Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Who will be saved? ( no debate please )

di kita ma gets sir, that statement of mine you had quoted started with John 14:6, paki explain nga po ang John 14:6? Is that what really matters after all? kaya nagtanong ako paano yung hindi si kristo ang pinaniniwalaan nila bilang Diyos?

To answer that question, let me quote my original answer:
Actually I would say all will claim that they are saved... hence why would they stick to their religion... Gaya ng mga mananampalataya ng maraming relihiyon, umaasa ang mga Saksi ni Jehova na maliligtas kami. Pero naniniwala rin kami na hindi kami ang hahatol kung sino ang maliligtas. Ang Diyos lamang ang Hukom. Siya ang magpapasiya.—Isaias 33:22.

With regards to the text you quoted, we also agree that Jesus open up a way para maging posible para sa atin ang maligtas... by means of "PANTUBOS". But, hindi lang po para sa mga Kristyano ang privillage na yan... although malaki ang tsansa ng isa kung Kristyano na xa... it is also extended to others.... as an example, people living prior to Christ, this "SALVATION" were also extended to them... another is for those people who did not have a chance to understand the "SACRED SECRET". That is why there will be a 1,000 years pa na re-EDUCATION for those that will be given a chance after "ARMAGEDDON".

Ipinaliliwanag ng Bibliya na sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan, “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Isa pa, maraming nabubuhay sa ngayon ang magsisimula pa lang na maglingkod sa Diyos, at sila rin ay maliligtas. Anuman ang kalagayan, hindi kami ang magsasabi kung maliligtas ang isa o hindi. Kay Jesus ibinigay ang atas na iyan.—Juan 5:22, 27.
 
Well according to the Holy Bible if you are a Christian

Una, ang relihiyon hindi ang magliligtas sa tao kundi dahil sa biyaya ng Panginoon sapamamagitan ng kanyang pananampalataya.

Ephessians 2:8
For it is by grace you have been saved, through faith--and this is not from yourselves, it is the gift of God--

Matthew 24:13
Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

Maliwanag na ipinababatid na wala sa pangalan ng relihiyon ang makapagliligtas sa tao, kundi ang kanyang katapatan hanggang sa wakas.


Acts 2:38New International Version (NIV)

38 Peter replied, “Repent and be baptized, every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins. And you will receive the gift of the Holy Spirit.

Pero ang qualification sa kaligtasan ay kailangan ka muna mabautismuhan sa pangalan ni Hesu-Kristo, para mapatawad ang kasalanan..

Romans 6:23 New International Version
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.

Ephessians 4:5 New International Version
one Lord, one faith, one baptism;
 
To answer that question, let me quote my original answer:


With regards to the text you quoted, we also agree that Jesus open up a way para maging posible para sa atin ang maligtas... by means of "PANTUBOS". But, hindi lang po para sa mga Kristyano ang privillage na yan... although malaki ang tsansa ng isa kung Kristyano na xa... it is also extended to others.... as an example, people living prior to Christ, this "SALVATION" were also extended to them... another is for those people who did not have a chance to understand the "SACRED SECRET". That is why there will be a 1,000 years pa na re-EDUCATION for those that will be given a chance after "ARMAGEDDON".

Ipinaliliwanag ng Bibliya na sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan, “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Isa pa, maraming nabubuhay sa ngayon ang magsisimula pa lang na maglingkod sa Diyos, at sila rin ay maliligtas. Anuman ang kalagayan, hindi kami ang magsasabi kung maliligtas ang isa o hindi. Kay Jesus ibinigay ang atas na iyan.—Juan 5:22, 27.

Wala po akong isyu jan sa sagot nyo, Galing yan sa Rs.. Tama?

Im questioning the statement below, hindi po ikaw.. :)

Simple lang, yung taong magpapatuloy hanggang wakas ang syang maliligtas. Hindi relihiyon ang daan sa kaligtasan. John 14:6.
 
ang daeng sagot walang malinaw na sagot !!!
magbasa ka nalang ng history !!
 
