Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Story of our Songs: A Love Song (Ch.1 Added)

View attachment 249261
STORY OF OUR SONGS: A LOVE SONG

Bata pa lang si Jinn ay hinubok na siya ng kanyang mga magulang sa larangan ng musika.
Pero iba ang kinahiligan ni Jinn. Mas minahal niya ang magbasa at magsulat ng mga nobela.
Ngunit nagbago na naman ito nang makilala niya ang Musikerang si Monique.
Ang mga kwento at kanta ng buhay ni Jinn, ay muli na namang magbabago.
Subaybayan natin ang mga kwento sa likod ng mga kantang inawit at isinulat ni Jinn Malayan.



TABLE OF CONTENTS


THE FIRST SONG

Chapter 0 - Rainbow

Chapter 1 - Stay With Me

Chapter 2 - (Not yet available)
 

Attachments

  • StoryCover2.png
    StoryCover2.png
    209.4 KB · Views: 0
Last edited:
Re: Story of our Songs: A Love Song

THE FIRST SONG
"I hurt myself today
To see if I still feel
I focus on the pain
The only thing that's real
The needle tears a hole
The old familiar sting
Try to kill it all away
But I remember everything "


Johnny Cash - "Hurt"




Chapter 0 - Rainbow


'Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
We can really never tell it all no, no, no.'


Kumakanta si Monique habang tumutugtog ng gitara. Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tabing dagat.
Napakaganda talaga ng boses ni Monique.
Ang sarap pakinggan.

Kailan ba ako hindi namangha sa boses nya? Hindi lang boses maganda sa kanya. Hindi ako bias dahil GF ko sya.
Marami naman talaga nagsasabi na maganda siya. Maputi, matangkad, maganda ang mga mata, maayos manamit at maganda ang pangangatawan, yan ang kadalasang puri sa kaniya.
Ang swerte ko talaga sa kaniya. Wala na akong mahihiling pang iba sa mundo.
Teka, bakit nga pala ako nandito? Bakit siya kumakanta dito? Di ba dapat nasa Singapore siya?


'Take a little time baby....
THIS IS GONNA BE THE BEST DAY OF MY LIFE!! MY LA AH AH AH AH AH AHYFF!'


Argghh! Pilit kong inaabot ang cellphone ko kahit nakapikit pa ang aking mga mata.
Ang ganda ganda ng panaginip ko, sisirain lang ng pesteng alarm na 'to. Nasaan na ba yun?
Pilit ko pa ring kinakapa ang mesa sa tabi ng aking kama dahil doon ko nilalapag ang phone ko.
Success! Naabot din kitang istorbo ka.
Dinilat ko na rin ang aking mga mata dahil hindi ko mapapatay ang alarm kung hindi ko titignan. Kung pwede lang sana ibato gaya ng mga napapanood ko sa TV at nababasa sa mga libro at comics, binato ko na rin 'to. Kaso sa totoong buhay walang taong gagawa nun kahit pa gaano kaganda ang naalintalang panaginip nila. Well, kung meron man, hindi ako yun.
Gamit ang mga matang ¼ lang ang bukas, tinignan ko ang phone ko kung may missed call ba o new message.
Wala.
Tulog pa siguro si Monique. Napagod siguro sa byahe.

Nasa Singapore siya ngayon para sa isang Music Contest na sinalihan niya.
Magtatatlong taon ko na ring girlfriend si Monique. Tatlong taon na rin akong tumutugtog sa banda kasama siya. Masaya ang buhay ko ngayon. Sobrang saya. Promise!
Abot tenga ang ngiti ko habang iniisip si Monique. Siya ay 21 years old gaya ko. Parehas din kami ng pinapasukang University at syempre doon nag-umpisa ang lahat. Hahaha!

