Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TAMA BANG PINAALIS ANG MGA KANO SA PILIPINAS (subic & clark)?

Tama bang pinaalis ang mga kano sa pilipinas (subic & clark)?

  • oo

    Votes: 26 17.6%
  • hindi

    Votes: 122 82.4%

  • Total voters
    148
:rofl: hahahaha..sorry naman boss...may mga kano pa din naman sa subic at clark ah, saka kung koreans yung mga singkit na tinutukoy mo boss eh, ayaw ko sa mga koreans..walang ginagawang mabuti yan sa pinas, opinyon ko lang..eh kung intsik naman o hapon yung singkit na tinutukoy mo na pumalit sa kanila eh, sa tingin ko kahit na wala silang malakas na kapit sa gobyerno nila para bigyan tayo ng tulong incase makaaway natin ang isa sa kanila eh malaki naman ang ambag nila sa pag unlad ng economy natin..sa business sector natin at sa mga infrastructures na pinagawa nila sa bansa.. hindi naman natin siguro kailangang umasa sa kahit sinong dayuhan eh... yung mga taga subic naman their well off..nasa subic pa din naman ang isa sa mga free port sa bansa, madami pa din namang trabaho dun sa katunayan andami ngang nakukurap ng mga customs officials doon eh...saka tama na siguro na pinamanahan yung mga taga pampanga ng american genes, hahahah..andami ng basketball players na cabalen ah, saka mga taga zambales at bataan may mga nalahian din dun.,...ok na yun..hehehe

taga olongapo ako brad, kaya alam ko kung well off mga tao dito :lmao: mas gusto pa ng mga tao dito maging isang state ng U.S ang gapo kesa pamahalaan ng mga kurakot sa ating gobyerno. magiging dollars ang pera namin habang sa ibang lugar piso :rofl: at sa mga koreans naman, koreans ang pumalit sa mga kano dito kaya infairness sa kanila mas nakikinabang kame sa mga koreans kesa sa mga intsik o hapon. oo nga at may mga kano parin dito, :slap: gaya nga ng sabi ko, SECURITY ang tinutukoy ko. hindi turismo o trabaho. :beat: dahil kung trabaho lang din naman, mas malakas magpasahod mga kano kesa sa ibang dayuhan dito sa olongapo. pakibackread nalang, napagusapan na kasi yun e :D at hindi pwedeng "ok na yun" o "hayaan na naten" dahil kapag dumating yung time na wag naman sana mangyari, e masasabi mo pa kayang "OK NA YUN...HEHEHE?" :noidea:

i got you ts, security talaga ang main concern ng bansa ngayon lalo na sa pagpapalakas ng China. at hindi lang tayo. pati Vietnam at Japan. gaya nga ng sabi ko, ilang taon lang after umalis ng fleet ng US Navy sa Subic, nagsimula na ang China na angkinin ang Mischief Reef.

in fairness sa mga Koreano sir, pera sa turismo ang dala nila. if i am not mistaken again, nasa top 5 sila na top visitors ng Pinas. napanood ko lang yan sa TV Patrol. dami ring call centers na ang kinacater eh mga Korean students na nag aaral ng english.

:thumbsup: im glad nakuha mo yung punto ko brad. :D

edit: nagulat ako dun sa poll 20/90 na pala yung score :D
 
Last edited:
Nas maganda kung buong pinas eh maging state ng amerika. Nak ng teteng mga namamahal sa bansa natin. Puro wala silbi tapos yung mga leftist na ayaw naman maging state tayo ng amerika eh wala din naman matulong satin. Puro gulo, rally, wala naman maganda magawa.
 
