Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
Yehey! Finally got some time (and inspiration) to start writing again.

Belated Happy valentines guys. :)


CHAPTER 56

“I’m going to wait out here until you say you forgive me.” Sigaw ni Chuck galing sa kabilang side ng pinto.
Napahalakhak lang ako habang binabalatan ang suhang galing sa fruit basket na bigay sa akin ni Chuck, siya naman currently ay nasa labas ng pinto ng kwarto ko at nag-aabang sa paglabas ko.
“I hope may dala kang kutson kasi matagal kang mag-aantay diyan.”
Hindi nya alam na nagbaon ako ng pagkain dito, at may arinola rin sa kwarto ko kaya next morning na ako lalabas.
“I don’t mind as long as you forgive me.” I hear him take a deep breath then sigh, “sorry babe. I really didn’t mean for it to go that far, or think about what you were going to feel.”
Tanga. Hindi ako sure kung masyado na syang kumportable sa akin kaya naisip nyang pwede nyang gawin sa akin yun, or if he doesn’t think I’m professional enough to feel embarrassed. Seryoso ako sa trabaho ko and I feel na eto na yung pagkakataon ko, pero anong ginawa nya? Sinira nya. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapakita sa opisina namin, and knowing my boss is his best friend? What does that mean for me? How does this affect me?
“Babe, sorry talaga. I wasn’t thinking. I know you hate that I did that to you in your new job, I’m just… I’m an idiot okay? That was me being stupid.” May narinig akong soft thud sa pinto and he spoke softer, “I’m really really sorry, Andi.”
Paulit ulit ang mahinang tunog sa pinto at narealize ko na parang tunog ng ulo na inuumpog sa kahoy. Gumapang ako palapit sa pinto at binuksan ito, paghatak ko sa pinto nahulog sa lap ko ang ulo ni Chuck.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ang mukha nya, siguro kahit gaano kasama ang loob ko sa ginawa nya sa akin, kapag tinititigan na nya ako ng ganito – na parang kami lang dalawa sa mundo, everything else just falls into the background. Hawak hawak ko ang mga pisngi nya at sinampal ko ng very, very light, “Galit pa rin ako.”
Hinaplos nya lang ang kamay kong nakahawak sa pisngi nya, not breaking eye contact he just says, “I know. I don’t blame you.”
I sigh, “You know I take my job seriously at itong trabahong ‘to, it’s very important.”
He touches my cheek, “I know that too. It was a stupid joke. I’m sorry.”
Bumangon na sya at naupo sa harap ko, “I’m not perfect Andi, I make mistakes too.”
May point, I mean up to this moment in our relationship parang ako yung screwup, at napatawad naman nya ako diba? Tsaka this is just the first time he’s made a mistake so I guess I’m being overly sensitive about it.
He tucks my hair behind my ear, “Do you forgive me na? I swear that’s the last time I’m going to pull a joke like that.”
Tinignan ko lang sya, “What did he say? Nakausap mo na ba yung boss ko?”
He gives me small smile, “He can’t believe I did that to you. He says I’ve changed.”
He sighs, “Tristan and I have been friends since I can remember and quite frankly, sa aming dalawa, mas gago siya, but over the years since mapunta siya ng US to study and to work for a while, he changed. Now he’s the mature one and I’m the idiot.”
“Mabait ba siya?” I ask.
Hinawakan nya ang mga kamay ko, “He’s a good guy, Andi. I wouldn’t be comfortable with you working for him if I thought otherwise.”
“So, magkatrabaho ulit tayo?” I ask him. I don’t know how I feel about the situation, I mean okay lang sa akin na makakatrabaho ko ulit si Chuck, but I feel a little worried na I’ll be that girl again. People will want to know how we met and I’d rather not talk about personal things in my workplace.
He smiles, “Ayaw mo ba?”
Binawi ko ang mga kamay ko and I cross my arms over my chest, “You didn’t answer my question.”
He sighs, “As much as I want to be with you every single second of the day, no, we won’t be working together. I’m just a consultant so I’ll probably be just in meetings with Tristan, you’ll see me in your office maybe a couple of days in a month lang.”
I nod.
He laughs, “I’d be offended with that nod if I didn’t know you any better.”
I smile, “Alam ko naman na naiintindihan mo why I want my personal life and my work to be separate. I’ve learned my lesson. That’s why I was really going to resign if I was really working for you.”
Nilagay nya ang kamay nya sa dibdib nya, “I’m offended. I’m a great boss.”
Ngumiti lang ako, “I’m sure you are. But in this relationship, there’s only one boss and that is me.”
He just smiles, “Yes ma’am.”



Alam mo yung may nakakahiyang nangyari sa buhay mo recently and you just can’t get it out of your head?
Habang naglalakad papunta sa building namin, I keep remembering what happened yesterday at bigla akong napapamura sa nangyari, people who are walking beside me look at me like I’m a crazy person. Napapailing na lang ako dreading what’s awaiting me sa office.
Chuck didn’t drive me to work today, I asked him not to and he’s respecting my wishes kahit na ayaw na ayaw nyang nag-tataxi ako, he even asked for the plate number of the taxi I rode. I got off ilang blocks bago ang building namin para makapaglakad muna and to clear my head.
I got to the lobby and went in na keeping my head down.
Alam kong ilan lang kami sa office na nakaalam ng nangyari kahapon pero you really can’t trust people, si Dee mukha namang mabait pero baka chismosa.
I’m an hour early para makapwesto na bago magdatingan ang mga officemates namin, if we follow the schedule Dee made for us, she will be giving me a tour of the offices – all ten floors of it and will introduce me as Mr. Guevarra’s new assistant.
“Oh God, please let this be a good day.” I whisper habang nag-aabang ng elevator.
“Good morning, Andi.”
Napangiwi ako sa boses sa tabi ko, I look beside me and medyo nanlaki ang mata ko. Mr. Guevarra, standing beside me with a brand new hair cut with a five o’clock shadow. Napailing lang ako para matanggal ang pagkatulala ko and I say, “Good morning Sir.”
He smiles and runs his hand through his hair, “Got a haircut” and he touches his cheek, “The perils of having facial hair, it grows literally overnight even if I shave it off.” He places his hand on his scruffy cheek.
I smile back at nag-ding na ang elevator.
Another elevator ride with my new boss na kaming dalawa lang, pucha I can’t think of anything to say. Should I say something about yesterday or better na parang dedma walang nangyari?
He presses the 10th floor and we wait.
Alam mo yung wala kang matingnan sa loob ng elevator na ang tinititigan mo na lang is yung numbers ng floors habang sobrang bagal nyang umandar.
He finally says, “How are you? You okay?”
I nod.
He nods slowly and says, “So, are you always this early or is this a special day?”
Parang nag-dry ang lalamunan ko so I had to let out a little cough, “I try to be early, Sir.”
He smiles, “Good. I try to be early too.”
After ten years nakarating rin kami sa floor namin, and just like yesterday bago sya makalabas ng elevator, he walks back and I almost bump into him, he grins and says, “I have a feeling this is going to be a good day, Andi. Stop worrying.”
Then he winks.
 
