Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Missing the Old Ragnarok Online




I've always been listening to Ragnarok theme songs to relax myself when I feel exhausted. I tried searching on youtube for some more instrumentals and if some vocalists writes lyrics for them. Yeah, I found some but after reading comments, I really missed the old Ragnarok. The game that changed the face of online games.

Ayoko na mag-english, ang hirap! :lol:

Pinakapaborito ko `yong theme ng Prontera. Naalala ko noong doon ang saving point ko para kapag asar ako, marerelax na lang ako. Makikita ko din doon ang napakaraming Merchants na nagbebenta at nambabarat ng mga bilihin. :lol: May mga nakaupo lang para makipagkwentuhan, mga parties na nagpapahinga at naghihintayan, at mga newbie na humihingi ng konting zeny o pulot na items para lang makapagsimula. Shet talaga, nakakamiss!

Marami akong nabuong kaibigan dahil sa Ragnarok, mapaonline man o in person. Alisin mo na sa alaala ang pagcucutting classes para makapaglaro lang at ang pangungupit para makapagload, basta malaki ang naging impluwensya ng Ragnarok sa buhay ng mga batang 90's. Parang isa ito sa mga humubog ng pagkatao ng mga bata, pati ako at kung nakakarelate ka, pati ikaw. :lol:

Noong kukuha na ako ng job test para maging archer, hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng mga kahoy. Wala pang faqs sa internet noon kaya kailangan mong magtanong online para lang makausad. Social networking na rin ito kumbaga. Tapos may ilan na mababait na tutulungan ka pang makakuha dahil alam nilang hindi mo pa kaya mag-isa. Kaya siguro ako naging mabait at matulungin sa kapwa dahil na rin sa Ragnarok. :D

Isa kasing nawala na ngayon sa Ragnarok, `yong adventure eh. Dumami ang mga guides at nawala `yong thrill na mahirap magpalevelup. Dati ikaw lang ang gagawa ng paraan para makasurvive, sariling diskarte kumbaga. Parang `yong kagustuhan mong makawala sa reality kaya ka nahook sa Ragnarok. Doon kasi, walang makakakilala sa'yo. Para kang nabuhay ulit. Walang kaaway. Walang friends. Walang lovelife. Walang parents :evilol: . Ikaw ang huhubog sa buhay na gusto mo, ikaw ang pipili sa landas na tatahakin mo ng walang pipigil sa'yo. Walang makikialam. Ang maganda pa doon, kapag nagkamali ka o ayaw mo na sa landas na tinahak mo, pwede mong ulitin. Bumuhay ka uli ng panibagong ikaw. Aayusan hanggang gumwapo ka na doon. Ngayon, parang tanga ka na lang kapag hindi mo alam ang pasikot-sikot ng laro.

Ang sabi nga no'ng top commenter sa isang video sa youtube, "Good friends in RO will be remembered forever, even if they are random people you met while playing. Be nice to people wherever you are, he / she might be your priest that heals you all the time, the knight that tank for you, the hunter that deals the most damage with you, the blacksmith that made your first +10 elemental weapon and many others. `Coz we've been brothers and sisters once, that moment will come again one day."

Pagdating sa Ragnarok, ibang tao na tayo. Ang character natin ang personality natin, ang mukha natin. Kung sino tayo doon sa virtual world na `yon. `Yon ang breaker004 na nabuhay doon, iba ang real breaker004 na introvert at laging nasisita dahil hindi lumalabas ng bahay. Kung alam lang nila ang adventure natin. Kung alam lang nila kung ilan ang kaibigan natin. Kung alam lang nila kung anong level na tayo na magsisilbing edad natin doon. Kung ilang beses na nating nailigtas ang buhay ng mga kaibigan natin. :)

May ilan na couple na ngayon dahil sa Ragnarok. May mga barkadang solido mula ng magkakilala hanggang magtrabaho na at quit na sa paglalaro. Ibang klaseng experience talaga. Sobrang nakakamiss. :weep:

Da best para sa'kin ang RO. Quests, theme songs, 3d graphics that time, levelup rate, maps, storyline and guilds & pvp's. That world gives use what real life are at stake, emotions like happiness and loneliness. Freedom, survival, team work and companionship. No other game is made better that Ragnarok. :D