meron rason kong bakit pina aalis ang mga kano dito sa pilipinas kong anu man ang rason na iyon ay hindi ko alam, tinamad ako mag research eh :D
 
taga olongapo ako brad, kaya alam ko kung well off mga tao dito :lmao: mas gusto pa ng mga tao dito maging isang state ng U.S ang gapo kesa pamahalaan ng mga kurakot sa ating gobyerno. magiging dollars ang pera namin habang sa ibang lugar piso :rofl: at sa mga koreans naman, koreans ang pumalit sa mga kano dito kaya infairness sa kanila mas nakikinabang kame sa mga koreans kesa sa mga intsik o hapon. oo nga at may mga kano parin dito, :slap: gaya nga ng sabi ko, SECURITY ang tinutukoy ko. hindi turismo o trabaho. :beat: dahil kung trabaho lang din naman, mas malakas magpasahod mga kano kesa sa ibang dayuhan dito sa olongapo. pakibackread nalang, napagusapan na kasi yun e :D at hindi pwedeng "ok na yun" o "hayaan na naten" dahil kapag dumating yung time na wag naman sana mangyari, e masasabi mo pa kayang "OK NA YUN...HEHEHE?" :

ah ok....hehehehe..pero di pwede yung pangarap mo na maging state kayo ng u.s. eh..hahahaha..at kung security yung pinoproblema mo, eh are you saying na masasali tayo sa gera?? i doubt that..kung territory lang yung away natin magagawan ng paraan yan wait mo lang sir...maaring di na natin angkinin yung lugar o manalo tayo sa international court kasi malakas yung claim natin..yung panatag shoal nga eh within our economic zone eh... magiging state ang gapo??wahahahahahahahaha. walang mambabatas ang susubok gumawa nyan,,:rofl:
 
security pala yung topic dito, wala palang kinalaman sa economy, ang point pala ni ts eh dahil umalis na yung mga kano ay di na natin makakayang ipagtanggol sarili natin...at masarap ang buhay ng mga taga gapo nung marami pang kano sa kanila...pero walang kinalaman yun sa security ah....

at hindi lang naman us ang super power sa mundo, wag tayong paapekto sa marvel comics na karamihan ng superhero eh kano...hahahahah...kaya nating ipag tanggol sarili natin through peaceful ways, this is the 21st century karamihan ng mga bansa sa mundo ay democratic na, kaya nga madami ng international organizations at international courts.. at hindi naman dahil wala ng mga kanong sundalo sa bansa na on duty eh hindi na nila tayo pwedeng tulungan o tinutulungan, at hindi nga lang sila ang pwedeng tumulong...wahahahaha..pero hindi sagot sa security ng bansa yung GAWING STATE ANG GAPO,, gaya ng gusto ata ni ts..whahahahaha...gang pangarap na lang yun parang sobra tayong naincline nyan sa american way of life eh.. saka walang kinalaman yun sa security diba..yung pearlharbor nga kuta ng mga kano na bomba pa din??yun ba secured..iba ang way of securing a state sa mga panahon ngayon..through peace panels and international tribunals na..whahahahaha
 
Last edited:
ang point lang ni TS dito eh DETERRENCE. kung sakali mang andito pa ang naval fleet ng US magdadalawang isip ang China dahil alam nila may haharap sakanila. Blue Water Navy ang US Navy at hindi sila matatapatan ng China. yes may international court, maraming peaceful ways kung sa marami. ganun nga ginagawa ng administration ni PNoy eh. pero iba pa rin yung may iniilagan ang mga taga labas. siguro kung hindi nagkaroon ng Asian Financial Crisis nung 90's at nagtuloy tuloy yung modernization act, malamang hindi natin kailangan umasa sa mga Kano kasi tayo mismo kaya natin ipagtanggol sarili natin. ganun talaga eh, at least kahit papano, kahit paunti unit nakakabili ng gamit para sa navy at air force natin.
 
i agree...if thats the point.. :salute:
 
ah ok....hehehehe..pero di pwede yung pangarap mo na maging state kayo ng u.s. eh..hahahaha..at kung security yung pinoproblema mo, eh are you saying na masasali tayo sa gera?? i doubt that..kung territory lang yung away natin magagawan ng paraan yan wait mo lang sir...maaring di na natin angkinin yung lugar o manalo tayo sa international court kasi malakas yung claim natin..yung panatag shoal nga eh within our economic zone eh... magiging state ang gapo??wahahahahahahahaha. walang mambabatas ang susubok gumawa nyan,,:rofl:

security pala yung topic dito, wala palang kinalaman sa economy, ang point pala ni ts eh dahil umalis na yung mga kano ay di na natin makakayang ipagtanggol sarili natin...at masarap ang buhay ng mga taga gapo nung marami pang kano sa kanila...pero walang kinalaman yun sa security ah....