Makalipas ang ilang minutong pagdedaydream, bumangon na rin ako. May 22 ngayon, kailangan kong pumunta sa School para sa enrollment. Naglakad ako palabas ng kwarto habang kinakamot ang medyo nangangating anit. At least anit ang kinakamot ko. Yung iba jan ano.
"Good morning. Kumain kana. Yung kanin nasa Rice Cooker. Wala akong oras para magsangag. Aalis na ako ah."
Si Mama yun. Siya lang kasama ko sa bahay. Si Papa nasa Manila kasama ang 18 years old kong kapatid na nag-aaral din doon.
Bakit hindi ako doon nag-aral? Mas pinili ko dito sa may probinsya mag-aral. Actually pinilit ko dito mag-aral. Gusto kasi ng mga magulang ko na sa Manila ako mag-aral, kaso ayoko. At matapos ang ilang buwang pakikipagtalo ay pumayag naman sila.
"Oo nga pla. Kumusta daw si Monique? Anong oras ang laban nya? May live stream ba sa internet?" tanong ni mama habang nagsusuot ng sapatos.
"Mamaya pang 10am Ma, and unfortunately walang live streaming. Hintayin nalang nating may mag-upload sa Youtube"
Gusto ko rin sana mapanood siya kumanta. Napakalaking achievement nito para sa kanya, gusto ko sana sumama kaso hindi suportado ng programang sinalihan niya ang mga gustong sumama. Wala naman akong pamasahe papuntang Singapore.
"Sige, aalis na ako. Ikandado mong mabuti itong pinto mamaya bago ka umalis ah" Sambit pa ni Mama habang naglalakad palabas ng bahay.
"Opo ma. Ingat kayo"


Pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis ay umalis na rin ako ng bahay. Minu-minuto kong tinitignan ang screen ng Phone ko kung may message na ba si Monique.
Wala pa rin. Tulog pa rin siguro.
Pinipilit ko tiising 'wag siyang imessage o tawagan hanggat hindi siya unang nagmemessage sakin dahil ayaw kong istorbohin ang pagpapahinga niya.
Isinalpak ko na lang ang earpiece ko para kapag may message o tawag ay maririnig ko agad.
Wala pang limang minuto pagkasakay ko ng jeep ay tumunog na ang phone ko. Pinindot ko kaagad ang isang button sa earpiece ko para sagutin ang tawag.
"Good morning babe!" Agad kong bati dahil alam kong si Monique lang ang tatawag sa akin ngayong umaga. Hindi naman ako nagkamali.
"Good morning, nasa school ka na ba? Kakagising ko lang eh." parang inaantok pa nga ang boses ni Monique.
"On the way pa lang. Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko habang tinatakpan ng kamay ang isang bahagi ng earpiece kung saan nakalagay ang mic. Maingay kasi ang mga paulit ulit na busina ng mga jeep dito.
"Maayos naman ang tulog ko. Ikaw? Hindi ka na naman nakatulog ng maayos noh? Sabi ko naman sa'yo 'wag mo na ako masyadong isipin eh. Maayos naman dito maganda at safe yung tinuluyan naming hotel"
"Haha. Sorry pero hindi ako nagpuyat kakaisip sa'yo. Mahimbing kaya tulog ko. Ang ganda nga ng panaginip ko eh. Medyo bitin nga lang pero sulit naman." Napapangiting sagot ko sakanya. Ang ganda mo sa panaginip ko eh!
Abot tenga na naman ang ngiti ko. Medyo napapahalakhak na rin ng konti habang inaalala yung panaginip ko kanina.
"Ah ganun ba. Kamusta naman 'yang panaginip na 'yan?! Hindi naman siguro 'yan bastos noh?!" Nagsusungit kunwari pero halata naman sa boses na hindi. Bastos? Hahaha Sana nga para enjoy to the max!
"Hahaha! Sana nga nagkaron ng konti. Kahit konting konting RATED SPG man lang para sulit na sulit talaga!" Sagot ko habang napapalakas na ang tawa.
"Hoy Mr. Jinn Malayan! Ano yang pinagsasasabi mo jan! Nasa jeep ka diba? Hindi ka ba nahihiya sa mga katabi mo?"
Doon ko lang narealize sitwasyon ko! Napalingon ako bigla sa mga nakasakay sa jeep. Yung matandang nasa harap ko parang nandidiring nakatingin sa akin. Yung dalawang studyante nagbubulungan. Yung iba dedma lang.
Shit. Nakakahiya!
"Manong sa tabi lang po!" Napagdisisyunan ko nang bumaba agad bago pa lumala ang sitwasyon.
Ano ba yan! ang layo ko pa sa School. Bahala na lalakad nalang ako.
"Oh nasa school ka na?" Tanong ni Monique sa akin
"Ah medyo." Medyo, mas malapit ng konti kesa kabilang bayan.
"Bumaba na ako agad kasi medyo nakakahiya na sa jeep." Dagdag ko pa.
"HAHAHAHA!" malakas na tawa ni Monique sa kabilang linya.
Eto na aasarin na ako nito.
"Sige tawa pa!" Sagot ko kay Monique pero napatingin ako bigla sa dalawang studyanteng naglalakad malapit sakin.
Bakit ako napatingin?
Kasi tumatawa sila. At yun na nga ang maling nagawa ko. Nagmukha tuloy na sila yung pinagsasabihan ko ng 'Sige tawa pa.'
My God! Ansama ng tingin nila sakin.
Hindi kayo kausap ko! Gusto ko isigaw sa kanila.
"Oo na nakakatawa na ako." Agad akong nagsalita ulit habang inilalapit ang mic ng earpiece sa bunganga ko para malaman nila na hindi sila ang kausap ko.
"Sige na babe. Pinag aayos na rin ako ni Ma'am Che." Halatang nagpipigil pa rin ng tawa si Monique.
Ano ba yan. Gusto pa kita kausap eh.
"Sige. Sige. Good luck babe. Alam kong mas alam mo dapat gawin jan kaya wala na akong maipapayo sayo. Ienjoy mo lang yan. I love you!" Palusot ko na lang dahil wala na akong maipapayo sa kanya. Ni minsan ata e hindi ko nakitang kabahan yan sa mga contest na sinalihan niya.
"Tatawag ulit ako mamaya. I love you babe."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Monique ay sumakay ulit ako ng jeep. Masyado pang malayo ang School para lakarin. Tinanggal ko na rin ang earpiece sa aking tenga dahil medyo nakakasagabal sa pandinig ko. Ayaw kong madagdagan pa ang mga nakakahiyang moment ngayong araw na 'to.
Pagkarating ko sa school ay agad akong tumungo sa Department namin. Kumuha ako ng form at nilagay ang mga dapat kuning subjects.
Habang tinitignan ko ang listahan ng schedules ng mga subjects ay may kumalabit sa akin.
