Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

8 years sa kolehiyo

ts wag kang mag sawa ganyan din ako nung 6th and 7th year ko sa collage ttrabaho na mga ka batch ko ako aaral pa din pero tinuloy ko lng gang maka graduate annd makapasa sa board
ngaun ok na ko ndi ako nagsisisi sa mga nangyari saken dahil dun natuto ko and naging mas matatag heheh
tuloy lng ts kaya yan heheheh
nagpapaaral seo ndi sumusuko bat ikaw susuko ehh mag aaral ka lng sila magttrabaho para seo kaya kung may dapat una sumuko is sila un ndi ikaw
 
wag mong isipin un TS, lahat naman tayo nagkakamali, atleast ngayon alam mo na kung anong mali mo at ang dapat gawin, pagpatuloy mo lang yang studies mo. Tandaan mo, sa umpisa talaga ay mahirap pero for sure naman dadating ka din sa ginhawa at wag mong kalimutang magpray at humingi ng lakas sa Diyos :)
 
10 years din ako bago naka tapos ng pag aaral, kaya ng mga magulang kong paaralin ako. ako lang talaga ang umayaw simula nang nag boom yong buy and sell ko na mga gadget, sa gusto ng magulang ko na pag aralin ako ay binigyan pa rin nila ako ng pang tuition at allowance ang ginawa ko ay bina bayad ko naman sa school pero di rin ako pumapasok, gala,bar,barkada at kahit anong trip lang ang pinagagawa ko. hanggang sa umabot na sinabi ko na talaga sa parents ko na ayaw ko ng mag aral. 2 years bago pumasok sa isip ko ang mag aral ulit. but this time sa ibang lugar ako nag aral para new start at malayo sa barkada. nag tratrabaho na ako ngayon bilang I.T Technician sa mining company.
 
okay lang yan ts. 8 years palang naman eh
yung iba nga MAGNA-nine years na sa college pero sige parin.
lalo na yung mga SUMAmpung taon! hahaha

kahit ako, hindi rin ako nakatapos ng BS degree
mas maloko ako sayo kung tutuusin
3x akong dropout ng HS
at 3rd year lang naabot ko ng college dahil sa katamaran pumasok

thank God nalang dahil nakatapos naman ako ng 2 years at may diploma ako
additional nalang yung mga certificate of winnings ko sa ibat ibang patimpalak

oo, nagsisisi din ako sa mga pinag gagawa ko dahil kung nagaral lang sana ako ng maayos, engineer na din sana ako

buti nalang may trabaho na din ako ngayun.

kaya mo yan TS,
mag pursigi ka lang

at kung saan ka magaling,
dun mo hanapin ang iyong ikabubuhay
 
nakakarelate ako dito , dati puro kalokohan din ginawa ko gala , bar , barkada , bisyo ,,,,, halos dalawang taon sinayang ko sa kolehiyo , pero ngayon sobrang nagsisi ako sa ginawa ko non , lahat ng ka batch ko graduate na .. pati mga pinsan ko nahihiya din ako sa mga umaasa sakin pati sa mga nagpapaaral sakin . kaya ngayon sobrang nagsisikap na ko na makapasa 4th year na ko this coming semester... doble sipag gagawin ko ngayon .para sa sarili ko at para sa mga nagtitiwala saken ..information technology ako ..pero balak ko mag pulis pagkatapos ko pwede naman daw kahit hindi criminology yung course ..:):):):):):):):):):):):):):):):):):):):)
 
hindi naman paunahan yan ts e, tyaka hindi pa huli ang lahat bata kapa pag igihin mo nalang para makatapos kana
 
Ang pag-aaral ay walang pinipiling edad!! As long na gusto mo magtapos ay makakapagtapos talaga.. Tyaga lang and hardwork at makukuha mo din ang inaasam asam mo na DIPLOMA :):);)
 
hala! parang ganito na nga nangyari sakin ngayon. 4 years ago ko sinulat itong thread na ito. i update ko lang po. salamat sa mga naging comments nyo. gusto ko lang pong sabihin sa inyo na isa na po akong ganap na pulis. pagka graduate ko po nag board ako after 5 months. nakapasa. nag apply as security guard sa puregold hirap tayo ka sa entrance 11 hours. nag open ang recruitment ng pulis noong june 2018 tiniis ko hirap ng pag a apply nalusutan ko lahat ng screening from physical agility test, neuro, medical at final interview. nagtake oath ako bilang isang pulis noong october 1, 2018. ibiniyahe nila kami sa training center at nag stay kami dun ng 6 months walang uwian. sa loob puro hirap, konting pagkakamali bugbog o palo ang katapat, physical excercise at jogging pag gising. minsan isang oras lang tulog minsan wala pa pero kelangan parin mag jogging at mase mase. yun ang routine araw araw. gigising ng 3 or 4 am maglilinis magjojogging at exercise hanggang 6. bibigyan ng 10 minutes para tumae o maligo ng isang tabo. pag na late palo. kakain ng kaning aso. 50pesos per meal, bawas sa sweldo. pagkatapos kumain academic naman. 11 am mag exercise hanggang tulo pawis bago kumain. pagkatapos kumain, team building. 6 exercise ulit hanggang pawis bago kumain. pagkatapos kumain mag dedevotion, pagkatapos devotion exercise ulit hanggang hating gabi tapos patutulugin. pag minalas o trip kaming malasin gigisingin ka nila after 30 minutes tapos exercise ka hanggang 4 am. pagkatapos exercise back to same routine ulit linis exercise lecture exercise. 6 months ganun walang uwi naka graduate. lumakas naman ako. nasanay sa puyat kahit 1 hour lang tulog parang balewala. di gaya nung sibilyan pa ako na kahit 5 hrs tulog ay napanghihina katawan. lahat ng ginawa nila sa amin sa training center may purpose. tinaggal nila pride namin. bawal magrason kahit may ikakatwiran ka. 6 months ulit sa labas, kalbo parin kami. pinunta kami sa abra. dun kami nag field training program walang uwian pero pinahintulutan na mag celphone. pag may pagkakamali kokolektahin cellphone at masemasehin ng exercise. natapos ko training, na assign ako sa rmfb unit. kami yung nagpapatrolya sa mga bundok. kalaban ang npa. minsan kami ang tinatawag sa stasyon kapag kulang ang tao. pag mag aaresto. minsan checkpoint lalo na ngayon na covid. february last uwi ko. april na ngayon di pa ako uwi. 26 ako noong nakuha ako bilang pulis. october 9 ang birthday ko. october 1 kami nag take oath. 8 days bago ako mag mag 27 nakuha ako bilang pulis. medyo hinayang kasi na delay ako. pero iniisip ko na lang siguro may purpose. atleast sabi ko sa sarili ko. may mga nag graduate ng maaga pero di natupad gusto nila trabaho o di pa nagkakatrabaho. siempre guilty parin ako sa mga ginawa ko noon.
share lang po...

- - - Updated - - -

kayang kaya po nating lagpasan kong ano man bumabagabag satin. salamat po sa mga nagreply sa thread na ito. nabasa ko po lahat yan noon. nangiti lang ako, may ginawa pala akong thread na ganito 4 years ago šŸ˜¬.
 

Attachments

  • 4E2D1A2E-6DD1-4D81-B20E-012890F8BB59.png
    4E2D1A2E-6DD1-4D81-B20E-012890F8BB59.png
    1.1 MB · Views: 10
Back
Top Bottom