Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang hirap kapag ang tatay mo alcoholic

Status
Not open for further replies.

CluelessGamer

The Saint
Advanced Member
Messages
943
Reaction score
10
Points
28
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Ang hirap kapag ang tatay mo alcoholic, simula kaninang umaga nakikipag inuman na dito sa bahay alas singko ng hapon gusto na mag uwian ng mga kainuman nya pero nagpabili pa rin sya ng alak, kamag anak kasi ng nanay ko yung kainuman nya malayo pa uuwian nun mula ditto samin, alas siete ng gabi ngayon umuwi si mama inaawat sya sa inuman na pauwiin na yung mga kainuman kasi malayo pa uuwian. Matagal na patukaan ang nangyari timawa kasi sa alak ehh, uuwi kasi kapatid ko na nagtatrabaho sa maynila. Siya ang susundo dun sa terminal ng bus eh sabog sya sa alak ngayon gusto nya sunduin, tumawag si mama sa kapatid ko kung ano ba ang plano kung magpapasundo ba oh magtatricyle nalang, narinig ng kapatid ko yung boses ng tatay ko sa cellphone na lasing. Lasingero talaga to araw araw kung uminum wala namang trabaho, ngayon nung sinabi ni mama magtatricyle nalang daw nagalit. Kung ano ano ang pinagsasabi ginagawa raw naming syang tanga. Nagwawala, gigil na gigil. Makikita mo na nanlilisik ang mata sa galit. Nagbasag ng baso. Nung napuno ako lumabas ako ng bahay lalayas talaga ako. Nakita ko mga kapit bahay naglabasan dahil sa gulo na nangyayari. Naisip ko kung aalis ako baka kung ano gawin nitong hayop na to sa nanay ko. Pumasok ulit ako sa luob inaawat ko sya. Pero ayaw paawat bunganga ng bunganga. Kung ano anong mura ang sinabi, “ganito talaga to kapag sabog na sabog sa alak” ayaw ng inaawat nya. Tapos pumasok sa kwarto natulog saglit. Kami naman ni mama nag uusap sabi ko “layasan na natin yan, ayoko na dito” pagkalipas ng mga isang oras dumating na yung kapatid ko. Nag uusap kami tapos biglang lumabas itong lasingerong tatay ko sa kwarto nya. Nag wawala parin ang Put*ngna. Yung lamesa sa kwarto itinumba nya, nakaupo ako sa salas naming malapit sa binata, lumabas sya bunganga parin ng bunganga. Ang sabi nya “Lalayasan ko na kayo” sumagot ako ng “Lumayas kana ano pang hinhintay mo” lalayas daw sya bukas dapat lang lumayas na sya sawang sawa nako sa ugali nya. Minsan nagsisisi ako kung bakit sya pa nagging tatay ko. Pumasok ulit sya sa kwarto tapos labas ulit. Nung binasag nya yung salamin sa bintana, ang sabi nya “magtawag na kayo ng pulis, at buong gabi ako magwawala” lumabas ako ng bahay para tumawag ng tulong. Ipapa pulis ko na talaga sya kung wala akong nahingan ng tulong sa mga kapitbahay namin. Humingi ako ng tulong sa inaanak nila sa kasal buti gising pa sila. Ang gusto ko lang gawin nung mga oras na yun ay makitawag para matawagan mga pulis or baranggay tanod, alam nila yung nangyayari kasi malapit lang sila dito sa bahay. Walang anu anoy lumabas sila para samahan ako pabalik sa bahay nung dumating kami medyo nahimasmasan yung lasingero kong tatay. Ako nasa labas lang naghahabol ng hininga dahil mangiyakngiyak ako nung humingi ako ng tulong. Sa ngayon ewan ko kung anong gagawin ko. Ayoko na dito samin gusto ko ng umalis ditto, sabi ko kay mama hiwalayan na nya tutal matanda narin naman na kami. Ayoko ng makasama pa sa bahay yung lasingero kong tatay. Kung di sya lalayas dito sa bahay kami nalang aalis. Sakanya na tong bahay tapos magpapakalayolayo nalang kami. Ayoko ng ganitong buhay, yung buhay na magulo, laging may problema, laging may away, laging maingay. Gusto ko yung payapa lang, tahimik at Masaya. Hinding hindi ko malilimutan yung araw na ito. October 22 2016

Pasensya na kayo mga tol sa kwento ko, gusto ko lang talaga ilabas itong sama ng luob ko. At baka mapayuhan nyo ako sa nangyari samin ngayong gabi. Hindi talaga kami sanay sa ganito tanging yung lasingerong tatay ko lang ang Problema o Salot sa pamilya namin.