Waaaah. `Di talaga ako maka-get over. :rofl:

The jellopies, fluffs and even mucus are on trades. :lmao: I remembered my first Triple Lucky Knife! At masaya na ako do'n. Haha! The Kafra's, Weapons Dealers and etc! Too much to miss. Remember, chit chats with friends under the Payon trees na kayo lang ang nakakaalam na doon kayo nagtatago. :lol: Very nostalgic, kapag nasa tuktok ka ng bundok para panain `yong monster sa baba. `Yong Greatest General na hindi makalaban sa Archers kahit oras na ang binibilang para lang mapatay ng low level archers. `Yong maliligaw ka sa disyerto ng Morroc habang hinahabol ng aso. :rofl: `Yong mga newbie na pati itlog ng langgam pinapatulan makapaglevelup lang, hati-hati pa sa exp. :laugh: I feel like my tears wants to fall because of too much joy.

For Assassins, when you're cornered and no one comes for help, then some Storm Dust occurs and makes a great view like the entrance of a protagonist in a a movie. For Priests, the time when you heal Zombie prisoners, then suddenly a Hunter Fly attacks you defenseless but some stranger comes and help you. It's like, "Oh, thanks man. You saved me 3 hours of sleep and lots of bucks."

`Yong naglilibot ka sa Culvert tapos may makikita kang something weird, something na mas malaki sa mga normal na ipis na nakikita mo doon. Tapos kumikintab na parang ginto. :D Syempre curious ka, lalapitan mo. Magugulat ka na lang, pinagpipyestahan ka na ng mga ipis. Pagdating naman sa Ant Hell, mga langgam naman ang gagawin kang pulutan kapag nakita `yong bading na Mrs. Puff. :lmao: Mabagsakan ng Meteor Storm ng Dark Lord :getiton: . Lalo na `yong mga "Pa-warp po sa GH." paglabas mo sa warp, "Ala nasan na ako." :rofl:

Naramdaman mo ba na tumambay ka lang doon sa gitna ng town, Prontera, Alberta, Payon, Geffen o sa GH para lang sabihan ng "Hi" ang mga dumadaan na tao? Naramdaman mo ba namaglibot lang sa buong mapa at magpakamatay kapag naliligaw ka na? /gg `Yong papasok ka sa Dungeons para lang ma-rape and madapa? Tapos tatawa tawa ka lang sa ginagawa mo. :pacute: `Yong kahit mataas na ang level mo, papatay ka ng Poring para lang marinig itong mapisa? :evilol:

You know what makes RO great? We all play without knowing about the game. We're all noobs playing with other noobs. :lol: This is the place where you laugh at newbies knowing you did the same when you were begginner.

Kung may magtatanong lang kung sino ang first love ko, ang isasagot ko, "Anong sino, tanong mo kung ano? Ragnarok!" Hindi ako mag-aalangan.

The first 10k zeny, the first monster card drop, the first flirt with an opposite sex in the game, the allies, the favorite towns dungeons and the greatest weapon. Sabi nga, Midgard is better the the real world. Bakit online lang siya? Bakit alaala na lang siya ngayon? /sob

"Pa-buff please?"

 
I had a priest back in Loki. Sa pagkakatanda ko nagawa pa naming High Priest yun (well with the help of some friends, of course). Nakaka-miss nga 'yung bonding, with matching murahan at sitahan na "ang bobo naman nung mage, di marunong gumamit ng wall", na "Bobo kang archer ka, long range ka at ubod ng lambot, 'wag kang tumangke! Noob!".

The good thing about priest is that puro lang buffs, pero stress kapag di mo kilala mga nakakasama sa party. Pero kapag War of Empirium na, alam na pwestuhan.

