Mahirap 'to.
It's either hanapin mo yung photog and ask for his specific color grading settings OR, mag-experiment ka sa Ps or Lightroom ng iba't ibang values.
The other reason kung bakit ko nasabing mahirap, kasi sa Ps pa lang, ang daming ways para makapag-achieve ng iba't ibang color grading effects eh. Isa na dyan syempre yung sinabi mong paggamit ng Curves, na favorite ding gamitin na technique ni Unmesh Dinda aka PiXimperfect sa YT. Pwede din namang gumamit ka lang ng simpleng Photo Filter na adjustment layer, o kaya gumamit ka ng Color Balance na adjustment.
Di ako photog, although as a graphic designer na may experience sa photoediting/enhancing at long-time digital artist din, mas trip ko gumamit ng Camera Raw Filter sa post-processing. At sa pagkakaalam ko, yan yung usual na ginagamit ng iba pag walang access sa Adobe Lightroom. So try mo na lang din mag-experiment ng values dyan para ma-achieve hopefully yung ganyang color grading look.
Tip ko lang, looking at the reference photo, parang may greenish tones siya eh. Maganda kasi yung saturation ng mga damo/halaman sa background, although malamya naman nang konti yung ibang colors, lalo na yung pagka-brown ng suit tsaka yung red lipstick & hair ng subject. So try mo siguro magpatong ng green tones sa image mo, yung may mababang opacity or fill lang para medyo subtle, tapos siguro babaan mo din nang slight yung saturation ng photo para hindi mag-pop up yung ibang colors, especially yung skin tone tsaka hair color ng subject.
P.S.
Speaking of PiXimperfect, naalala ko may tutorial nga pala siya sa YT kung pano "magnakaw" ng color grading. Hanapin mo na lang pala paps hehe..