Mukang busy na uli si TS.
It was a very good read, kaso bitin!!! I hope we can hear again from you soon.
I noticed that the title is different on Wattpad, and the chapters here are more updated so I'll be monitoring this thread for more updates.
Salamat sa exciting story, I managed to finish reading the latest chapter after a week (mabagal pa to pero hahanap hanapin mo yun sunod pag sinimulan mo eh!) :D
 
Mukang busy na uli si TS.
It was a very good read, kaso bitin!!! I hope we can hear again from you soon.
I noticed that the title is different on Wattpad, and the chapters here are more updated so I'll be monitoring this thread for more updates.
Salamat sa exciting story, I managed to finish reading the latest chapter after a week (mabagal pa to pero hahanap hanapin mo yun sunod pag sinimulan mo eh!) :D

Thank you sa pagsubaybay.

Ang dami ko nang hindi nagagawa actually. hehe. Pati pag-edit ng stories ko na naisulat ko na hindi ko pa nagagawa.
Sana support pa rin guys kahit na medyo nadedelay ang lola nyo. Just know that I don't want a half a**ed story posted here or in Wattpad kaya it takes some time. :(
 
CHAPTER 57

Matapos ang very interesting moment I had with Sir Tristan in the elevator, the day was pretty chill. Apparently, I worried over nothing, kasi lahat ng tao were very friendly and I don’t think anyone found out what happened yesterday. Dee was actually super nice about it and she constantly asked me if I was doing okay while she introduced me to the people in the building.
Si Sir Tristan naman was in and out of meetings all day so we barely had time to talk, it’s already 3pm pero hindi pa kami ulit nagkakausap, although he gives me a small smile kada dadaan sya sa harapan ko kapag lalabas sya ng opisina para sa mga meetings nya. Dee always followed him taking her laptop with her.
I’m currently sorting through the files Dee gave me and I’m reviewing his schedule which is kind of interesting because he travels so much. Ang dami nyang out of town and out of the country work which makes me think if I will ever need to travel with him. Malabo naman siguro, kasi assistant two lang ako, Dee is still his number one so malamang si Dee ang sasama.
Matapos kong ma-sort at ma-organize ang soft files ko sa laptop, makapag-archive at maglinis ng folders sa email – which is wala pa naman masyadong laman except files forwarded to me by Dee, I stood up and went to the file room at the left side ng ante room namin ni Dee para macheck kung ano pang pwede kong linisin, baka makatulog ako sa pwesto ko kung mauupo lang ako dun e.
I opened the lights and nalungkot ng konti kasi ang linis ng file room nila, the boxes had labels already and color coded pa. I sighed, sana ginulo muna ni Dee ito para may magawa naman ako.
I looked up the box titles and looked for something that needed fixing, I saw a box labeled “Others” and I smiled, “Jackpot!”
I brought it down and sat down on the ground, buti na lang naka-slacks ako today.
I took the top off and started sorting through the documents I made separate piles for them. When I was done I stood up to get folders and envelopes sa office namin and almost screamed when I opened the door, “Jusko po Lord!”
I had a hand on my heart trying to take calming breaths while Sir Tristan just looked like he was suppressing a laugh.
“Sorry. I didn’t mean to startle you.” He smiled.
I took a deep breath and looked up at him, “Sorry sir. I was just sorting documents in there.”
He looked behind me and saw the mess on the floor, “Okay.”
Napalingon ako sa mga documents sa sahig, “Sorry, I’m going to clean that up. Inayos ko lang po yung separation ng documents and I was just going to get envelopes…”
He put his hand up, “It’s fine, thanks for tidying up. Although, I should warn you Dee really gets cranky if her files aren’t in order.”
I nod, “I noticed. Super organized nya, I just found one box she hasn’t filed yet. Sinwerte lang ako, sir.”
He cocked an eyebrow and crossed his arms over his chest, “Sounds like someone’s getting so bored she looked desperately for something to do.”
I opened my mouth pero walang lumabas na sound, so para akong isdang bubuka buka ang bibig.
I don’t want to get Dee in trouble for not giving me anything to do. Shit. I don’t want him to think na I’m being paid for not doing anything.
But he just laughs, “Just kidding. I’m sorry but this day has been so crazy that we didn’t give you your tasks just yet. And you’re fairly new so I don’t want to bombard you with my requests.”
I smile up at him, “I’m here to be bombarded, Sir. So, please bombard away.”
He grins and bends down so his face is close to mine, “Be careful what you wish for.”
Napaatras ako ng slight, he’s very friendly, I don’t know if he’s normally like this or is this because best friend nya si Chuck.
I just smile, “Do you want some coffee?”
He straightens up, “God no. I think I have more coffee in my system than blood at this point.”
He walks away and yells, “Take it easy today Andi, tomorrow we’ll give you some real work.”
I smile kahit na medyo kinakabahan.

