Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The DRAGON BALL Thread (DB / DBZ / DBS / DBGT)

May karugtong na po ba yong Dragon Ball Super?
 
Up na yung new chapter. Ayos so far :rock:

Vegeta
Nagkatotoo nga yung tingin kong weakness ng Ultra Ego... Pag mas malakas talaga kay Vegeta yung kalaban niya, pwede talaga siyang mabugbog nang sobra to the point na mas matindi yung makukuhang damage ng katawan niya compared sa power ups na makukuha niya sa UE. Nawalan tuloy siya ng malay sa sobrang bugbog ni Gas sa kanya 😅 Dapat talaga sa UE form mas palakasin ni Vegeta yung durability & stamina niya eh para ma-take advantage niya yung usage sa UE. Isipin niyo na lang kung kasing-tatag siya ni Broly while in UE, putek magsasawa si Vegeta sa dami ng powerups na makukuha niya while in UE form tapos di pa niya kelangan mag-worry na baka mawalan nanaman siya ng malay sa sobra-sobrang bugbog na makukuha niya.

Goku
Mukhang ibang version ata ng UI Omen/Sign yung bago niyang form dito :think: although sobrang nakaka-curious kung pano yung mechanics nun, I mean kung pano niya na-achieve yung ganung state tsaka kung pano niya na-gain yung added power na obviously mas malakas pa compared sa power na ino-offer ng MUI form niya kasi si Goku na mismo nagsabi na mas malakas na siya nang konti kesa kay Gas dahil sa bago niyang form... Yun nga lang mukhang nandun pa rin talaga yung time limit duration ng UI na hindi ma-overcome ni Goku (or siguro sinadya na rin talaga nila Toriyama kasi masyado nang OP kung makakaya ni Goku na gawing permanent yung duration ng UI hehe)

Gas
So ayun na nga yung takeaway sa immense power na nakuha niya... Mukhang bumilis masyado yung aging process niya pambawi sa lakas na nakuha niya dahil sa wish. Kung si Granola nabawasan ang life span, si Gas siguro mabilis na tatanda nang sobra kaya mabilis ding made-deads lol. Kawawang nilalang, ginamit lang ng kuya niya.
Link yan pare :D
 
New chapter link nga pala kung gusto niyo mabasa yung manga :lolcard:

https://www.viz.com/shonenjump/dragon-ball-super-chapter-85/chapter/24709

I-bookmark niyo na rin sa browsers niyo para ayos. Dyan lang din kasi ako nagbabasa eh...
Post automatically merged:

May karugtong na po ba yong Dragon Ball Super?
Sa anime, wala pang balita eh.
Yung manga naman, ongoing pa hanggang ngayon. Yung Moro arc after ng events ng DBS: Broly na movie tapos yung karugtong na Granolah arc, ongoing pa ngayon.
 
New chapter link nga pala kung gusto niyo mabasa yung manga :lolcard:

https://www.viz.com/shonenjump/dragon-ball-super-chapter-85/chapter/24709

I-bookmark niyo na rin sa browsers niyo para ayos. Dyan lang din kasi ako nagbabasa eh...
Post automatically merged:

Sa anime, wala pang balita eh.
Yung manga naman, ongoing pa hanggang ngayon. Yung Moro arc after ng events ng DBS: Broly na movie tapos yung karugtong na Granolah arc, ongoing pa ngayon.
Abangan ko na lang anime, medyo tamad ako magbasa heheh
 
Abangan ko na lang anime, medyo tamad ako magbasa heheh
Nako matagal-tagal pa yan haha pero for sure may plans naman ang TOEI na sundan ng season 2 yung anime.
May bagong movie nga rin pala, Dragon Ball Super: Superhero...kasunod siya nung DBS Broly na movie last 2018. May thread na nun si paps ^Raffy sa Movies section eh, hanapin mo na lang 👍🏻
 
May ongoing manga pala DBZ, I didn't know. I will definitely watch DB Super: Superhero in cinema kahit may pirata na online
 
May ongoing manga pala DBZ, I didn't know. I will definitely watch DB Super: Superhero in cinema kahit may pirata na online
Yup may ongoing manga po ang Dragon Ball Super. Pero don't expect nga lang na kapareho niya yung events sa anime, kasi maraming differences ang anime & manga. For example, dun sa Tournament of Power arc. Iba yung nangyari sa manga compared sa anime.
 
may plano pa ba sila sundin yung series?
Anime? Meron yan for sure, considering na hit yung Broly tsaka Superhero films. Although wala pang definite plans ang TOEI sa ngayon. Siguro kasi hinihintay pa nila matapos yung story arc sa manga para pag kunwari nagkaroon ng anime, dire-direcho na lang yung paggawa ng episodes & hindi napapag-iwanan ang manga.
 
mukhang matatagalan pa nga, Galactic Patrol next na Arc nyan diba?
 
Di ko alam kung napanood niyo na 'to pero lumabas kasi 'to sa YT nung isang araw & naging viral agad sa mga DB fans kaya ang dami na ding reaction videos para dito...

Check this beast of a fan-made movie:

LEGEND - A Dragon Ball Tale

Grabe yung animation. Tsaka ang angas ng sariling take nila sa DBZ lalo na yung fight choreo & transformations 😍 Ganito dapat si Vegeta sa series eh! Lol
 
sulit yung 4 years na hardwork nabitin nga lang ako ganda kasi ng pagkakagawa
 
ayos ganda nga :rock:
 
sulit yung 4 years na hardwork nabitin nga lang ako ganda kasi ng pagkakagawa
Wala pa silang budget nyan...pano pa kaya kung meron :lol:

Malupit din talaga pag handdrawn yung animation... Kita naman din sa DBS Broly na movie. Kaya sana nga ni-retain na lang nila yung ganung style maski sa bagong DB movie eh...
 
da best talaga hand drawn, yung bagong movie ok din pero tama mas malupit pa rin hand drawn. tsaka di ko bet yung itsura nung Beast Gohan, yung kay Picolo ok pa
 
Released na yung latest chapter sa Viz.com :gokuokay:

At ayun na nga, natalo na ni Granolah si Gas w/ assist nila Goku & Vegeta.

1658387915181.jpeg

...at parang dito na rin ata matatapos ang arc. Since nagka-complete 180-degree turn si Granolah at ayaw na raw niya maghiganti kahit kanino, maski kay Frieza na initially gustong-gusto niya patayin from the start. Sayang lang kasi parang ang gandang integration nun sa story tapos nabitawan lang nang ganun-ganun lang.

Pero hopefully sana mabigyan din ng linaw yung mangyayari kila Elec dahil based sa character setup niya sa arc, siya yung tipo na laging may ibang balak kaya feeling ko may iba pang gagawin 'to especially regarding kay Frieza.
 
Back
Top Bottom