahan at nakita ang isang tindahan. Parang bumababa ang anghel at lumitaw ang isang radiance habang binabasa ang isang poster, "Magnum Ice Cream Chocolate Truffle... Mukhang masarap."

"Ate pabili po ng Magnum!" lumabas ang tindera, napamulagat si Amphie sa sobrang ganda ng dalaga. "Miss pabili ng dalawang Magnum?" nang napagtanto niya na 50pesos lang ang pera niya. "Isa na lang pala. Hati na lang tayo." ani Amphie. "Sir wala na pong Magnum, binili po kanina yung last two." ani Arci ang tindera ng Magnum.

"Bad trip naman talaga ang araw na ito! Natatakam ako." sabi niya habang tinitignan ang poster ng Magnum. Naupo siya sa bench malapit dito at sinalo ang baba sa lilim ng puno. Tumabi sa kanya ang kanina'y nagpanggap na bulag, "Sa'yo na 'to." wika ng bulag este nagpapanggap na bulag. Waa! Basta nakashades kasi. Inabot nito ang isang Magnum, agad itong dinakma ni Amphie at kinain. "Salamat pare." wika ni Amphie pero wala na ang mamang nakashades. Nagkibit balikat na lang siya at inubos ang Magnum gamit ang dila.

Ang sampung piso ni Amphie ay bumalik bilang biyaya galing sa isang mamang nakashades, pagkaubos nito ay bumili uli siya. Binola bola ang tinderang si Arci, at sila ang nagkatuluyan.

Sinong mag-aakala na ganito kalayo ang narating ng 50pesos mo? Sinong mag-iisip na mahahanap mo ang iyong pag-ibig dahil sa Magnum? Kaya matuto tayong magbigay sa kapwa natin, babalik ito bilang isang biyaya. Idampi mo na ang Magnum sa iyong dila.:D

-enD


http://ACWrites.tumblr.com
 
Last edited:
haha ako ba yun. angulo ng ng role nung nagpapanggap na bulag eh.. :laugh:
 
kung ako gagawa hindi parody, syempre love story :naughty: tayong dalawa kamo e :lmao:

sige nga umpisahan mo na yan :naughty:

Pumaparaan ka trops ha. Jef at Amphie. Parang Sam at Toni lang. :lmao:
.
Breaker, may tinda akong magnum icecream sa eatery. Nandun sa chest type freezer. Kung saan saan pa kasi kayo naghahanap. :laugh:

hahahahhaha adik :laugh:

hindi na nga sumagot trops, hindi yata nasakyan ang biro ko :lmao:

trops, nabasa mo na papel mo dito sa kwento ni tol breaker? :lmao: tindera sa ice cream parlor :rofl:

hahahahaha tse :rofl:
 
haha si blind ang bulag na hindi bulag :lmao:

jef, di maganda kung ako dapat may partisipasyon ka. parang RPG game? :naughty:
 
paanong dapat may partisipasyon ako :unsure:
 
nabasa ko lang dito ang tungkol sa rpg e, halukayin mo dyan sa baol :lmao:

pero kadalasan fantasy, e mahirap yata. kaya love story para madali. try lang for the sake of having fun :naughty:
 
aiiiii paghahalukayin pa ako :lol:
 
@kom,
haha..hindi alam ni Amphie eh..:lmao:

@blind,
ginulo ko talaga..halata ba?:rofl:

@amphie,
yung Role Playing Game?:D gawing love story..sali ako..kahit extra lang..:lol:
 
Bakit di Cornetto ang binili ni Amphie 20 petot lang sana may 2 siya nun at may sukli pang 10 petot! :rofl:
 
Oo breaker, kaso pahirapan yata yan. yung nabasa ko nga dito hindi pa nauumpisahan hanggang ngayon.
 
ou..kelangan kasi ng constant communication dun..baka masayang lang ang naumpisahan..
 
Ang ganda ko talaga and super sexy. Ikr? :rofl:

Ayos tong movie mo Direk Breaker. Pwede na tong pam-Famas. Ang title dapat nito madrama para patok sa takilya. "Ohhh... Ahhhh... Ohhh... Magnum ko, dilaan mo... Ohhhh.... Ahhhh... Ohhhh..." :rofl:
 
^hahahahahaha ang adik talaga nitong arcicola na to :lmao:
 
Adik naman talaga ako... di ba nga sayo jefy KOOOO~! :D

Pwede ring "Pawiin Mo Ang Init Ko" title ng movie natin Direk. :rofl:
 
tse pati sa shoutbox nagkakalat ka ng kabaliwan mo :punish:

pwede na yang title na nauna :rofl:
 
Pasado na pala kay Producer ung title ng movie natin. Sigurado Rated A tayo. Walang bahid ng kalaswaan, title pa lang. :rofl:
 
rated SPG kaya :lmao:
 
Hindi. Rated A tayo! General Patronage ang movie natin. Pwedeng pwede sa mga bata. Matututo sila ng kagandahang asal at matututo silang gumawa ng kabutihan sa pelikula nating pambata talaga "Ohhh... Ahhhh... Ohhh... Magnum ko, dilaan mo... Ohhhh.... Ahhhh... Ohhhh..."
 
dapat matuloy ang pangalawang patalastas ng Magnum starring dilag na si Jefiner, gwapong Amphie at ang di tiyak na si Arci featuring Breaker ang kontra..:lmao:
 
Back
Top Bottom