Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang tunay na dihilan bakit galit si pres. Duterte sa eu,un at america

Naku! Kwentong barbero nga at malayo sa katotohanan. Parang pinagtatakpan mo lang si Digong niyan. Parang tunog solid follower ka ata. Ako po ay taga Davao at mas me alam po kaming mga taga Davao sa nangyari noong 2013 Sasa Airport bombing. Hope ko lang sana na yong gumuwa ng istorya sa facebook na ang pangalan ay Pompee Lavina o Pamela Saavedra ay hindi sana kamag-anak ni Councilor Peter Lavina na stalwart ni Digong. Kasi marami na ngayon ay mahilig magpapanggap.

Bakit po ba nasabi ko na hindi totoo ang istorya, ito po ang aking mga basehan:

1. Kung ang sinasabi po ay malapit na barbershop, ang alam ko po ay sa isang kalyeng maliit na kaharap ng City Hall na tatawid ka pa. Ako po ay nakapagpagupit na dito at sa obserba ko halos lahat naman ng barbero nila ay hindi naman gaanong palasalita, pwera na lang kung may magtatanong o di kaya'y magpapasimula ng isang diskusyon o di kaya'y may sadyang nag-iimbento ng mga istorya. Karamihan po sa mga kustomer nila ay mga parokyano na makikita mo na mahilig makikipag debate tuwing hapon sa may Rizal Park at sa tabi ng Sangguniang Panglungsod. In short, talagang mahilig magkukwento ng kung ano ano yong mga tao dyan.

2. Yong 2013 Sasa Airport Bombing sa pagkakaalam ko po wala naman pong nabanggit na Amerikano ang nagsusupply ng bomba dito sa Davao. Ang klarong nailathala sa local news, ang gumawa po ng pambobomba ay residente ng Kabacan, North Cotabato. Masakit man pong sabihin na ang salarin po ay kapwa po namin Moro. Pero siya po ay isang terorista at ang isang terorista ay hindi namimili Muslim ka man o Kristiyano. Malimit din po kasi ang pambobomba sa Kabacan, gaya ng sa may Palengke at sa Sugni superstore. At sa simbahan at bus terminal naman sa Kidapawan, na di naman kalayuan sa Kabacan.

Yong napatay po na terrorist ay ipinahatid pa nga ni Digong sa Kabacan at wala naman po kaming nabalitaan na Amerikanong CIA. Kung totoo man yan, eh, di sana ay kumalampag na si Digong noon at naging malaking news na sana yan.

3. Mahirap talaga po paniwalaan, kasi ang gumawa ng istorya ay mga babae. Wala naman sigurong mga babae na magpapagupit sa barbershop di ba? Pwera na lang kung siguro tomboy pero kahit tomboy man yan, sa parlor po yata sila nagpapagupit.

4. Ang totoo lang po ay talagang 'loud' po talaga ang personalidad ni Digong. Hindi mo po siya pedeng mapagsasabihan, kasi talagang reresbakan ka niya. Halos po ata ng pumupuna sa kanya ay dumaan sa matinding pang-iinsulto at mura. Gaya na lang ng namayapang radio commentator na si Jun Porras Pala ng DXOW at si Fr. Amado Picardal ng Redemptorist Church sa may Bajada St., Davao City.

5. Ang sinasabing hegemony na ginagawa ng Amerika ay wala pong kinalaman sa kanyang pag-uugali at ng kanyang panget na asal. Kahit po sa pangangampanya niya dito sa Davao at sa mga baranggay, bastos talaga po siya magsalita at mahilig magpuna at maghamon. At pag di ka pa siniwerte baka matumba ka pa.

