I'm from Tarlac, my first job as a developer was way back 2009 sa Clarkfield, Pampanga. Nag-start yung salary ko nun is 12k ata and MS Access developer ang role ko. VB6 user talaga ako nuon but since it's my first job, pinatos ko na for experience. After 1.5 years, nakapagwork ako sa Makati, pero 15k lang ang nahingi kong sahod duing innterview. Akala ko, malaki na yun pero nung pagdating ko sa Makati, nahirapan akong pagkasyahin ang sahod ko. MS Access/VBA developer din ang role ko, pero andami kong natutunan. Nung ma-regular ako, humingi ako ng increase, kaso di ako pinagbigyan. Nag-decide na lang akong mag-resign and since open pa yung dating role ko sa Clarkfield, binalikan ko na lang, pero tinaasan naman ang sahod ko to 15k. Parang step-back ang ginawa ko, pero ok na rin kasi malapit lang sa amin.
After 4 years, kinontak ako ng former colleague ko sa Makati and he said that he has an HR friend from BGC na naghahanap ng kapareho ng skillset ko. Luckily, na-hire ako, btw, di ako degree holder, 2 years vocational lang po. Humingi ako ng sahod nun 40k at binigay naman, kaso pinagalitan ako ng friend ko nung nalaman nya, dapat daw 50k+ ang hiningi ko kasi madalang lang ang skillset ko. Pero para sa akin, ok na yun kasi from 18k to 40k na agad at corporate company pa ang napasukan ko, hehe, downside is nigh shift ang schedule. Swerte naman, kasi within my first year, nagkaroon ako ng two successful project at nagkaroon ako ng award, tapos, anlaki agad ng salary increase ko, 10k+ ang dumagdag. Ang saya ko noon, kasi dalawang beses ako na-promote within 4.5 years na andun ako. Starting from Reports and System Developer to Sr. MIS Analyst to Team Lead, tapos umabot na rin sa 70k+ sahod ko.
During my role as TL, medyo na-stress ako, humahawak ako ng tao, nag-mementor, tapos, nag-de-dev pa rin ako.
Fortunately, nakahanap ako ng work sa Clarkfield Pampanga, German-owned company, medyo mababa ng konti ang sahod pero parang ok na rin if compared sa BGC pag inalis yung transpo and bedspace rent. The best thing is nakakauwi nako everyday, as of this moment, naka-3 years nako and 70k+ na sahod ko as VBA Developer.
In the future, balak kong mag-shift na sa Data Analytics, since na-experience ko yun nung nasa BGC ako. Nag-aaral ako ng Python ngayon and statistics.