Hahaha! Nakaka-miss! Well, buti na lang at may nase-save ako para pambili ng load para makapaglaro. Grabe ang kinita ng RO that time. :lol:



First +10 ko ay +10 Quadruple Vital Rod :lmao: at ako pa ang nagbasag. Walang magawa e. Nagti-trip nung Acolyte pa lang. :lol: Bilis nga lang pumera ng mga friends ko kaya damay ako sa pag-unlad. May mga nakilala ngang bago and somehow friend ko pa sa facebook. :lol:

That time, libre akong nagwa-warp papuntang Glast Heim (tama kaya spelling? :lol:). Ang iba demanding pa na i-buff ko pa. Kapag sinisipag, nagba-buff naman ako. (I think that time, ang term pa ng iba ay "Pa-baps po please!") :lol: Di ko kasi kailangan yung 2K Zeny e. May ibang priest kasi dun na nagpapabayad pa para lang mag-warp. :lol:

Anyway, nakaka-miss nga. Hahahaha! Nice! :thumbsup:
 
Last edited:
galing...nakarelate ako dun ah...
sobrang sikat nung RO nung nirelease siya sa Pinas, High school p ako nun at nakakaadik laruin..
maraming kang makikilala at makakasama..
ng stop ako kasi wala akong pang load nun...
nung ngkaroon ng Free to play ung RO nung college na ako ay ngtry akong bumalik at ng enjoy uli sa paglalaro, nung tumagal at ng quit na ung mga ksama ko binenta ko n rin mga gamit ko kasi di ko rin magamit at wala din akong malalkas na gamit...

one thing lang ang nasabi ko sa sarili ko...
once na mg graduate ako at makapagtrabaho bibili ako ng computer, papakabit ako ng internet at mag -raragna ako..
hahhah

ngaun nglalaro p din ako, patambay tambay tapos pa woe minsan...
ung ragnarok ngaun ay puro lakasan na lang..enjoy nmn kung may gamit k nga lang pero ito pa rin ung larong kahit iwanan ko...binabalik balikan ko pa din hehhe|

mraming memory.. first ever RPG skin at still the best


IGN: jin
Server: pRo Valkyrie
Main Char: Royal Guard
 
Nakaka relate 3 server yun Iris Loki and Chaos lalo na yung mga sawsaw ahahha sa dungeon ng izlude sarap makisawsaw sa thara frog para mg ka Exp hahah:rofl:
 
hi guys, i'm planning to revive my old ragnarok private server at gusto ko maging classic server without renewal features..pwede nyo ba ako matulungan sa features, drop and exp rates, etc? for updates, please like our fb page https://www.facebook.com/DynastyRagnarokOnline

thanks in advance!
 
Wow naalala ko pa yung old days. Nagstart ako Juno episode pa lang. Agawan sa loots pa. Tapos mag aabang ka sa prontera ng priest na naniningil ng warp papuntang glast heim haha. Ung iba nakikipag unahan pa para makisabit sa warp. Tapos ang daming trunks angkailangan para maging archer lang hehe. Nakakamiss talaga mag ro. Lalo na sa server ko na chaos. Tuwang tuwa ako nung nakasali ako sa first guild ko na Steel Wolves. Tapos lumipat kami ng Unholy guild hehe. Ngayon di m na makikita sa ibang ol games yan. The best talaga ang ragna. Lalo na kapag wednesday. Haha maintenance.
 
Panalo TS :clap: :approve:
Dami kong flash back sa isang mahiwagang istorya ng Ragnarok. :giggle:

Ganito kasaya ang Ragnarok nung mga panahong iyon halos kalimutan na ang real life para lamang makapunta sa Midgard. :)

Sa Chaos server kami before halos bunga din ako ng beta test 2 or 3 months when Ragnarok launch s Pinas. Mga naging ka-party ko nung una mga nakakasabay ko sa computer shop. Nung dumami kaming naglalaro sa computer shop sabi ko sa sarili ko hindi pa rito end ang paglalaro at dun na pumasok ang magkaroon kami ng guild dahil ang mas thrill ung mapapasabak kayo sa WoE. :laugh:

Hanggang sa naisip ko tutal isang guild naman kami s isang computer shop why not maging extension kami ng isa pang guild, at nabigyan naman kami ng permiso ng Judgement Grand GM na maging 4th extension nila. Na, dito nabuo ang mas malaking samahan (tropa) ang nakakatuwa pa noon kpag mag-aaya ang main guild ng GEB naluwas pa ang ibang nasa part ng luzon para lamang makipagkita. Gaya ng sabi ni TS halos sila din ang nasa FB friends kumbaga hindi nawawala ang contact. :giggle:

