bakit pag women ang nag cheat, ang sama ng dating?
Kasi nga matagal nang established/nabuo sa society ng tao yung expectation na lalake lagi ang mas nakakapag-isip ng kahalayan sa ibang babae, at laging gumagawa ng pangangaliwa pag may asawa na, dahil lalake lagi ang mas aggressive, mas may mataas na sexual drive, kaya mas mataas din yung chance na magpantasya ng ibang babae kahit may asawa na. Obviously hindi siya magandang gawain dahil mali di lang sa batas kundi pati na rin sa iba't ibang religious teachings pero sa sobrang tagal nang nangyayari yan throughout our long history as a society, eh naging reputasyon na ng kalalakihan yan.
Kaya nga pag babae ang nag-cheat, sobrang tindi ng epekto or dating....kasi out of character yun para sa kanila eh. Taliwas yun sa mga ineexpect sa kanila ng society. Kasi based din sa history natin, babae din kasi yung laging ineexpect na laging nagpapaka-loyal sa asawa bilang pag-honor sa kasal, which is most of the time resulta nga din ng pagmamahal nila
("most of the time" kasi may mga fixed/arranged marriage na setup ang ibang religion/culture). Aside from that, babae din yung ineexpect ng marami na dapat nasa bahay lang, nag-aalaga ng mga anak & nag-aasikaso ng mga gawaing bahay.
Yang mga bagay na ^yan, yung mga sinaunang expectations at kung anu-ano pa, based din kasi sila sa mga gender roles na nabuo ng mga sinaunang society natin
(patriarchal society) noon pa na hanggang ngayon even in modern times, eh nadadala pa rin natin or ng iba satin kahit papano. Kaya nga maski ngayon, kahit sobrang prevalent na ng mga social justice movements tulad ng feminism, equality & women empowerment para sa mga kababaihan, kahit di hamak na mas malaya na ang mga babae na gumawa ng kahit anong gusto nila kumpara noong unang panahon na maski pagboto pinagbabawal sa kanila, nandyan pa rin yung kaisipan/mentality/expectations ng ibang tao sa ngayon na pag babae ka, dapat
ganito ka, ganyan ka, etc. Kaya nga pag babae ang nag-cheat, parang iba yung nagiging dating sa ibang tao eh, mas matindi yung impact kumbaga. Kasi like I said, out of character yun para sa mga babae, based sa mga expectations ng society para sa kanila. Hindi yun yung usual na ineexpect ng society na gagawin nila eh. Kasi nga mas konektado yung pangangaliwa sa mga lalake, dahil lalake yung madalas na gumagawa nun based on history alone.
Just my 2 cents.