6. Ang masakit lang po ay ginagamit pa niya kaming mga Muslim para pagtakpan ang kanyang kapalpakan na pang-iinsulto sa Amerika. Marami po sa mga kapatid naming mga Muslim ay halos wala ng alam sa mga nangyayari sa nakaraan at hindi naman po totoo na galit kami sa mga Amerikano. Kaya po masasabi kong di po siya patas. Ang ipinaglalaban lang po namin ay magkaroon ng sariling pagkakilanlan na matatawag naming amin at mabuhay na payapa.

7. Kung ano man po ang ipinaglalaban ni Digong, ang masasabi ko po ay hindi po ito laban para sa amin, kung hindi ito po'y laban para sa kanyang pansariling adhikain. Alam naman po natin na siya po ay minsang nanggaling sa kaliwa at kaibigan ng mga komunista. Wag naman sana po kaming gawing dahilan para pagsimulan ng gulo at pagkawatak watak ng mga Pilipino.
 
Last edited:
well kanya kanya talaga tayo desisyon kung paniniwalaan natin to pero, most of the information na nasabi dto actually makes sense. may motive behind sa actions na ipinakikita ni pres duterte, and hindi pa lang talaga tayo sanay sa paraan nya. hindi naman nya siguro sasayangin yung pagkakataon na ibigay sa kanya ng sambayanang Pilipino nang ihalalal sya ng mga to. thumbs up sa author netong article nato kasi nagawa nyang makapaglahad ng impormasyon sa entertaining na paraan para na madali nating maintindihan. part 2 nga pala https://www.facebook.com/pompeelavina/posts/1101488249967228?pnref=story&refid=52
 
Naku! Kwentong barbero nga at malayo sa katotohanan. Parang pinagtatakpan mo lang si Digong niyan. Parang tunog solid follower ka ata. Ako po ay taga Davao at mas me alam po kaming mga taga Davao sa nangyari noong 2013 Sasa Airport bombing. Hope ko lang sana na yong gumuwa ng istorya sa facebook na ang pangalan ay Pompee Lavina o Pamela Saavedra ay hindi sana kamag-anak ni Councilor Peter Lavina na stalwart ni Digong. Kasi marami na ngayon ay mahilig magpapanggap.

Bakit po ba nasabi ko na hindi totoo ang istorya, ito po ang aking mga basehan:

1. Kung ang sinasabi po ay malapit na barbershop, ang alam ko po ay sa isang kalyeng maliit na kaharap ng City Hall na tatawid ka pa. Ako po ay nakapagpagupit na dito at sa obserba ko halos lahat naman ng barbero nila ay hindi naman gaanong palasalita, pwera na lang kung may magtatanong o di kaya'y magpapasimula ng isang diskusyon o di kaya'y may sadyang nag-iimbento ng mga istorya. Karamihan po sa mga kustomer nila ay mga parokyano na makikita mo na mahilig makikipag debate tuwing hapon sa may Rizal Park at sa tabi ng Sangguniang Panglungsod. In short, talagang mahilig magkukwento ng kung ano ano yong mga tao dyan.

2. Yong 2013 Sasa Airport Bombing sa pagkakaalam ko po wala naman pong nabanggit na Amerikano ang nagsusupply ng bomba dito sa Davao. Ang klarong nailathala sa local news, ang gumawa po ng pambobomba ay residente ng Kabacan, North Cotabato. Masakit man pong sabihin na ang salarin po ay kapwa po namin Moro. Pero siya po ay isang terorista at ang isang terorista ay hindi namimili Muslim ka man o Kristiyano. Malimit din po kasi ang pambobomba sa Kabacan, gaya ng sa may Palengke at sa Sugni superstore. At sa simbahan at bus terminal naman sa Kidapawan, na di naman kalayuan sa Kabacan.

Yong napatay po na terrorist ay ipinahatid pa nga ni Digong sa Kabacan at wala naman po kaming nabalitaan na Amerikanong CIA. Kung totoo man yan, eh, di sana ay kumalampag na si Digong noon at naging malaking news na sana yan.