at hindi lang naman us ang super power sa mundo, wag tayong paapekto sa marvel comics na karamihan ng superhero eh kano...hahahahah...kaya nating ipag tanggol sarili natin through peaceful ways, this is the 21st century karamihan ng mga bansa sa mundo ay democratic na, kaya nga madami ng international organizations at international courts.. at hindi naman dahil wala ng mga kanong sundalo sa bansa na on duty eh hindi na nila tayo pwedeng tulungan o tinutulungan, at hindi nga lang sila ang pwedeng tumulong...wahahahaha..pero hindi sagot sa security ng bansa yung GAWING STATE ANG GAPO,, gaya ng gusto ata ni ts..whahahahaha...gang pangarap na lang yun parang sobra tayong naincline nyan sa american way of life eh.. saka walang kinalaman yun sa security diba..yung pearlharbor nga kuta ng mga kano na bomba pa din??yun ba secured..iba ang way of securing a state sa mga panahon ngayon..through peace panels and international tribunals na..whahahahaha

:slap: sinabi ko bang pwede brad? :rofl: assuming ka naman masyado. :lmao: ang sabi ko mas gusto ng mga tao dito maging state ng U.S ang gapo. hindi ko sinabing pangarap ng mga tao o pangarap ko :upset: tsaka ikaw yata ang nangangarap ng gising o baka tulog ka pa nyan? claim ba kamo? kung malakas talaga ang claim ng pinas jan sa mga islang yan, matagal ng tapos yang issueng yan kaya GISING GISING din brad. wag magbulag bulagan at BAWAS BAWAS sa pagbabasa ng mga fairytale kung saan ang bida ang lageng nanalo. :slap: pearl harbor? e ikaw pala tong masyadong nagpapadala sa mga napapanood mong hollywood movies e, dadamay mo pa ko :lol:

"wahahahaha..pero hindi sagot sa security ng bansa yung GAWING STATE ANG GAPO,, gaya ng gusto ata ni ts..whahahahaha...gang pangarap na lang yun parang sobra tayong naincline nyan sa american way of life eh.. saka walang kinalaman yun sa security diba.."

:slap: parang CHINA tong kausap ko, may mga sinasabing sinasabi ko daw? :upset: daig pa tsismis sa pagdagdag ng kwento :lmao: pero kung ako tatanungin mo, malaking bagay sa security kung maging state ng U.S ang gapo, at may kinalaman sa security yun kung talagang magiisip ka :D diba? :beat:
 
Last edited:
Iba na talaga way of securuty ngayon, dahil nagkalat na ang nuclear warheads, napakahirap na magdepensa, unless meron kang anti-ballistic missile tulad nung sa mga kano, kaya totoo yung sinasabi ni TS na mas secured tayo kung andyan padin yung mga kano.
 
I think mas ok pa sana kung maging state na lang tayo ng amerika sana nuon pa nagpasakop na lang tayo kasi ganun din naman eh di natin kaya. Lahat takbuhan natin mga kano eh kung nagpasakop tayo eh di malamang maginhawa ang buhay dito sa pinas . Problema kasi mga pulpulitiko na ayaw magpasakal sa mga kano. Be realistic di kaya ng pinas mag sarili lalot kalaban natin malalaking bansa. OO kaya ni juan makipaglaban pero at the end matatalo tayo. Kailangan talaga natin ang mga kano. sana maging state na lang tayo ng america at least mawawala na mga corrupt na officials ng bansa...KAWAWA TALAGA ANG PINAS....HAYZZZZ..
:help::help::help:
 
mas gusto pala ng mga taga gapo na maging state ang gapo, eh di txt nyo mayor at congressman nyo na ipaglaban ang gusto nyo..pasabi sa mga taga senyo di pwede yun..wahahahahahaha..fairytale daw..hahahaha...oo na sige na kung deterrence pala yung topic dito eh di sige, kung may base pala sa pinas ang mga kano eh hindi na aangkinin ng china territory natin???wahahahaha,,,,ganun pala yun kasi matatakot na china???yun ba yung point???ahhhh...well ang point ko lang eh kung may base pa ang mga kano sa pinas o wala eh aangkini n pa rin nila territory natin kasi wala namang kinalaman sa security ang pinas sa pag angkin ng china sa panatag at sa kalayaan..wahahahahaha..MASMAGMUMUKHA LANG INUTIL ANG PINAS SA GANYANG SITWASYON.. wahahahahahaha..wala nga siguro tayong laban pag dating sa gera ngayong panahong to pero wala naman bansa ang magsusubok sumakop sa pinas,,kasi against yun sa international principle..katulad ng international principle na inadopt natin sa ating konstitusyon...wahahahahahahahahah

