Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)

salamat sa update bossing. ka abang-abang..
 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (28)

update pa more lodi.. :more:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)



Part 29



I Mauubos na ni JC ang isang kahang Marlboro matapos ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Misha.

“Shit! Shit! Shit!” ilang ulit nyang mura habang bumubuga ng usok sa hangin. “JC, si Misha lang yun, anong nangayayari sayo, bakit ka nagkakaganito?” Tanong nya sa sarili. “The fuck JC, it’s been five years and you’re still affected by this. What’s wrong with you?” Dugtong nya na hindi namamalayang nasa opisina nya na si Chester.

“Bawal sayo yan ah?” Pagpapaalala ni Chester.

“Ches, not now please.” Pakiusap ni JC.

“Nakakarami ka na, stop it na.” akmang kukunin ang kahang nasa lamesa.

“Chester, not now please.” Pakiusap ng binata. “I wish to be alone.”

“No, I will not go. Itigil mo na yan.” Pag-awat ni Chester sa binata.

“Hindi ka ba talaga titigil?” Galit na tanong ni JC.

“Oo hindi.” Galit na sagot ni Chester. “Ano bang pinagkakaganyan mo? Oh let me rephrase that, sino ang pinagkakaganyan mo? Si Misha ba? Ha? Si Misha ba?” Hindi napigilang pagtatanong ni Chester.

“Enough.” Maigsing sagot ni JC.

“Enough? Halos patayin mo sarili mo kakahit-hit ng sigarilyo, sasagutin mo lang ako ng enough?” madiing sagot ni Chester.

“Okay since ikaw ang nag brought up, let’s talk about what happen kanina, what was that? What’s that show? Ano yung pagtawag mo saking BABE? Ano yung Misha at Ryan ang inintroduce mo?” sunod-sunod na tanong ni JC. “Are you playing with me?”

Hindi nakuhang sumagot ni Chester sa mga paratang ni JC.

“Akin na yang hawak mo, bawal nga sabi sayo yan eh.” Sabay agaw sa nakasindi pang sigarilyo.

“Aray!” mahinang sambit ni Chester ng mapaso ng sigarilyo na hindi napansin ni JC.

“Ano Ikaw naman ang hindi makasagot ngayon?” JC. “Totoo siguro na you’ve planned everything. Ano para mapatunayan na naka-move on na ko kay Misha o na hanggang ngayon mahal ko pa si Misha?” galit na pagpapatuloy ni JC.

Pigil-luhang humarap si Chester kay JC. “Tumigil ka na.” Mahina nyang paki-usap. Hindi alam ni Chester kung ano bang mas masakit, ang mapaso ng sigarilyo, ang mga paratang ni JC o ang marinig na mahal pa ni JC si Misha.

Akmang kukuha ng bagong sisindihang sigarilyo si JC ng pigilan sya ulit ni Chester.

“Tangna Chester, ngayon lang please!” Hindi sinasadang nasigawan si Chester. “Fuck!” Mahina nyang bulong sa sarili ng makitang lumuha si Chester. Sa tanang buhay nya, ngayon nya lang nakitang umiyak ang napakastrong na si Chester. Ngayon lang din nya napansin ang hawak paso sa kamay ni Chester ng muli itong umaray sa pagkakatapik nya sa kamay nito.

“Sorry, sorry Chester.” Pang-hihingi ng dispensa sa babae.

“Hanggang ngayon si Misha pa rin pala JC.” Hindi mapigilang pagluha ni Chester. “Hanggang ngayon wala pa rin pala akong lugar dyan sa puso mo.” Pagpapatuloy nya. “Sorry kung natawag kitang babe kanina ha, mali ko yun. Assumera lang ako kasi after five years na it's been you and me lang I thought mayroon ng "tayo", but there was never an US. Ano nga ba tayo no? Walang commitment, walang label. Workmates? Playmates?”

“Ches I’m sorry.” Hindi ko sinasadya. Hindi naman yun ang gusto ko sabihin. Nagulat lang ako sa mga nangyari.” Pagpapaliwanag nya. Sabay abot sa may pasong kamay ng babae. “Let me see that.”

“I’m fine. Okay lang ako.” Pagiwag ni Chester. “Kanina tinatanong ko sa isip ko kung ano bang mas masakit. Mas Kaya kong tanggapin yun sakit ng paso, pero mas masakit yung marinig mula sayo yun mga paratang mo at lalong mas masakit na marinig ko sayo na mahal mo pa si Misha.”

“Ches, hindi naman kita pinagbibintangan. At hindi ko naman sinasabing mahal ko si Mi…”

“Hindi? Hindi ako bingi JC. Ano yun mga sinasabi mong show? Na pinaglalaruan ka?” Pagpapatuloy ni Chester. “I thought you know me better than that?”

“Yes Chester, alam ko naman hindi ka ganun babae. Nabigla lang ako. Sorry na please.”

“Una sa lahat hindi ko din alam ang meeting na to. I was asked by Tito Paul na ako ang humarap sa kanila dahil may urgent meeting sya sa Japan. Hindi ko alam na sina Misha and Ryan ang pinadala ng Montenegro Firm.” Umiiyak na si Chester.

Napayakap na lang si JC sa umiiyak na si Chester at hindi alam kung paano papatahanin ang babaeng ngayon nya lang nakitang umiyak.

“Sshhh. Don’t cry Chester. Naniniwala naman ako sayo and besides hindi bagay sayo ang umiiyak. Remember what you told me before, kapag hirap na hirap ka na sa projects natin at gusto mo na umiyak? You convinced yourself that crying is only for weak and that you are strong.” Smile ka na. Sayang ang Mac Eyeliner mo kung kakalat lang sa mukha mo.

Napangiti si Chester sa biro ng lalaking matagal nya ng minamahal. Sino ba naman ang magagalit ng magatal sa lalaking alam na alam kung paano sya pahihinahunin.

“You freak!” Sabay hampas sa likod ng lalaking nakayakap sa kanya. “Waterproof ang eyeliner ko no? Mahal kaya to, binili ko sa US.” Hikbi nyang sagot kay JC.

“Sige nga patining kung hindi kumalat?” Panunukso ni JC kay Chester.

“Ayoko nga.” Nahihiyang sagot ni Chester.

“Anong ayaw mo?” JC.
“Ayokong makita mo kong bagong iyak.” Chester.

“Eh di promise me not to cry again.” JC.

“Promise mo din na you will not to let me cry again.” Chester.

“Alam mong I can't promise. It’s up to you not to cry again. I know you are strong to handle it.” JC.

“Strong doesn’t only define me as a woman; you know I love you too much to let you go. Hindi ko maipapangakong hindi umiyak ulit.” Sabay yakap ng mahigpit kay JC.

“Alam mo naman mahal din kita, kaya lang…”

“Kaya lang ano?”

“Kaya lang mahuhuli na tayo sa flight natin kung hindi pa tayo magmamadali.”

“Ay oo nga.” Chester. “Rest room lang ako para magretouch.”

“Okay na yan Chester, maganda ka naman kahit haggard ka na eh.”

“Hindi ako haggard!” sabay nguso sa lalaki.

“Oo na po. I’ll go ahead, see you at the parking lot. Amoy yosi na din ako. I need fresh air.”

“Fresh air sa Manila? You wished! Haha”

“Haha”

Sabay natawanan ang dalawa.

“But seriously JC. Huwag mo na ulit gagawin ang ginawa mo ngayon.” Pag-aalala n Chester.

“Alin dun sa mga nagawa ko?” Pabirong tanong ni JC kahit alam naman nya ang tinutukoy ng dalaga. “Yung yakapin ka? Pakiramdam ko napagsamantalahan ang pagkalalaki ko sa yakap mo eh.” Pagbibiro nya.

“Talaga ba? Mukhang ikaw nga ang enjoy na enjoy na nararamdaman ang pagkababae ko.” Chester.

“Totoo ba? Haha” sagot ni Jc. “On serious note, alam ko naman yun sinsabi mo” pagseseryoso ni JC. “PROMISE, hindi na mauulit.” With matching taas pa ng kamay.





 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

haha smudge proof din yata yang mac eyeliner na yan lodi kaya power sa iyakan :giggle:

hanep din si JC.. paasa ka men :rofl:

pero kinikilig ako dun sa reaction niya nung magkita sila.. haha muling ibalik ang tamis ng pack-ibig..
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

wala pa po bang bagong update... maraming salamat po!!!
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

update pa hhahhahaa
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

Thanks ts keep sharing
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

wow nadugtungan na... laking tuwa namin .. tia

Sana laging may update hahaha thank you for this :dance:

salamat sa update bossing. ka abang-abang..
wala pa po bang bagong update... maraming salamat po!!!

update pa hhahhahaa

:thanks: sa patuloy na pagsubaybay, just finalizing another update.
I will be posting another update soon :hat:

Nice, nice. :):)
Thanks ts keep sharing

:thanks: sa pagbasa :hat:


haha smudge proof din yata yang mac eyeliner na yan lodi kaya power sa iyakan :giggle:

hanep din si JC.. paasa ka men :rofl:

pero kinikilig ako dun sa reaction niya nung magkita sila.. haha muling ibalik ang tamis ng pack-ibig..


Hahaha tignan natin kung ano ba ang plano ni Jc sa buhay nya :lol:
Kilig pa more?
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (29)

:thanks: sa patuloy na pagsubaybay, just finalizing another update.
I will be posting another update soon :hat:




:thanks: sa pagbasa :hat:





Hahaha tignan natin kung ano ba ang plano ni Jc sa buhay nya :lol:
Kilig pa more?

update na po hahahha
para kiligin naman ako uli

ngaun kapag umiihi na lang ako kinikilig e
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)


Part 30




“Thanks babe sinamahan mo ko today.” Misha.

“Mabuti nga talaga at sumama ako. After what happened kanina ng makita mo ang best friend mo.” Ryan.

“Why? Ano bang nangyari?” Pagtatanong ni Misha.

“Ano nga bang nangyari?” Natatawang pagtatanong ni Ryan.

“What’s with the question and with your face.”

“None babe.” Sabay harap sa dalaga. “What’s with you kanina after mo nakita si JC?” si Ryan

“Anong what’s with me?” si Misha

“Alam mo ang tinutukoy ko. Nawala ka sa focus ng makita mo si JC.” Sagto ni Ryan. “Hindi ako bulag at lalong hindi ako tanga para hindi ko mapansin ang mga nangyari.”

“Tanga agad Ryan? Hindi ba pwedeng nabigla lang ako sa pagkikita naming ni JC. It’s been five years, kanina lang ulit kami nagkita. Nagulat lang ako, 'yun lang yun.” Sagot ni Misha.

“Tama naman si Ryan eh. Nawala talaga ako sa focus ng makita ko si Chester and worst nakita ko din si JC. And yun Babe and kiss sa lips? That made me insane!” pagsigaw ni Misha sa utak. “Just last night I was thinking of him and wanted to have some clear closure and answers to my questions tapos agad-agad ito ang mangyayari. Ang bilis lang. Hindi ako prepared.”

“Ok.” The same old Ryan who don’t want to complicate things. “Let’s go.”

Ngunit walang imik si Misha sa lalim ng iniisip.

“Babe?” pag-tawag ni Ryan na may kasama ng takip sa braso ng girlfriend.

“Ha?” Gulat na tanong ni Misha.

“Sabi ko tara na. Ang lalim kasi ng iniisip mo eh.”

“Ah, eh kasi may inaalala akong dapat gawin before we go.” Pagpapalusot ni Misha.

“And naalala mo naman ba?” Tanong ni Ryan.

“Yes.” Mabilis na sagot ni Misha “I need to email AEM a report about the meeting today.” Naisip nyang palusot sa malalim na iniisip kahit hindi naman kailangan i-email ang boss.

“Can't you do that na lang sa office?

“No. Saglit lang naman. Nacompose ko na din kasi sa utak ko yun sasabihin ko. I’ll just use my phone. One minute babe.” Insist nya para hindi mahalatang nagaaliby sya.

While searching her phone. “Babe, naiwan ko ata un phone ko sa board room.”

“Ha? Check mo mabuti sa bag. Nadala mo ba?”

Naibuhos na ni Misha ang laman ng bag nya ngunit wala pa rin yun phone.

“Yes babe. Sure ako. Naiwan malamang sa table sa board room.”

“Okay I’ll get. Stay here.”

“No babe, ako na kukuha. Kasalanan ko naman bakit naiwan eh. Ako na lang babalik.” Akmang lalabas na ng kotse si Misha ng…

“Yun phone lang ba talaga gusto mo balikan?” tanong ni Ryan.

“Ha? Saan na naman galing yan?” Balik na tanong ni Misha.

“Baka sa nakaraan.” Ryan

“What? Aalis na ko kasi baka kung saan pa to mapunta. If you want to wait, then wait. If you want to go, magtataxi na lang ako papuntang office.” Inis na sagot ni Misha.

“Sorry babe. I’ll wait here.”

“Thank you. And please trust me.” Sabay sara ng pinto ng kotse.

Nais pa sana ni Ryan na samahan si Misha bumalik ng opisina nila JC ngunit alam nyang baka may masabi syang baka makasakit kay Misha at magpalala ng sitwasyon. Kakapit na lang sya sa huling bilin ng girlfriend to trust her.
“I will trust her. She deserves it. Wala naman sya ginagawang dapat ko pagdudahan.” Kumbinsi ni Ryan sa sarili. Takot lang talaga sya sa pwedeng pang mangyari na they will be working with JC and Chester.

Nakuha na ni Misha ang kanyang phone at nag-aabang ng pababa na elevator. Hindi nya maintindihan kung bakit para syang kinakabahan na ewan. Parang may mangyayaring hindi maganda kapag nagtagal pa sya sa building na to.

“Ang tagal naman ng elevator dito. Naturingan high-class building, ang bagal ng elevator. Sino ba Engineer nito at lelecturan ko.” Inis na sabi ni Misha.

“Ako.” Isang lalaki ang sumagot.

“Pang-asar naman oh. Nananadya ka ba kapalaran at talagang si JC pa ang makakasabay ko sa elevator.” Bulong nya sa sarili.

“Anong ikaw?” Tanong nya kay JC.

“Kanina tinatanong mo kung sino ang Engineer ng building na to at lelecturan mo kamo. So ako, ako ang engineer ng building na to at ako din ang nagpakabit ng mabagal na elevator na yan.” Sagot nya.

“Ah eh di ikaw na.” Mahinang sagot ni Misha. Sabay bukas ng isang elevator.

Sumakay na si JC ngunit si Misha eh hindi kumilos sa kanyang pwesto.

“Ms. Zamora hindi ka ba sasabay? Pwede natin gawin ang lecture mo sa elevator.” Tanong ni JC kay Misha.

Ngunit nag-walang kibo lang si Misha.

“Sige ka pag hindi ka sumabay dito malamang puti na ang buhok mo wala pa yun hinihintay mong pagkakataon makasakay.”

“Susunod na pagkakataon? Makasakay?” Maang tanong ni Misha.

“Sa elevator, Ms Zamora. Pagkakataon sa makasakay sa elevator. Mabagal kamo ang elevator namin diba? Kaya sumakay ka na.”

“Hindi na, hihintayin ko na lang yun isa pang elevator. Ayoko naman sumabay sayo tapos umasa sa ulit sa wala.” Nakaismid na sagot ni Misha.

“Ayan tayo sa hintayan eh. Ano bang napapala sa hintayan na yan? Masasaktan ka lang Miss, kaya kung ako sayo sumabay kana.” JC.

“Ikaw lang naman ang nagpahintay sa wala.” Bulong ni Misha sa sarili.

“Narinig ko yun. Pero bahala ka dyan, iiwan na kita. Sayang oh, nakabukas na yun pagkakataon, ikaw na lang ang hinihintay.”

“Eh di mauna ka na. Dyan ka naman magaling, sa pang-iiwan. At least ako marunong maghintay.”

Medyo tinamaan si JC sa sinabi ni Misha. Iniwan nga naman nya talaga ang dalaga. Pero hindi pa din sya nagpatalo dahil nais nya makasama si Misha kahit sandali lang.

“Nag-hintay daw? Ang sabihin mo nag-hanap ng ibang option. Meron na nga, naghanap pa ng iba. Ngayon nakabukas na angpagkakataon, ito na, pero unti-unti ng nagsasara.” Si JC habang nagsasara ang pinto ng elevator.

Tinamaan din ng bahagya dun si Misha at napahiya sa sarili. Totoo naman kasing hindi nya nahintay si JC at nagpaligaw kay Ryan. Kaso kesa kukupad-kupad naman itong si JC at kung kukupad-kupad din sya ay maiiwanan na sya ng elevator na nagsasara.

“Sandaliiii!” Pasigaw nya.

“Sus sasabay din naman pala, humugot pa! Haha"

"Baka kasi yung pinili kong antayin eh sa ibang floor tumigil tapos iba ang isakay. Mag-antay ako sa wala." Ismid na sagot ng dalaga.

"Anong floor pa man yan tumigil, sino man ang isakay nyan kung talagang nag-antay ka siguradong magkikita din kayo sa ground floor. Sa lugar na nakatakda kayo magkita" sagot ni Jc. " Mabagal ang elevator na ito. Hindi kasi ako nag mamadali. Alam ko naman kasi yung gusto kong marating, I just want it to be slow but sure."

“Ang bagal mo kasi. I mean ng elevator mo. Ang tagal ko naghintay. "si Misha.


“Alam mo Ms Zamora, hindi importante kung gaano katagal ka naghintay, ang importante dumating. Kaso wala ng naabutan.” Sagot ni JC



Hindi maintindihan ni Misha yung nararamdaman nya. May ibang kurot yung mga salitang binitiwan ni Jc.

"Alam mo Mr. Jacinto, ang hirap naman kasi sa elevator gawa sa bakal. Ang insensitive, ang lamig. Sarili destinasyon lang ang alam hindi i-kinoconsider na may damdamin din naman ang mga sasakay. " tugon ni Misha. “Hindi alam na may oras din ang mga naghihintay. Tulad nyan ang tagal na natin magkasama, wala pa rin tayong nararating.” Dugtong nya

“Paano tayo makakarating sa gusto natin puntahan eh wala naman gumagawa ng first move.” Sagot ni JC

“Ako pa talaga Mr Jacinto ang iniexpect mong gumawa ng move?” Naiinis na sagot ni Misha.

“Oo.”

“Ako talaga?”

“Oo nga. Kasi ikaw ang malapit sa pindutan ng floor ng elevator. Pero kung gusto mo, sige ako na lang ang gagawa ng move para makausad tayo. Anong floor po ba Ma’am?”

Natatawa si Misha sa tagpong yun. Wala pa pala sa kanila ang pumipindot ng floor para umandar ang elevator.

Ramdam na ramdam ni Misha ang pagkakalapit sa kanya ni JC, pero ayaw nya magpatalo sa kanyang nararamdaman.

“Ang lamig naman dito.” Reklamo nya.

"Baka kaya lamig ang nararamdaman mo kasi ang layo mo. Hindi mo na natatandaan ang init na dati mong nakasanayan. Ngayon, malapit ka na baka maalala mo." si Jc nahalos bumubulong na malapit sa teynga nya.

Naramdaman ng dalaga ang pag lapit sa kanya ni Jc. At nakaramdam din sya ng pag skip ng heart beat nya. Pinipigilan nya ang nararamdaman. Alam nyang hindi dapat. Pero ang tanung ng puso nya, hindi ba talaga dapat?

“Hindi ko na alam ang init na yan. Matagal na kasing lumamig yan eh. Malapit na din naman ako bumaba, binalikan ko lang naman 'tong phone ko.” Tugon ni Misha.

“Sigurado ka bang phone lang ang gusto mong balikan?” Bulong ni JC kay Misha.

Magkahalong sensasyon ang naramdman ni Misha. Gusto nyang itulak si JC, pero pinipigilan sya ng puso nya. Sa totoo lang, gusto nya ang tagpong magkadikit sila ni JC. Sabay tunog ng elevator na nagpabalik sa kanyang katauhan.

“You wished! Assumero ka pa rin pala eh. Anyways, hindi ko alam kung makakasakay pa ulit ako sa elevator na nag-antay daw sa akin pero ito ang candy, amoy yosi ka kasi. Limang taon na nakakalipas, hindi ka pa din nag babago.” Sabay bukas ng pinto.

Nagmamadaling lumabas ng elevator si Misha upang bumalik sa katinuan, konti na lang kasi at malapit na sya bumigay.

Napansin ni Jc ang singsing na nakasuot sa kamay nito ng pag-abot nya sa candy at may kung anong kurot sa puso nya.

“Sa basement pa ako bababa Ms. Zamora, baka nabitin ka. Pwede ka pang sumakay.” Paganyaya ng binata.

“Bastos!” Nagmamadaling paglayo ni Misha.




 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)

kaka-abang...

comment muna bago magbasa :lmao:

edit laters..

---------------------------------

fishtea,, ako ang nabitin sa moment sa elevator :lmao:

ang lalim ng mga hugot sa update na toh ah..


nakaka :blush:
 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)

:comfort: yun bago hehehe
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)

hugutan sa elevator :lmao::madslap:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)

Naks... Aminadong bitin n naman...
The ts sa update. Abang abang ulet

- - - Updated - - -

Naks... Aminadong bitin n naman...
The ts sa update. Abang abang ulet
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (30)

waaaahhh

di hugot ung sa elevator

baon na baon e...

nice update pa :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (31)




Part 31



“Misha we’re here.” si Ryan matapos huminto sa harap ng bahay nila Misha.

“Ha? Ano yun, sorry?” gulat na sagot ni Misha.

“Sabi ko nandito na tayo sa inyo.” ulit ni Ryan. “Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa ganyan after nyong magkita ni JC.” Dugtong nya.

“Bakit napasok na naman si JC sa usapan? Ako ba talaga ang hindi makapag-move on sa nangyari kanina o ikaw?” Inis na sagot ni Misha.

“Bakit galit ka?” Ryan.

“Why? Hindi ba ko dapat mainis? You keep on mentioning JC’s name the whole day. Sino bang hindi mababad-trip dun? Wala ka na bang ibang sasabihin bukod sa pangalan ni JC? Kasi kung wala na, bababa na ko.” Sagot ni Misha.

“Ganun? Makaiwas lang sa issue.” Sagot ni Ryan.

“Babe, issue? May issue na agad?” Tanong ni Misha. “Ganun ka ba kaapekto sa pagkikita namin ni JC na dati kong BESTFRIEND?” Tanong ni Misha.

“Ikaw ang dapat sumagot nyang tanung mo?” Balik ni Ryan.

“After 5 years Ryan, limang taon, ngayon ka pa magkaka-ganyan. What’s into you? First of all, I never become unfaithful sayo. 2nd, JC and I are just friends, more than that, we were best of friends, “FRIENDs” lang. Kaya wala kang dahilan para mag-kaganyan. Hindi pa ba sapat na patunay sayo na mahal kita ng tanggapin ko yun marriage proposal mo? ” Huling salita ni Misha bago tuluyang makalabas ng sasakyan ni Ryan at padabog na sinara ang pinto.

Hindi nakagalaw si Ryan sa kinakaupuan nya matapos marinig ang huling salita ni Misha. Para syang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi nya sa gf. Bumalik na lamang sya sa katinuan ng marinig ang padabog na pagsara ng kanyang pintuan ngunit huli na para sa kanya na habulin pa si Misha dahil tuluyan na itong nakapasok sa kanilang bahay. Na-realieze nya na nasobrahan ata sya pag-iisip ng kung anong pwedeng mangyari matapos ang pagkikita ng dating mag-bestfriend at sa fact na magiging magkatrabaho sila. Masyado ata syan naging unfair kay Misha nang napag-isipan nya na ito ng masama.
Tama si Misha, nagging faithful sya sa loob ng limang taon nilang magkasintahan. Hindi din nya narinig mula rito ang pangalan ni JC mula ng lumipat ito ng school.

Hindi din maunawaan ni Ryan kung bakit sya nagkakaganito. Hindi din naman sya kahit kelan nawalan ng confidence sa pag-mamahal ni Misha sa kanya kahit na madaming lalaki ang nag-tangkang agawin ito. Hindi din naman biro ang mga nag-nais makuha si Misha, may mga sinabi din sa buhay. Pero nanatiling loyal at faithful si Misha at never nag-entertain ng iba.

Pero bakit iba ngayon ang pakiramdam nya nung si JC na ang dumating? Si JC na alam nyang kaibigan lang ni Misha.si JC na alam nyang wala naman naging nakaraan kay Misha kundi pagkakaibigan. Pakiramdam nya, any moment kayang-kaya nitong makuha si Misha sa kanya ng walang kahirap-hirap.
Ang gulo ng utak ni Ryan. Hindi nya mawari ang gagawin. Alam nyang nasaktan nya si Misha, pero nasasaktan din naman sya sa hindi malinaw na dahilan.
“Misha, anak, yun phone mo kanina pa nari-ring, hindi mo ba sasagutin yan? Ilang miscols na ata yan.” Mommy ni Misha.

“Hayaan mo sya ma, si Ryan lang naman yan.” Nakasimangot na sagot ni Misha.

“Bakit nag-away ba kayo?” Pag-aalala ng ina.

“Hindi po.” Maikli nyang sagot.

“Hindi? Eh bakit ayaw mo syang sagutin?” Tanong ulit ng ina.

“Ewan ko po. Hindi naman ako galit pero hindi ko pa sya kaya kausapin sa ngayon.” Sagot nya.

