Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT

surewin

Symbianize Shadow
Advanced Member
Messages
1,661
Reaction score
0
Points
26
Daming Manloloko sa PLDT

Ganito po yan kaya ko nasabi, Smart Broadband User ako, P999 per month and this coming March 15, 2013 ay 2 years na kami gumagamit nito.

Never ako nadelay sa payment kahit na isang beses, then last year October 24, 2012 may lumapit sa misis ko na Taga PLDT Agent, ang sabi nila may promo daw sila, FREE PLDT Sim Card, Ayaw tanggapin ng misis ko ang simcard dahil baka daw pagdating ng panahon, meron siyang babayaran. So pinagpilitan nila na "libre lang po yan maam" don't worry po dahil wala po kayong babayaran na kahit na ano.

So wala ng nagawa ang misis ko kundi ang tanggapin at meron siyang pinirmahan sa pagreceived ng Sim Card. Sabi ng misis ko bakit nyo ba kailagan na bigyan ako ng sim card, ang sabi nila, dahil isa daw kami sa Good Payor ng SmartBro. Tapos wala pong kahit na ibang explanation ang binigay ng PLDT Agent. Hanggang sa.....

Last December 22, 2012, umuwi ako ng pilipinas, kinuwento ng misis ko na meron daw siya nareceived the PLDT Sim Card. Pinakita nya yon sa akin at hanggang ngayon naka seal pa. wala naman kasi kami paggagamitan kaya di nya binubuksan ang seal.

December 24, 2012, napakabagal ng net namin, tumawag ako sa hotline, sabi nila wala daw masagap, so wala kaming net nung araw na yun. next day, hindi nagawan ng paraan "Pasko" pa naman. dec. 26, wala parin kaming net, dec. 27 ayun inayos nila at may net na kami. Dec. 28, 29, 30 wala naman, hay naku ano bayan. Halos araw araw tinatawagan ko ang SmartBro Hotline. Lagi lang nilang sinasabi na naireport na raw nila.

Jan 1, 2 & 3 may net kami, heto na naman Jan 4, 2013 wla na naman, (araw ng pagbalik ko sa ibang bansa) no choise kundi ang bumalik ako dito. Pinatawagan ko sa misis ko ang hotline ng smart bro. Eto ang sabi ng nakasagot. "Maam hindi na po kayo under ng SmartBro" nagulat nalang ang misis ko. dahil pano mangyayari yun, every month ay nagbabayad kami sa inyo.

Sabi nya ng kausap nya, Maam under na po kayo ng "PLDT" nagmerge na po kasi. Yun pala start nung nagreceived ang misis ko ng simcard ay start narin na naging PLDT na yung line namin. Ang buwisit nito, malaki na daw ang utang namin dahil 3 months na kami di nagbabayad. "waaaaaaaaaaa" every month sa smart bro kami nagbabayad.

Kaya pala walang bill sa smartbro nadating dahil sa PLDT na pala kami naka linya. Buwisit na PLDT Agent- tinanong ng misis ko kung para saan ang PLDT Simcard na yan. ang sagot lang ay FREE lang po yan maam dahil good payor kayo. Yun pala pagreceived noon at doon na kami sa PLDT nakakonek.

Ang mabigat pa nito, ang dating P999 sa Smartbro na binabayaran namin, ngayon ay P1,290 sa PLDT. waaaaahhh. sa halip na bumaba ang bayarin namin dahil 2 years na, ay lalo pang tumaas.

Ngayon sabi namin, ayaw namin noon dahil ang mahal, di na daw pwede dahil kung papa cut daw po namin ay magbabayad daw kami ng 2years sa kanila. sira ulo pala talaga. edi panga namin nauumpisahan, magbabayad na agad. at saka kasalanan ba talaga ng misis ko ang ganung occasion, wala naman talagang sinabi ang agent na kahit ano.

Tapos ang sabi sa hotline ng smartbro, maam tumawag kayo sa hotline ng PLDT. Tinawagan ng misis ko. yun nga daw sa PLDT na kami since october 24, 2012 dahil daw sa simcard na nareceived namin. Ganun daw talaga ang sinasabi ng mga taga PLDT Agent kasi daw makakakuha daw sila ng commission kapag meron silang nakuhang tao tulad namin. Sinasabi lang nilang free at walang na kahit na anong babayaran.

Kaya ngayon, hanggang ngayon, di parin ayos ang bill namin, sabi namin, singilin nyo sa smartbro ang remaining na P3000 kasi 3 months kami nagbayad doon. kaya heto ngayon kami nagbabayad ng P1,290 per month. Tama ba na sabihin ko na manloloko ang mga taga PLDT. Sinabi ko sa misis ko na, iparating kamo sa pinakamataas nila na manloloko kamo sila. at di natakot ang misis ko, talagang sinabi nya yon. di na nakapagsalita ang manager ng taga pldt, ewan ko, bahala na sila kung sino man yung manager nilang yun.

Itong message ko pong ito ay di lang para sa akin, sana'y maging guide nyo na rin po. Huwag po tayo basta basta tatanggap ng kahit na ano sa mga Agent na nagbabahay-bahay.