"pero kung ako tatanungin mo, malaking bagay sa security kung maging state ng U.S ang gapo, at may kinalaman sa security yun kung talagang magiisip ka diba? "-edson kalbo

mapapaisip ka nga naman..whahaha..yun ANG FAIRYTALE PRE....realization wise di mangyayari yan,,kahit gaano pa mag feeling kano ang mga taga gapo sa mata pa din ng ibang pinoy, ang gapo ay isang lugar kung san napamahal ang mga tao sa mga kano at karamihan ng mga tao dito ay minsan na ding umasa sa mga dayuhan imbis na magtanim na lang ulit sa mga sakahan,,at yun pinadala yung mga anak nila para maging dancer sa mga club..yun ang mentality ng mga tao pagnaririnig yung gapo...alam kung di totoo at karamihan ng mga pokpok dyan ay di talaga taga dyan..pero reality wise..di natin kailangan ng kano sa gapo sa mindanao pa oo..para maubos na npa at rebeldeng muslim na nagbabalak humiwalay sa pinas...at kung security nga ulit ang paguusapan eh wala ngang kinalaman yan sa pagpasok ng china sa teritoryo natin..at kung state man ng tate ang gapo..yun lang ang poproteksyunan nila,,us cant afford to fight in a war with china kung kelan pa pinapaganda nila ang relasyon nila with china..lahat yan iadadaan sa mabuting usapan,,wahahahahaha,,

matatakot ba ang ibang bansa sa pilipinas kung may base militar dito ang US?????? yan dapat ang title ng thread na to..wahahahahahahahahahahahahahahaahah :rofl:

at sa tanong na yan ang sagot ko ay hindi... mas mabuti pang igalang o katakutan ang pinas dahil sa matatapang tayo...di ba mas maayos yun,.,pinoy pride pre..baka wala na tayo nun..nakakahiya naman sa mga national heroes natin na syang dahilan kung bakit maraming holiday sa pilipinas,,,hehehehehe,,,

kidding aside, nice thought anyways..sorry if your offended ts.. nice thread :salute:
 
:rofl: sa umpisa palang nung reply mo sobrang natawa na ko :lol: sino saten ngayon mukhang nagrereklamo :lmao: yan mahirap sa mga taong nakikiforum e, nakalimutan yata nila ang ibig sabihin ng OPINYON at kapag nagsabi ka ng OPINYON na salungat sa OPINYON nila, tingin na nila nagrereklamo ka :lmao: dame mo sinabi paulit ulit lang naman, :upset: hindi naman ako offended, nakukulitan lang :slap: una sa lahat, OO! ALAM NAMENG HINDI MANGYAYARING MAGING STATE NG U.S ANG GAPO, PERO YUN GUSTO NAMEN, MAY MAGAGAWA ANG GOBYERNO? IPAPAKULONG BA KAME? :rofl: sabihin mo pang itext sila mayor? e alam mo na ngang hindi pwedeng mangyari yun. ano ka ba! :lol:

tapos nadamay na naman ang MINDANAO? :lol: palayo ng palayo ang lugar ah? ayaw nga ng MINDANAO sa mga kano e. tapos sasabihin mo dun sila dapat? so you mean kailangan ng mga kano sa MINDANAO? edi inamin mo na din na kailangan talaga ng pinas ang mga kano kasi hindi kayang ayusin magisa ang gusot sa mindanao :naughty: diba? diba? :D alam mo brad, kung may base pa ang mga kano dito sa gapo at sa clark, hindi mangangahas yang mga intsik na yan at ibang bansa lumapit sa teritoryo ng pilipinas. dahil alam nila buong mundo makakalaban nila pag sinubukan nila ang U.S. at sigurado ako dyan! sa U.S NAVY palang huli na kagad sila, malalaman kagad kung may mga DAYO. e ngayon PHIL NAVY lang meron, sa mga bangka palang ng china takot na e. e kung iharap sa mga WARSHIPS yan. :lmao: kaya nga ganun ang title ng thread e, kasi nga mas pabor ako/kame na hindi umalis yung mga kano dahil sa nabibigay nilang proteksyon at trabaho sa pinas. gawa ka din dapat ng sarili mong thread tapos lagay mo yung title na gusto mo para hindi ka utos ng utos :rofl:

