Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Need serious advice about a friend

bakabaka123

Recruit
Basic Member
Messages
18
Reaction score
0
Points
16
Hi, hingi ako ng seryosong payo mula sa inyo.. pero bago yun, ikwento ko muna kung anong klase akong tao para madetermine nyo kung ano ang talagang dapat ko na gawin base sa ugali at sitwasyon ko.

19 yrs old ako , M, two years nakong nakatira sa Amerika. Sa buong taon na yon nakahanap ako ng trabaho, filipino restaurant, at dun may mga nakilala akong maituturing kong kaibigan. Oo inaamin ko na INTROVERT ako, hindi nagsasalita sa harap ng maraming tao, hindi ako friendly at nagkaka anxiety ako minsan pag sumasama sa mga grupo na di ko masyado ka close pero di nila alam. Minsan tina-try ko gawin yung best para makipag conversate para hindi ako magmukhang snob o suplado pero sa tingin ko wala talaga akong maka-close kahit anong gawin ko kasi bored ata akong kausap.

. Isang buwan na nakakalipas nung sumama ako mag-bible study, (christian) at yung mga kasama ko dito ay yung mga kabigan ko sa work.

May isa akong kaibigan, yung nanay nya may cancer nasa pilipinas, hindi maganda ang sitwasyon at nalulungkot sya kasi wala sya sa piling ng nanay nya , ayoko naman na nakakakita ng kaibigan na umiiyak kasi alam ko pakiramdam ng malungkot at nag iisa, mabait sakin tong kaibigan na to pero di pa kami masyado close. lagi nya ako binibigyan ng pagkain etc kung anu ano, mabait na tao, kaya gusto ko makabawi sa kanya, balak kong umuwi ng pinas NEXT MONTH, saktong napag-usapan namin sa bible study na dalawin ko daw nanay nya pero walang nagsalita samin kasi parang imposible kasi di naman ako nagsasalita at malayo sa itsura ko na puntahan nanay nya ,kahit na sa loob ko eh ok na ok sakin bisitahin.
2 hrs lang byahe ng province namin.
Ano kayang magandang gawin? Tatanungin ko ba kaibigan ko kung may gusto ba sya ihabilin? magpadala ng sulat sa namay nya etc??? kaso baka naman magmukha lang na tingin ko sa kanya naaawa ako,..Tatanungin ko ba sya?
Help guys.. Salamat sa sasagot... hintayin kopo
 
Last edited:
All in the mind TS. Pansin na pansin na ikaw lang naman ang nagbibigay ng emosyon sa paligid mo.
Marami talagang di mahilig makipagkwentuhan sa tao, pero that's fine. It doesnt make you less of a person.
Now, dun sa tanong mo. di mo naman kelangan makipagkwentuhan ng mahaba dun sa nanay ng kaibigan mo. just like 20 minutes na visit at kung may dala kang pasalubong kahit simpleng prutas lang ay ok na. Ang pagpunta mo dun all the way sa malayong lugar ay appreciated na lalo na ng mga matanda na. Hope this helps.
 
alam mo TS. it's not about pity e. gagawin mo un para para matulungan sya at in return magandang pakiramdam un sa taong natulungan mo. be positive. :)
 
Back
Top Bottom