Bilang bagong may ari ng laptop, I suggest na basahin mo muna yung mga precautions at yung mga do's and don'ts na kasama ng box ng laptop mo (kung meron), yung user guide basahin mo na din para alam mo yung every corner ng laptop mo and functionalities. Kung walang kasamang user guide, punta ka lang sa website ng asus
http://www.asus.com.ph and search mo yung model number ng laptop mo para makita mo yung features, specs, at pwede mo din iregister yung laptop mo sa site nila para sa online support if ever kailanganin mo.
Regarding programs o apps na ilalagay mo, hindi mo na kelangan gawing "cool" o kakaiba sa iba yung lappy mo. Windows 10 already has its own good feature, kelangan mo lang iexplore.
Kung para naman sa performance, uninstall mo yung mga unnecessary programs, yung mga bloatwares na kasama ng asus sa laptops nila, iwan mo lang yung kapakipakinabang na programs para sayo. Wag ka pupunta sa mga site na maaring mag inject sa laptop mo ng malwares at virus. Later on malalaman mo din yung iba pang tweaks to make your machine work more smoothly. Pero for now, that's the basic.
Wag mong hayaan matapunan ng kahit anong liquid at may proper ventilation dapat. Gamit ka ng microfiber cloth para pampunas sa screen mo at wag ka gagamit ng alcohol o tubig. Kung may extra budget ka bili ka ng screen cleaning kit at read mo instructions how to use.
Well, there you have it. Kung may iba ka pang gusto malaman just post here in the community, maraming makakatulong sayo dito.