Well, may point lahat ng nasa taas ko.
Ang comment ko lang, kung web development ang business ng sister mo, tanungin mo sya kung anong language ang gamit nila.
Pupusta ko di gumagamit ng python yan,
if ever gumagamit man, ang phyton pag ginagamit sa web development yan may partner yan na framework, read about Rails or Django, though I prefer Django.
Now kung gusto mo talagang maging isang web developer, gaya ng sabi ng mga nasa taas, unahin mo ang HTML > CSS > Javascript.
Isa pang masasabi ko sayo at napakaimportante nito TS, makinig ka.
Wag kang magkabisa ng code.
Isa yan sa pinakamalaking pagkakamali ng mga nagsisimulang magcode.
Logic ang importante dito TS, at yung rule.
Every programming language may syntax rule yan like nagrerequire ng semicolon kada end ng statement.
Pero yung logic, iisa lang yan. Yung code/syntax naisesearch yan, nakakabisado yan ng kusa pero
wag kang magsayang ng oras na imemorize na para kang mageexam ng identification type or something.
Habang nagpapractice ka rerehistro sa utak mo lahat ng yan hanggang sa di mo na kailangan ng reference.
Ako I've been coding for 5years na since highschool ako pero up until now nagsesearch parin ako pag nakalimutan ko for ex.
"Pano nga ba to dito sa c#?"
*search search search* "Ah ganito lang pala, okay."
5years may not be much for some pero coming from someone na may malalaki nang accomplished web system, maniwala ka sakin.
Ngayon sa pagtatapos ng aking talata,
Nais kong malaman kung anong eskwelahan ka naroroon at parang di tama yung itinuturo sa inyo..
Mga kasabayan kong Computer Engineer dati puro hardware ang hawak, mga ic ng computer ang kinakatikot at bihira
ang thesis na may kinalaman lalong lalo na sa web development.
Nakasisiguro ka bang sulit ang iyong ibinayad sa iyong mahal na paaralan.
Nawa ay magliwanag ang iyong tatahaking daan nang mapasakamay mo ang tagumpay na inaasam.
Vote BPS para sa Senado ngayon 2016!