Nakaka-missed talaga ang Ragnarok kasi madaming istorya ang nabuo at yung iba sa online lamang nakilala pero nandun yung 'touch' na hindi pa din nawawala sa inyo yung "Midgard World" kasi palagay kayong nakakapag-usap. :approve:

Salamat TS for the TBT!!! :thumbsup: :salute:
 
Do you want a fresh start? Fresh and New server! Try US!!
Official Opening 6:00pm(GMT+8) yesterday June 26,2014!!
First 100players will get an additional freebies!(80 slots are left for incoming players!)
1 Bubble Gum Box (10pcs Bubblegum)
1 Field Manual 100% Box(10pcs Advance Field Manual)
20 Donation Coins 1 per account only!!
How to claim your freebies? Just message us in facebook with your ign!

~ibalik Ragnarok Online/iRO/ibalikRO~

*Rates:x50 BASE EXP, X40 JOB EXP, X40 EQUIP DROP, x25 ITEM/MISC, x25 CARDS
*99/50(2nd Job only)CLASSIC Episode 8.2 NO TRANS&NO 3rd JOBS(Hunter Job quest in Payon field 10,Blacksmith in Geffen)
*MOROCC(Maintown)
*Disabled combo/miniboss/boss cards
*Disabled dual client/log-in
*Internal Gameguard (Better than Harmony gameguard, 100% No Bot etc.)
*DDOS Protected Server
*Pincode system
*Daily/Weekly/Monthly in-game events
*Old mobs in underprison(GH)(Zombie prisoner,whisper,hunter fly,skeleton prisoner,brilight)
*Balanced server for non-donators & donators
*Classic donation costumes
*Official refine rates
*1st Job platinum skills only
*No autojobchanger and No reset stats
*Commands @request @rates @iteminfo @security @time @whereis @whodrops @commands @request @mobinfo
*Guildcapacity 26(small guilds wont get left behind), No alliance and No emergency call
*9v9 Guildroom(soon)
*Automated NPC Events with prizes(soon)
*GvG,WoE,PvP server
*No godly items


WE STAY CLASSIC!!

Novice stats are all in 1
-5k free zeny
-10field manual and 5 bubblegum
-5 free kafra teleport and 5 free kafra storage
-Novice Potion 350pcs & Novice Flywing 30pcs

Why play and choose us?
*Active and Friendly GM Team
*Non-bias GM Team
*Daily/Weekly/Monthly in-game events
*Quick GM response
*All of your accounts are safe with us

Download here:
http://ibalikragna.com/board/index.php?/topic/3-how-to-download/
"When downloading and playing please turn off your anti-virus"

Register here:
http://ibalikragna.com/?module=account&action=create

Official Forum:
http://ibalikragna.com/board/

Official Website:
http://ibalikragna.com/

Official Fb page:
https://www.facebook.com/ibalikragnarokonline

Want to be an event GM?
http://ibalikragna.com/board/index.php?/topic/8-gm-event-staff-recruitment/

NOTE: WE ARE NOT CONNECTED TO BALIKRO!!!

Tired of server hopping? Finding what server to settle down? We are here! Try us! Just give it a try... See you! :)
 
i really really love listening to its OST's, nakakarelax para sa'kin... para akong nalilipat ng ibang dimension... :D :music:
 
Tlagang nakakamiss maglaro ng ragnarok. gus2 ko bumalik pero ang hirap na. dahil ang layo layo na ng inabot ng ragnarok. at medyo bz na din sa lyf. hahay! Naalala ko pa nakapaglaban pa kami sa Regional Philippine Championship (Mindanao division)ginanap sa davao year 2005 pa un. Ang sarap ng feeling nun. nasa gilid mo ung mga GM tumitingin sa mga laro nyo/ sa mga diskarte. Hinding hindi ko un makalimutan. I really miss playing ragnarok. Wala na kasi ako mga kasamang maglaro nito ulit! sayang! Main character ko priest! Ang galing ko kaya gumamit ng priest! hahaha!
 

`Yong kahit mataas na ang level mo, papatay ka ng Poring para lang marinig itong mapisa?