3. Mahirap talaga po paniwalaan, kasi ang gumawa ng istorya ay mga babae. Wala naman sigurong mga babae na magpapagupit sa barbershop di ba? Pwera na lang kung siguro tomboy pero kahit tomboy man yan, sa parlor po yata sila nagpapagupit.

4. Ang totoo lang po ay talagang 'loud' po talaga ang personalidad ni Digong. Hindi mo po siya pedeng mapagsasabihan, kasi talagang reresbakan ka niya. Halos po ata ng pumupuna sa kanya ay dumaan sa matinding pang-iinsulto at mura. Gaya na lang ng namayapang radio commentator na si Jun Porras Pala ng DXOW at si Fr. Amado Picardal ng Redemptorist Church sa may Bajada St., Davao City.

5. Ang sinasabing hegemony na ginagawa ng Amerika ay wala pong kinalaman sa kanyang pag-uugali at ng kanyang panget na asal. Kahit po sa pangangampanya niya dito sa Davao at sa mga baranggay, bastos talaga po siya magsalita at mahilig magpuna at maghamon. At pag di ka pa siniwerte baka matumba ka pa.

6. Ang masakit lang po ay ginagamit pa niya kaming mga Muslim para pagtakpan ang kanyang kapalpakan na pang-iinsulto sa Amerika. Marami po sa mga kapatid naming mga Muslim ay halos wala ng alam sa mga nangyayari sa nakaraan at hindi naman po totoo na galit kami sa mga Amerikano. Kaya po masasabi kong di po siya patas. Ang ipinaglalaban lang po namin ay magkaroon ng sariling pagkakilanlan na matatawag naming amin at mabuhay na payapa.

7. Kung ano man po ang ipinaglalaban ni Digong, ang masasabi ko po ay hindi po ito laban para sa amin, kung hindi ito po'y laban para sa kanyang pansariling adhikain. Alam naman po natin na siya po ay minsang nanggaling sa kaliwa at kaibigan ng mga komunista. Wag naman sana po kaming gawing dahilan para pagsimulan ng gulo at pagkawatak watak ng mga Pilipino.

boss hindi kayo ginamit or pinagtakpan ang kanyang mali boss...napaka babaw naman na dahilan yan ..may sariling interest bang ginagawa ang lahat para lang mabago ang pilipinas.. no curruption,war against drugs,and etc.. kaysa dating administration na corrupt lang inu-una.... binibase nya lang yung dati kung paano tayo minaltrato nang americano.... kunsa bagay may sarili tayong paniniwala.. bastat alam ko ang nakasulat sa article ay totoo.. war is coming... kahit sa ibang news minsan tinakpan pa nang mga media , nag dridrill na ang ibang bansa...

at sa lahat nang presidente si digong lang nakapag bago nang pilipinas.. war against drugs. . my curfew.. no smoking other cities.... etc...

sa lahat nang presidente ni isa walang nakagawa nyan si digong lang.. and someday philippines magiging powerfull na bansa...
 
Last edited:
It's about "Power" in their position, and how it handled upon these days about War on Drugs.
 
Matanong lang ko... Ilang muslim drug lord na po ba ang narinig nyo sa news na inaresto o ni raid? ^_^
 
boss hindi kayo ginamit or pinagtakpan ang kanyang mali boss...napaka babaw naman na dahilan yan ..may sariling interest bang ginagawa ang lahat para lang mabago ang pilipinas.. no curruption,war against drugs,and etc.. kaysa dating administration na corrupt lang inu-una.... binibase nya lang yung dati kung paano tayo minaltrato nang americano.... kunsa bagay may sarili tayong paniniwala.. bastat alam ko ang nakasulat sa article ay totoo.. war is coming... kahit sa ibang news minsan tinakpan pa nang mga media , nag dridrill na ang ibang bansa...

at sa lahat nang presidente si digong lang nakapag bago nang pilipinas.. war against drugs. . my curfew.. no smoking other cities.... etc...

sa lahat nang presidente ni isa walang nakagawa nyan si digong lang.. and someday philippines magiging powerfull na bansa...