I walk out of the lobby and Chuck is already there waiting for me, he opens the passenger window, “Hey babe.”
I smile at him, “Hello pogi.”
He grins, “How was your day?”
I shrug habang sumasakay sa passenger side, “Wala pa akong masyadong trabaho kaya medyo na-bore ako kanina.”
“Really? Well, you should have called me, we could have had lunch.” He says habang nag-e-ease sya into traffic.
“Sir Tristan was in meetings all day, so halos wala akong ginawa. Sila lang ni Dee ang nagpupunta sa meetings so I was stuck in the office.” I whine.
Natawa lang sya, “I wondered where you were, I was expecting to see you in the meeting kanina.”
I look at him, “Nandun ka?”
He looks at me then back at the road, “Oo, I was there before lunch.”
Napasimangot ako, “Bakit ‘di mo manlang ako sinabihan na pupunta ka today sa office?”
Kumunot ng konti ang noo nya, “I thought you wanted to separate your work life with your personal life? Me letting you know that I was there was me being your boyfriend in your workplace.”
Bigla akong napaisip, oo nga naman pero hello? Hindi naman ako makikipagkita sa kanya e, I just wanted to know.
He shook his head, “Babe, you’re confusing me. Did I do something wrong? Did I screw up again?”
It took a while to answer pero sabi ko lang, “No. I’m being silly. I just wanted to know na nandun ka, I wasn’t going to see you or anything.”
Inilagay nya ang kamay nya sa hita ko, “Sorry. Next time I’ll let you know if I will be there, okay?”
Nabubwisit akong kailangan nyang mag-sorry sa akin ngayon, wala naman syang ginawang masama diba? Tanga ka na naman, Olga. Nagiging si Olga ka na naman, kalimutan mo na yun, you’re mature now and you’re in a mature relationship.
I take his hand, “Sorry I’m being an idiot, this whole new office and our new situation is messing with my head.”
He takes my hand and kisses the back of it, “We’ll get a hang of it, okay?”
“Okay.” I say.
“So, how’s Tristan treating you?” He asks and I immediately thought of Sir Tristan’s new haircut and scruff. I don’t think yun ang klase ng update na gusto ni Chuck so I just say, “Things are fine. He’s very nice naman.”
He nods, “Buti naman. Mabait naman si Tristan, I’ve known him since we were kids.”
I nod, not knowing how to react at this point. It feels weird.
I don’t know why.
 
CHAPTER 58

Hindi ko na namalayan na isang buwan na pala ako dito sa bago kong trabaho, time goes by without incident, ang mundo ko tuloy ang pag-ikot at wala naman akong nakikitang madidilim na ulap sa paligid.

Alam mo yung feeling mo sobrang normal lahat tapos ang tadhana parang bigla kang mapapagtripan at guguluhin ang buhay mo? Yun ang feeling ko ngayon, paranoid na siguro ako dahil sa dami ng pinagdaanan ko before.

I sigh while typing up the schedule of Sir Tristan.

I look down on my phone at wala pa ring text sa akin si Chuck, he’s getting busier and busier lately and I kind of miss yung pagiging makulit niya at yung lagi lang siyang nandiyan when I need him.

His company is getting more and more customers, since nakipag tie up siya sa Company ni Sir Tristan, word spread and halos nag triple ang negosyo niya in just one month.

I’m super proud and happy for him pero I can’t help but miss spending time with him.

Napabuntong hininga ulit ako but I keep typing.

“Ang lalim nun ah.”

Napa-iktad ako sa upuan ko when I see Sir Tristan looking at me while leaning on my table. Seryoso? Ang lapit na niya hindi ko napansin?

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ako ng mabilis at natawa naman siya.

“Sorry, sobrang sarap mo kasi gulatin. I shouldn’t have done that.”

Pero kita kong nag-eenjoy naman siyang makita akong parang kinuryenteng pusa.

I fix my hair and sit up straight to look at him, “Yes sir? Do you need anything?”

His smile fades at naupo siya sa guest chair ko, he sighs, slides down my chair na halos nakahiga na siya sa upuan resting the back of his neck on the back of the chair and looks up at the ceiling.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang postura pero hindi na ako nag-comment, siguro may pinagdadaanang mabigat.

At this angle kitang kita ko ang mala-arabo niyang lashes, nabwisit tuloy ako kase ako kailangan ko pa magpa-extend ng lashes, siya gifted.

Nung hindi siya nagsalita lumapit ako ng konti at bumulong, “Bad day, Sir?”

Pinikit niya ang mga mata niya, “Bad life.”

Naku, mabigat yun ah. Hindi ko yata kayang solusyonan kung ang buhay niya na mismo ang problema. Pero paano naman magiging problema ang buhay mo kung swerte ka na sa pamilya, I mean pinanganak kang mayaman, gwapo, matalino, ano pa ba naman ang hihilingin mo diba?

But then I realize hindi lang naman yun ang nagpapaligaya sa tao. Siguro kailangan na nito ng jowa, ang gwapo gwapo wala manlang akong naibu-book sa schedule niya na date.

Kailangan ko muna makatulong sa kanya ngayon, so kinuha ko ang bag ko sa drawer ko at kinuha ko mini electric fan ko.

Itinapat ko ang braso ko sa harap ng mukha ni Sir Tristan at binuksan ang electric fan.

Namulat si Sir Tristan at tumingin sa akin, sa electric fan kong hawak at sa mukha ko.

“What are you doing?”

I smile at him, “Mukha kasing you’re under a lot of stress, Sir. Eh naalala ko na ang lotion ko nga pala ngayon is Stress Relief – Eucalyptus and Spearmint. So pinapaamoy ko sa inyo Sir baka sakaling makatulong.”

He laughs as in full on belly laugh at parang namula yata ako sa sobrang tawang-tawa siya sa sinabi ko. Tama naman ah, diba stressed siya so I offered something para marelieve ang stress niya, binaba ko ang mini bentilador ko at nakatingin lang sa kanya habang naka-pout. Mukha ba akong tanga sa sinabi ko?

Nang mahimasmasan siya napatingin siya sa akin at parang narealize niyang na-offend ako sa pagtawa niya.

“Sorry. I didn’t mean to offend you, Andi. I just wasn’t expecting you to say or do that.”

Hindi pa rin ako ngumingiti kasi iniisip ko kung ano ba ang nakakatawa dun sa ginawa ko.

Huminga siya ng malalim then says, “Alright. Here.”

Biglang sumulpot ang kamay niya at hinatak ang braso ko across the table at sininghot ang braso ko.