Hayyyyyyyyyyy...... yan nalang ang nagawa ko kasi dito ako sa ibang bansa. walang magawa kung ang sumunod dahil, mawawalan kami ng connectiomn ng misis ko pagdi namin tinanggap ang offer nila.

O kayo meron din ba sa inyong naloko. share nyo naman baka meron pa silang ibang modus opirandi sa panloloko.
 
Last edited:
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

sakin naman ts.. yung panay DC (Disconnected) ng Connection.. 1 year din naming pinagtyagaan yun.. ok naman sya dati tapos nung year 2010 ayun nagloko na.. araw araw ang tawag namin sa PLDT.. araw araw din technician nila dito sa bahay.. kaso mga wala namang magawa.. Computer shop pa naman namin gamit yung DSL na yun.. ayun nalagas lahat ng Customer namin Dahil sa DC ng DC kada 5minutes DC.. 3500/month binabayaran namin tsaka year 2000 pa kaming may linya ng PLDT.. ni wala man lang incentive.. tapos nung papaputol na namin ayun nga magbabayad daw kami ng 3k pesos para sa disconnection fee.. ngayon di na namin binayaran PLDT.. dapat nga may refund pa kami kasi SOBRANG PERWISYO ginawa nila samin.. nakapanghihinayang din kasi sobrang tagal na namin sa PLDT.. kaso wala ehh sapat na yung 1 year na perwisyo nila samin.. share ko lang.. :thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

comshop kami 5.2k per month business plan basura drop connection lagi kaya DC mga gamers..walang silbi pati mga tech agent nila mga tanga kausap, report ko dsl connection problem dahil disconnected kami khit bayad, 3 beses pinabalik balik ang phone tech nila kundi ba nman nanggagago sila ng customer nila.

plano ko ngayun mag globe baka may konting himala, pldt wala pagasa dapat d2 ipasara na.
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

nabengga na rin c anygma ng pldt ehh.. hnd magandang service..
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

kami naman dati.. pinacut na ng tatay ko yung telephone line namin, mga 3 years din kami me telephone at sinoli na namin yung unit ng telephone sa pldt pero ang nangyari,, pinatatakbo pa nila ang bill ng telephone hanggang sa umabot ng 7k. at nagulat nlang kami dahil sa pinadalang sulat galing sa isang attorney. sabi ko sa tatay ko ay wag ng bayaran dahil hindi namn na namin nagamit yun, kaso yung tatay ko ay nerbyoso at takot sa mga kaso kaya napilitan na lamang syang hulug hulugan yung balance na 7k na kung iisipin ay hindi naman namin nagamit. :ranting:
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

How about reporting it to DTI or NTC TS? Its high time na matuto na ang mga pinoy na magreklamo para maprotektahan ang consumer rights natin!
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

magandang gawin dito sir ipa t3 yang mga hindot na yan im sure walang kawala yan sa tulfo brothers
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

liche talaga yang pldt na yan... hehe ano to pldt haters thread? :rofl:

lumagpas ng 2 years ung ang masasabi ko walang kwentang serbisyo... naka plan 1299 ako 2010 ako nagpaconnect.. net plus landline grabe .50 hanggang .60 mbps lang bilis ping naman 40 minsan 60... nalaman ko nalang 1mbps na dapat ung plan ko kasi nagupgrade na sila.. tinawag ko sakanila bat naiwan ung net ko ang sabi iuupgrade na daw nila ung bilis sa 1mb.. ngayon pat lagpas 2 taon ko tiniis yang madamot na internet niyo... naupgrade na ng 1mbps ok na pero pinaputol kona... 50k mahigit ung binuno kong bayarin sakanila..

ewan kolang ngayon kung may ginanda sa service nila.. by area siguro kaya naging stable naman nung gamit namin kaso mabagal pa rin sa binayaran namin kahit may landline pa dapat kahit 1.5 mbps hindi na sana ako magpopost dito..
 
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

kaya pldt eto ang para sayo! :hit:

2564450893.png


eto pa!

2564461640.png


:rofl:
 
Last edited:
Re: ◄◄◄ Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

bwisit talaga yang smart kahit hindi pa nabibili ng pldt, lalo pa bumagal nung sa pldt na. lugi kami sa binabayad. no choice kami dun sa puwesto ng piso net dahil sila lang ang abot kahit globo walang signal. kaya tsagaan na lang, tiis sa reklamo ng player. at kahit kakabayad mo lang, pag dating ng bill eh may balance ka pa, hindi updated ang billing kala tuloy nung pinuwestuhan namin eh hindi kami nagbabayad. may dumadating pa na notice na babayaran nga daw ung remaining days sa contract pag hindi kami nag bayad at pina cut na namin.kung hindi mabayaran eh madidimanda. eh updated naman bayad namin. eh ang tanong may nademanda naba? talas niyang sila. kaya hindi ako nagtataka kung bakit maraming gumagawa ng paraan para maka connect sa kanila ng libre. karma na nila yun bakit sila ninanakawan...
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

ayon sa nabasa ko , agent ang may kasalanan dito. sales talk shit
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

ano kayang magandang isp ngaun mga bossing kasi wi-tribe manloloko rin eh...
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

wala yatang matinong isp dito sa pinas
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

kaya dapat lang na nauso vpn at bug.maka bawi man lang sa mga magugulang na network.
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

kala ko mas malakas ang pldt sa globo..tsk tsk...
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

ano kayo ang pagandang gawin dito. malapit na naman ako umuwi. tapos ang connection speed na binibigay nila sa amin ay halos tulad lang ng dati sa smartbro. lugi lang ang inabot namin.
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

