Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SINGLE PARENT PROBLEM

SuperZheL

Sweet but Psycho
Advanced Member
Messages
14,609
Reaction score
3,129
Points
268
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Gusto ko sana humingi ng mga payo o opinion nyo tungkol sa aking problema. Di ko mamasamain kung ano man sasabihin nyo...naguguluhan lang talaga ako kung ano mas importante, yung pride ko o yung kapakanan ng anak ko..

So eto nga, yes I'm a single mom. My son is 13 y/o. Since I got preggy naghiwalay na kami ng ex ko. Never kami nagsama sa iisang bubong. Dahil di ako tanggap ng parents nya that time dahil nga mayaman cla noon at nag-aaral pa sya, pinaubaya ko na sya sa parents nya dahil ayoko sa immature na tao. Magiging kawawa lang ako kapag matatali ako sa isang taong di kayang tumayo sa sariling mga paa.

Kahit nasa hukay na ung isang paa ko nung manganak ako dahil na dry labor ako at na cs, malaki ang bill ng hospital, never akong humingi ng tulong sa knila. At di rin naman cla nagreach out na tulungan ako o kumustahin man lang. Kaya nangako ako sa sarili ko na kahit kailan hinding hindi ko ipapakita sa knila ung bata. Ni isang kusing di ako humingi ng sustento sa kanya.

So eto nga, habang lumalaki ung bata, di pala maiiwasan na magtanong about sa kanyang papa. Noon lagi ko cnasabi, "patay na". Pero habang lumalaki at nagkakaisip, alam kong alam nyang hindi patay ang ama nya. Lagi akong nagagalit kapag binabanggit nya o nagtatanong sya tungkol sa kanyang ama. Sa totoo lang, 13 years na ang nakalipas pero fresh pa rin sa akin ung sakit. Kapag naaalala ko ung sakrispisyo at hirap kong mag-isa na buhayin ung anak ko, lalong sumisiklab ung galit ko sa kanila. Nalaman ko na lang na naghihirap na sya at both parents nya namatay sa covid. Ang buhay nga naman ng tao, parang gulong, minsan nasa taas, minsan na ilalim. Walang permanente.

So nalaman ko na lang na nakakachat nya papa nya. Kc binlock ko talaga sya sa fb ng anak ko. Tapos gumawa ng new fb tsaka hinanap yung ama. Nakita ko sa mukha nya kung gaano sya kasaya na malaman nyang may papa sya. Noon ang hirap sagutin mga tanong nya kung nasaan ang papa nya. Kung pwede raw ba isulat name ng papa nya sa mga finifill-up-an nyang form sa school. Naiiyak ako at naaawa ako para sa kanya. Pero parang di ko kayang ipaubaya o ipahiram ang anak ko sa papa nya.

After all these years, akala ko nabuo ko ang pagkatao nya kahit wala syang kinalakihang ama. Pero paano naman ako?Isasantabi ko ba ung pride ko?Paano ung sinumpa ko na kahit kailan hinding hindi nya makikita yung anak ko. Hanggat naaalala ko mga pinagdaanan ko sa buhay, di ko talaga sya kayang patawarin. Di ko kayang patawarin ung mga taong malaki ang pinsalang ginawa sa akin..
 
zhel i think the best thing to do is let your child do what he wants.let him meet his father.give them time to know each other. what matters most is your child's happiness. we appreciate your sacrifices and i understand ur struggles then. i like your name, it suits you because u're strong and independent woman. but even superman has weakness,so do you. it's ok to be weak sometimes. everyone needs help from everyone. what's the reason why you live? isn't it because of your son? then even if it hurts you,forget about ur pride. if you will remove hate and hurt inside your heart, there will be too much space for happiness and love. open your heart to forgiveness. ur child's happiness is the most important above all.

i can't use my real acct coz once you recognize me, i know u'll gonna hate me. i hope i enlightened u. Godbless u.
 
Same thing happened to us. He was 10 years old naman that time. He keeps on asking me about his papa. I had him when I was 17. So that time his papa was immature, he was 19. Hindi kami kayang ipaglaban sa pamilya nya. Ang di ko makakalimutan, yung pinagkalat nyang 'patay na' yung anak namin sa mismong araw na nanganak ako. They never helped us kahit my Mom reached out to them.

Same din, napagkasunduan ng buong pamilya na sabihin sa kanya na patay na yung papa nya. Pero darating at darating din pala talaga tayo sa ganitong scenario. I can still remember clearly how my son would ask, mahal ba ko ni papa, nasaan si papa. Blocked din sya sa main fb nya, same din gumawa din sya ng second fb nya just to stalk his papa. He even liked one of his post which is his picture. That caused me depression, I didn't know what to do. Napaisip din talaga ako, am I not enough? Bakit kailangan hanapin yung taong wala namang naging ambag sa buhay nya?