Wala akong nagawa kundi nakanganga habang pinapanood siyang amuyin yung braso ko. Nakapikit siya and yung lashes niya na naman parang gusto kong gupitin.

Dahan dahang bumukas ang mga mata niya at nakatingin sa akin, nakanganga pa rin yata ako hindi ako sure.

Binitiwan niya ang braso ko at dumerecho siya ng upo, nginitian niya ako at sinabing.

“Thanks Andi. I feel much better now.”

Wala lang akong nasabi habang hawak ko ang braso ko sa ilalim ng lamesa. Ang weird ng feeling ha.

Biglang dumating si Dee with a pained look on her face. She didn’t even notice na nandito sa pwesto ko si Sir Tristan – he never comes over to talk to me, usually nakatayo lang siya or he’ll ask me to come to his office.

“Sir, pwede po kayong makausap saglit?”

Nalipat na ang attention ni Sir kay Dee, “Sure. Come to my office.”

Magkasunod silang pumasok sa office ni Sir at sinara ni Dee ang pinto.

Bigla akong na-concious at inangat ko ang braso ko palapit sa ilong ko at sininghot. Napabuntong hininga ako at bumulong.

“Buti na lang mabango. Kakahiya kung pinaamoy ko tapos amoy bakal na pala ako.”

Nagpatuloy lang ako sa pagta-type at after a few minutes lumabas na si Dee sa office ni Sir, tatanungin ko na sana siya kung anong pinagusapan niya pero bigla siyang pumunta sa table niya at nag-signal sa akin para lumapit sa kanya.

Dali-dali naman akong tumayo at lumapit kay Dee, “Ano meron Dee, may nangyari ba?”

Nakita ko ang worry sa mukha ni Dee and she says, “Naospital kasi ang mommy ko, she had a stroke. I need to go back home para bantayan siya.”

“Oh no.”

I put my hand on Dee’s back para i-comfort siya, but she touches my hand, “Okay lang ako, Andi. I’m just worried. I need to turnover this to you quickly; you can still call me if you have questions.”

“We’re going to be fine, Dee. Pack up your stuff and go, your family needs you.” Sabi ni Sir pagkalabas niya ng office niya.

“I called up the driver to take you to your house and then to the airport.”

Oo nga pala, nasa Cebu pala ang family ni Dee.

Dali-dali naman akong pumunta sa workstation ko, “I’ll book your flight na Dee, I’ll send you the ticket when I have it na.”

“You can use my account, get her the earliest flight.” Dagdag ni Sir Tristan.

Napaluha si Dee at kinuha na ang bag niya, “Text me if you have questions ha, Andi.”

Nag-thumbs up lang ako kay Dee, “Akong bahala, Dee.”

Kinuha ni Sir Tristan ang bag ni Dee, “Let’s go. Let’s wait for the driver at the lobby.”

Nakaalis na si Sir at si Dee and I’m left at the office.

I hope maging okay ang mommy ni Dee and I hope wala ring maging problema habang wala siya.
 
CHAPTER 59

“Grabe talaga yung nangyari kay Dee, kawawa naman siya, sana maging okay ang mommy niya.”

Nakatingin ako sa labas ng restaurant, iniikot ikot ko ng straw yung juice ko habang nagkkwento kay Chuck.

Minsan na lang kami mag-date and usually ang date namin consists of eating out na lang, hindi na kami nakakapag out of town, wala na ring nood ng sine, ganito na lang one to two hours na kain sa labas tapos ihahatid na niya ako sa bahay.

Nangalumbaba ako at napa-buntong hininga, “Ang hirap siguro ng malayo sa parents tapos ganun ang makukuha mong tawag no?”

Hindi sumagot si Chuck at napalingon ako sa kanya, nasa harap ko siya sa other side of the table nakayuko siya na magkasalubong ang kilay habang nasa ilalim ng table ang mga kamay niya. Naningkit ako sa nakita ko, sigurado nagbabasa na naman ng email ito. Nilabas ko ang phone ko at nag-selfie na pang-dalagang pilipina, yung nakalabas yung dila tapos naka-kindat habang nagtu-tuck ng hair behind my ear.

Syempre dahil busy si Chuck hindi niya namalayan ang ginawa ko, dahan-dahan kong nilagay ang cellphone kong naka-open pa ang latest kong picture at pinatong sa cellphone niyang nasa ilalim ng lamesa.

Inabangan ko ang reaksyon ng mukha ni Chuck at bigla siyang napangiti, nagbuntong hininga at ini-lock ang phone niya at ipinatong sa lamesa. Binawi ko na ang phone ko at pinatong rin sa lamesa. Tinignan ako ni Chuck at kinuha ang mga kamay ko, hinalikan niya ang knuckles ko on both hands.

“I’m a jerk. Sorry babe.”

Tinaas ko ang kilay ko na parang nanghihingi pa ng more than his sorry.

Ngumiti siya, “I’m an asshole dahil ang ganda ganda ng girlfriend ko pero hindi ko pinapansin.”

Nag-pout siya, “I don’t deserve you.”

Inirapan ko lang siya at binawi ang mga kamay ko, “Isa pa ha Charles, lalayasan na talaga kita.”

Pinatong ni Chuck ang braso niya sa table at ini-brush ang mga kamay niya sa buhok niya na parang super stressed, naawa naman ako.

Hinawakan ko ang braso niya at pinisil, “Kamusta ang work?”

Tumingin siya sa akin at pinatong ang kamay nya sa kamay ko, “It’s getting crazy sa office since our first product is about to be launched. Ang dami pang kailangang ayusin and it seems like everyone’s got something to ask from me.”

In one month maglalaunch na ng first app ang Company ni Chuck and it’s a big deal sa kanila kasi hindi naman ito talaga ang forte niya pero he wants to explore this side of the IT business since it’s in demand nowadays.

Chuck is hands on with everything, being the guy that he is, sobrang OC niya and all decisions are his to make, sana nga makahanap na siya ng partner sa business para magkaroon naman siya ng katulong sa mga bagay bagay. Aba, miss ko na ang dati kong attentive na boyfriend.

Nginitian ko lang siya, “I’m so proud of you.”