"HOY! Kumusta daw si Mon (Monique)?" Anak ng ano naman to! Muntik na kitang masapak sa gulat!
Siya si Dianne. Barkada namin. Isang babaeng makulit pa sa batang sabik sa kendi. Hindi katangkaran si Dianne, nasa 5 ft. ata or less ang height niya. Maganda rin siya pero mas bagay yung salitang CUTE para ilarawan siya. May pagkachildish ang mga kilos niya pero kapag yan nagsalita at nagbigay ng payo daig pa n'yan ang mga matatanda. HAHA!
"Kausap ko siya kanina, baka nag aayos na yon papunta sa venue ng concert." sagot ko kay Dianne habang patuloy na nagsusulat sa Enrollment Form.
"Ang galing galing talaga ni Mon! Hindi magtatagal magiging professional singer na siya for sure." tuwang tuwang banggit ni Dianne.
"As expected naman sa kanya. Halos nasa kanya na lahat ng katangian para dun." I'm so damn lucky to have her!
"Eh ikaw? Kaya mo din naman diba? Sa tingin ko nga mas maganda yung tambalan niyo sa pagkanta eh!" Tanong ni Dianne na alam na mula bata ay sinasanay na ako ng aking mga magulang sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento. Wala pa akong hilig sa musika noon. Si Monique ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw kong ito.
"Alam mo Dianne, bago pa man maging kami ni Mon e pangarap na niya maging professional singer. Gusto niya makilala ang pangalan niya sa larangan ng musika. At para sa akin ay nararapat lamang na abutin niya iyon sa pamamagitan ng sarili niyang talento. Kung tutulong man ako ay sa pagbibigay lang ng suporta sa kanya."
"WOW! Jinn?! Ikaw ba yan? Ang lalim nun ah!" banggit ni Dianne habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na para bang hindi ako si Jinn at nagbabalatkayo lamang.
"HAHAHAHA! Nahawa na at ako sa'yo." Natawa nalang din ako.
"HAHAHA! Tara, tapusin mo na 'yan para makapag encode na tayo."
Bakit nga pala nagawi ito dito. sa kabilang building naman ang Department nila ah. Hindi ko nalang itinanong at nagpatuloy sa pagsusulat.
Pagkakuha ko ng ischedule ng mga kukunin kong subjects ay tumungo na kami sa Encoding Area. Mahaba habang pila na naman ito. Pagkarating namin doon ay tumambad nga sa amin ang halos kalahating kilometrong pila.
Tiis tiis ulit. As usual. Napabuntong hininga ako pagkakita sa napakahabang pila.
Pumila na kami ni Dianne habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano.
Nang umabot ng sampo ang nasa likod namin ay nagbago ang ngiti ni Dianne. Alam ko 'tong ngiting 'to. May gagawin na naman itong kalokohan.
"Jinn! Aalis muna ako, mahaba haba pa naman pila balik na lang ako mamaya."
Sabi na nga ba eh!
Tinignan ko siya ng masama baka sakaling magbago isip at samahan ako.
"Babalik din ako agad. May bibilhin lang ako sa 711!"
May bilbilhin your face!
"Kuya, dito ako ah. Babalik din ako baka isipin mo mamaya sisingit ako." Kinausap niya rin ang lalakeng nakapila sa likuran niya. Malamang babalik lamang 'to pag malapit na sa unahan kaya naninigurado na makikilala siya ng mga sumusunod sa kanya para hindi masabihan na sumingit lamang siya. Nilakasan niya rin ang boses niya para marinig ng iba pang nakapila sa bandang likuran.
"Sige miss ok lang." Sagot ng lalakeng nakapila sa likuran niya. Pumayag naman tong si lalake. ayaw mo bang nandito siya sa harap mo? Pagkakataon mo na yun e! Bakla ka noh?!
Hay naku. Halos tuwing enrollment ganito ugali ng babaeng 'to. Siguro talagang inabangan niya ako sa Department namin dahil sa balak niyang ito.
Hay.. Another buntong hininga. Kahit pa tumanggi ako hindi ko rin naman siya mapipigilan, kaya hinayaan ko nalang siyang umalis.
Pagkaalis ni Dianne ay pinagmasdan ko ang mga kasabayan ko sa pila.
Mahaba habang oras pa ang sasayangin ko dito.
Kanya kanyang diskarte yung mga istudyante para hindi mabaliw kakahintay ng matagal sa pila. May naglalaro ng Clash of Clans at iba pang Mobile Games. Free wifi kasi sa buong campus, kaya may mga nagFFB din at nanonood ng videos sa Youtube. At dahil may upuan naman, yung iba umiidlip nalang. As if naman makakaidlip ka dito eh wala pang limang minuto ay aandar na ang pila at magpapalit na ng pwesto.
Ako? Nagplay ako ng mga kanta at hinayaang lumipad ang isip habang dinadama ang mensahe ng bawat lyrics ng kanta.