“Hindi kayo nag-away, pero ayaw mo kausapin? Yung totoo anak?” Naguguluhang Mommy ni Misha.

“Basta Ma, ayoko lang muna ngayon.” Sagot nya. “Paki-abot nga po sakin Ma yun phone.” Paki-usap nya sa ina dahil naisipan nan yang patayin yun phone pansamantala.

“Ok.” maikling sagot ng kanyang ina. “Pero anak kung hindi ka galit kay Ryan bakit denelete mo sya sa contacts mo?” Takang tanong ng ina ng bigla itong tumunog ng kanyang damputin at iabot kay Misha.

“Ano pong sabi mo, ma?” Tanong ni Misha habang inaabot ang phone sa ina.

“Ayan oh, may tumatawag pero phone number lang ang nagreregister. Sabi mo si Ryan ang kanina pa tumatawag pero number lang yan sa screen ng phone mo.” Tanong ng ina.

Magkahalong pagtataka at kaba ang naramdaman ni Misha ng makita ang unregistered number na tumatawag sa kanya.

“Naku Ma! Baka si AEC to or one of our client” sabi nya sa ina. “Or baka si JC.” Bulong nya sa sarili.
“10 missed calls na from the same phone no but no missed call from Ryan”

Mas lalo syang kinabahan sa idea na lumipas na ang ilang oras pero hindi pa din tumatawag ang bf.
Nagdadalawang-isip sya kung sasagutin ba ang tawag mula sa hindi kilalang number ng muling mag-ring ang phone nya. Halo-halong sana ang nasa isip nya,

“Sana hindi to si boss, kundi nakakahiyang hindi ko nasasagot ang mga unang tawag nya. Sana hindi din client call dahil dis-oras na ng gabi. Sana si Ryan na lang itong tumatawag kahit inis pa ko sa kanya pero sana… sana si JC na lang.” Hindi si Misha sa sarili na sa naisip nyang sana si JC na lang ang tumatawag.

“He-hello?” Nauutal na sagot ni Misha sa telepona.
“Hello Misha?” Sagot mula sa kabilang linya.

“Y-yes speaking. Who’s this?” Tanong ni Misha ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya at masigurado ni hindi ito si Ryan at lalong hindi si JC.

“Misha kamusta ka na? Long time no hear.” sa kabilang linya.

“Sino po ba to?” Takang sagot ni Misha dahil parang feeling close ang tao sa kabilang linya.

“Oh I’m sorry, hindi ko pa pala naintroduce sarili ko sayo. This is Prof. Geronimo Estallo, remember me? Prof mo sa Design Projects.” Sagot ng kausap.

“Prof Es?” Pagkompirma ni Misha?

“Correct! No other than the beautiful Prof Es. Kamusta ka na?” Prof Estallo.

“Sir! Kamusta?” Mas kalmadong sagot ni Misha sa kausap ng maalala ang baklang Professor.

“Eto ma-beauty pa din. Sorry sa biglaang pagtawag ko ha. Kamusta ka na pala? Si Ryan? Kayo pa ba? Wala na ko balita sa inyo.” Sunod-sunod na tanong ni Prof Estallo.

“Sunod-sunod talaga yun tanong Prof Es?” Tanong ni Misha. “Meron pa rin palang mga bagay na hindi nagbabago, intregera pa din tong baklang Prof ko.” sa isip ni Misha. “Ok naman po ako Prof Es. Just like you, maganda pa din.” Pabakla nyang sagot. “Nga pala sir, bakit po kayo napatawag?” Tanong nya.

“Sorry sa abala Misha ha, sa totoo lang si JC ang kanina ko pa gusto makausap kaso nag-palit na ata ng number. Hinahanap ko din sya sa facebook para ma-message kaso wala atang FB. Kailangan ko kasi humingi ng pabor sa kanya.”

“Si JC naman pala hanap nito eh, bakit kaya ako ang iniisitorbo?” sa isip ni Misha. “Prof Es, wala na po akong balita kay Yosi boy, matagal na din kaming hindi nag-uusap simula ng dinala sya ni Chester sa Cebu.” Pabirong sagot nya sa Prof dahil close naman talaga sila nito nun college kahit prof nya ito. Eh kasi naman type ni Prof Es si JC.

“Hay naman. Bakit wala kayong communication ni JC? Nag-giveway na nga ako sa inyo ni Yosi Boy tapos ibang tao pa din jinowa nyo.” Dismayadong sagot ni Prof.

