Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naguguluhan na ako.

dabah

Professional
Advanced Member
Messages
154
Reaction score
4
Points
28
Hindi ko na alam. di alam kung saan ba ako dapat, di ko alam kung saan ako bagay, hindi ko alam kung ano ang gusto ko, gusto kong magaral pero walang oras at pera, gusto kong magsaya pero di ko alam kung paano. eto na ata yung sinasabi nilang hanapin mo ang sarili mo. pero eto ako, araw araw pumipili para makasakay sa jeep, 2 oras nasa byahe para kumita ng mahigit 500 sa isang araw para may pangbayad sa bahay at pang kain sa araw araw, hindi ako masaya dahil napako ako sa sitwasyong gusto kong makawala pero hindi pwede. hindi pwede kasi pagitinigil ko ang araw araw na ruta ng buhay ko, paano na ang pang araw araw ko?

wala akong talento, wala akong hilig, di ako magaling sa kung saang bagay. Saan ako magsisimula? kahit nasa kalagitnaan na ako ng buhay?
 
Lumapit ka sa Diyos yan ang gawin mo. Your life will become meaningful. Watch our Television program
Sundays, 6:00am - 7:00am
on ABS-CBN Sports & Action Channel 23
 
Tama! lumapit ka sa Diyos kapatid.. Ganyan din ako noon, gulong gulo na ako, hindi ko alam gagawin ko sa buhay, hindi ko alam kung ano ba talaga gusto ko.. Hanggang sa paulit-ulit akong nagdarasal, Sa Diyos ako nagtatanong lagi.. tapos mag antay ka lang kapatid, habang pinagpapatuloy mo yang ginagawa mo. nakikinig ang Diyos.
 
Hi @dabah, try mo umattend sa any worship service about God. I'm sure you'll find peace in your heart. Hindi lang ikaw ang nakaranas nyan. Lapit ka lang kay God. Hinihintay ka Niya. :)
 
But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.
:)

and

Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God.

:)
 
Maraming salamat, pero sa pagiging totoo lang. Hindi po ako naniniwala sa Diyos, Hindi po ako kontra, sa katotohanan nyan ay lagi akong present sa worship sa work ko pero in the end wala talaga walang spark na sinasabi nila, Sabi rin ng pastor namin isapuso ko ang nababasa at naririnig ko sa bawat prayers namin pero yung ang hindi komagawa dahil full of questions ang utak ko, Alam ko hindi naiintindihan ng marami pero sabi nga ng pastor namin, ituloy ko lang ang pag attend kahit di ako naniniwala.

Pagod na kong isipin ang karera ng buhay. Gusto kong mahanap ang gusto kong gawin.
 
TS pumunta ka sa lugar na hindi mo pa napupuntahan.. totoo yung sinasabi ng iba na hanapin mo ang sarili mo.. may mga bagay talaga na hindi natin malaman kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay.. hindi ka nag iisa.. kahit ako ganyan din dati.. wag kang bibitaw sa kung anong meron ka ngayon.. maging masaya ka sa kung anong mga bagay na meron ka..
 
Hello po. God Bless po. Try mong panoorin po ito at intindihin hanggang dulo "https://www.youtube.com/watch?v=OnWccqofFXI" at pagkatapos po ito "https://www.youtube.com/watch?v=CfmAZb6EmlI". Mas maganda po kung sa cp at naka headset ka para walang istorbo at lalo mong maintindihan. Sana po makatulong. . .
 