Umabot ng mahigit dalawang oras bago ako mapunta sa may unahan. Hay naku kailangan ng baguhin ang ganitong sistema dito. Dapat kasi pwede online nalang ang encoding para iwas pila. Ngayon pa ako nagreklamo kung kelan malapit na akong grumaduate.
Nasaan na kaya si Dianne? Bahala siya pag ako natapos dito uuwi na ako.
Nung nasa limang katao na lamang ang nasa unahan ko ay biglang tumigil ang pinapakinggan kong kanta at tumunog ako message alert tone.

May nagtext.

Agad kong binuksan baka si Monique. Siguro nasa contest venue na siya sa mga oras na ito.






Agad akong tumakbo sa malapit na loading station pagkabasa ko ng text message sa akin.











*Text Message*

From: Dianne
Message: Jinn! Kkabasa ko lang sa twitter. May terrorist attack sa Singapore! Sa mismong venue ng contest. Call her now! Pabalik na ako ng skul. Meet me up sa gate. iwan mo na pila natin.





To be continued..

 
Last edited:
Re: Story of our Songs: A Love Song

Chapter 1
"Why am I so emotional?
No, it's not a good look, gain some self-control
And deep down I know this never works
But you can lay with me so it doesn't hurt"


Chapter 1: Stay With Me


May 22, 2015
Isang taon na rin ang lumipas simula nung mamatay si Monique. Hindi ko pa rin alam kung paano makakamove-on. Alam ko na kapag nakikita ako ni Monique ngayon ay malulungkot lamang siya. Ayoko mangyari 'yon, kaso hindi ko talaga alam kung paano maging masaya ulit.
Monique, pasensya na. Alam kung ayaw mong nakikita akong ganito. Kung galit ka. Please pagalitan mo ako. Batukan mo ako gaya ng madalas mong ginagawa dati kapag inaasar kita at kapag trip mo lang mangbatok.
Minsan pumasok na rin sa isip ko magpakamatay. Buti na lang at hindi ko kayang iwan ang pamilya ko kaya hindi ko ito itinutuloy. Nagpapakalasing na lang ako para makatulog sa gabi. 'Yan lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Kaya nga nandito na naman ako sa Fourth Bar na pagmamay-ari nila Dianne.
Inabot ko ang kaha ng sigarlilyo at kumuha ng isang stick. Bukod sa alak, nakakarelax din ang epekto ng nicotine sa aking katawan. Agad ko itong sinindihan at hinihit ang usok hanggang halos mapuno ang aking baga. Agad ko rin naman itong ibinuga dahil uubuhin na ako pag pinatagal ko pa ito sa aking katawan. Hindi kasi talaga ako naninigarilyo.
Inabot ko rin ang isang bote ng Red Horse Beer sa mesa. Agad agad ko rin itong nilaklak.
Isang lunok.
Dalawang lunok.
Tatlong lunok. Kulang pa.
Apat na lunok. Last na.
Limang lunok. Last na talaga.
Anim na lunok. Arrrhhgg!
Halos maubos ang laman ng bote sa isang tungga ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Alak at yosi, ito ang bagong bestfriend ko ngayon. Hindi naman sa itinatakwil ko na ang buong barkada ko, kaso kapag kasama ko sila lalo ko lang naaalala si Monique. Puro na lang kasi 'Kumusta ka na?' 'Nakakatulog ka ba ng maayos?' at kung anu-ano pa ang itinatanong sa akin. Mabuti pa 'tong beer at yosi walang imik pero nakakarelax.
"Hahaha! Lasing ka na Jen! Wag mo na kasi damdamin yun! Ganun talaga lahat ng lalaki!"
Napalingon ako sa katabing mesa. Well, wag naman sana nila idamay lahat ng lalaki. Gusto kong sabihin sa kanila. Hindi lang pala ako ang nagpapakalasing dito para makalimot sa sakit. Mostly kasi ng mga nandito nacecelebrate o tamang chill lang. Madalang na ata 'yong tulad ko at nung babae sa kabilang mesa.
Napatingin ako sa babaeng tinatawag nilang Jen. Hindi naman siya pangit, maganda nga sa tingin ko eh. Mahaba at maganda ang buhok, may pagkatangos ang ilong at sa maganda ang pangangatawan. Ano kayang nangyari. Na-curious naman ako bigla. Ang tanga naman nung nangloko sa kanya.
Hindi ko namalayan napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya. And by this time nakatingin na rin siya sakin! Hindi lang siya, pati yung dalawang babaeng kasama niya.
Shit. Agad kong hinawi ang tingin ko. Baka kung ano isipin nila.
Medyo naririnig kong nagbubulungan sila kaso hindi ko maintindihan kung ano pinag-uusapan nila. Sana naman hindi ako ang pinag-uusapan nila. Or kung ako man sana hindi masama iniisip nila.
