Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Psychic Abilities?

tututut28

Novice
Advanced Member
Messages
30
Reaction score
0
Points
26
I just want to ask kung possible po bang matutunan ang mga gantong bagay? I've read some books regarding this topic sabi lahat daw ng tao merong psychic abilities pero nasa kanila nalang if gusto nilang i-develop. Any techniques po for developing psychic abilities (mind reading to be specific). I found some thread here in symbianize pero nakafocus yung mga thread sa astral travel. That's the reason why I made this thread para makapagtanong din naman ako about dun sa ibang abilities na pwedeng i-develop po. Meron po akong nabasa na book (Power of the inner mind by Sir Jaime Licauco). Pero yung revised version lang yung nabili ko kaya siguro kulang yung mga information. Possible po kayang matutunan ito na hindi ka makakakita nung mga bagay na ayaw mo makita (Ghost, something like that)? haha. May nagsasabing pwede daw mabaliw pag natuto ka nito, is it possible? And pano po malalabanan yung takot na nararamdaman nyo, at mamotivate yung sarili mo na gusto mo talagang matuto ng mga ganto?

Para po pala dun sa mga magtatanong kung anong gusto kong i-develop kung sakaling pwede. Yung mind reading po tsaka yung isa na hindi ko alam kung remote viewing ba tawag dun. Yung isa po parang halimbawa, nasa bahay mo ikaw tapos may bagong tao kang nakilala then inisip mo sya tapos makikita mo kung anong itsura ng bahay nila which is hindi mo pa napuntahan. Kahit yung arrangement nung furniture, anong mga gamit yung katabi nung furniture na yun, kung san naka pwesto yung banyo, living area etc. Then pwedeng makita yung ginagawa nung tao kahit nasa sarili kang bahay mo, alam mo yung ginagawa nya. Tsaka yung mind reading po ba possible sya kahit hindi kayo magkasama nung tao na gusto mo basahin yung utak. Ayun po.

Pinagaralan ko po to when i was in 3rd year and 4th year high school (graduating na po ako ng college now) kung pano madevelop. Pero hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko, parang wala akong nakikitang progress po. Kaya nung nabasa ko po yung mga post dito about astral travel, hindi na po ako nagdalawang isip na magtanong about the other abilities po.

P.S. I've already tried meditation for 2 years. Gumigising ako ng 3 a.m. lagi. Then nagmemeditate ako for 2 hours after reading the bible. And alam kong sinusunod ko yung steps na nabasa ko (hindi ko na matandaan kung san ko nabasa kasi 3rd year to 4th year ko natry yung meditation na yun) in the right way. Pero wala parin po kong makitang pagkakaiba sa buhay ko noon sa ngayon. I can't read other minds and other stuffs.

Badly need your help Symbianize. God Bless us all. :salute::salute::salute:
 
Last edited:
bro sa palagay ko wisdom ung hinahanap mo maki basa mo ung Book ng Provers ng Bible madami ka makukuha doon na talaga pakikinabangan mo at applicable talaga sa pang-araw araw na buhay..
 
Last edited:
baka yong sinubukang mong i-read ang mind ay may suot na ganto...

images

joke lang...:D

antay kalang madaming mi alam dito...:waiting:
 
madami din ako books ni jimmy.. yung sinasabi mong makikita yung bahay eh tinatawag na remote viewing.. the ability to see a place that youve never seen before.. mahirap yung mind reading. try mo icheck mga seminars nya. may kamahalan lang na. nadedevelop yan.. ako tinatamd lang magmeditate. kakatamad. haha.. but its worth it.
 
the only way you can develop psychic abilities is through meditation sometimes due to accident especially if it is a head trauma. Uo nga spearboy hirap din ako mag meditate kung saan saan lang ipinapadpad ang utak ko hahaha... try to blank your mind for at least 10 secs chances are you can't do it. Napakahirap kalabanin ang malakas na toro (ang ating sariling kaisipan) ang pakikipaglaban sa sarili ay walang katulad at kagulatgulat.
 
Last edited:
Hehe..interesting kapag may ganyan kang abilities..mahirap lang siguro i develop
 
@hackerz bro practice lang.. unti unti magagawa mo patahimikin isip mo.. katamaran ang kalaban ko.. hahaha
 
bro sa palagay ko wisdom ung hinahanap mo maki basa mo ung Book ng Provers ng Bible madami ka makukuha doon na talaga pakikinabangan mo at applicable talaga sa pang-araw araw na buhay..

Thanks po sa payo sir. :)

madami din ako books ni jimmy.. yung sinasabi mong makikita yung bahay eh tinatawag na remote viewing.. the ability to see a place that youve never seen before.. mahirap yung mind reading. try mo icheck mga seminars nya. may kamahalan lang na. nadedevelop yan.. ako tinatamd lang magmeditate. kakatamad. haha.. but its worth it.

Meron po ba kayong downloadable na books po?

the only way you can develop psychic abilities is through meditation sometimes due to accident especially if it is a head trauma. Uo nga spearboy hirap din ako mag meditate kung saan saan lang ipinapadpad ang utak ko hahaha... try to blank your mind for at least 10 secs chances are you can't do it. Napakahirap kalabanin ang malakas na toro (ang ating sariling kaisipan) ang pakikipaglaban sa sarili ay walang katulad at kagulatgulat.

Pero naitry ko na po yung meditation po for 2 years. kaso walang pagbabago. Tsaka hindi ko po ba matututunan na hindi galing sa meditation at sa head trauma?. Any other techniques po? Yung sa remote viewing po? meron po bang malaman dun? aw..

@hackerz bro practice lang.. unti unti magagawa mo patahimikin isip mo.. katamaran ang kalaban ko.. hahaha

How is it done po?
 
^^ isa isa lang kapatid.. haha hackerz and i will do our best para masagot mga tanong mo.. try ko bro kung may mahahanap akong ebooks. kasi alam ko walang e books si jimmy. but pag wala you can check sa national book store. mga200 lang naman yun. btw hindi ko alam kung may kinalman yang head mo.. pagtatanong ko. regarding meditation, ano ano nararamdaman mo pag nagmemeditate ka?
 
Haha. Opo opo. Pasensya na po. Medyo naeexcite lang. Matagal ko na kasi talagang gustong matutunan to. Itinigil ko lang kasi feeling ko nagmumukha lang akong sira ulo haha. :) Peace. Pero ayun po. Anong title po ng book na may mind reading and remote viewing? :) Pero kung ako po ang tatanungin mas gusto ko unahin yung mind reading talaga. Pag po nagmemeditate ako, Physically, masakit po sa ulo after I meditate. Parang ang dami kong ginawa kahit wala naman. haha. Pero during meditation, masakit ulo, tas feeling ko i'm moving back-and-fort. Parang yung sa upuan nung matatanda. Ganun. Umuuga yung katawan ko pabalik balik. Hindi ko alam kung feeling ko lang yun, o nangyayari talaga. Ayun po. Tanong ko lang po. Diba po halimbawa pinagaaralan ko ang mind reading, possible na lumabas din yun remote viewing? o magkaiba po sila ng way para madevelop? :)
 
Naku parehas tayo TS. Ilang months na rin ako nagreresearch about mind reading mula nung magsulputan mga mindreaders sa tv tulad ni Nomer Lasala. Mula nun andami ko na nabasa at hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Sabi ng iba hindi raw totoo at madalas may kasabwat mga mind readers. Alam ko na rin mga secrets ng ibang tricks ni Nomer sa Mind Master. So naisip ko puro pala fake. Tapos napadpad ako sa isang forum na only for mentalists. May thread doon na ang title "If you can really read minds what are you now" parang ganyan. Tapos ang mga reply, siguro daw magaling na poker player, detective sila. So parang hindi nga totoo ang mind reading.

Tapos may mga nabasa akong ebooks puro fake din ang tricks parang magic lang hanggang sa may nabasa akong ebook na lalo nagpagulo sa isip ko. Gaya ng sabi mo pwede daw ito madevelope. Kaya hindi ko na alam kung totoo nga o hindi..
eto pala ung nabasa ko.

Practical Mind Reading
 
your link about practical mind reading has been put in bookmark pages. i'll try it.
 
your link about practical mind reading has been put in bookmark pages. i'll try it.

Hindi ko pa po natry yan kasi need mo ng partner na mapagprapraktisan kaso wala ako mahanap dito na matino pinagtatawanan lang ako..hehe Pero maganda po yan, well explained ang mga procedures. I'm watching mind master now ang aztig talaga..
 
Oops sorry double post edit na lang.. Sana nga may mkapagturo sa atin TS. Gusto ko talaga matutunan to eh.
 
Last edited:
mentalism ay hindi totoo. Ito ay isang uri ng stage magic tulad ng ginagawa ni david copperfield at yuri geller. Mind reading ay mahirap matutunan kailangan may inate na kakayahan ang isang tao dito. Mas madaling matutuhan ang remote viewing or pwede rin ang bilocation. Yung thread about sa astral travel halos pareho rin ang steps kase kapag sinundan mo yun at pinagpractisan either matuto kang maq astral travel or magbilocate/remote viewing. Im sure meron ka nang naranasan na deja vu, or yung feeling na parang nakita or narating mo na ang isang place kahit na first time mo pa lang itong makita o marating ibig sabihin nun pwede mong matutuhan ang remote viewing o bilocation kase nagagawa mo ito unconcsiously.
 
Naku parehas tayo TS. Ilang months na rin ako nagreresearch about mind reading mula nung magsulputan mga mindreaders sa tv tulad ni Nomer Lasala. Mula nun andami ko na nabasa at hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Sabi ng iba hindi raw totoo at madalas may kasabwat mga mind readers. Alam ko na rin mga secrets ng ibang tricks ni Nomer sa Mind Master. So naisip ko puro pala fake. Tapos napadpad ako sa isang forum na only for mentalists. May thread doon na ang title "If you can really read minds what are you now" parang ganyan. Tapos ang mga reply, siguro daw magaling na poker player, detective sila. So parang hindi nga totoo ang mind reading.

Tapos may mga nabasa akong ebooks puro fake din ang tricks parang magic lang hanggang sa may nabasa akong ebook na lalo nagpagulo sa isip ko. Gaya ng sabi mo pwede daw ito madevelope. Kaya hindi ko na alam kung totoo nga o hindi..
eto pala ung nabasa ko.

Practical Mind Reading

uhm, yung mga ginagawa po nila "sa harap ng tv" i think it's mentalism (a branch of magic) po para pang entertain lang po. hehe. Pero hindi ko naman po sinasabi na ang pangit nung mga ginagawa nila, what i mean is iba yung paraan nila ng paggawa ng mga ganun. Tsaka po ang pangit naman kung gagawin mong showbiz yung ganung talent diba? hehe. Bali nung hindi ko po matutunan yung mind reading when i was in 4th year high. Nag magic nalang ako. Pakiramdam ko kasi, nagmumukha akong tanga kasi ako lang ang may hilig ng ganun sa school namin. haha. Pero now, simula nung nabasa ko yung mga post about astral travel, nalaman ko na hindi lang pala ako ang nahihilig sa ganto. feeling ko kasi nun nababaliw lang ako haha. pero nung nalaman ko na marami palang may gusto matuto ng ganun, sinimulan ko na magtanong tanong. :D

Thanks pala sa link po. :)

Hindi ko pa po natry yan kasi need mo ng partner na mapagprapraktisan kaso wala ako mahanap dito na matino pinagtatawanan lang ako..hehe Pero maganda po yan, well explained ang mga procedures. I'm watching mind master now ang aztig talaga..

Ok lang kaya na kahit magkalayo yung partner? Dalawa tayong partner tapos itry nating dalawa? :)

well try this one... actually may nagpost na dito ng site na ito nalimutan ko lang kung sino...

http://psipog.net/cat-telepathy.html

Thanks po. I'll read this one po. hehe.

mentalism ay hindi totoo. Ito ay isang uri ng stage magic tulad ng ginagawa ni david copperfield at yuri geller. Mind reading ay mahirap matutunan kailangan may inate na kakayahan ang isang tao dito. Mas madaling matutuhan ang remote viewing or pwede rin ang bilocation. Yung thread about sa astral travel halos pareho rin ang steps kase kapag sinundan mo yun at pinagpractisan either matuto kang maq astral travel or magbilocate/remote viewing. Im sure meron ka nang naranasan na deja vu, or yung feeling na parang nakita or narating mo na ang isang place kahit na first time mo pa lang itong makita o marating ibig sabihin nun pwede mong matutuhan ang remote viewing o bilocation kase nagagawa mo ito unconcsiously.

Tama po sir. :D Yung mga ginagawa na pang showbiz. Yun ay tinatawag na entertainment. Pero yung mga pinagaaralan natin, yun yung mga bagay na dnedevelop at hindi na dapat ipakita sa iba para ipagyabang. hehe. :) Thanks sir. Meron po ba kayong ibang alam na techniques to develop this kind of skills? :) salamat po. Bali po pag po sinundan ko yung steps nung sa astral travel, pwede kong magawa yung sa remote viewing? :D and about deja vu po. opo opo. May mga ganun po. Halimbawa po sa ginagawa ko. andon po yung pagiisip na parang ginawa ko na to dati, tapos ginawa ko ulit ngayon. tsaka yung lugar, parang nakapunta na nga ako dun kahit hindi pa. haha. pero parang alam ko yung susunod kong makikita. ganun. :)
 
Last edited:
@tututut28.. I think hindi puede magkalayo kasi ung beggining methods jan eh contact mind reading.. dapat nkahawak ka pa sa partner mo. parang hahasain ka muna sa contact mind reading bago mag proceed sa next stage..

Well susubaybayan ko tong thread na to. Kahit hndi na ako matuto ok na bsta malaman ko lang ung totoo o hndi ksi nacucurious talaga ako..hehe
 
Welcome back putamen.. Mas masasagot mo yang ts. Hehe.. Personally ayoko ng mind readimg.. Kasi even psychics i believe have rules ata.. Ayun. Yung remote viewing pwede mo gawin pag nagmeditation.. Irereview ko lang yung steps namin nung seminar. Pano bang procedure mo dito pareng putamen? Mejo sablay ako kasi sa remote viewing.. Psychometry pwede pa..
 
Back
Top Bottom