Maraming Salamat.
 
Ang hirap talaga kapag may problema pero halos lahat naman ata ng tao may problema.. ang pangit lang yung wala ka pang masabihan ng sama ng loob mo.. :weep:
 
kaya ipost ko na lang muna dito, hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari, sana totoohanin na nya yung sinasabi nyang lalayasan nya kami, kasi malaking ginhawa samin yun kung wala sya. salamat sa reply tol.
 
dadamayan kita tol.. pero tol tatay mo pa rin yan galing ka pa rin sa kanya.. ang magandang gawin niyo diyan tol dapat mag usap usap kayo ng buong pamilya niyo yung walang lasing para maayos.. pangit kasi pag kaaway mo sarili mo pang kadugo di ba.. Love can make Peace Bro.. Payo lang po :)
 
pero tol yung mga ginawa nya kanina sobra na eh. nagbasag sya ng lahat ng pwedeng basagin. karamihan sa mga gamit namin pinagbabalibag, nanlilisik ang mata at gigil na gigil ewan ko kung nagsha????? ba yun o sabog lang sa alak. lagi akong nangangamba kapag gabi na at wala parin sya sa bahay. isa lang nasa isip namin lagi. umiinum yun. walang araw na hindi mo maririnig na hindi mag mura yun, umaga tanghali gabi kaya siguro hanggang ngayon wala parin kaming asenso. akala ko nung dumating ung unang pamangkin ko sa ate ko magbabago sya. pero hindi ehh alak pa rin. habang tumatagal paiba ng paiba ugali nya lalo na kapag naka inum dati hindi naman sya ganito.
 
grabe naman.. hmmm.. :think: nangyari na rin saken yang ganyan ehh sa sobrang kalasingan ko kung ano ano na pinag sasasabi ko sa pamilya ko at kung ano ano na pinaggagawa ko siguro dahil sa nasobrahan talaga ako sa alak pero isang beses lang nangyari sakin yun. pag masdan mo papa mo pakiramdaman mo mga ginagawa niya kung laging siyang ganyan kahit di nakainom.. baka hindi na epekto ng alak yan brad :noidea:
 
mainitin talaga ulo nya, palaging nag uutos gusto nya instant ung utos nya. hindi namin alam kung bakit nagwala sya kanina, siguro dahil sa pinipilit nyang sunduin kapatid ko kahit na lasing na lasing sya. pero hindi naman siguro rason un para magalit. nagpakalasing sya matulog nalang sya db. hindi naman tama yung ginagawa nyang pagwawala yung tipong di talaga sya kakalma. lagi pa nyang bukambibig na papatayin nya kaming lahat, may baril kasi kaya ganun. kung di ako humingi ng tulong sa kapitbahay namin para kausapin sya hindi sya titigil. hindi nako umaasa na bukas kapag wala na lasing nya maaalala nya yung mga pinag gagawa nya kanina. hindi naman epektibo sakanya yung kausapin ehh, minsan kinausap ko na sya na tigilan na nya yung inum ang sinagot sakin tigilan ko na raw manigarilyo. pumayag naman ako sabi ko "sige titigil ako sa sigarilyo pero sigurado ako hindi mo matitigilan yang alak" hindi sya sumagot nun sakin ibig sabihin tama ako. kaya wala na sigurong pag asa na magbago pa sya.
 
saktong sakto..parehas na parehas ang buhay natin Ts,,Pero Nagpakatatag kaming mag kakapatid nag aral kami mabuti at nag sipag ,ngayun maganda na mga katayuan namin sa buhay,,pinatawad namin ang Ama namin hanggang sa Mawala na yun Nanay namin,,noon 2013,,ngayun nag iisa na lng Tatay namin sa bahay pero Mahal na mahal pa namin siya,,talagang may tao na Gusto gawin ang Gusto nila,,ISa yan sa Hamon ng buhay kaya wag ka susuko o lalayas man lng ituloy mo lng ang buhay nyo kasama boung pamilya,,
 
mukhang kailangan ng ipatingin ang papa mo sa psychiatrist at kung pupuwede iparehab. ng ilang taon para magbagobago yung pag iisip niya at mapigilan na rin ang bisyo.. iwas ka na lang sa sobrang pag iisip brad nakakastress yan..
 
