Choice:
Well para sa akin mas mahirap ang c++, mas marami siyang dapat pag aralan eh, samantalang sa java karamihan ng dapat ginagawa sa c++ eh naka automatic na. Mapapansin mo rin na may kapareho sila in time, kaya gamit gamitin mo lang
Java kasi ang gamit namin madalas, eto na yung isa sa mga new generation ng mga programming languages, kasama ang C# (pang windows apps) at Ruby (pang gawa ng games)
. Java rin kasi yung isa sa mga pinakaportable na language, meaning kahit anong OS pa yan basta may java mapapatakbo yan
Difference:
Sa difference maeencounter mo naman sila pag nagtagal eh, pero yung isa sa mga main difference eh yung sabi ko kanina, may automatic processes sa Java. Isang halimbawa yung 'garbage collection' na tinatawag, yan yung paglinis ng memory na ginamit nung program mo na hindi na ginagamit or tapos nang gamitin. Sa C at C++ kasi mano mano na tinatanggalan ng laman yun, madalas nakakalimutan ng mga programmer na tanggalin yun, so naiipon, yun na ang nagiging dahilan ng pagbagal o pagcrash nung program. Sa Java eh hindi na prinoproblema yan
Kung mapapansin mo mas safe ang Java kesa c++, kaya yun ang rinerecommend para sa mga beginner programmers