Paano mo naman nasabing hindi pinagtatakpan? Eh, halos po ng makikita mo sa tv sa kanyang mga live speeches, idinadahilan niya po na kaming mga Muslim ay galit sa mga Amerikano at kaya di maka usad. Nangyari na po yan matagal na panahon na at naipag laban naman po iyan ng aming mga ninuno. Ang amin pong ipinaglalaban ay sa ngayon po na sana magkaroon po kami ng BangsaMoro State. Ito po ay panawagan namin sa gobyerno ng Pilipinas at hindi sa mga Amerikano.

Yong sinasabi mo namang 'War on Drugs at Anti-Corruption campaign' ay dapat lang gawin ng maayos at alinsunod po sa batas. May batas po tayong sinusunod mahirap ka man o mayaman, may katungkulan o wala. Dapat po talaga igalang ang Karapatang Pantao na nakasaad naman po sa ating Saligang Batas. Wala namang masama sa kampanya ng gobyerno pero dapat lang po na ito ay gawin na naaayon sa batas.

Sinasabi mong corrupt ang dating administrasyon, bakit sino ba sa kanila ang malinis? Lahat naman talaga ng namumuno ay may bahid ng korupsyon. Kaya lang depende lang yan sa 'gravity' at pamamaraan. Sa Davao nga, hindi naman din perpekto. Saan nga ba napupunta ang pondo ng Dabaw? Kung iyong iisipin, sa 22 years na panunungkulan ni Digong, eh, di naman gaano kalakihan ang nai ambag niya sa progreso ng siyudad. Kasi nga ang pinupuntirya niya ay ang Peace and Order ng Davao, baka hindi mo alam na malaking halaga ng pondo ay napupunta sa Intelligence fund, pagbabayad ng revolutionary tax sa mga NPA, at pondo para sa Task Force Davao para naman panlaban sa mga terorista.

Masasabi ko ring may corrupt practices dito sa Davao. Mag try ka mag apply sa gobyerno at tingnan ko lang kung tatanggapin ka kung wala kang backer. Kung sa City Hall or Sanggunian ka mag-aapply, eh, dapat may pirma ka ng kanilang mga 'core leaders' o rekomendasyon ng Mayor. Yon nga sister ko at isang kaibigan na nag-apply sa NUP (non-uniform personnel) ng PNP, after going through a very rigorous process, eh, hindi natanggap kasi nga may recommendation letter na pala galing kay Digong kung sino ang dapat mapasok. Kaya nga na desperado tuloy yong kaibigan ko.

War, ba ika mo? Medyo malabo talaga yan. Yong mga drills or exercises na nakikita eh routinary po yan para ma update yong mga forces nila. Sa totoo lang wala pong nananalo sa gyera pwera na lang kung ang ginigyera ay mahinang bansa at malaki ang makukuha ng isang bansa dito. Malabo makikipag gyera ang mga First and Second World Countries sa isat-isa kasi wala naman silang benepisyo na makukuha. Magastos po ang gyera at isinasaalang-alang po iyan ng mga leader. Imagine, magliliparan ang mga atomic bombs at sino naman kaya ang mabubuhay pa? Kung hindi ka man mamamatay sa explosion eh baka sa radiation ka pa mamamatay.

Sa nangyayari po ngayon na nakiki alyado tayo sa bansang Tsina, ibig lang sabihin na handa na tayong ibahin ang sistema ng ating gobyerno, sa isang demokrasya patungo po sa Sosyalismo (a variant of communism). Posible po dahil ka alyado na tayo ng Tsina ay magkakaroon po ng Absolute power ang ating Pangulo (Absolutism), na ang ibig sabihin ay isang Dektadorya sa pangangalaga ng communist party ng Tsina.

Dahil din po sa pakikipagkasundo sa Tsina, malamang po na magbubuhos ng malaking investments, negosyo at malalaking projects ang Tsina, gaya ng tren at maritime shipments, kapalit naman po ay ang kanilang pagmamay-ari sa lahat ng mga isla sa West Philippine Sea. Sa tingin ko rin po na ang posisyon ni Sec. Lopez ng DENR ay hindi magtatagal, sapagkat parte ng kasunduan ay ang pagpapalago ng mga minahan na ang makukuhang mineral ay gagamitin sa pag develop ng mga istruktora sa West Philippine Sea.

Ang sa akin lang po ay sana, tayo ay maging mapanuri, mapagmatyag at mapag-isip imbis na makisipsip o maging isang panatiko sa mga pulitiko dahil lamang po sa mga tinatamasa nating grasya at pabor galing sa kanila. Sana po ay mahalin natin ang bayan at ang mga Pilipino na totoo.
 
war against drugs? pano nayan gusto ni Digong maki pag Alyansa sa Tsina
eh sila yung nag so supply dito sa pinas. tapos gusto pa ni digong na buwaging ang us sa pagiging alyansa nito.
hindi naman tayo bully ng UN ha. impact tayo panga maswerte dahil don. ano kaya kahihinatnan sa ginagawa ni president digong?
kung maka pag salita ang putang ina parang hawak niya ang lahat ng presidente ha. parang may balak siyang hindi mag papalit after 6 years.
sana marunong tayong kumilatis kung ano na yung tama at ano yung mali. dahil baka sa huli ang pag-sisi
yung mga pro du30 or die hard. isipin niyo para sa bayan ng pilipinas hindi kay digong.
 
Bakit ang mga bansang kumalaban sa US tulad ng Vietnam at Japan ay mga umaasensong bansa? ang pilipinas na kumampi sa kanila, ewan ko kung umasenso na! :clap:
sa giyera ng hapon at kano sa pinas. pinakamadami ang mga pinoy na namatay dahil sa mga amerikano, halos Milyon, women and children included... isama mo pa yung mga pinatay nila sa japan ng atomic bomb na galing sa pilipinas... kung bibilangin mo ang pinatay ng mga kano na yan sa buong mundo sa ibat ibang bansa eh,bahala ka.. ang alam ko e mas madami sila kesa sa mga drug pusher na napapatay sa pilipinas.. pinalaya daw tayo ng mga kano sa mga hapon pero ang totoo.. tayo ang pinalaya ng mga hapon sa kanila... kailangan ng mga americano ang pilipinas para sa puwersa nila sa asia.. kailangan ba talaga sila ng asia? ano ang motibo nila sa asia? ang naganap o nagaganap pa na drug war sa Columbia mula noong dekada 70's ay mas malalala kesa sa nangyayari sa pilipinas.. libo libong pulis (mabubuting pulis) na ang napatay ng mga drug lords sa kanila,,. sana hindi na magaya ang pinas sa kanila. wag sana tayong mamatayan ng libo libong pulis... :dance:
Human Rights? sino ang bansang may pinaka madaming pinatay sa buong mundo? China? Rusia? German? Japan? North korea? Iraq? US? Pilipinas? :thumbsup:
totoong may nalalabag na human rights sa pilipinas.. human rights nino? simula pa noong unang panahon, parte na ng pang araw araw na buhay natin ang human rights violation, lagi na lang.. milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...
NASAAN ANG HUMAN RIGHTS BUWISET NOONG NAPAKADAMI ANG PINAPATAY NG MGA KRIMINAL? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NUNG BINOMBA NG MGA AMERIKANO ANG MAYNILA NA MAYROONG LIBO LIBONG PINOY NA NAMATAY? NASAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG LAGLAGAN NG ATOMIC BOMB ANG JAPAN? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG GINAWANG ALIPIN NG MGA AMERICANO ANG MGA ITIM? (tao.. gagawin mong property?)..... :slap:
Napaka laking tulong talaga ng human rights na yan para sa karapatan nating mga pinoy.. NANJAN SILA NGAYON para sa bansa natin ngayong nagkakantahan ang mga preso sa bilibid! :clap: :clap: :clap:
 