Nagsumbomg pa ko sa kuya ko nun kasi nga gumawa sya ng new fb na sinumbong nya din sa mom ko na nagcause ng heartbreak sa kanya. Naawa ako. Narealize ko mali yung ginawa ko. Hanggang ako na yung nagparaya. I explained everything to him, tinanong ko if he still wants na makilala yung papa nya and he still said yes.

I unblocked his papa. Tried reaching out thru social media, I even messaged his parents na hinahanap sya ng anak nya but no response. Nawalan ako ng pag asa. Hanggang sa he reached out to me on my phone. Nalaman ko na hinaharang pala ng new partner nya yung messages ko kaya it took time na magparamdam sya. Nagkasundo kami for the sake of my son's happiness. I let him be. Patago silang nagchachat, VC, sending pictures. Which I can really see na naging masaya yung anak ko. Hanggang sa yung anak ko na yung nakakita na his papa don't love him, pinangakuan sya that time ng gifts for Christmas pero wala. He didn't expect but even merry Christmas wala. I can see how sad he is sometimes seeing his papa posting pictures ng mga kapatid nya. Come his birthday, tinanong ko kung binati na sya ng papa nya. Umuo naman sya, pero it was a different papa pala. Papa na new partner ko na rin that time. Then eventually, sya na yung nag give up. Isang araw na lang narinig ko na sa kanya na 'hindi naman nya ko mahal but its okay. I forgive him, hindi ko na sya kukulitin.'

Sorry na, napashare na din. Pero the thing is, darating at darating talaga tayo sa part na 'to. What you feel is valid and there's nothing wrong feeling that way. No one can ever invalidate what you feel as no one knows what you've been through. I admire how strong you are. Sabi nga nila single mom daw talaga ang pinaka malalakas. Silently hurting but loudly fighting.

Forgiving and forgetting is hard lalo na sa mga taong nagiging sakit pa rin kahit sobrang tagal na panahon na. Kaso alam mo yun, yung mga anak kasi natin have the purest soul and love. Sabi nga nila, wala daw alam yung bata kaya wag daw idamay. Pero sana ganon kadali diba, kasi it will still affect us.

I suggest to have a heart to heart talk with your son. Ask him, what made him do this, what made him feel that way. If you can, share mo rin sa kanya in a nice way what happened so he can also have a background of what you feel.

You've raised him well, he wouldn't be who he is right now if its wasn't because of you. Sa ngayon kasi it is his part of identity na kailangan nyang kilalanin. You will get through this. Pray na iguide ka ni God in what to do.
 
Last edited:

Kung sana ganun lang kabilis magpatawad. Pero hindi ko talaga kaya sa tuwing naaalala ko yung ginawa nila sa akin. Isang nagpalalim ng galit ko ay yung di pa ako nanganganak eh nalaman kong ipinagkasundo syang ipakasal sa iba dahil sa pera. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong eksena. Eventually naghiwalay rin naman cla. Then nagkaroon ulit sya ng bagong kinakasama. Tbh, sinubukan kong ipalaglag noon nasa sinapupunan ko then narealize ko na hindi rin ako patatahimikin ng konsensya ko habang buhay kapag tinuloy ko. Magulo ang isip ko nun kaya di nyo rin ako masisisi kung bakit pumasok sa isip ko yung ganung bagay. Ilang buwan rin akong dumanas ng postpartum depression. Kakapanganak ko nga eh tinititigan ko lang yung anak ko. Ayaw kong hawakan. Lagi kong tanong sa isip ko, "kaya ko bang buhayin tong batang to?" Ilang beses pumasok sa isip ko na magpakamatay na lang total kahihiyan ako sa pamilya. Pero sa tulong ng mga kaibigan at pamilya ko, unti unti kong natanggap ang sitwasyon ko. Pero hanggang ngayon meron pa rin akong emotional distress. Kaya wag sanang iinvalidate kapag ako ay nakakaranas ng anxiety..

Ilang beses ko naman inexplain sa kanya na may iba ng pamilya ang papa nya. Na iniwan nya ako nung pinagbubuntis ko pa lang sya. Pero hindi talaga maiiwasan na alamin nya ang tungkol sa papa nya. Isa sa hindi ko makakalimutan na tinanong nya sa akin when he was 9 eh ung "Ma may papa ba ako? Nasan siya?" Sinagot ko sya straight to the point "Wala. Wag ka nang nagtatanong about sa papa mo dahil wala". Sumagot ulit sya. "Paano ka nabuntis?" I get shocked. Speechless ako sa narinig ko. Imagine sa ganung edad tinanong nya ako ng ganun..isang malalim na buntong hininga na lang talaga ang naging response ko.