tanong ko nga sayo, bakit pabor ka na umalis mga kano sa SUBIC AT CLARK? anong magandang ngyari nung umalis sila?
 
Last edited:
Iba na talaga way of securuty ngayon, dahil nagkalat na ang nuclear warheads, napakahirap na magdepensa, unless meron kang anti-ballistic missile tulad nung sa mga kano, kaya totoo yung sinasabi ni TS na mas secured tayo kung andyan padin yung mga kano.

onga brad ehh.. ni air radar at missile battery commands wala tayo :(
 
isa lang ibig sabhin nyan kaya npaalis ang mga kano sa pinas...MAHIHINA ANG MGA BAKLA AT MAPAPANGIT MGA BAKLA SA PILIPINAS HAHAHAHAHAHA.
 
ang mga ganyang mindset eh mindset ng duwag. naghirap nga pinas, di na tayo ganun kasecure kuno pagalis ng kano. pero may napala pa rin tayo, nabalik ang dignidad natin bilang mga pilipino, para patakbuhin ang bayan natin. Bakit ka matatakot kung mas malakas ang ibang bansa? there are lots of ways to win a war, if ever yan man ang patutunguhan nyan. magbasa ka ng history ng pinas lalo na yun pre-american colonial ages. imperialist countries are all the same, pinapamukha nila na sila ay savior, na sila ang may moral ascendancy para tumulong kuno. pero kung titignan mas malaki ang mapapala ng mga kano kung makabalik ang control sa pilipinas. fine di nakuha ng intsik pero kano ang makikinabang. at kahit ipagdildilan nyo pa sa kongreso at sa amerika na gusto nyong maging amerikano, matagal ng itinanggi ng us congress ang proposal maging state ng us ang pinas. kahit ang philippine congress ay nagdraft na nyan during commonwealth period pero di inallow ng us congress. bakit? simple lang, ang pilipinas ay magandang staging area, para macontrol ang east asia region. secondly is economic, dahil kung magiging kano nga naman tayo, ay mas mamahal ang raw products na nakukuha nila sa atin. dollars nga tayo, oo, pero lugi sila sa ganun. alam mo anong gingaya natin na ugali sa pagiinsist sa kano na iadopt tayo as state? para lang pokpok na nagbabakasakali sa suking married customer na papakasalan pa sya nito at ibabahay. Sinong mas naive.
 
Nabalik ang dignidad? na ano? na hanggang ngayon wala tayong magawa sa pagangkin ng China sa lupain natin? sa Pagangkin ng Malaysia sa Sabah? yun ba yung dignidad na sinasabi mo? There are many ways to win a war? dati yun, ngayon pag binagsakan ka ng Nuclear siguradong bura ka sa mapa.
 
Masyado kasing mapride ang mga politiko at ibang pinoy, at ginagamit nila yang mga dignidad at nationalism para makapunta sa pwesto. Sa totoo lang tingin ko ay mga wolf in sheep clothing ang mga yan. Alam kasi nila na hindi maalis ang impluwensya na mga kano sa politika hanggang nandito ang kano. Para din tayong walang sovereignity sa sarili nating bansa. pero may security naman tayo. hanggang nandito sila. Pero in the end mas malaki pa rin ang sariling intrest kaysa sa nationalism. Kaya din yan nag decide na paalisin ang mga kano ay takot sila na maging puta tayo ng USA.

Hindi nila naisip na wala naman tayong military power at asa lang tayo sa scraps nila. Kaya naman nating gumawa ng pondo para sa security kaso mas maraming mga problema pa ang dapat bigyan ng pansin. Tyaka sanay na din tayo na laging sasandal sa iba pag may mga shit na nangyayari. Kung may problema naman sa morality ng mga kano sa Subic, kaya naman yun gawan ng paraan pero ginamit na ng mga wolf in sheep clothing ang mga dahilan na yan para makuha ang gusto nila.

