Hmm... later nalang muna ako magko-comment sa price...
4GB Dual Channel DDR3 @ 1333MHz, ayan ang specification ng memory ng iinstall sa lappy ninyo. Dual channel - configuration un ng memory using 2 identical memory modules (RAM) to achieve twice the data throughput (performance) between the memory and the memory controller. In simpler term, pampabilis ng memory access ang config na ito
2 DIMM - siguro 2 pcs na identical 2GB DDR3 Memory (RAM) ang iinstall para maging dual channel. DIMM stands for Dual Inline Memory Module... [correct me if I'm wrong] SO-DIMM ang tawag sa memory ng laptop.
DDR3 - Double Data Rate ver. 3 double-pump transfer rate po iyan, faster than its predecessor (DDR2) and at a lower voltage (JEDEC standard, 1.5V).
Kahit 4GB ayos na po iyan... pero kung multi-tasked person ka, para matake-advantage ang multiple cores ng i7, mataas pa na memory ang kakailanganin. Pero ayos na ang 4GB para sa OS mo and programs na gagamitin mo.
8GB DDR3 2DIMMS (dalawang 4GB na DDR3 ito malamang)
Ang concern ko lang pag CAD, mas mainam kung maganda ang graphics ninyo since meron itong 3D rendering. Uber na nga specs ng laptop niyo kung CAD. Anong softwares po yung iba?
320GB Hard Drive vs. 256GB SSD ano ang advantage and disadvantage over the other?
320GB Hard Drive: Mas malaki ang capacity. Pero mas subjected sa wear and tear compared sa SSD due to its mechanical parts (i.e. ung rotating disk sa loob nun tapos ung spindle). And slower rin compared sa SSD due to its limitation (mechanical vs. electrical, mas mabilis ang SSD kasi wala ng mechanical parts, wala ng bottleneck sa accessing).
256GB SSD: Mas mabilis kasi wala ng mechanical parts. Similar sa flashdisk na ginagamit pero mas mabilis siyempre run kasi SATA ang transmission. Mas mahal nga lang and di pa kaaya-aya ang capacity-cost trend niya (habang lumalaki ung size, masyadong mahal).
SATA 3Gbps, SATA 2.0 iyan... parang ok na ung 320GB jan... pag SATA 3.0 na (6Gbps), mas mainam na SSD ang gagamitin.