Inabot ko muli yung isang bote ng Red Horse na halos wala ng laman. Itinaas ko ito sa aking bibig.
Isang lunok.
Dalawang lunok.
...
Wala ng laman!
Pagkalapag ko ng bote sa mesa, doon ko napansin ang isang babaeng nakatayo sa harapan ko.
"Pang ilan mo na yan?" tanong ni Dianne pagtapos niyang umupo sa tabi ko.
"Pangalawa pa lang 'to." Sagot ko habang itinataas ang aking kanang kamay para tawagin ang waiter.
"Tama na muna yan!" Pilit na ibinaba ni Dianne ang kamay ko.
Papalapit na sana ang isang waiter ng biglang tinawag ito ng isang babaeng bartender at may ibinulong. Ate ni Dianne yun, si Denise. Siya ang nagmamanage ng Bar na ito at nagbabartender na rin siya paminsan minsan.
Hay naku talaga tong dalawang magkapatid na to.
"Hindi mo ba ako sasamahanng uminom?" Tanong ko kay Dianne. Nagbabakasakaling pumayag siya kapag kainuman ko siya. Papayag yan.
"Hmm.." Kunwaring nag-iisip si Dianne. Pumayag ka na.
"Sige pero hanggang 10 pm lang tayo!" Yes! Pumayag din siya!
"Order kana. Bka hindi ako bigyan ni ate Denise pag ako umorder e."
Agad namang umorder si Dianne ng isang bucket ng San Miguel Flavored Beer. Redhorse sana. T_T
Pagtyatyagaan ko nalang kung ano trip niya inumin. Kesa naman wala.
So. Ayun, Uminom kami ni Dianne ng juice. Este. Softdrinks. HAHAHA! Oh siya beer na!
Nagkwentuhan kami siyempre. San ka nakakita ng nag-iinuman na hindi nag-uusap?
May mga tanong si Dianne na hindi ko sinasagot. Yung mga tipong 'Bakit hindi mo try maghanap ng iba?' at 'Bakit di mo subukang gumala sa malayong lugar with someone.'
Gusto ko rin iconsider ang maghanap ng iba. Pero pano kung hindi magsuccess yung relationship? Di ba unfair lang 'yon sa girl?
"MagCCR lang ako saglit." paalam ko kay Dianne. Actually, paraan ko rin ito para iwasan yung mga paulit ulit niyang tanong at payo.
Naglakad ako papuntang CR. Medyo dumadami na ang tao sa Bar. May live band na kasing tumutugtog. Nakakaakit yon sa mga pauwing studyante at trabahador.
Pumasok ako sa loob ng CR at humarap sa salamin. Medyo namumula na pala mukha ko. Naghugas ako ng kamay at nagpasyang lumabas. Hindi naman ako naiihi that time kasi.
Paglabas ko ng CR nagulat ako sa nakaabang na babae sa may pinto. Si Jen from katabing mesa.
Mas maganda pa pala siya sa malapitan.
"Hi, my name is Jeannie." Sambit niya habang iniaalok ang kanang kamay. Inabot ko naman ito at sumagot.
"Jinn." Yan lang talaga ang sinagot ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, masyado akong nagulat sa pag-approach niya sakin. Or sa ganda niya? Ewan.
"Girlfriend mo ba si Miss Dianne?" Nagulat ako sa tanong niya. WHAT?!? AKO? AND DIANNE? NO!!
"No! Hindi. She's one of my bestfriends." Agad agad kong sagot sa tanong niya.
Seriously? Bakit naman nila iisipin yun.
Oo nga pala. Super close kami ni Dianne at sa mata ng ibang tao ay hindi mawawala ang pag-aakalang Girlfriend ko siya. And she's my cousin for God's sake!
"At cousin ko siya." Dagdag ko pa kay Jen.
"Ahh. That's good! I mean, Sorry, akala ko kasi kayo talaga. Sige mauna na ako." Agad agad na sabi niya sakin. Mabuti naman kung ganun.
"Ah sige." Sagot ko naman.
"Uhm." Tumingin siya sa kamay naming na magkahawak parin.
Shit nakalimutan kong bitiwan kamay niya!
"Sorry! Sorry!" Agad kong binitawan ang malalambot niyang kamay. Yeah, Malambot ang kamay niya at aaminin ko masarap hawakan.
Feeling ko tuloy lalong namula ang mukha ko.
Dali daling bumalik si Jen sa kanyang mga kaibigan. Bumalik na rin ako kay Dianne.
"Antagal mo namang magCR. Nagretouch ka?" natatawang tanong ni Dianne.
Tinaasan ko lang ng isang kilay si Dianne. Sapat na 'yon bilang sagot sa tanong niya.
"Anyway, magteten na. At luckily ubos na ang iniinom natin. So let's call it a day."
Wait. Bakit ang bilis maubos? Aaminin ko medyo may tama na ako pero sa pagkakatanda ko dapat may tatlo pang bote ah
"Ok. Uuwi na rin ako." Inutakan mo na naman ako! Iinom na lang ako sa ibang lugar!
"Ah, tara sabay na tayo!" Hinila ni Dianne ang kamay ko.