Sir/madame dati po akong regular employee sa PLDT,bago po ako nag-avail ng early retarment program last dec.2010 yan na po ang hinarap kong prob sa opisina.DSL tech po ako sa isang Exhange ng PLDT.Yung naging prob nu po ay naging prob din po ng Pasay exhange kung saan may smartbro subscriber,although di po ako taga Pasay exhange ay napagusapan po namin yan sa opisina namin kung paano namin ireresolba ang problemang yan,twing friday po kc ay may "brainstorming" kami sa opis regarding sa prob sa kumpanya.Ang naging bottomline po...sad to say ay sa mga agent po ng kumpamya na nangangako ng kung ano-ano makakuha lng cla ng kliyente,,wala pong alam ang kumpanya sa mga dialogue nila sa subscriber kaya po ang ginawa pong aksyon ng kumpanya ay tinanggal ang mga agent na nagmi-miss info sa subs.at kami pong mga regular employee ang naging pacifier o shock absorber ng prob.Regarding naman po sa connection ng DSL.ang kadalasang nagiging problema ang iyong mga contractor na nagkakabit ng DSL line,they are more after the quantity not the quality,yan po ang nagyayari sa exchange po namin,pag tumawag naman po kau sa customer service ( call center ) kung ano-ano rin ang sasabihin nila,ang madalas lng nilang sabihin ay iche-check nila ang system,at nangangako na papupuntahin nila ang technician asap.Ang naging experience ko po jan bilang DSL technician ay nangako ang customer service (call center) na magpapapunta ng tech sa araw na available ang subs which is Mon morning,naibigay po ang ticket sa exhange sa akin ay thursday na kaya pagpunta ko sa subs (foreigner) tinanong ko kung ano problema ng DSL line nya..ang sagot po..."f---y--!!, you ruin my business",kaya bilang regular employee po ng kumpanya ay kinalma ko po ang subs at pinangakong di ako aalis sa haws nya na di ayos ang net nya,,masakit man pong sabihin,,mula po nung nagpasok ng contractor at agent ang kumpanya ay nadagdagan ang problema namin..Ang contractor nagkakabit ng DSL lines after 2 weeks training,,kami pong regular di pwedeng magkabit ng DSL line pag di kumpleto ang mga pre-requisites tulad ng fundamentals of ip address etc..almost 2 mos. training lahat-lahat ng pre-requisites para qualified na DSL installer/technician.Kaya kung may prob ka sa DSL mo,message mo lng ako,baka sakaling magawan ng paraan.censya na bro sa serbisyo ng PLDT ngayon.:)
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

dapat talaga diyan isumbong sa ntc, dotc, imbestigador, t3... kasi mga manloloko lahat ng isp dito sa pinas kaya maraming pilpino gumagawa ng diskarte pra magkaroon ng internet

up natin to... :ranting::ranting:
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

@ronaldo29
Naalala ko yung time na pag ang isinagsagot sa akin ng call center ay "pasensya na".
Diyan na nagsisimula uminit ang ulo ko. paano kasi. sabi ko. pasensya kayo ng pasensya.
"e di naman nakakabayad ng bill ang pasenya nyo" lagi kaming walang connection at pero ang singil sa akin ay completo. so pano nyo sasabihing pasensya. minsan ang hirap magcontrol.
kasi naman buo naman ang binayad namin per month at isa pa nga never pa ako nadelay sa
payment pero, ang binibigay nila. kulang kulang. sino ba ang matutuwa. minsan talagang
kawawa rin yung nakakasagot ng call center sa akin. wala na rin sila maisagot kundi ang pasensya.

idol hindi ko alam kung ano ang gamit namin basta ang alam ko lang namin nakaconnect na kami sa PLDT. Paano ba malalaman kung anong anong linya ang may hawak sa amin.
si misis lang kasi ang nasa bahay at wala naman alam yun sa internet kundi ang makipagchat sa akin. the rest wala na.

ano nga kayang line yung sa amin. at bakit ganun, lumaki lang ang binayaran ko, edi naman nagbago connection namin. parang smartbro lang din ang takbo.
sabagay yung antena namin ay yung sa smart bro parin. wala naman silang pinapalitan kung
ang reference number at account number lang. super hina ng connection. palpak talaga.
Mahina na ang net, ang mahal pa.
 
Re: ◄◄◄ Advice Narin Sa Inyo : Daming Manloloko Sa PLDT ►►►

kabwisit naman ung ganung sitwasyon bossing..dapat pala isunumbong un sa NTC...para magawan ng aksyon...mali ung pagbibigay ng information nila...
 
Back
Top Bottom