“Kapag hindi kasi ukol, hindi talaga bubukol. Haha.” Pabirong sagot ni Misha. “Bakit hindi na lang si Chester ang contakin mo.” Dugtong nya.

“Naku, hindi naman kame close ni Chester at hindi ko naman din sya naging studyante. Good thing na nga lang at hindi ka pa nagpapalit ng number.” Sagot ni Prof.

“Kaso sorry Prof Es wala po akong number ni JC kung sya po talaga ang kailangan nyo.” Sagot ni Misha.

“Ganun ba?” Dismayadong sagot ni Prof. “Pero alam ko matutulungan mo pa din ako sa kailangan ko kay JC, Misha.”

“About what? Magpapalakad ka ba kay JC? Haha” biro nya muli.

“Hindi gaga. In a relationship na ako. Haha.” Masayang sagot ni Prof.

“Taray, In a relationship! Haha” Kahit papaano ay nagkalimutan ni Misha ang inis nya kay Ryan habang nakikipagbiruan sa dati nyan prof.
“Ganda ko kaya! Haha.” Pabirong sagutan ng dalawa. “Anyways, back to my original intent.” Sabay seryosong segway ni prof.

“Ay oh, biglang nagseryoso? Ano po bang need mo kay Yosi boy at paano kita matutulungan?” pagseseryosong tono din ni Misha.

“Ganito kasi yun, remember yun project nyo ni JC na House Automation?”

“Diba nasa ‘yo na yun Sir? Ang tagal na nun ah.” Patanong na sagot ni Misha.

“Oo nga, pero kasi yun model house na ginawa nyo, yun ang wala sakin. Ito kasing si JC, just last year, pumunta sa university para hiramin sa akin. Tapos after nun hindi na ulit nagparamdam at bumalik para isauli yun model house. Eh yun na ang nasa curriculum ko kaya hindi ko na mabago. Baka naman may sample ka pa nun kahit yun drawing lang?” Tanong ni Prof Es.

“Wait sir, ang alam ko meron akong sketch nun eh. Tignan ko sa mga things ko, pero I won’t promise po ah. Medyo matagal na din kasi yun, hindi na ko sure.” Sagot ni Misha.

“Perfect! Hulog ka talaga ng langit. Kaya favorite student kita eh, bukod sa magkasing-ganda tayo, magkasing bait pa. Haha” Pambobola ni Prof.

“Maniniwala na sana ako sir, kaso mas malakas pa yun tawa mo sa sinabi mo eh. Haha” at sabay na nagtawanan ang dalawa.

Madami pa silang naging kwentuhan bago pa tuluyang mag-paalamanan. Agad-agad naman pumunta sa kwarto si Misha para hanapin ang pabor ng dating prof. Kaso nataob na nya ata ang buong kwarto nyo pero hindi nya nakita ang hinahanap. Pilit nyang inalalala kung saan nya ito nailagay.

Project nila yun ni JC kaya kung wala sa kanya yun malamang nasa binate. Pwedeng nasa bahay nila JC, pero paano nya malalaman? Pupunta ba sya sa bahay ng dating kaibigan? Ang kaso ay, nahihiya sya sa mama ni JC dahil after umalis nito pa-Cebu eh hindi na sya nadalaw. Kaya lang nakapangako na sya sa Prof na tutulungan.

“Takte naman kasi JC, bakit mo kinuha yun model house kay Prof Es, hindi mo pa nakuhang ibalik? Ano bang kailangan mo dun?” inis na tanong nya sa sarili.

“Aaaaah! No choice na! Need ko munang isantabi ang hiya ko at puntahan ang bahay ni JC. Sana lang talaga nandun yun para hindi naman masayang ang effort ko.”






 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (31)

nakow Ryan, kabahan ka na talaga.. haha.. hindi pa nga ko nakaka-move on sa hugutan portion sa elevator haha :lmao:

eshoserang prof yan baka naman, kinuntyaba lungs siya ni Jc haha :giggle: kunwari kailangan yung automation pero matic may agenda :lmao:


waaa.. asyuswal bitin :weep:

abangers sa next :hyper:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (31)

Ang short nman... Ts pabuhos nman kahit 3 episodes pa... Salamat ng many
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi" Part (31)

:clap: sana maging sila na hahaha :excited:
 
Back
Top Bottom