He gave me a gentle smile and yumuko siya at nilagay ang ulo niya sa braso ko, bigla ko naalala ang ginawa ni Sir Tristan earlier na pagsimsim sa braso ko.

Para akong sinampal ng kunsensya ko, syet.

Sumakit ng konti ang dibdib ko feeling like I did something wrong. Umiling lang ako and nag-focus kay Chuck na parang natutulog na yata sa braso ko.

Hinaplos ko ang buhok niya and had to reluctantly ask him to get up nung dumating yung pagkain namin.

Wala na kaming masyadong napag-usapan habang kumakain.

Napansin siguro ni Chuck na parang nanahimik na lang rin ako, usually kasi ako ang madaldal sa amin, siya naman eh ang usual niyang tahimik na self with the loud girlfriend. Nag-excuse siya after niyang bayaran ang bill and told me he’ll be back, after a few minutes bumalik si Chuck and pumunta na kami sa parking.

Pagdating namin sa kotse niya he opened the car door for me and I saw a bouquet of roses sa upuan ko.

Ang puso ko tumibok na naman ng bongga, bago pa makareact si Chuck binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya at binigyan siya ng isang malupet na kiss sa delicious niyang lips.

He grins at medyo kinukurot pa ang lovehandles ko, “Sorry for being busy, babe.”

Kinurot ko ang ilong niya while on my tiptoes, “Buti na lang love kita.”

Niyapos niya ako ng mahigpit.

“Just bear with me okay? Just for a few months, I’ll be super busy but I promise I’ll make it up to you.”

Umurong siya and now we’re looking at each other’s eyes.

Ngumiti ako sa kanya, excited.

“Paano?”

He thinks for a minute then tells me, “Once I’m done with this project, let’s go out of the country.”

Nanlaki ang mata ko.

“How about Japan?”

Feeling ko mapupunit yung bibig ko sa sobrang laki ng ngiti ko, he smiles wide and gives me a soft kiss.

“So, is that a yes?” He looks at me and I can feel na hindi lang naman ako ang excited, pati rin siya, this is it! Sobrang big deal na ito talaga ha, patunay na ito na seryoso talaga sa akin tong mokong na ‘to.

Bigla akong nagseryoso at pinigilan ang ngiti ko, “Hmm. Pwede na.”

He laughs, “My baliw girl.”

May bigla akong naalala, “Hala wala pa pala akong passport, paano ako makakapag-Japan?”

He smiles, “We’ll take care of it, okay?”

Tapos bigla siyang nagseryoso, “Seriously, thank you for being patient with me. I know it’s been difficult and it’s been different pero I swear I’m the same guy, I just have a lot on my plate now.”

I make light of the situation, “Sus. May choice ba ako? Ang hirap kaya makahanap ng jowa ngayon.”

Naningkit ang mata niya and I pinch his cheeks, “Joke lang. Jackpot kaya ako sa’yo!”

He looks at me seriously, “Just promise me you’ll tell me when you’re not happy anymore okay? I might not notice or it may seem I don’t care but I do, I really do. You’re the most important person to me and I don’t want to disappoint you.”

I hold on to both of his cheeks, “I promise I’ll say something if it bothers me.”

He gives me a loud smack on the lips, “I love you.”

I grin, “Love you too.”
 
CHAPTER 60

“Alam mo, ang sakit sakit na ha, kanina pa ako nandito wala ka manlang kunsensya.” Napabuntong hininga na lang ako.

“Ang tagal tagal ko nang nag-aantay dito hindi mo manlang ako mapagbigyan.”

Hinaplos ko siya, “Bigyan mo naman ako ng chance oh, isa lang, isa lang please.”

Halos magmakaawa na ako pero ayaw pa rin bumigay.

Nilapat ko ang pisngi ko sa ibabaw ng photocopying machine namin at hinaplos haplos siya habang nakisuyo muli, “Please work. Utang na loob, two hundred pages itong ipho-photocopy ko.”

Humihikbi pa ako kunyari umiiyak, “Makisama ka naman.”

I hear a snicker sa likod ko and I realize may audience na siguro ako sa pagkausap ko sa inanimate object na ito.

Tumayo ako ng dahan dahan at ini-straight ang damit ko habang umuubo ubo kunwari. Umikot ako at humarap sa aking miron, pagtingin ko si Sir Tristan na nakasandal sa hamba ng pinto at nakangiti sa akin. He’s wearing a white long-sleeved and blue pinstriped slacks.

“I have to say, you make this office more interesting.”

Pinatong ko ang kamay ko sa photocopier, “Kailangan lang minsan sir ng lambing ng mga equipment para gumana.”

He laughs, “Gumana ba?”

Nagbuntong hininga lang ako at tumingin ng may konting galit sa photocopier, “Meron lang ibang pakipot.”

He grins tapos he folds his shirt up to his elbows, “Let me check it.”

Napatayo ako ng straight, “Ay, hindi na sir. Tatawagin ko na lang po ang maintenance personnel baka may sira na ‘to.”

Hindi niya ako pinansin at pumasok sa masikip na copy room, napaatras lang ako. Ang copy room na ito ang kasya lang is ang nag-iisa naming photocopier, a small table para sa patungan at pag-sstaple ng documents and a small drawer under the table para sa papers. Ang kasya lang yata dito is isang tao para makagalaw, so you can imagine how small ng space na ito at lalo na ngayon na dalawa na kami sa loob.

Gusto ko na sana mag-excuse palabas kaya lang binaklas na ni Sir Tristan ang machine at nilapag sa daanan ko ang binaklas na panel.

Lumuhod siya at yumuko siya habang may sinisilip sa loob ng machine, at bilang wala naman akong mapagkaabalahan dito at hindi rin naman ako makaalis pinanood ko na lang siya habang nagttrabaho.

Napansin ko lang na humahaba na ulit ang buhok ni Sir, medyo lumalampas na sa ilalim ng tenga niya, lumalabas na ulit ang wavy niyang buhok. Nalalaglag pa sa noo niya ang mga strands ng buhok niya. Nag-fflex ng konti ang muscles niya sa braso habang kinakalikot ang loob ng machine.

Naisip ko lang kung naging electrician or tubero itong si Sir, siguro ang daming nasiraan ng tubo at kuryente sa Pilipinas.

