Ang problema sa mga pilipino madaling makalimot, madaling sumabay sa agos ng mga balita galing sa media at social media. Napatawad na naman ng mga tao (madami na ulit pro marcos) ang mga marcos, katunayan dito nanalo pa sila sa eleksyon, pero hindi natin dapat kalimutan ang nakaraan, sa katunayan may subject nga na history eh. Bakit ba natin inaaral ang nakaraan eh tapos na yun? Para malaman natin kung anong maling ginawa at di na maulit. Tama, walang nagawa si panot at ang nanay sa pagkamatay ng erpat nya, hindi nalaman kung sinong may kasalanan. Pero hwag nating ilayo ang sarili natin sa isyu, ang germany ba kinilala ba nila si hitler na bayani? Considering na pinaglaban nya ang arian blood nilang mga germans na sila daw ang superior breed? Ang mundo naman ang nagbansag kay marcos na diktador ah, hindi mga pinoy kasi walang kalayaan nung time na yun, ang media controlled ng gobyerno siguro kung may internet nung time na yun para tayong isa sa mga middle eastern country ngayon. Sa pangalan palang nang lugar, libingan ng mga bayani.. eh hindi naman bayani yun eh, hindi nga naging sundalo eh, hindi nga rin naging guerilla eh. Insulto naman yata sa mga lolo ko yan pag kasama nila sa libingan yun. Oo naging presidente sya, tama si presidente duterte qualified s'ya on that matter pero magmumukhang hipokrito ang mga pilipino sa harap ng mundo., Walang class walang pride walang sense of nationalism, ang tungkulin ng bawat pilipino ay sa Pilipinas, hindi sa isang tao lamang. Kung may paki talaga ang mga taga north eh di mag-rally sila at ipaglaban nila. Pero ilang taon ng patay si marcos wala pa ring aksyon na ginagawa mga taga north. Dont get me wrong hindi ko pinu-put down ang mga taga north, hindi din ako nagpapaka-regionalistic. Nagpapakanationalistic lang, ang nanay ko ay taga north, sundalo ni marcos ang lolo ko,pero badtrip sya kay marcos dahil sinabing guerilla sya(marcos) eh hindi naman(kasi guerilla lolo ko) ang tatay ko naman ay taga south at masaraming badtrip sa mga marcoses sa south, napabayaan kasi sila,( pinagpatayo lang ng tulay tapos ba-bye na, ) at sa southern tagalog ako lumaki kung saan wala ding pagunlad na nangyari nung mga panahon na yun.. Sana magkaroon man lang tayong mga Pilipino ng kahit kaunting nationalistic pride para sa kasaysayan natin hindi lang sana tuwing may laban ang gilas o may kasuntukan si pacquiao, sana magbalik tanaw tayo sa nakaraan at tanungin natin bakit nga ba nagkapeople power noong panahon na iyun? Bakit maraming galit kay marcos noong time na yun? Bakit malaki utang natin sa world bank pagbaba ni marcos sa pwesto? Bakit sya pumuntang hawai? Bakit ang tawag ng international media at ibang bansa kay marcos noong panahon na yun ay diktador? Ano ba yung diktador? Ano bang requirements para maging diktador? Bakit hindi naging bayani ng germany si hitler?