...please take time to read and it will change your eternity...

kahit araw araw kang dumalo useless ito kung ikaw parin panginoon ng buhay mo, madaming christians ang ganun, kasi hindi nila alam ang katotohanan, at bakit may kalongkutan at kakulangan sa buhay ng tao, at ito ang dahilan...
........................................................................
ang tao ay nahiwalay sa diyos............kagaya ng isdang nahiwalay sa tubig, kahit anong magagandang bagay ibigay mo, kung wala naman siya sa tubig ma mamatay ito,
ang taong alam na may kamatayan ay walang kasiyahan at kapayapaan, alam mo naman sigurong mamatay ka pag dating ng panahon, kung kaya ibig mong hanapin ang mga bagay na hindi mopa nararanasan habang ikaw ay buhay, pero kagaya ng isda, kahit makamtan mo pa lahat ng kayamanan sa mundo, walang saysay ito kung ikaw ay hiwalay sa diyos,....
............................................ikaw ngayun ay nasa stage ng buhay mo na dinadaya ni satanas, kagaya ng pagkadaya kay eba at adan,..........
hindi nag babago ang style ni satanas sa pag daya sa tao, at ito yung mga bagay nayun...
self centered .... )
money centered.. } NA WALA ANG DIYOS..
success centered... )
malinaw na sinabi ng diyos na wag nilang kakainin ang bunga at tiyak silang mamamatay. (genesis 2:16-17)
pero dahil sa magagandang salita ni satanas" hindi sila mamatay, maganda ito sa sarili, mag bibigay kaalaman sa mabuti at masama,
at magiging PARANG DIYOS SILA,(genesis 3:1-6)

kayat dumating ang sumpa at kalongkutan sa tao..Genesis 3:16-20...............paki google nalang pls use niv para mababaw.
masaya at walang kalongkutan ang tao noong tayoy kasama pa ng diyos, gaya ng isdang nasa tubig.
ang tao ginawa ng diyos para makapiling ang diyos, at dahil dun sa kasalanan nahiwalay ang tao sa diyos.
kayat madami itong hinahanap na bagay na makapag pasaya sa kanya, pero bigo.
alam ng diyos na hindi kayang abotin o hanapin ng tao ang diyos sa pamamagitan ng sariling kakayahan or religion , dahil ang diyos ay Espirito.
kaya agad pinangako ng diyos si jesus christ, sa genesis 3:15,... nakalimotan ng maraming panahon kayat pina alala ulit ni isaiah 7:14. at naganap sa matthew 1:20->.
at sa matthew 16:16..si jesus ang cristo....jesus is the christ ang naging sulosyon ng ating problema.

But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us romans 5:8

For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.(Romans 6:23)

hindi kona pahahabain pa dahil sabi mo nga umaattend kana..tangapin molang ang panginoong jesus sa puso mo, at gawin siyang panginoon ng buhay mo ikaw ay mag kakaroon ng buhay

......... 5 minutes to read and it will change your eternity...
 
try mo sumali sa mga fun run events ts.. doon makulayan buhay mo .. marami kang makausap na mga tao..in different levels. ako ganun din dati .. trabaho..bahay tarabaho.. napaka boring ng buhay at napaka lungkot.. 1 time may nagyaya sa akin sumali ng funrun.. akoy natuwa sa oras ng events..makikit amo ang saya saya ng mga runners.. dun nag mula ang panibagong buhay ko.. it was 2010.. ngayung still on running its my fitness and healthy lifestyle.. wala akong barkda sa lugar namin.. mga barkada ko yung mga ka team namin at iba pang teammates.. try mo.. obbserv mo lang kahit 2 times ka sumali sa mga fun run.. kahit mag start ka ng 5Kilometers.. ganun din ginawa ko.. now.. pinaka mahaba kung natakbo is 80Km from Up Diliman to UP Los Banos.. masaya ako tuwing may running events ...
 
