Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naguguluhan na ako.

Pre may girlfriend ka ba?

A... eh? Teka lang. Ano connection ng girlfriend sa sitwasyon niya? Ganun ba iyon? We need girlfriend or boyfriend para to make our lives better at keyso nasa straight path na or whatever? Bakit masyado kayo dependent sa boyfriend or girlfriend? Wala lang. Nagtataka lang.
 
Last edited:
Ang mapapayo ko lang humanap ka ng mga kaibigan palawakin mo yung pagiging friendly mo pero pumili ka ng mga matitinong kaibigan hindi yung mapapasama kapa kasi ako dati parang ganyan ako pero ako nililibang ko sarili ko kapag naramdaman ko yan like drawing gawa gawa ng kung ano minsan ng nagiging electrician ako eh tapos ayung onti onting nag labasan yung mga talent ko nasabi ko nalang sa sarili ko na ay kaya ko pala to kaya hanggang ngayon kung ano yung mapagtripan ko na gawin gagawin ko hinahayaan ko yung sarili kong lumawak hindi ko kinukulong sarili ko sa kalungkutan o sa iisang bagay lang . Pero humanap ka ng kaibigan talaga kasi minsan sa kanila natin natututunan yung mga bagay na di natin matutunan sa sarili natin .
 
Pre may girlfriend ka ba?

meron, live in kami legal sa magulang wala pang planong mag anak.

- - - Updated - - -

Ang mapapayo ko lang humanap ka ng mga kaibigan palawakin mo yung pagiging friendly mo pero pumili ka ng mga matitinong kaibigan hindi yung mapapasama kapa kasi ako dati parang ganyan ako pero ako nililibang ko sarili ko kapag naramdaman ko yan like drawing gawa gawa ng kung ano minsan ng nagiging electrician ako eh tapos ayung onti onting nag labasan yung mga talent ko nasabi ko nalang sa sarili ko na ay kaya ko pala to kaya hanggang ngayon kung ano yung mapagtripan ko na gawin gagawin ko hinahayaan ko yung sarili kong lumawak hindi ko kinukulong sarili ko sa kalungkutan o sa iisang bagay lang . Pero humanap ka ng kaibigan talaga kasi minsan sa kanila natin natututunan yung mga bagay na di natin matutunan sa sarili natin .

Salamat sa tip, magandang tip sana magandang subukan kaso yun na nga, walang oras para sa ilang bagay kasi nakatuon lahat sa work, 6x a week 5am gising 9pm nakakauwi, pag day off naman halos laba lang at xmpre bawi sa tulog. paulit ulit na araw lang
 
Hello. Actually, hindi ka lang "naguguluhan". 😊 I won't say, i feel you, kasi iba iba naman tayo. Pero ganyan din ako, I feel so empty na parang gusto ko na lang i-restart yung buhay ko. Pero I keep on going, na hindi ko alam kung saan papunta, kung meron mang pupuntahan. Anyways, di ko sinasabi to para mas ma-baon ka dyan sa nararamdaman mo.
Open up. Sa best friend mo, sa nanay mo, tatay mo or kapatid mo. Open up ka sa mga hindi ka kilala personally, that way, walang judgment.
Pray lang tayo. Makakarating din tayo sa "peace and happiness" na hinahanap natin.😊
Pasok lang ng pasok sa work kahit wala ng gana. Para sa ekonomiya.😂
💪💪💪
 
A... eh? Teka lang. Ano connection ng girlfriend sa sitwasyon niya? Ganun ba iyon? We need girlfriend or boyfriend para to make our lives better at keyso nasa straight path na or whatever? Bakit masyado kayo dependent sa boyfriend or girlfriend? Wala lang. Nagtataka lang.

tinatanong ko lang para malaman kung may iba syang pinag kakaabalahan.

- - - Updated - - -

Salamat sa tip, magandang tip sana magandang subukan kaso yun na nga, walang oras para sa ilang bagay kasi nakatuon lahat sa work, 6x a week 5am gising 9pm nakakauwi, pag day off naman halos laba lang at xmpre bawi sa tulog. paulit ulit na araw lang

kelangan mo magkaron ng purpose pre. or something na makukuha attention mo.
 
Lumapit ka sa Diyos.
Gawin mo yung mga bagay na makabuluhan, halimbawa na ang mga reach out programs, volunteer sa PAWS, etc.
 
akala ko ako lang nag iisa sa nararamdaman ko marami pala tayo halos parehas tayo nang lifestyle meron nga ako asaw at dalawang anak pero sa totoo lang deep inside tinatanong ko sa sarili ko ano vha kabuluhan nang buhay dito sa mundo...
 
Lumapit ka sa Diyos.
Gawin mo yung mga bagay na makabuluhan, halimbawa na ang mga reach out programs, volunteer sa PAWS, etc.

Gustuhin ko man pero kulang ang oras, kasi 6x a week ang pasok na halos 12hrs a day, yung day off ko eh kailangan ko pang maglaba at syempre pahinga.
 
Gustuhin ko man pero kulang ang oras, kasi 6x a week ang pasok na halos 12hrs a day, yung day off ko eh kailangan ko pang maglaba at syempre pahinga.

nasa sayo naman kung gusto mo talaga na magbago bro .. hindi natutulog si God. even 10-15 mins lang para makipagusap kay God. kahit ano pa ginagawa mo nasabi mo nagalalaba ka or nasa work ka.. pwede mo pa din kausapin si God.
 
OP, kamusta ka na ngayon?

Sa panahon ngayon, maraming katulad mo. At isa na ako doon, People tend to lose interest in things. Mapagod, yung tipong kagigising mo pa lang, pagod kana.
Try mong kumilala ng ibang tao, mag-open ng nararamdaman. Sometimes, I talk to random people, telling whats my problem. Try different things, Try mong gawin yung mga hindi mo ginagawa dati.
Opo, malaking harang ang pera sa ating pamumuhay dahil sa kaunti o minsan hindi pa sumasapat ang kita natin. Pero ang ginawa ko jan is nag-ipon ako, paunti unti nagtatabi ako, nagtitiis minsan tinitipid ang sarili, at nung makaipon nag-avail ako ng passive income.
Kaunting tiis pa po, paunti unti, try mo yung mga pinayo sayo ng iba dahil lahat naman po ng sinabi nila ay makakatulong talaga sa inyo.
 
ganyan talaga ng buhay ng tao. di ka mabubuhay kung di ka kikilos. unless kung mayaman ka na ng pinanganak. kaya minsan maiisip mo, unfair talaga ang buhay natin dito sa mundo. pero ganon talaga. depression yan at anxiety disorder.
 
OP, kamusta ka na ngayon?

Sa panahon ngayon, maraming katulad mo. At isa na ako doon, People tend to lose interest in things. Mapagod, yung tipong kagigising mo pa lang, pagod kana.
Try mong kumilala ng ibang tao, mag-open ng nararamdaman. Sometimes, I talk to random people, telling whats my problem. Try different things, Try mong gawin yung mga hindi mo ginagawa dati.
Opo, malaking harang ang pera sa ating pamumuhay dahil sa kaunti o minsan hindi pa sumasapat ang kita natin. Pero ang ginawa ko jan is nag-ipon ako, paunti unti nagtatabi ako, nagtitiis minsan tinitipid ang sarili, at nung makaipon nag-avail ako ng passive income.
Kaunting tiis pa po, paunti unti, try mo yung mga pinayo sayo ng iba dahil lahat naman po ng sinabi nila ay makakatulong talaga sa inyo.
 
Last edited by a moderator:
Kumusta na, ka-Mobi.
Magulo pa rin ba?
Kailan ka ba nag post nito? Ilan na yung mga nagpa abot ng opinion sa iyo?
Ilan na yung ginawan mo ng pagkilos? or binasa mo lang lahat ang payo naming tapos wala ka ng ginawa?

Sayang naman kung walang nangyari.
Hindi lang kami basta nag comment ditto. malaking bagay na rin sa amin na balitaan mo kami na "hey, guyz, may nasimulan na ako at may unti unti ng changes na nagyayari sa akin.

Yun sa mobilarian, di ba?
 
SO far ganun pa rin, tulad ng sinabi ko, busy sa pang araw araw, ubos ang oras sa byahe at trabaho, d makagala kasi saktong pera lang ang sahod, sa tingin ko magsisimula ako kapag nakalipat na ako ng bahay na malapit sa work ko, para kahit papano magkaroon ako ng oras na maglibang.
 
ok yan.gawin mong goal na makalipat ka.
dyan magsisimula yan, ginagawan mo ng direksyon ang buhay mo.
ikaw rin yung makadama ng pagbabago. kami dito, handa lang namang makinig at magpayo.
:)
 
Update lang po, sa ngayon nawiwili ako magbasa ng libro, Rich dad poor dad by Robert kiyosaki, saka Mindset ni Carol dwell, kahit papano naliwan din ako.
Tingin ko mas productive ang araw ko kahit same routine ginagawa ko 3-5 pages na basa ng ebook lang naiba.

Target ko ngayon eh mag aral mag code. . simula nung nabasa ko yung book na Mindset parang nagiba pananaw ko kaya pala talaga.
 
Hi!

hmm, try mo din to :)
Direct download na yan hehe, hinanap ko para matulungan ka.
https://www.pdfdrive.com/download.pdf?id=169821583&h=01f7ab8938f17b181bf968794861e05d&u=cache

When I was in college, ito yung binabasa ko.
Life is frustrating, imagining things you incapable to do that. But good news, as long as you imagine,
You have the power to do that :)

Keep fighting sir! Make your life be more meaningful hehe.

PS.
If you wanted to learn code, just post another thread so that the community helps you :)
Fight Fight Fight!
 
Last edited:
Back
Top Bottom