Hind naman sa magpaka-puta, hindi naman tayo ginawang puta ng US dahil napagkasundaan na un sa commonwealth republic at benovelent assimilation nung american era na palalayain tayo. Ang sa akin lang naman we should ask help and advice. Kaya naman nila iniwan ung base na yun ay alam nila na wala tayong military power. Also to keep good relations and keep the peace. Hindi naman tayo ineexploit economically nung nandito ang mga american base sa subic. They're just there for protection and help, kung kaya na natin pwede silang umalis. Kaso pinaalis natin kahit wala naman tayong kaya patunayan. Masyado kasi tayong mataas ang pride.
wow tsong, pwede research ka muna anong pinagdaanan ng pilipinas under commonwealth. anong requirements bago ibigay ang conditional independence natin. may kapalit po yan at yan ang pagbaba ng tarrif sa import sa atin.. next pakialam na rin kung ilang massacres ang nangyari dahil sa benevolent assimilation na yan. kung ilang tribu at bayan ang inubos ng mga kano para sa benevolent assimilation.
papalayain naman talaga nila tayo dahil wala silang balak gawin tayong state, bakit? dahil magiging pareho na ang presyo ng products natin sa kanila, kasi nga kano na rin tayo so saan makakabili ng raw products at saan mabebenta na kikita sila?
bakit ka hihingi ng advice sa kanila eh alam ba nila ang eastern culture? di sa pumapanig ako sa intsik dahil lintek lang nila. pero kung may alam makipagusap eh tayo yun, and boy subic lang basis mo sa non exploitation?? search mo buong pilipinas, panahon ng kano, gold mining- kano, logging-kano, PHILEX, to name a few companies na inubos na ginto sa benguet saka iniwanan sa pilipinas. if your basis is the bases, military installation yan pero for the sake na may intimidation and to protect yun assets nila sa pinas noon.
similar na yan sa mga oil pipelines sa middle east na hawak ng kano kaya kahit anong gawin sa kanila eh ayaw iwanan.
kung regarding sa tulong military, military action is needed when all means are expended, meaning hanggang di pa natin nagagwa lahat eh last action natin ang military. gaya ng sabi ni Clausewitz that the military is an extension of politics.
isang reason na rin ang pride maari kaya pinaalis na ang mga kano, pero di naman talga pride ang meron ang pinoy. mas malaki ang low self-esteem natin kesa self pride. dahil gusto natin maging mga kano na hindi naman, bakit? dahil ang pagiging kayumanggi ay isa pa rin alipin, gusto nating maging amo maging puti. kasi sila ang mga may kapangyarihan.
ngayon na may kalayaan na tayo di naman natin alam gamitin. mabuti pa ang kano alam nilang gamitin ang independence nila, dahil after ng paglaya nila sa britain nagboom ang industrial revolution at sila ang primary naglead.
tayo pagbigay ng kalayaan natin, di naman natin alam gamitin. kasi subconsciously di naman natin gusto lumaya, gusto natin maging amo rin. gusto natin maging puti rin. nakita nyo difference ng societal development ng kano at pinoy. magkaiba dahil di naman pareho ng pinagdaanan ang mga bansa natin.