HAHAHA. biglang pumasok sa isip ko yung tunog ng pagkapisa nung poring. hahaha. iba pa dun yung cool environment tsaka madaming tao. sabi nga dun sa GCUBE(?) (yung show dati sa hero na nagfefeature ng mga OL games) sabi ng GM dun nung ARMADA. "it's just a virtual world but the friends we met there, the feelings etc, they're all real" basta ganyan yung thought. medyo di na kasi maganda yung mga naglalabasan na games ngayon
 
"Good friends in RO will be remembered forever, even if they are random people you met while playing. Be nice to people wherever you are, he / she might be your priest that heals you all the time, the knight that tank for you, the hunter that deals the most damage with you, the blacksmith that made your first +10 elemental weapon and many others. `Coz we've been brothers and sisters once, that moment will come again one day."

Sir very true. yohohoh

Sir i repost ko po ito sa FB with full credits .

kudos po para sa iyo.

:praise
:yipee
 
Nag laro din ako ng RO dati :lol:
Chaos
Monk, Wiz tsaka Blacksmith (Kakalabas palang ng 3rd Job Dati)

tapos nag laro din ako sa private servers

Kakamiss din~
 
Pag nasa tiangge ka, listen to Theme of Prontera habang sinasamahan mga kasama mo mamili do mo mararamdaman yung oras :rofl:
 
wooo... not sure.. pero last play ko ata ng ragnarok is just 3 or 4 months ago.. private server yung PHro.. pinagkakitaan ko lang then benta sa real money hahah... naka 1k PHP din ako dun ha heheh

pero totoo naman diba.. ang kinasira ng ragnarok ay ginawang negosyo ng mga gamers... yung simpleng bot para mapadali yung pagpapalevel ginawang pera... nagbot para mag farm ng loots tapos benta... hindi nga lang gamers eh... yung mismong levelup... nabubuhay pa ang ragnarok ngayon dahil yung ang isa sa pinaka pinagkukuhaan nila ng kita sa loads..


hayyy naalala ko kung pano ko nadiskubre ang larong ito.. natutong laruin to... ma adik sa larong to... napasama lang ako sa kaibigan ko na sa kasama yung kaklase nya... that was 2004 summer vacation... grade 1 palng ako.. nanonood lang ako sa kanila naglalaro ng ragnarok.. sarah server ata yun.. tapos eh naiihi daw itong kaibigan ko.. kaya pinahawak muna sa kin yun ragnarok nya.. wala talaga akong ideya sa ginagawa nila nun.. di ko alam kung ano sense ng larong yun... actually ito ang first online game na nalaro ko.. alam kong laro lang kasi nun counter strike..

tapos ito na nga... sympre nung nahwakan ko na yung ragnarok eh.. na curious na ako.. kaya nag register na ako ng account... naglaro stupid pa nga pinagagagawa ko nun.. yung stats and skills,, bago sa pandinig ko yun.. di ko alam kung ano lalagyan... acolyte first job ko.. sabi ng mga kaibigan ko para daw may support .. ewan support nga lang di ko alam nun.. kaya sige lang nang sige.. lalo na.. di ko naman pera yun.. nilibre lang ako sa pc rent... may 5 free hours pa yun kaya hindi muna kami nagload... pero tulad ng pagkalibre sakin sa rent ng pc... yung kaklase din ng kabigan ko yung nanlibre sakin ng mga pang load para maka laro ng ragnarok ... isipin mo ba naman grade 3 plang sila nun pero yung perang dinadala 1k araw araw... minsan nga nauubus namin yung tatlo.. dun na din yung time naging magkaibigan kami nung kaklase ng kaibigan ko hehe.

balik sa ragna... natapos na yung bakasyon di ko pa din na pa change job yung acolyte ko.. wala eh grade 1 or 2 plang ako nun kumbaga mangmang pa hahah ... tapos eto na napeste pa.. ang alam ko malapit na magPRIEST yung char ko eh... tapos pagbukas ko ba nmn sa account ko wala na gamit.. hahaha nadale ako nung isang bata na medyo matanda samin na nood ng nood sakin.. yung mga sumunod di ko na maalala pero dahil pasukan na nga hindi na ako nakapaglaro dahil wala akong pera para makapg rent ng pc at bumili ng load.. baon ko kasi nun 15 pesos lang araw araw..

