Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story My Love Note

Again thank you sa mga nagbasa!! :)

Traffic Enforcer - Barker Tandem: Ang tatalo sa Jadine at Kathniel tandem.. - http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1401991

Lolo Juan - http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1401107

Ang aking Peysbuk Gerprend - http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1400746

The Black Jeep - http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1399591


Sakto Valentines Day na sa Tuesday, may kadate ka na ba? Hahahah Eto basa muna koya at baka mainspire sa pakkipagdate sa valentines at wag maging bitter ha?? March na daw e hahahahah Wag kang bitter ha? Maging masaya ka na lang para sa iba. Tama na yang crab mentality na yan ;)

Game!

My Love Note (BOW!)

Hayh, araw ng mga puso na naman. Nakakainis! Ako nga pala si Zed, at ako'y yamot na yamot sa valentines na yan! Kakasura! Bakit ko nasabing valentines na? Sa work kasi namin, specifically sa canteen may nauusong "Love Wall Post". Yun bang pwede kang magpost ng mga tungkol sa love. Yuck!

Morning Break, papunta na kami sa canteen kasama ko ang dalawa kong pangit na tropa na lalaki si Baldo at Si Kumag (Dave and pangalan niya pero Kumag for short). Bababa sa hagan at pipila sa cafeteria. Kaso bago ka makarating sa mga tinda ay madadaanan mo yung Love Wall. Kakairita. Eto ilang steps na lang e malapit na ako sa love wall... One... Two... Ayan katapat ko na -.-

Tingin lang ng direcho Zed! Sabi ko sa isip ko. Pero bat nga ba nilalagpas lagpasan ko lang to? makapagpost nga... pero mamaya na at baka sabihin ng mga tropa ko Gay Lord ako.

Kumain kami ng miryenda, sakin kwek kwek pati maja(yung parang puto). Sarap naman busog 25 package daw sabi nung nagsasandok ng ulam. Dumirecho ako sa isang stand para bumili ng C2 Green tea na apple(Ako promoter neto hahahah). Nakababa na ang dalawa kong kumag na tropa na di manlang ako inintay.

Naisip ko na may 3 minutes pa sa 15 minutes break namin. Tumungo ako sa Love Wall at nagbasa basa. Kadiri mga pinopost ng mga katrabaho ko. Mga kakornihan. Pero eto naman si ako kumuha nung sticky note. At nagsulat... "Para sa aking soulamte... Di ko alam kung bat ako bitter sa valentines. Pero siguro simula nung una pa lang e di ko na naranasan ang mainlove. Pag may time kausapin mo ako at lapitan mo ko ha? Mahalin mo naman ako. -(Siyempre korni kung malalaman ng lahat) from: Gadget"

Ayun. May naipost lang... Back to work...


Lunch Break... Papunta na ulit kami ng canteen. Baba sa hagdan, ayan na naman si Love Wa-- ha?? Sa ilalim ng letter ko ay may pin tapos may nagsulat sa sticky note? matigna-- teka.. Anonymus nga pala ang letter ko. Mamaya na lang.

Kumakain na kami at iniisip ko kung ano yung nakasulat sa baba.

5 minutes before end ng lunchbreak... Dami pang tao. Pero pwede naman akong lumapit para tignan. Hinintay ko munang bumaba yung dalawang kumag...

Lumapit ako after nilang makababa. At nakita ko ang nakasulat... "Hi Gadget! Ako nga pala si Wifi :) I'll wait for your reply!"

Shit! Pinagpawisan ako at kinakabahan! Sino ba tong nanttrip sakin?? Replyan ko nga...

Tingin sa paligid... Clear!

"Wifi? Ahh.. Hello."

Dinikit ko yung reply ko sa baba nung letter niya. Tapos bumaba na ako.

Wala akong nagawang trabaho sa kakaisip at kakatingin sa mga taong dumadaan at baka matugunan ko kung sino si Wifi...

Afternoon break... May reply sa post ko... Kain tapos hintay sa dalawang kumag na bumaba.

Tinignan ko ang reply. "Ang torpe oh! Hahahah Wag kang magalala Gadget... Pag nameet kita in person mamahalin kita :)"

Shit!!! Tumitigas ang -- hehehe sorry na lalaki ako e. Nireplyan ko ang letter. "Ganun? Di ako marunong magmahal e pano ba yan?"

Bumaba ako at after an hour pauwi na din ako. Umuwi na ako sa apartment ko at natulog.

Kinabukasan... Pagpasok ko sa office, nagnotify sa skype ko na may meeting pala ako. February 15,2017 9:00AM

Shit!!! February 15????? Nagmadali ako sa pagakyat sa canteen!

Ay... Binaklas na nila yung Love Wall. Napatingin sakin ang manager ng canteen. At sabi "Sir? bakit po?".

Sabi ko, "Ahhh wala naman po Sir."

Bumaba ako at nadismaya sa nakita ko...

Morning Break... 10:30AM.

Di ko alam kung bat ako mabagal umakyat sa hagdan. Namumugto ang bawat paghinga ko. Na para bang ansakit sakit sa dibdib ng bawat naaalala ko ang nangyari.

Eto na ulit ako sa daily routine ko.

Akyat sa canteen.

Pila...

Pila pa din...

Pila lang ng pila at bakit kasi madaming trabahador dito samin...

Lapit na sa stante ng mga pagkain, buti na lang laging madami maglagay sakin yung nagsserve...

"Isa nga pong sinigang..." sabi ko.

"Eto po Sir" Sabi nung babaeng nagsserve.

"Thank you." Sabi ko.

"You're welcome... Gadget."

-End-
 
anyare ts?? si manang serbidora pala yung ka love wall mo.. hahaha
 
hahaha :rofl:
nag eyes to eyes pa kayo matapos niyang sabihin na you're welcome...gadget... hahahaha :rofl:
 
Back
Top Bottom