Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Reunion

28315_1464218168223_1316573728_31309845_6849642_n.jpg

Hindi magkasya ang ngiti ko sa labi noong tumawag si Elmer kaninang umaga. Napagdesisyonan na pala nila na ituloy ang palaging nabibitin na reunion. Napilitan tuloy akong magpagpag ng mga agiw sa mga lumang litrato. Lalong naghimagsik ang kasabikan kong makita syang muli. May kung ano pang kumiliti sa malikot kong pag-iisip, kapag nagugunita ko na ang aming pagtatagpo.

Dalawampung taon na din pala noong huli kong nakita si Mylene Rodriguez. Habang pinagmamasdan ko ang class picture, iniisip ko kung ano na nga ba ang nagbago sa kanya. Parehas pa din ba dati ang ngiti nya? Yung nakagawian nyang pagsampay ng buhok sa kanyang tenga, sana hindi nagbago yun. Naalala ko din kung paano nya ako pagalitan sa tuwing nagtatangka akong mangopya sa klase. Para syang nanay ko, pero yun naman ang ikinatutuwa ko. Sa totoo lang gustong gusto ko ang palagi nya akong napapansin. Pakiramdam ko kasi nagkakaroon ako ng espesyal na puwang sa puso nya.

“Kumpleto na kami, ikaw nalang hinihintay” si Elmer sa kabilang linya.

Kahit malayo ang venue, sinikap ko talagang pumunta. Minsan lang mangyayaring magtagpo ang maloloko sa klase, ang mga proclaimed class clowns, at mga certified harutera sa campus.

“Lapit na. Lakarin ko nalang yung papunta dyan. Masakit din sa balakang ang mahabang byahe” wika ko.

Si Francis na class president noon, ang unang sumalubong sa akin. Hindi ngiti at bati kundi isang bote ng malamig na serbesa ang iniabot nya sa akin. Kung hindi lang naisipan ng organizer na maglagay ng name tag sa bawat miyembro ng class 88, siguro hindi ko na sila makikilala. Maraming nagbago sa mukha nila, na ibang iba na sa lumang class picture noon. Sigurado din akong bawat estudyante may iba’t ibang kwento na balak ipamalita sa bawat isa.

Abala ang lahat. Pero hindi ako. Si Mylene Rodriguez ang tanging hinahanap ng mga mata ko. Habang tumatagal ang minutong paghahanap ko sa kanya, lalo namang tumataas ang adhikain kong makita sya.

“Ronald? Ronald Yu?”

Sumilip ang ngiti sa aking labi nang tinapik nya ang aking balikat. Ngunit mabilis na napawi ang mga ngiti, nung nakita kong malaki ang pinagbago ng hitsura nya. Nagkaroon na sya ng hindi mabilang na guhit sa magkabilang pisngi. Tinatago na din ng blackening shampoo ang namumuti nya nang buhok. Laylay na ang ilang balat sa braso, at matamlay na ang mga mata.

“Yes Ma’am! Ronald Yu po! Present!”

“A-ano iho? Pasensya kana at hindi makasabay ang hearing aid ko sa lakas ng tugtog” sa mahinang boses.

Hinawakan ko ang kanyang kamay, at inakay sya sa upuan. Masaya ako at nakita ko syang muli. Hindi man sya katulad ng dati ay hindi naman mabigat na rason yun para magbago ang nararamdaman ko sa kanya. At kung ano man ang pakiramdam na yun, ay dapat ko nalang sigurong sarilihin.

“Maupo ka sa tabi ko iho. Gusto kong makarinig ng mga kwento mula sa paborito kong estudyante” wika nya.

“Opo! Marami din akong gustong ikwento sa paborito kong guro”




Wala lang. Namiss ko lang ang saya na dulot ng eskwela. Namiss ko si crush, pero hindi si Ma'am :rofl:
www.wankero.blogspot.com
 
@amphie: at dahil nagreply ka sa post ko , magrereply din ako sa post mo ehehe:P



-----> NICE CLASS PIC :p
 
Mis ko na mga klasmate ko lalo na si crush pati fb wala deactivate nya na:rofl: Isa ka dyan sa class pic?
 
Yes sir! Yung nasa left side second row, nasa likod ng babaeng maputi at mahaba ang buhok.
 

Na-miss ko tuloy ang aking mga high school classmates. Lalo na yung mga 4th year classmates ko. We are so closed, "isang buhat, isang bagsak", iyan ang turo sa amin ni Ginang Loyola kaya sobrang tatag ng bond namin. Syempre na-mi-miss ko din ang mga class adviser namin noon, memorable sila in their own little ways.

Tungkol sa reunion, may iba na nahihiya pumunta kas pinangungunahan ng insecurity at paranoia. Share ko sa inyo itong status update ng isang Symb Moderator ng friend ko sa FB:
Q - parang ayaw ko pong ummatend ng highskul reunion kasi sobrang malayo na po ang narating ng iba naming classmates habang ako ay wala namang masyadong na accomplish. What can you say?

A - "Reunion yon, hindi contest" kaya dumalo ka. Masaya. You cannot make old friends. Sayang pag lumayo ka pa sa old friends mo. Just remain true to yourself. Wag kang makipagpaligsahan, pero hwag ka ring magpa-awa o magpa-aba. Many of them would be happy to see you. At malay mo, baka through them ay ma-bless ka. But no matter, be a blessing to them.

—Ptr. Ed Lapiz

I miss the school, my chair, our classrooms, our teachers and classmartes hindi sina manong tanod at mr. principal. LOL

Edited part ...
TS, ikaw po ba ito:
attachment.php
:naughty:

 

Attachments

  • amphie88.jpg
    amphie88.jpg
    102.7 KB · Views: 139
Last edited:
:rofl: nadali mo sir carl :thumbsup: yung babae sa tapat ko si crush yan.

Masarap talaga ang eskwela, pati kalokohan dito mo matututunan. Pangarap ko maging teacher, kaya nung tinag sakin yan sa fb bumalik lahat ng ala-ala.
 
Hehe ang cute ni sir Ampy dito halatang maharot :D As usual ganda ng kwento. May mga namimiss tuloy ako :lmao:
 
Last edited:
hahaha! Nahalungkat pa ni mam mela to :lmao:
 
si ampy lang ang todo ngiti sa mga boys :giggle:

namiss ko tuloy highschool classmates ko.. ^^
 
di parin nagbago mukha mo tol. kung ano nuon sya parin ngayon. aba. batang bata parin :D
 
tol kaw lang ata ang masayang mapicturan ah.hehe.kaw lang ngiti sa b0ys e.hehe.bat di ka nakisama sa b0ys?hehe.. Di halatang magaling ka pala sa ist0rya t0l.kung titingnan itsura m0 dun sa pic ay parang sa klase ka maist0rya.hehe..
 
wth... anung batch ka ts? im from isaac too same principal pero wala ako makilala sa picture na yan maliban sa principal :lol::lol::lol::lol::lol:
 
Back
Top Bottom