pagkatapos ata nun.. next na nakapaglaro ako ng ragnarok is yung lumabas na yung valkyrie.. di ko na matandaan kung anong grade ako nun.. ang taning naalala ko lang nung mga panahon nato.. ay yung may napapasang champion ng zeny nya sa kaibigan nya... ako nandun lang nakatambay sa prontera.. sinbukan ko ideal.. uyyyy may 5m zeny.. click spam na ako sa deal. hahaha YEHEY.. the deal successfully complete hahah.. tapos nakita ko nagaaway na sila dun samantala ako pinambili na ng favorite kong Phantom of Opera hahha.. tapos yung iba binahagi kosa kaibigan ko.. pero di rin tumagal na hinto ulit ako... pero after ulit ng ilang years... 4th year high school na ko nun... 2011 ata.. hahaha balik ragnarok nanaman ako.. nagrent kasi ako sa internet cafe.. nakita ko may ragnarok sa desktop kaya sinubukan ko... ayun... dahil may knowledge na ako at sa tulong ni ratemyserver.net at google.. ilang linggo lang napa high priest ko bagong gawa kong char at account.. niyaya ko ulit isa kong tropa mag laro... nainggit ako sa knya dahil yung mga char nya nung bago ang valkyrie buhay pa hahaha.. kaso mga 1taon lng din nagsawa kami hahaha...

sa ngayon buhay pa mga char ko sa valk.. minsan kung may pagkakataon akong maopen yun.. tinitignan ko at nakakalungkot naman kasi puro bot na lang makikita ko dun.. hindi naman lahat pero karamihan tlga.. lalo na yung mga nakavend sa prontera na hile-hilera.. tapos sagd sagad na yung zeny.. ang alam ko ngayon isang character ko mag tig5b zeny eh.. vazilos voucher (1voucher = 1b) na nga ang gamit eh kasi hindi pwede itrade yung 1b and up..

heheh napahaba na pala.. pero kahit ano mangyari... ragnarok the best talaga... sa dami kong pinalit na laro sa ragnarok... walang makaktumbas ng satisfaction na binibigay ng ragnarok sa bawat gamers..
 
I really miss this one, hmm next reply ko na lang un Feedback ko about sa Ragnarok #1 :D
 
really miss the old days.. the days na ngstop dance pa sa chaos dahil sa sobrang lag.. wala pang ibang server non that time.. gumawa ako ng thief sa pagaakalang maganda ang build na hybrid :lol: kada level ko pantay pantay lahat ng stats :slap: :lol: ung kasarapan ng level 42 na ko sabi ko sa sarili ko taragis bat lagi akong namamatay ang gastos sa pots :rofl:..



gumawa tuloy ako ng bago archer at isang acolyte etong acolyte ginagamit ko para magpapera dahil masaya magwarp ng iiscam pa nga ako sa payon noon at pront :rofl: tapos sabay pm saken ng ngpawarp hahaha :rofl::rofl::rofl: trip trip lang nakaipon akong 100k or mahigit ata kaka scam lang :beat:.. remember my first rare drop "4-leaf-clover" na benta ko ata ng 400k ba un :slap: gumatos ng 100 to 50 php load taragis kahit wala n ko pamasahe pauwi galing sa school.. ma drop out ng 3 times dahil dito :lol: at ng napagod ng private server nalang the days of mobro i was a level 95 archer kumakatay ako ng mga level 99 na 2nd job.. mga kngth etc. .. :lol: baka my nglaro rin non IGN ko is Little_evil :salute:



at ng ngkaroon ng free to play sinubukan ko ulit ang valkyrie :salute: i was a FS that time tambay kami sa 62 -70 ata na pvp room masaya doon sa room na yun halos lahat kasi kakilala na namin at my mga ngpapaevent pa doon 5 v 5 per guild nalalala ko naka FF lagi saken kalaban nila ayon kawawa ako lagi hahaha :rofl:
 
Last edited:
hehe.. :thumbsup: sayang lang wala na akong time..:lol:
kanya kanyang paraan para kumita ng zeny noon eh.. kakamiss.. :upset:
 
IGN: freddykree
JOB: priest
SERVER: loki
GUILD: LORD OF DOOMS
 
Back
Top Bottom