Pinigilan kong matawa at baka magtanong pa itong si Sir kung bakit natatawa ako mag-isa, ay Diyos ko, nakita na nga niya akong kumakausap ng photocopying machine diba?

Siguro sikat na sikat itong si Sir tsaka si Chuck nung mga bata pa sila, ang popogi eh. Ang dami sigurong may crush sa kanila dati.

Bigla ko tuloy naalala na wala yatang lovelife itong boss ko despite being this handsome and apparently good with his hands kasi biglang nag-whir ang machine at nabuhay.

He stands up at nakita kong ang dudumi ng mga kamay niya, “There, all better.”

Binalik niya ang side panel ng machine at pinindot ang Copy para mag-test, may lumabas na papel at ngumiti siya.

Tumingin siya sa akin and says, “Kayo po baa ng kamag-anak ng pasyente?”

Naguluhan ako tapos na-realize kong sinasakyan niya ang kagagahan ko kanina, I roll my eyes, “Yes.”

He grins, “I just gave it first aid treatment, but you have to get a doctor for a full check up. Otherwise, babalik lang ang sakit niya.”

I put my hand over my mouth na parang nagulat, “Oh no.”

He laughs, “I give it one month if hindi mo siya mapacheck up.”

I nod, “Yes doc. Thank you po.”

I offer my hand para i-shake niya dito sa pretend scenario namin. Naisip ko lang rin na never pa kaming nagkaroon ng physical contact since we met. I didn’t even shake his hand after naming nagkakilala dahil sa ginawa ni Chuck during my first day here.

He takes my hand and shakes it gently. And damn it if hindi ako nanlamig nang mahawakan ang kamay niya. It’s hard and calloused parang sanay talaga sa manual labor which you don’t usually see sa mga mayayamang gaya niya. Mas malambot pa ang kamay ni Chuck sa kanya eh. I pull away after kong maalalang nasa maliit na kwarto kami ng boss ko at medyo nasalat ko na ng bongga ang kamay niya.

His smile fades a little bit.

I clear my throat, “Ah sige sir, thank you po. I’ll just have the machine checked.”

He’s relaxed as he nods.

At siyempre nakaharang siya sa dadaanan ko so yumuko ako ng konti at nagsabi quietly ng “Excuse me.”

He moves out of the way pero hindi siya lumabas ng copy room, umatras lang siya until nakasandal na siya sa machine and I had to walk sideways facing him para makalabas. I intentionally did not look into his eyes habang naglalakad kasi malliit talaga yung space and I was still shook sa physical contact namin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ng tuluyan sa copy room.

I shake the weirdness off dahil alam ko may boyfriend ako no, and getting myself into that position kanina even if he’s just my boss is wrong.

Pero wala naman akong ginawang mali sa tingin ko, tao lang rin naman ako at ibang klase talaga ang itsura ni Sir para hindi mapansin.

Naupo ako sa pwesto ko at parang pinagpapawisan ng malamig, nag-open ako ng laptop ko at nag-type na parang wala namang sense ang lumalabas sa screen ko.

Lumabas si Sir Tristan sa copy room at hawak ang panyo niya pinupunasan ang kamay niya. He asks, “May ico-copy ka diba?”

I look at him and he’s got a confused look on his face, I smile, “Maya maya na sir, baka nagrerecover pa siya sa major operation na pinag-daanan niya kanina.”

He smiles, “Oo nga naman.”

I go back to typing ng mga walang kabuluhang words sa laptop ko.

“You okay?”

I look up and he looks concerned, so tumango lang ako, “Oo naman sir. Busy lang.”

Sakto nang may tumawag sa landline ko at agad-agad kong sinagot, “Office of Mr. Guevarra. May I know who’s on the line?”

I put my hand on the receiver and tell Sir Tristan, “Sir it’s Ms. Porto from accounting, she needs to discuss something with you daw po.”

He nods, “Patch her in. I’ll take it in my office.”

He walks away and I put down my phone at halos ihampas ko ang noo ko sa table ko.
 
ayan ayan tiniis ko talaga di sumilip e para maka 2 chapter man lang,
ayan na

sundan na plith, ihi na lang nagpapakilig sa akin,pati pag jebs which i think isn't a good sign hahahahahha
 
CHAPTER 61

Bilang wala si Dee dito sa office, I had to brave the cafeteria on my own. Siya lang lagi kasi ang kasabay kong kumain.

Ang eksenang naaalala ko dito sa cafeteria is yung scene sa movie na Mean Girls kung saan sinasabi kung saan nauupo yung popular people, yung jocks, yung losers at kung ano ano pa.

Feeling ko tuloy I’m back in highschool tapos wala akong kaibigan pero sila parang grupo grupo na ayaw ko naman maki-table tapos bigla nila akong sisigawan ng “You can’t sit with us!”

I sigh at naupo mag-isa sa table malapit sa window, nagsimula na akong kumain without looking around me, baka nakatingin sila sa akin thinking I’m a loser kasi wala akong friends.

Halos nakalahati ko na ang kanin at pininyahang manok kong ulam nang may biglang umupo sa harap ko, may hawak lang na can of Coke.

Napatingin ako sa kaharap ko and I see na lalaki ang naupo.

Siguro mga kasing edad ko at may itsura, maputi, chinito na naka-gel ng buhok, may dimples at naka-braces.

“Hi! Andi right?”

Tinuro niya ako gamit ang kamay na may hawak ng Coke.

Tumango lang ako, “Hi.”

He grins and flashes me his dimples, “I’m Dan from Audit.”

Para ngang nakilala ko na siya, siguro napakilala na siya sa akin ni Dee before nung first week ko dito. Pero syempre hindi ko na naalala ang pangalan niya no, I usually talk with the heads of the departments para kay Sir so I don’t really interact with the other employees yet.

I offer my hand, “Nice to meet you.”

Ngumiti lang siya and then may isa pang naupo sa tabi ni Dan, she was a short girl with glasses, medyo kulot ang buhok at parang may pinaglalaban ang hinaharap. Mountain Dew kung baga.

Padabog siyang naupo sa tabi ni Dan, “Hi Dan. Anong ginagawa mo dito?”

