Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem 101 Tula Para Kay PIDA

Tula #1: Ayaw Na Ba

Ang sarap imulat ng mga mata,
Yariin mga plano ng kahapon.
Akapin ang bagong umaga.
Wakasan ang dusa, bumangon.

Narito na ba sa kasukdulan?
Aabang ba hanggang tapos?
Banayad ang kumpas, marahan
Ang panahon hindi pa kapos.


- - - Updated - - -

Tula #2: Miss Kita

Matatapos ko pa ba
Inihandang mga tula
Sa'yo gusto kong ialay
Sulat ko'y lalagyang kulay

Kelan muling makikita
Iniisip ka gabi at umaga
Tutula na lang muna
Aabangan kita sinta


- - - Updated - - -

Tula #3: Tanga Ako

Talino ba ang basehan
Ang puso ko'y nagmamahal
Naisip ba't nasaksihan
Ginugol ko'y agad tinanggal

Ang pag-ibig 'di ba sapat
Anong kelangang patunayan
Kung suriin puso'y tapat
Orbita'y sayo nakalaan

 
Last edited:
Tula # 4: Ang Memorya

Abot-tanaw ang liwanag ng silangan
Nakalimutan ang pait ng nagdaan
Ganda nitong mundo muling babalikan
Memoryang babaunin ang nakaraan
Elemento ng saya matutuklasan

Marahil sa isip mo'y kinalimutan
O di kaya nama'y sadyang hinayaan
Rigodon ng buhay may patutunguhan
Yamot ng isip 'di na pagsisilbihan
Ang memoryang limot ayaw nang balikan
 
Last edited:
Tula # 5: Hiling Ko

Hindi nagsulat upang maging makata
Isipan ko ngayo'y sadya lang tulala
Lahat ng nakita, nagkaro'n halaga
Indayog ng buhay kay bilis tumugma

Ngunit sa kabila nitong nadarama
Gusto ko lang ipaalam at ipakita
Kung meron mang hiling sa'yo aking sinta
O! bigyan mo sana ako ng pag-unawa
 
Last edited:
Tula #6: Bababa Ba

Bilog na muli ang hugis ng buwan
Ang buong paligid ay tahimik
Bawat bayan dalisay ang daan
Ang tanging 'dinig ay aking hibik

Bababa ba upang ika'y tignan
Ako'y dumayo dahil sa sabik
Batid ko'y may pinagdaraanan
Aking pagsuyo bigyan mong imik
 
Last edited:
Tula #7: Antipara

Aba'y tandang-tanda ko pa ang hugis ng mukha
Napakagandang diyosa ang tawag nga ng madla
Totoo bang ang tungkol sa'tin ay limot mo na
Iisipin ko pa ring ika'y hindi lang handa

Pilit nililimot masigla mong mga mata
Ang isakatuparan ay hirap kong magawa
Ramdam mo pa ba una tayong magkakilala
Antipara mo'y isuot nang ako'y makita
 
Last edited:
Poem #8: MyDosage

edications, I said I won't need
our smiles and music can do the trick
irections you gave me I took heed
nly your dose my love makes me sleek
ipping every drop leads to succeed
way from hardships that whipped me weak
reat is your care everything I need
ndured the pain, I'm no longer sick
 
Back
Top Bottom