Tanong ko lang po sa inyo bilang membro nang isnag relihiyon niyo, sino po sa tingin niyo ang maliligtas?

Sigurado po ba kayo na ang relihiyon niyo ang maliligtas?

Tanong ko lang po, walang debate.

Mukhang malabo tong tanong mo, kasi every religion holds their own salvation. At lahat ng nasa religion nila maniniwalang ligtas sila. This will cause a debate
 
may isang relihiyon ang maliligtas... ung sinusunod talaga ang nakasulat sa Bible.. example: ung kautosang " huwag pumatay", sila ung hindi humahawak ng baril para pumatay ng kapwa tao gaya nang mga sundalo. At ung may tunay na pagmamahalan sa bawat membro at organizado sa lahat ng kanilang tinuturo sa boung mundo... ceguro may idea kayo kung sino sila.... :)
 
WHO WILL BE SAVED? AND HOW WILL BE SAVED?

A: The believers of Christ

Hesu Kristo ang tanging "daan" tungo sa kaligtasan! "Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri" (Ephesians 2.8-9). "... datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na Panginoon natin" (Romans 6.23).

Ano ang pinagdadaanan mo sa buhay ngayon? Ikaw ba ay dumadaan sa pagkakasala, kalituhan, kaguluhan, kahirapan, kalungkutan, sakit, kapaguran, galit at kawalan ng pag-ibig o kawalang kabuluhan? Sadyang mahirap ang buhay! Si Satanas at ang kasalanan ang dahilan! Napapagod ka na ba sa pakikipag-laban sa tao at sa iyong mga problema? Si Hesus ang daan! Mahal ka Niya! Si Hesus ang tanging tao at Panginoon na nararapat sundin! Muli ngang nagsalita sa kanila si Hesus, na sinasabi, "Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan" (John 8.12).

Sinabi sa kanya ni Hesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (John 14.6). "Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;" (Romans 3.23). "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na Panginoon natin" (Romans 6.23). Namatay si Hesus sa krus dahil sa parusang tayo ang dapat dumanas. Ang pagkamatay ni Hesus ang naging daan para sa kapatawaran ng lahat ng tao" (1 John 2.2; 2 Corinthians 5.21). Ginapi nya ang kasalanan at kamatayan pagkatapos na mamatay sa krus at Siya'y muling nabuhay (1Corinthians 15:1-28). "Na ipinahayag na Anak ng Diyos na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na magmuli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Hesu Kristo na Panginoon natin" (Romans 4.1).

Nais mo bang magkaroon o makaranas ng higit pang kapayapaan, kagalakan, kaligayahan, pag-ibig, kapanatagan at katagumpayan? Iniaalok ni Hesus ang isang relasyon na magbibigay sa iyo ng lahat ng ito! Tanging sa pamamagitan lamang ni Hesus makararanas ang tao ng kapatawaran, pagmamahal, kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Panginoon (John 14.6; Acts 4.12). Ang personal na relasyon sa Anak ng Diyos ang magbibigay sa iyo ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Ang buhay na na kay Hesus ang tamang buhay para sa iyo! Kailangan mo Siyang tanggapin upang ika'y maging anak ng Diyos. Kailangan mo ang buong pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya (Matthew 22.37,39). Subalit hindi lahat ay maliligtas, tanging ang mga nagmamahal lamang kay Hesus ang maliligtas at mapupunta sa langit pagkatapos na sila ay mamatay. Ang ating kaligtasan ay pwedeng matiyak dahil sa kanyang ginawa para sa atin at sa patuloy nyang ginagawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo."Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (John 3.16).