Parang nabwisit si Dan sa katabi niya pero ngumiti pa rin siya, mukha nga lang pilit, “Hi Ella. I’m just making friends with Andi here.”

“Ah talaga ba?” Sagot ni Ella.

“Oo naman.” Sagot ni Dan.

Tumingin sa akin si Dan, “Masama ba makipag-kaibigan?”

Sumabat naman si Ella, “Depende sa nakikipag-kaibigan.”

Para akong nanonood ng tennis game kaka-lingon dito sa dalawa.

Medyo naaasar na si Dan so humarap siya kay Ella, “What’s the problem Ella?”

Nag-shrug lang si Ella, “I just think na dapat honest lang. Minsan kasi kahit committed na...” she uses air quotes for the next sentence, “Nakikipagkaibigan pa.”

Dan looks pissed off, “What the hell is your problem? Anong ibig mong sabihin?”

He’s not done and gets in Ella’s face, “Why don’t you mind your own business?”

“Bakit? You’re being friendly so I’m just doing the same.” She gives him an evil grin.

Biglang tumayo si Dan at naglakad palayo, nakataas lang pareho kong kilay kasi I have no idea what the hell just happened.

Napatingin sa akin si Ella habang kinuha ang iniwang Coke ni Dan, she drinks it at may “ahh” pa after.

She offers her hand to me, “Hi Andi. I’m Ella.”

I take it at tinanong na siya ng kanina ko pang iniisip, “Hi Ella. What the hell just happened?”

Natawa lang siya, “Hay naku, wala lang yun. Lagi ko lang pinag-ttripan yang si Dan. Gago kasi eh.”

Inilagay ko ang dalawa kong elbows sa table chismosang chismosa lang ang dating. “What do you mean? Mukha naman siyang mabait.”

Napairap lang siya, “Bleh. Friendly? Yun? Please. Mabait lang sa’yo yun kasi maganda ka, tapos bago ka dito, hindi mo pa siya kilala.”

Napaatras naman ako kasi hindi ko alam kung pwedeng pagkatiwalaan itong si Ella, I mean mukha naman siyang mabait kaya lang I have learned not to judge people based on what others say.

She continues, “I don’t mean to rat the guy out pero he has a reputation here, medyo infamous siya for hooking up with new girls or interns or temp employees.”

I cross my arms over my chest, parang tsismosa lang yata itong si Ella.

Siguro napansin nyang hindi ako convinced sa mga sinasabi niya so she says, “I’m just trying to help, Andi. I know him – personally.”

May laman yung sinabi niya, like she’d experienced it first hand and I think she means well, so I say, “Thanks Ella. I really appreciate your concern, pero I have a boyfriend at…”

I flip my hair over my shoulder, “Walang panama yang si Dan sa jowa ko.”

Natawa si Ella, “Ah yun naman pala eh. Wala na palang silbi ang warning ko sa’yo. Good for you.”

She drinks another gulp of Dan’s Coke then she says, “Lagi ko kayo nakikita ni Dee the past month pero si Dee kasi hindi talaga sociable. Sobrang tahimik. I mean, nag-uusap naman kami at tumatabi siya sa amin kapag kumakain pero since dumating ka naging parang lalo siyang mahiyain. Kaya balak ko talaga yayain ka sa table namin kanina, tapos nakita ko lumapit sa’yo yung Dan na yun.”

Napaisip lang ako, I didn’t peg Dee for the shy, quiet type, “Thanks Ella ha. Kanina feeling ko High School ulet ako na bagong lipat ng school, wala akong friends. Loser.”
Sabay inom ako ng tubig.

Napangiti si Ella, “Don’t worry, hindi ka namin naisip as loser, para ngang nakakahiyang tumabi sa’yo eh. Lagi kang seryoso sa office.”

Muntik ko nang mabuga kay Ella ang tubig na ininom ko, “Ano? Ako? Seryoso?”

Hindi ko napigilan mapahalakhak tapos bigla akong nagseryoso, “Oh my God, ako na ba si Mean Andi like dun sa movie na The Devil Wears Prada?”

Natawa siya, “Hindi naman mean, medyo serious looking lang.”

I relax and then she says, “Tsaka hindi applicable yun sa atin, kasi hindi naman si Miranda ang boss mo.”

She sighs at parang may mga kislap sa mata. I grin at lumapit, “May crush ka kay Sir Tristan no?”

Her eyes widen, “Ako? May crush kay Sir? Excuse me. Hindi ko siya crush.”

Magpprotesta na sana ako pero ni-raise niya ang index finger niya, “Correction, Mahal ko siya. Mas malalim yun.”

I laugh and pagtingin ko sa elevators I see Sir Tristan giving me a small smile.

- - - Updated - - -

ayan ayan tiniis ko talaga di sumilip e para maka 2 chapter man lang,
ayan na

sundan na plith, ihi na lang nagpapakilig sa akin,pati pag jebs which i think isn't a good sign hahahahahha

Hahaha! Sana nga magtuloy tuloy na, medyo may patutunguhan na eh, naido-drawing ko na ng bahagya. Hehe.
 
CHAPTER 62

Nasa lobby na ako ng office namin on one of the visitor’s chairs na nakaharap sa pinto para kitang kita ko ang pagdating ni Chuck.

Nagfe-facebook ako stalking my old officemates habang inaantay si Chuck, walang judgement guys talagang curious lang ako sa mga buhay buhay nila.

After kong makita na halos wala naman nabago at walang bagong chika sa former company ko, tiningnan ko naman ang profile ko at tiningnan kung ano kayang nakikita ng ibang tao kapag nakita nila ang profile ko? Halos puro pictures na namin ni Chuck ang newsfeed ko bukod sa mga pasulpot sulpot nag memes. Mahilig ako magpost ng memes eh lalo na yung sa aso, nakakatawa kaya.

Pero si Chuck alam ko in-unfollow na niya ako dahil nagfflood daw ako ng feed, bakit ba ha? Hindi ba pwede maglabas ng loob sa social media? Minsan talaga nagkakamoments ako ng ganun.

Kung nakikita niya lang ang mga pino-post ko ngayon magiging proud siya sa akin, dahil I don’t air our dirty laundry doon. I just post motivational messages on how to support your partner.

