Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Writer's Block


Naubusan na ko ng masusulatan
Napiga ko na ang huling patak ng tinta
Naibuhos ko na ang lahat ng laman ng utak
Wala na akong maisulat

Di na mahagilap ang mga salita
Wala ng mabuo na mga talata
Blanko na ang dating makukulay na kabanata
Sarado na ang libro ng mahika

Wala na kasi akong mapaghutan
Ng dahilan para muling masimulan
Ang nobelang di ko na alam kung patungo saan
Parang ayaw ko ng ipagpatuloy kinabukasan

Halos di ko na makita ang sikat ng araw
Tila ba matagal na siyang pumanaw
Kahit ang liwanang ng buwan ipinagdamot
Ninakaw na ata ng aking mga takot

Naubusan na ako ng masusulatan
Hirap na akong humagilap ng tapang at tinta
Pagod na akong lamnan ang gagarampot na utak
Wala na akong maisusulat
 
Last edited:
I feel you ts, minsan may mga bagay sa buhay na narerelate sa writer's block,
pero sabi nga ng kasabihan habang may buhay may pag asa :lol:

Keep writing!
 
Salamat po madam jefiner! ��
 
Normal lang 'yan TS.
Buti nga't tuloy parin ang iyong pagsulat sa kabila niyan.
Tuloy lang. Hinding hindi ka iiwan ng tinta.

:thumbsup:
 
kumain ka ng malunggay :lol: iyan ang gamot sa writer's block :)
 
Back
Top Bottom