Upang tanggapin si Hesu Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at tumanggap ng buhay na walang hanggan mula sa Panginoon, narito ang isang panalangin na maari mong gayahin. Ang panalanging ito ay isang paraan upang ipahayag sa Diyos Ama ang iyong pananampalataya sa Kanyang Anak at pasalamatan siya sa regalo N"yang kapatawaran at buhay na walang hanggan. "Ama sa kalangitan, naniniwala ako sa inyong Anak na si Hesu Kristo, na Siya ang tanging daan upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan. Alam kong nagkasala ako laban sa inyo at nararapat lamang na ako'y parusahan. Ako po ay nagsisisi sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan laban sa Iyo. Nalaman ko at nagpapasalamat ako kay Hesus na aking Tagapagligtas sa pag-ako ng parusang nararapat para sa akin. Dahil kay Hesus binabago ko ang aking pag-iisip tungkol sa paggawa ng kasalanan at hinihiling ko po ang iyong tulong upang mapaglabanan ang pagnanasang magkasala muli. Salamat sa iyong kahanga-hangang pangako ng buhay na walang hanggan. Tatalikdan ko ang aking mga kasalanan at haharap kay Hesus at magtitiwalang Siya ang magliligtas at magbabago sa aking pagkatao. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
 
Ito po opinyon ko jan.
Wala naman po sa RELIHIYON kung massave ka o hindi.
as long as ginagawa mo ang mabubuting bagay sa tao at sa mundo which is true. At lalo na dapat may pananampalataya ka kay god ( jesus christ) hindi po yung kung sino god ang sinasamba kung sino sino na lang gawa sa kwento , kahoy kung ano ano pa. Kasi para sakin un ang pinaka masama mong gagawin pag di ka naniwala kay jesus christ. at lalo na po sa mga hindi na niniwala kay jesus christ. Sorry po sa inyo pero un po ang totoo di kayo massave kahit ano kabutihan pa ginawa nyo kung d kayo naniniwala sa kanya. . Catholic po ko at masasabi ko massave ka kung maniniwala ka sa kanya at gawin mo lahat ng mabuti. alam mo naman kung masama ginagawa mo diba? masama na nga ginagawa mo pa. .un lang at di ko sinasabi na massave po ko kasi si god lang nakakaalam nun. Salamat ��☺��

- - - Updated - - -

tama ka jan sir. 100% i salute you.:)
 
kung hindi relihiyon ang magliligtas sa tao bakit ipinalaganap pa ni Kristo ang Ebanghelyo sa mga kratig lugar sa panahon ng kristyano? Anu ang ibig sabihin ng pagpapapunta ni Kristo sa kanyang mga apostol dun?upang ipalaganap ang ebanghelyo at magtayo ng mga bahay dalanginan sa mga ibang lugar?hindi sapat na tanggapin mu lang si Krito bilang tagapagligtas kundi sundin mu muna ang batas o batayan ng pagliligtas.
 
i believed that all of us are not being to be save by almighty GOD and also i believed that we all gonna be go to HELL.. in my opinion
 
Kung babasehan sa biblia. Ang maliligtas ay nasa desisyon na ng Dyos God's grace sa englis. Pero ang gusto niya lahat maligtas. Pero alalahanin na mula pa sa simula meron na siyang tagubilin na dapat sundin. Ngayon yung ibang hindi narating ng balita sa kanya ay ipaubaya na rin natin sa kanya.
 
It is how we respond to the gospel dahil hindi naman ililigtas ng Diyos ang di naman naniniwala o tunay na tumatanggap sa Kanya (Kay Kristo) ang kaligtasan ay ayon sa kanyang biyaya hindi dahil sa ating katwiran... kung hindi natin susundin ang utos ng Diyos na ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng dako then we don't really have faith in God and love other people in different races.
 
Tanong ko lang po sa inyo bilang membro nang isnag relihiyon niyo, sino po sa tingin niyo ang maliligtas?

Sigurado po ba kayo na ang relihiyon niyo ang maliligtas?

Tanong ko lang po, walang debate.

saved from what?

i think every religion holds their own salvation... that's one of the reason of some religious people who join a religion just to be save... but saved from what?

can a non-member of religion, doing good things, cannot be saved or be saved?
 
Juan, 3:16 - Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Santiago, 2:22 - Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;
Basahin n lng po yung buong chapter 2 ng libro ni santiago mga kapatid.
 
Back
Top Bottom