Paano mo nasabing wala kang talento? Tignan mo nga yung mga namamalimos, di ba nga mas mapalad kapa sa mga taong yan?
Hindi totoong wala kang ibang kayang gawin, kaya mo ang bagay na nasa isipan mo, kailangan mo lang subukan at magtiwala sa sarili, wag kang matakot na magkamali, dahil ang pagkakamali ay kakambal ng pagiging isang matagumpay.
 
naramdaman ko rin yan dati, kasama yan sa mga kadramahan na nararamdaman ng isang normal na teenager, normal lang yan, cheer up
 
read the Bible,

umpisahan mo sa bagong tipan,kay lucas hanggang apocalipsis,

kung magagawa mo.
 
bro meditate and focus ka lng sa gusto mo sa buhay mo.. ngyari n sakin yan apat lng tlga magkaron k ng systema sa katawan mo at plano sa buhay mo..higit sa lahat disiplina brad sayo lng lahat magsisimula yan..
 
try mo ung mga bagay na hindi mo pa nasusubukan, bili ka ng bike, nakakawala ng stress sa utak. ichallenge mo ung sarili mo, at sali ka sa biker group or try mo lang join ka kahit sa bike community, malaki din kasi ung bilang ng bike community lalo na sa fb, try mo pumunta sa mga lugar na pwede mamasyal kahit every weekend lang, aleast may nag aabang na activity ka pag pa weekend na... feeling ko ung nararamdaman mo ay normal lang. feeling empty parang ganun.. ganayn din ako eh dati, minsan nga na fefeel ko pa din yan. pero kung may isang bagay ka na masaya mong ginagwa mawawala din yan,, at makikita mo din ung tunay na magkapagpapasaya sayo, goodluck kaibigan, kung gusto mo ng kasama magbike magsabi ka lang, ilibot kita sa buong manila or kahit long ride pa. hindi mo kailangan gumastos ng malaking pera, nakakapag exercise ka pa, mawawala pa stress mo at nakakapamasyal ka pa. promise must try bro.. goodluck and godbless..
 
Last edited:
Naranasan kuh rin to... na hindi ka mapakali.. isa na po akong converted to christian non.. talagang feeling ko miserable na buhay ko.. Hang.gang nag balik loob ako sa Diyos. Dapat kasi mag simola ka sa pananaw mo.. At mototong ma contento.. Yon lang po.. Magpakatatag kalang T.S
 
Saan po kamo mag sisismula?

1. Pilitin mu makapagtapos ng pag aaral.
2. Maghanap ka ng GF uu syuta.
3. Mamaster ang gawaing Bahay
 
Asses mo ang sarili mo.

Lista mo ang ayaw at gusto mo.
Lista mo ang values mo.
Lista mo ang hilig mo.
Lista mo ang nagpapasaya sayo at lista mo ang nagbibigay lungkot sayo.

Or it is better take personality test online na free at doon mo makikita kung ano at kung sino ka.

Sinubukan ko ang personality test and I got ISTJ. Introvert, Sensing, Thinking and Judging and most of all, love yourself daw.

Then ask question for yourself din like What do you love about yourself? Kapag hindi mo masagot, hindi mo talaga kilala ang sarili mo.

Research mo sa online about how to know yourself deeply dahil iyon ang pinakamahirap gawin ng tao. Ang kilalanin kung ano at kung sino sila.

Kapag nalaman mo ang ayaw at gusto mo, ang hobbies mo... lahat, then doon ka na magplano para sa future mo. Ganun.

Mas madali iyon. Alam mo ba kapag kilala mo ang sarili mo, indestructible ka. Hindi ka madali madestroy lahat, sunod-sunod na iyon.

Diba? Meron kasabihan na “Love yourself first and everything else falls into line.”

So gawin mo iyon.

Kumuha ka ng pen at paper at ilista mo ang dapat ilista kahit yung sobra smallest thing like ayaw ko ng langgam, ayaw ko ng ipis or whatever. Basta, sulat mo.

Iyon lang.

Magugulat ka na lang na "ito pala ako?" ganun.

Ayaw ko kase magresearch para sayo. Gusto ko ikaw ang mag research patungkol sa paano kilalanin ang sarili. Nasubukan na ilista kung ano ang values ko, ano ang ayaw ko, ano interest ko.... lahat.

Effective siya.

Huwag mo gawin enemy ang sarili mo dahil talaga lang, hindi mo makikilala ang sarili mo.
 