Pero ganyan naman tayo, Maliit mag-isip, sabi nga ni Nick Joaquin. Walang future mindset, kung anong meron ngayon, gagastusin din ngayon. Sabi pa nga niya kung wala ang mga espanol ay hindi tayo magkakaroon ng intramuros atbp. Tingnan mo din ang ating mga museum at puro mga kwintas, alahas at sibat ng mga katutubo ang makikita mo. Walang mga bigatin na bagay kagaya ng partheon, istatwa ni zeus, atbp. ang bahay, bahay kubo. Si Marcos lang yata ang pinoy na naging pangulo na malaki mag-isip. Hindi nila naisip na pwede magkaroon ng mga potential war threats in the future o mas masama pa like WW3..

No offense mga Ka-SB, opinyon ko lang:salute:
 
so you are all trying to say na mas magandang magpakaputa na llang tayo for the sake na masecure tayo. mas gusto mo pang ayusin ng tagaibang baryo ang problema ninyo ng kapitbahay mo. gustuhin man natin maging kapantay ang mga kano hindi pwede mangyari yan dahil iba ang historical development ng society nila. they were freemen before, subjugated but able to resist england. tayo, we have been slaves for 300 years God knows what kung anong mga values ang naituro sa atin ng mga ninuno natin kung paano umasa at maging maamo sa mga amo natin. di yan matatanggal ng sinasabing us democracy kasi catered yun sa society nila, sa pinagdaanan ng bayan nila. Sino nga ba kasi ang may nuclear capability sa mundo.
 
Nabalik ang dignidad? na ano? na hanggang ngayon wala tayong magawa sa pagangkin ng China sa lupain natin? sa Pagangkin ng Malaysia sa Sabah? yun ba yung dignidad na sinasabi mo? There are many ways to win a war? dati yun, ngayon pag binagsakan ka ng Nuclear siguradong bura ka sa mapa.

Dignidad na for once, we are exerting effort to run our own turf. Na sa wakas wala ng magdidikta ng mga gusto natin ipatupad para sa sarili nating tahanan. and yes kasama na yan ang pakikisalamuha sa mga kapitbahay natin na nakikialam sa boundary ng bahay natin. wala tayong magagawa kundi makipagnegotiate dahil bahay natin to, at kapitbahay natin yan. walang patutunguhan kung magpapatayan ang magkakapitbahay dahil magkalapit lang tayo ng mga tahanan.

napakanaive natin kung sasabihin na tutulungan tayo ng kano ng walang kapalit. di ka pa nagtanda na nangyari na dati pa, " Sige ha sa inyo na itong bahay nyo at aalis na kami, kasama na ang mga taniman nyo pero ibibigay lang namin ito kung magkakasundo tayo sa presyo ng mga produkto mo, kung papayag ka na bumili sa amin ng produkto namin" sounds familiar? forgive for using metaphors
 
para maclarify tayong lahat, ang china ay naglabas ng statement na itigil na natin ang pagclaim sa islands but rather makipagusap kung paano magagamit ang mga resources para sa lahat ng nagclaim.

the reason nasabi nila ito ay dahil sa international tribunal ay wala silang mabigat na evidence except an old map of china which includes those islands. the only problem is hindi pa considered a country ang china that time but a kingdom. alam nilang wala silang legal documents na irerecognize ng international law. tayo meron dahil sa map ng pilipinas under spanish rule hanggang mabenta tayo sa kano ay kasama ang mga islands na yan. at covered pa rin tayo ng international law when it comes to territories ng bansa natin.

naglakas loob lang naman ang mga intsik dahil alam nilang di makikialam ang mga kano, aabot ba naman ng trillions ang naloan ng us from china. to the point na nagcomment ang china na ayusin ng us ang kanilang economy para hindi nangungutang sa kanila.

ang malaking tanong eh kung ikaw si us, sino bang tutulungan mo si pinas na die-hard fan mo lang naman or yun bumubuhay sa ekonomya mo at pinagkakautangan mo ng pagkalaki-laki.
 
Back
Top Bottom