grabe na kasi sya samin, aping api na kami. sa ibang tao napaka husay nya ultimo kakainin nalang namin ibibigay pa nya sa iba pero pag dating samin wala. minsan na lang sya magkaroon ng trabaho tapos yung sasahurin nya ipang aalak lang nya. kahit pang baon ko sa eskwelan hindi ako mabigyan. ang tanging ginagawa lang taga hatid tapos lagi pang galit. sa ngayon naiisip ko pagkagraduate ko magpupurisigi akong yumaman, hinding hindi ko gagayahin yung pag uugali nya.

sa ngayon halos araw araw kung uminum sya mababakante lang minsan ng isang tapos inum ulit. salamat tol sa oras at sa pag ramay sa problema ko. :salute:
 
Last edited:

dapat ganyan tayo Think Positive lang :thumbsup: lahat ng problema may solution yung iba talagang mahirap lang sagutan.. :rock:&Roll lang tayo Brad haha
 
relate aq sau bro same lng din nung nangyari d2 s bhay namen kgavi din oct.22 din,lassengero din erpat q ang matindi p gus2 kame patayen nun kpag nangangatwiran kame,kaya ung nanay q lumayas n s bhay namen,nung nagkasakit ung lassenggerong erpat q kame magkakapatid nagtulungan para mapaospital xa,akala namen magb2go un pero nung mlaks n xa ulet e2 p ginanti samen,kgavi nga lng kung wla aq d2 s bhay bka kung anu n nangyari s bunso q n kpatid lalot babae p,ang hrap tlga bro ung sariling magulang mu p ang magtutulak sau s kasamaan ilang taon na kameng gani2•0‚0
 
Ts same issue tau . . Halos araw araw naglalasing si papa dati ganyan din sya lahat ng mahahawakan nya itinatapon nya. May araw pa nga na hinabol nya pamilya namin ng kutsilyo(knife). . Naka relate ako sa iyo ts. Ngaun naman ganun padin inom.ng inom pero.hnd na tulad dati ngaun salita na lng ng salita si na naninira ng gamit lalo na nung nagkaroon ng apo . . Iba talga nagagawa ng alak . .
 
sa ngayon tol hindi ko muna siguro isipin masyado yung nangyari para naman makatulog ako. salamat uli tol.
relate aq sau bro same lng din nung nangyari d2 s bhay namen kgavi din oct.22 din,lassengero din erpat q ang matindi p gus2 kame patayen nun kpag nangangatwiran kame,kaya ung nanay q lumayas n s bhay namen,nung nagkasakit ung lassenggerong erpat q kame magkakapatid nagtulungan para mapaospital xa,akala namen magb2go un pero nung mlaks n xa ulet e2 p ginanti samen,kgavi nga lng kung wla aq d2 s bhay bka kung anu n nangyari s bunso q n kpatid lalot babae p,ang hrap tlga bro ung sariling magulang mu p ang magtutulak sau s kasamaan ilang taon na kameng gani2•0‚0
ang hirap ng ganitong buhay tol noh, gusto mo lang mamumuhay ng masaya pero laging may kontra bida. matagal ng ganito tatay ko yun nga lang mas malala yung nangyari kanina. hindi naman nya kami sinaktan physically pero mentality grabe. lahat ng mura kung magsisigaw akala mo papatay talaga. lahat ng pwedeng binasag na gamit sa bahay pinagbabasag. sana nakikita nya yung sarili nya nung nagwawala sya.

Ts same issue tau . . Halos araw araw naglalasing si papa dati ganyan din sya lahat ng mahahawakan nya itinatapon nya. May araw pa nga na hinabol nya pamilya namin ng kutsilyo(knife). . Naka relate ako sa iyo ts. Ngaun naman ganun padin inom.ng inom pero.hnd na tulad dati ngaun salita na lng ng salita si na naninira ng gamit lalo na nung nagkaroon ng apo . . Iba talga nagagawa ng alak . .
oo nga eh, kaya minsan ayoko ng alak. umiinum ako basta kainuman ko yung mga matatalik kong kaibigan pero kahit kelan di pumasok sa isip ko na magwala kapag lasing. kahit may problema ako.
 
Last edited:
Welcome Tol, balang araw maiisip rin ng papa mga kamalian niya kaya wag mo na isipin yan lilipas din yan. Maiwan na kita Ts at akoy matutulog na . Good Luck!!
 
salamat tol at salamat po sa sainyong lahat, sana malampasan namin itong problemang ito ng aming pamilya.

mabuhay po tayong lahat. closed thread ko na po :lock:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom