Good Day mga ka-Symbianize
Marami akong napansin sa mga theads, nagtatanung kung anung magandang mid range phone pang gaming especially for MOBA(ML, AOV, VG etc.). Maari ko kayong tulungan dyan kasi gamer din ako at marami n akong nasubukang phones sa paghahanap ko ng ideal mid range phone. Bago ko ipost ung mga model explain ko lang ung ibig sabihin ng mid range phone sa mga di PA ALAM. Para sakin ang ibig sabihin ng mid range phone ay sulit phones, di kamahalan pero binibigay kung anong pinakakailangan mo. may sari-sariling especialty n umaangkop sa gagamit. for example kung mahilig ka sa selfie, pinakamagandang brand na kunin mo ay oppo or vivo, dahil sa cam quality nila na perfect for pictures. Para sa iba ito ay multipurpose budget phone. As for me ang ipopost ko ay mga gaming mid range phones na pasok sa budget ng karamihan.
1. Xiaomi Note Series(running in 3gb RAM), maganda ang review ng xiaomi pero di ko pa nasubukan actually. Sinuggest ko ang xiaomi dahil sa processor nito na snapdragon na kilala sa pagiging gaming processor nito. Sinamahan pa ng Adreno na gpu pero ipaalala ko lang na hindi lang processor at gpu ang pinagbabasihan sa isang gaming phone.
2. Asus Zenfone series(running in 3gb RAM), same as xiaomi, but tested ko na. Asus Zenfone 4 Max ang isa sa mga phones na gamit ko ngayon, advice ko lang basahin nyo review sa updates ng asus bago kayo magupgrade ng Firmware, dun ako nagkamali, kasi nabasa ko n ung reviews na bababa ang stability ng phone ko kapag nag upgrade ako to naugat pero di ako nakinig sa reviews at inupgrade ko padin sya, kaya un di n ako makapaglaro ng MOBA ng maayos(biglang bumabagsak ang ping ng ilang segundo kahit 4g signal at nakalowest graphics, take note naka performance ang battery mode ko)
3. Meizu MX and Pro series, by far the best mid range phone for gaming para sakin. Bumili ako ng MX5 na naka Mediatek helio X25 at POWER VR6200 gpu sa halagang 5200 sa lazada, nung una doubt ako kasi ang Mediatek ay hindi pang gaming base sa karanasan ko, halos lahat ng luma kong phone naka mediatek, Mobile Legend pa lang lag na, pero nung nakita ko ung gpu at pinanuod ko sa youtube anng review ay naisipan kong subukan, laking gulat ko ng tinest ko sa Mobile Legend, para akong nakaiphone sa bilis(may Iphone SE ako kuha ko sa globe pospaid plan kaya lang ang liit ng screen), tinest ko rin sa AOV at VG, no lag no ping drop, very nice. ang downside lang ng MX5 ay wla siyang sd card slot pero ok lang kasi sulit na sulit na ang specs niya para sa halagang 5200.
Lahat po ng mga phone series na pinost ko ay may available under 10k kaya pasok na pasok sa budget. Kung gusto nyo nmn ibang brand ok lang din, suggest ko narin mga processor n maganda pang gaming saka sakaling ibang brand gusto nyo:
1. Snapdragon 430 and up
2. Mediatek X Series
3. Mediatek P series(di lahat ng HD games kuha)
Di ko na sinama mamahaling processors(Kirin, Exynoss, Apple chip) kasing di na pang mid range phone yan
Top Ranking OS for me( for mid range phones only ) and Reasons:
1. Flyme OS(for Meizu phones), Flyme ang pinakaconvenient na OS para sakin in terms of gaming kasi una, nakahiwalay ang google apps. Ang ibig sabihin nito, wala siyang bloatware apps tulad ng google newsletter, google play music at iba pa. Nasa sa iyo n kung gusto mong iinstall. Para sakin ang mga bloatware apps ay di kailangan sa phone at dapat talaga tanggalin ito at gawing optional. Pangalawa ang Flyme OS ay pinakamadaling Iroot base sa karanasan ko, nasubukan ko nang magroot ng samsung, Acer at Asus at masasabi kong napakaselan ng OS nila. Kaunting mali mo lang softbricked ang phone mo samantalang sa Flyme, isang pindot mo lang root na at kung masoft brick man, minuto lang kayang kayang ireinstall ang OS sa Simpleng paraan. Pangatlo, may paraan para marestrict ang background data ng mga apps sa android, ngunit napakatagal kasi marami kang pipindutin bago ka makapagrestrict o maipagbawal kumonekt sa internet ang isang apps mo, bukod sa apple na may simpleng paraan para duon, mayroon narin ang Flyme at mas simple pa sa IOS.
2. MIUI OS(for Xiaomi), Ang MIUI ay para ding Flyme na mas pinagaan at functional ayon sa mga reviews, lamang siya sa Flyme sa dami ng features. Ang hindi ko lang gusto sa MIUI ay ang pagkakaroon ng built in Google bloatware Apps, wala narin siyang pinagkaiba sa mga common phones na may bloatware apps.
Maikling Explenasyon para sa bloatware Apps: ang bloatware apps ay mga apps na pre installed na sa software, hindi pwedeng burahin ngunit pwedeng idisable. Kahit pa idisable sila, parte parin sila ng OS, at dahil dito lumiliit ang RAM, Isang Halimbawa, Ang isang Phone na may 3gb RAM at May OS na 2gb na laki ay katumbas ng isang Phone na may 2gb RAM at may OS na 1gb ang laki. At isa sa dahilan kung bakit lumalaki ang OS ay dahil sa bloatware apps.