Sa tagal kong nagbbrowse sa Facebook hindi ko napansin na halos forty minutes na pala akong nag-aantay kay Chuck dito.

I look at my watch I see it’s almost 7pm and say, “Aba. Ang tagal dumating ah.”

I speed dial Chuck and wait.

And wait.

But he doesn’t pick up.

I look at my messages and noon ko lang rin napansin na yung message ko for him to pick me up ng mga lunch time eh hindi niya pala sinagot. But it’s Tuesday and it’s date night.

Shit.

Medyo nagpapanic na ako dahil it’s not like him to ditch me like this so siguro may nangyari na hindi ko alam.

I start a video call sa viber nya dahil sigurado doon online siya because of his business but he still doesn’t pick up.

“Naku naman! Ano na kaya nangyari doon!”

Pumunta ako sa front desk officer namin at nag-dial ng number ni Chuck sa office, no answer rin.

“Lintek na receptionist yan, wala na rin sumasagot!”

Nag-sscroll ako sa cellphone ko with matching padyak padyak pa sa sahig na parang bata when I hear Sir Tristan’s voice, “Andi?”

Napalingon ako at nasa loob siya ng elevator habang nakaharang ang kamay sa pinto para hindi ito sumara.

“What are you still doing here?” tanong niya.

Medyo naiiyak na ako at siguro nakita niya ang panic sa mukha ko so he steps out of the elevator and walks towards me.

“Hey, what’s wrong?”

“Eh kasi Sir si Chuck kanina ko pa siya inaantay dito hindi siya sumasagot, hindi ko rin siya nako-contact sa phone na eh hindi ko na alam ang gagawin, baka kung napaano na yun. Hindi niya kasi ugali ang hindi sumagot sa mga texts at tawag ko…”

Bigla kong naisip na hindi naman yun sobrang true kasi recently medyo hindi na siya nakakasagot sa mga tawag kong pang-lambing lang, sobrang busy niya kasi sa trabaho. Pero I’m sure this is not one of those times, may gut feeling ka lang ganun.

Sir Tristan puts his hands on my shoulder, para siguro tigilan ko muna ang pagsasalita – hello, nagtanong ka kaya.

“It’s going to be okay, Andi. Tara, I’ll give you a ride to his office, baka nandun lang yun. Busy lang siguro.”

Napa-oo lang ako and he guides me to the elevator dahil nasa basement ang kotse niya.

Kinakagat ko ang labi ko habang nag-ddrive papuntang office ni Chuck si Sir, medyo distracted ako pero hindi ko napigilang mapansin na kakaiba ang trip sa kotse nitong boss ko. He’s driving an old car – feeling ko kasi sportscar kind of guy siya.

I look outside at nakitang medyo heavy ang traffic.

“Shit naman oh.”

Napahawak ako sa labi ko at napalingon kay Sir, hindi naman siya nagalit, medyo napangiti pa nga eh.

Napa-“Sorry Sir” na lang ako.

Umiling lang siya, “No need to apologize, you’re worried about Chuck so you’ve got a right to be pissed at Manila traffic.”

He continues, “It is quite horrible.”

Para lang hindi ko muna maisip ang kung ano mang nangyari kay Chuck or kung bakit hindi niya nasasagot ang mga tawag ko, nakipagkwentuhan na lang ako kay Sir Tristan.

“Ang ganda ng kotse niyo Sir ah, ano pong brand?”

Hinaplos niya ang dashboard ng kotse niya, “It’s a fully restored 1978 Toyota Corolla SR.”

Biruin ko sana na dapat yata namin magmano dito sa kotse kasi mas matanda pa ito sa amin pero yung pride sa mukha ni Sir Tristan kakaiba so I think this car means a lot more to him so I don’t want to offend.

Napatango lang ako, “Ganda niya ha, tsaka parang maganda ang takbo Sir, hindi mo aakalaing 1978 pa siya pinanganak.”

Natawa si Sir Tristan, “Yeah, she’s old but she’s a beauty.”

I roll my eyes, “Sus, kapag kotse talaga dapat babae ano?”

He laughs, “Of course, if you ask women they’d have male names to their cars.”

Inisip ko kung tama ba siya, well wala naman akong kotse so hindi ko alam, ano kaya ipapangalan ko kung may kotse ako? Bruno? Gorgonyo? Prokopyo?

Natawa ako at napalingon sa akin si Sir, “Want to share that thought?”

Tumigil ako sa pagtawa at umiling, “Wala sir. Kalokohan lang.”

Nakita ko na malapit na kami sa office ni Chuck at trapik pa so tinggal ko na ang seatbelt ko, “Sir, maglalakad na lang po ako. Malapit na naman. Thank you Sir! Ingat po.”

Hindi na siya nakasagot at tumakbo ako papunta sa opisina ni Chuck in high heels.

Dere-derecho ako sa lobby at kinawayan lang ang guard, hindi ko na naisip tanungin sa kanya kung nandito pa si Chuck kasi nagmamadali lang ako. Naisip ko na lang nung tumatakbo na ang elevator paakyat.

Tiningnan ko ang cellphone ko wala pa ring text or missed call.

“Shit naman eh. Saan ka na babe?”

Pagbukas ng pinto sa 10th floor biglang tumambad sa akin ang malakas ng tugtog at ang iba ibang kulay ng mga ilaw.

I walk out of the elevator and look around.

Nakangiti sa akin ang ibang ka-opisina ni Chuck at wala akong binati sa kanila. Hinahanap ko lang ang target ko, lingon lingon ako hangga’t ma-spot ko siya sa bandang kanan, malapit sa office niya. May mga kausap na foreigner and when he sees me he freezes.

Dapat lang matakot kang gago ka.
 
Alright! Alright! am thrilled with this story... ang galing naman!
More power at more chapters...:clap::clap::clap:
 
Alright! Alright! am thrilled with this story... ang galing naman!
More power at more chapters...:clap::clap::clap:

Salamat sa pagsubaybay. Tuwang tuwa sila Andi. hehe

- - - Updated - - -

Sorry, posted Chapter 64 instead of 63.
Deleted this chapter to avoid confusion.
 
Last edited:
Back
Top Bottom