Last edited:
Asses mo ang sarili mo.

Lista mo ang ayaw at gusto mo.
Lista mo ang values mo.
Lista mo ang hilig mo.
Lista mo ang nagpapasaya sayo at lista mo ang nagbibigay lungkot sayo.

Or it is better take personality test online na free at doon mo makikita kung ano at kung sino ka.

Sinubukan ko ang personality test and I got ISTJ. Introvert, Sensing, Thinking and Judging and most of all, love yourself daw.

Then ask question for yourself din like What do you love about yourself? Kapag hindi mo masagot, hindi mo talaga kilala ang sarili mo.

Research mo sa online about how to know yourself deeply dahil iyon ang pinakamahirap gawin ng tao. Ang kilalanin kung ano at kung sino sila.

Kapag nalaman mo ang ayaw at gusto mo, ang hobbies mo... lahat, then doon ka na magplano para sa future mo. Ganun.

Mas madali iyon. Alam mo ba kapag kilala mo ang sarili mo, indestructible ka. Hindi ka madali madestroy lahat, sunod-sunod na iyon.

Diba? Meron kasabihan na “Love yourself first and everything else falls into line.”

So gawin mo iyon.

Kumuha ka ng pen at paper at ilista mo ang dapat ilista kahit yung sobra smallest thing like ayaw ko ng langgam, ayaw ko ng ipis or whatever. Basta, sulat mo.

Iyon lang.

Magugulat ka na lang na "ito pala ako?" ganun.

Ayaw ko kase magresearch para sayo. Gusto ko ikaw ang mag research patungkol sa paano kilalanin ang sarili. Nasubukan na ilista kung ano ang values ko, ano ang ayaw ko, ano interest ko.... lahat.

Effective siya.

Huwag mo gawin enemy ang sarili mo dahil talaga lang, hindi mo makikilala ang sarili mo.

Maraming salamat dito :) ang ganda ng idea mo, parang bucket list pero about sa sarili. medyo nakukuha ko yung point mo. promise gagawin ko to at sana soon malaman ko ang gusto ko.
 
Ka-Mobi,
Magandang araw sa iyo.
Tulungan kita. gawin nating simple. Bilang isang tao, nananaginip ka di ba? sa panaginip mo, nagagawa mo yung mga gusto mo.
Sa ibang salita, nangangarap ka. nabasa ko, gusto mong mag aral pero wala kang oras at pera.
Okay, bibigyan kita ng suggestion, hindi solution.
nabanggit mo, mag aaral ka, wala kang pera.
Kung may nightshift yang trabaho mo, mag nighshift ka. Sa umaga, mag-TESDA ka. ang daming pagpipilian na pwedeng aralin doon. at malaman kung talagang wala kang talento. Libre na ang TESDA ngayon, oras mo na lang yung kulang. Kung gagawin mo malalaman mo kung saan ka dapat.


Puntos ng mga sinabi ko:

Direksyon mo sa buhay - Determinasyon MO ang kulang

Yung kawalan mo ng talento - Interes MO ang kulang

Sarili MO ang solusyon MO.


Reminder naman:
Kahit ang mahal pa nating presidente ang magbigay ng mga suggestion sa iyo at hindi MO kikilusan. ganyan na talaga maging takbo ng buhay mo. Walang sinuman ang makakatulong sa amin ditto kundi ang SARILI MO lang.


Ok ba? ka-Mobilarian…



One thing more, dabah…
Gawing mong guidance yung kawikaan na "Nasa Diyos ang Awa, nasa Tao ang Gawa"
Di pwedeng taimtim na dasal lang, lalakas lang ang loob mo.
Di pwedeng gawa lang, wala kang magiging direksyon,
Magkasunod yan, pagkatapos ng dasal, hinga ng malalim, then wag lang basta move, move with safe decision.


Your on your own. nasa edad ka na....
 
Last edited:
Back
Top Bottom