Siguro nga di ko na sya mapipigilan. May isip na sya. It's up to him kung gusto nya kilalanin ang papa nya. Basta ako wala sa bokabularyo ko makipag-ayos kahit pa para sa kapakanan ng anak ko.

Sorry kung halos lahat ikwento ko na. Nakakagaan kapag unti unting binibitiwan yung mga bagay na matagal ng nagpapabigat sa puso mo..
 
Magulo ang isip ko nun kaya di nyo rin ako masisisi kung bakit pumasok sa isip ko yung ganung bagay. Ilang buwan rin akong dumanas ng postpartum depression. Kakapanganak ko nga eh tinititigan ko lang yung anak ko. Ayaw kong hawakan. Lagi kong tanong sa isip ko, "kaya ko bang buhayin tong batang to?" Ilang beses pumasok sa isip ko na magpakamatay na lang total kahihiyan ako sa pamilya. Pero sa tulong ng mga kaibigan at pamilya ko, unti unti kong natanggap ang sitwasyon ko. Pero hanggang ngayon meron pa rin akong emotional distress. Kaya wag sanang iinvalidate kapag ako ay nakakaranas ng anxiety..
I understand how painful and hard this is. Sobrang naiintindihan ko 'to kasi ganon din ako. Hindi ko rin mahawakan or matignan anak ko that time kasi galit ako sa tatay nya. Seeing him makes me remember everything. Tawag nga saken nun nuon ate eh. Family surname kasi pinagamit sa kanya. Ang kilala nyang magulang is parents ko. Ang mahalaga nakabawi na tayo sa kanila. And naparamdam na sa kanila na mahal natin sila. Bumagsak din katawan ko nun sa sobrang depress ko.

But look where we are right now šŸ˜Š we were able to make it out of that situation. I know you've worked hard for this. Kaso kahit anong gawin na natin, may sarili na silang utak. Ayaw naman natin higpitan, kasi baka san pa mapunta. They will soon understand what we feel. They may be too young to understand everything right now, but they will get there.

You don't have to force yourself forgiving someone if it means hurting yourself more. Hindi din talaga maiintindihan ng ibang tao yung hirap at sakit, unless they, themselves experience it. Basta anjan ka para sa anak mo, yun na yung mahalaga dun.

Sorry kung halos lahat ikwento ko na. Nakakagaan kapag unti unting binibitiwan yung mga bagay na matagal ng nagpapabigat sa puso mo..
Yeah, I understand sis and totoo naman. Kailangan mo ilabas lahat para mabawasan yung bigat na dinadala mo.

Virtual hug sis! It will get better din :-x
 
Hello.

Everything you're feeling now is valid. But the thing is, it's just between you and your child's father. Labas na doon yung anak nyong dalawa. You know yourself na darating at darating talaga yung point na 'to sa buhay nyo. Marahil hindi mo lang matanggap na kahit na ginawa/ginagawa mo naman ang lahat-lahat ng makakaya mo bilang nanay niya after all these years, pakiramdam mo hindi pa din sapat dahil sa nangyayayari. Pero ganun talaga. Kahit na anak mo siya, never mo naman ma-ccontrol yung takbo ng isip niya o yung mga bagay na iniisip niya. Tsaka sorry in advance na din kasi hindi naman porket galit ka sa tatay ng anak mo eh dapat pati yung anak mo ganun na din ang nararamdaman towards sa tatay niya. I know it's hard for you to do na hayaan yung anak mo dahil sa experiences mo in the past, pero yun yung mas maganda mo na lang gawin. Hayaan mo na siya na mismo yung makakilala sa kung anong klaseng tao/ama yung tatay niya. At habang nasa phase siya ng buhay niya na ganyan, continue lang sa pagiging isang mabuting ina (which I know you are) sa kanya.
 
Same thought with what the other members mentioned: what you feel is valid. I pray you'll get through this chapter, as you've been strong for the last 13 years.

This made me realize that being a single mom is a tough job, not only financially but mostly emotionally. I often told myself that I would be okay having a child without the need or presence of a father. (an eye-opener that this is not easy.)

But, in the end, I would say that I will choose the happiness of my child more than mine. Something I wouldn't regret doing.

Salute sa inyo!
 
Back
Top Bottom