"No. Samahan mo naman si ate mo dito paminsan minsan. Mauna na ako." Hindi pa naman kasi ako uuwi at ayokong pati sa lilipatan kong bar e sumunod ka pa.
Agad kong iniwan si Dianne at naglakad papunta sa elevator.
Habang naghihintay ako sa harap ng elevator ay may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Uuwi ka na?"
Pagkalingon ko, nakita kong nakatayo sa likod ko si Jen.
"Hindi. Lilipat lang ako ng place. Nakukulitan na ako sa pinsan ko e."
Bumukas na ang elevator at pumasok na ako. Pumasok na rin si Jen. Bakit kaya hindi niya kasabay mga kasama niya umuwi.
"Gusto mo samahan kita?" Hah?
Nagulat ako sa tanong ni Jen. Sa totoo lang mas gusto ko mag-isa. Tatanggi na sana ako kaso napaisip ako bigla. Hindi naman niya alam pinagdadaanan ko kaya ok lang siguro.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. So san tayo pupunta?" agad niya tanong sakin. Talagang gusto ata niya sumama siya sakin.
"Magcoffe muna tayo. Doon sa madalas kong puntahang Coffee shop."
Sumakay kami ng tricycle papunta sa Coffee shop. Walang taxi dito at wala din akong sariling kotse.
Hindi kami nag-usap sa loob ng tricycle hanggang makarating shop.
Pumasok kami at umupo sa isang sulok.
"Ano gusto mo? Ako na oorder." Tanong ko sa kanya.
"Uhm. Kung ano sa'yo ganun na rin sakin." Huh? Sigurado ka?
Magugustuhan niya kaya kung ano oorderin ko?
Pagkalapit ko sa may counter ay agad akong umorder.
"Dark roast." Siguro orderan ko na lang siya ng iba.
"and Caffè macchiato." Dagdag ko. Mas ok na 'to sa kanya kesa magdark roast din.
Pagkatapos ko umorder ay bumalik na ako kay Jen.
Ngumiti lang ako at umupo.
"San ka nga pala nag-aaral?" tanong ni Jen sakin.
"Dati sa University of Pangasinan. Pero tumigil ako last year. Hindi ko sure kung mag eenroll ako this year. Ikaw?"
"CDD." Sagot niya. Ah Colegio de Dagupan.
Tuloy tuloy ang kwentuhan namin, palitan ng info at kung anu-ano. Panatag akong sagutin ang mga tanong niya kaysa sa mga tanong sa akin ni Dianne.
Pagkarating ng order naming ay nagulat siya. Siyempre dahil magkaiba kami ng iinumin, taliwas sa sinabi niya na kung ano sakin ay ganun din sa kanya.
"Oh, hindi ko kasi sure kung magugustuhan mo tong black roast na lagi kong inoorder kaya inorderan kita ng iba."
"HAHAHA." Malakas na tawa ni Jen. Medyo napapagaan na ang loob namin sa isa't isa makalipas ang ilang minutong pagkukwentuhan.
"Mabuti naman at naisip mo yun." Dagdag pa niya. Ha, siyempre may utak ako.
"Well, hindi naman ako ignorante sa mga taste ng mga girls no." Next time oorderan talaga kita ng black roast pag sinabi mo ulit na parehas sakin gusto mo.
"Hey, gusto mo pumunta sa Music Warehouse after this?"
Music Warehouse. Isa sa mga disco bar dito sa Dagupan. Minsan lang ako nakapasok dito dati nung birthday ng isang kabanda namin na si Joel. Masaya naman siya kaso ang hindi ko trip ay ang crowded na dance floor. Hindi ko trip nung una, kaso nung nakainom na ng marami, halos ikahiya ko na ang sarili ko kapag naalala ko ang mga pagsasayaw namin doon. Kasalanan 'yon ni Joel!
"Sure." Sagot ko sakanya. Sulitin ko na rin 'tong gabing 'to. Hindi pa naman ako lasing para maulit ang mga nagawang kahihiyan dati.
Pagkatapos namin sa aming kape ay agad kaming nagpunta sa disco bar. Hindi ganun karami ang tao ngayon. Bakasyon pa kasi ng mga studyante na number 1 na customer dito. Umupo kami sa isang mesa sa may gilid hindi kalayuan sa dance floor at umorder ng beer. Isang bucket ng redhorse! Siya nagsuggest niyan, hindi ako.
Inom, kwentuhan at tawanan. Napapansin ko medyo nauutal na kami sa pagsasalita. Naparami na ata ang inom.
"Sayaw tayo." Tumayo siya at hinila ako papunta sa dance floor. Hindi na ako tumanggi. Medyo marami na rin ang sumasayaw sa dance floor sa mga oras na iyon. Pumwesto kami sa isang sulok kung saan malayo sa mga lalaking sumasayaw gaya ng pagsayaw namin ni Joel nung huling punta ko dito.
"Tell me, tell me baby
Why can't you leave me?
Cause even though I shouldn't want it
I gotta have it
I want you!"

Hawak hawak ang aking kamay, nakatalikod si Jen sa akin habang sumasayaw. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magdikit an aming katawan at sumasabay sa indak ng kanta. I can't really explain but im starting to love this feeling.
"Head in the clouds
Got no weight on my shoulders
I should be wiser
And realize that I've got."

Parang umiinit na ang aking katawan. Yung init na nararamdaman kapag humihigop ng mainit na sabaw sa malamig na panahon. Ganyan ang pakiramdam ko ngayon. Ayaw tigilan ang mainit na sabaw sa aking harapan.
Habang hawak pa rin ang mga kamay ni Jen, niyakap ko siya at inilapit ang aking mga labi sa kanyang leeg. Patuloy ang paggiling ng aming katawan. Ramdam ko na rin ang init ng katawan ni Jen. Samahan pa ng amoy ng kanyang pabango. Lalo pa itong nakadagdag sa kakaibang nararamdaman ko.
“I want you” mahinang bulong ko sa tenga ni Jen.
Humarap si Jen sa akin at nilagay ang mga kamay sa aking balikat habang aking kamay naman ay napalibot sa kanyang bewang. Damn it I want to kiss you right now. Ngumiti si Jen at biglang...
...
...humalik sa akin na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Gumanti na rin ako ng halik. Kahit na naparami na ng inom na alak si Jen ay napakatamis pa rin ng kanyang labi. This feeling. I need more of this. Ramdam ko ang init ng kanyang dila. Wala na kaming pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Patuloy kaming nagyakapan at naghalikan habang sumasayaw. Hanggang matapos ang kanta
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na kami n Jen sa aming mesa. May natitira pang beer kaya uminom pa kami ng konti. Kung kanina ay nasa magkabilang sulok kami ng mesa, ngayon ay halos kumandong na siya sa akin. Maya't maya rin kami naghahalikan. Dala na rin siguro ng kalasingan. O dahil napakasarap ng halik ni Jen.
Lagpas hating gabi na ng nagpasya na kaming umuwi ni Jen. Sa sobrang kalasingan ay hindi na siya makausap ng matino. Pano ko ihahatid 'to? Hindi ko alam san siya nakatira.
"Jen, uy, san yung apartment mo?"
"..."
"Jen..."
"..."
Shit. No choice. Sa bahay ko muna siya papatulugin.
Agad kaming sumakay ng tricycle papunta sa bahay namin. Pagdating sa bahay, Inihiga ko muna siya pansamantala sa sala habang nag-iisip kong saan ko siya papatulugin. Nasa manila ang buo kong pamilya kaya ako lang mag-isa sa bahay. Off limit ang kwarto nila mama. Siguro sa kwarto na lang ng kapatid ko.
Nung akmang bubuhatin ko na sana si Jen ay bigla na naman ako hinalikan. Hindi ko rin naman siya pinigilan. Medyo naadik na ata ako sa halik ni Jen.
Unti unting tinanggal ni Jen ang suot niyang blouse. Para bang kusa na rin gumalaw ang aking katawan at nagtanggal na rin ng damit.


2:30 am
Nakahiga kami ni Jen sa aking kama. Matutulog na sana kami nang biglang may tumawag kay Jen.
"Bukas na ng umaga ate. Wala ng masasakyan." sagot ni Jen sa kausap niya sa phone.
Pagtapos ng tawag ay kinausap naman ako ni Jen.
"Sa tingin mo, magwowork kaya 'to?"
Hindi ko alam kung handa na ba ako.
"Jen, I don't know. Hindi pa natin kilala ang isa't isa."
"Tama ka. Hindi pa nga ako nakamove on sa Ex-Boyfriend ko eh." Sagot ni Jen habang nakatingin sa kisame. Parehas nga talaga kami ng sitwasyon.
"But, thank you." Dagdag pa niya.
"Thank you for what?" Tanong ko.
"Alam ko na hindi ikaw yung tipo ng lalaki na makikipag one night stand at ipagmamalaki ito sa mga kaibigan niya" What? Of course hindi ako ganun! What kind of guy would do that?
"Hindi ako ganung lalaki."
"Thank you ulit kasi naging masaya ang buong araw ko. After 2 weeks, eto yung first night na hindi ako nakatulog sa kakaiyak." Banggit pa ni Jen habang patuloy na nakatingin sa malayo.
2 weeks? Ako mahigit isang taon na.
"Matulog na tayo." Bulong ko kay Jen pagkatapos halikan siya sa noo.
I'm sorry Jen. It may look like we used each other, but I used you more.




"Oh this is not what I wished for
I don't know if I want it
But I know this is what I need
This is addictive, Oh damn I can't resist."

Untitled Song #1 - Jinn Malayan


(cont. Chapter 2)
 
Back
Top Bottom