magandang topic to ah. sarap mgbasa ng mga comments ng mgkabilang panig
 
Naku! Ang hirap talaga ipaliwanag ang lahat pag ang tao ay makitid kung mag-isip. Kung saan saan napupunta ang usapan at di nakukuha ang punto por punto. Tama nga ang kasabihan sa Bibliya na sinasabi, 'Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.' (Proverbo 9:8). Ito na ang huli kong pagpo post dito sa thread na to, bago maging baboyan na lahat.

Issue 1: Sinabi niya sa giyera ng Hapon at Amerikano sa Pinas, eh marami daw ang namatay na Pilipino, halos milyon daw, babae at bata. At parang mga Amerikano lang ata ang naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Tanong: Ang mga Amerikano ba ang pumatay sa mga Pilipino?
Sagot: Hindi po ang mga Amerikano ang pumatay sa mga Pilipino. Nagkakampi kampihan ang mga bansa noon, Axis Powers vs. Allied Forces at kumampi po ang mga Pilipino sa Amerikano laban sa Hapon. Mahiya naman pokayo sa mga World War 2 veterans natin na ibinuwis ang kanilang buhay para sa ating kalayaan.

Issue 2: Maraming pinatay ang Amerikano sa Japan dahil sa paghulog nila ng Atomic Bomb.
Tanong: Wala bang pinatay ang mga hapon ma Pilipino man o Amerikano? Ano ba ang dapat gawin sa isang bansa na ayaw naman sumurender?
Sagot: Maraming pinatay ang mga hapon dahil sa kanilang pananakop at hindi lang po ito nangyari sa Pinas kung hindi sa ibang mga lugar sa Asya. Nung sinakop ng mga hapon ang Pinas, nagkaroon pa nga ng 'Death March' from Bataan to Tarlac na ikinasawi ng 12,000 POWs (both Pilipino at Amerikano). Sana nakita mo yong palabas na Pearl Harbor' na pa traydor na inatake ng mga Hapon ang mga Amerikano sa Pearl Harbor sa Hawaii na ikinasawi ng marami.

Sa kinalaunan ng gyera, noong matalo naman ng Allied Forces ang grupo ni Hitler ay ayaw pa rin sumurender ng Hapon at nagpatuloy pa ang kanilang karahasan. Natural na gamitin ng Amerika ang bago nilang nadiskubreng imbensyon, ang 'Atomic Power', para mahinto na ang gawain ng Hapon at maisalba na rin ang mga buhay ng mga sundalo ng Allied Forces. Kaya hindi kasalanan ng Amerika yan, nag warning na sila pero ayaw pa rin huminto ng Hapon. (Kung sa tingin mo na talagang demonyo ang Amerika ay dapat sana binomba na lang nila ang buong Japan kaya lang hindi nila ito ginawa.)

Issue 3: Walang Human Rights na sinusunod ang mga Amerikano sa panahon ng gyera nila sa Hapon.
Tanong: May human rights declaration na po ba during World War 2?
Sagot: Wala pa pong universal declaration ng Human Rights noong panahon ng World War 2. Kaya nga po maraming pinatay na mga Jews si Hitler, tinorture at sinunog pa niya. Survival mode po ang nangyari at nagkakampi kampihan po ang bawat bansa para sila ay mapangalagaan at hindi masakop ng kalaban. Nagkaroon lamang ng Universal Declaration of Human Rights noong 1950 after the War na binuo ng United Nations.

Issue 4: Marami napatay ang mga Amerikano sa buong mundo at sa ibang bansa.
Tanong: Marami nga bang pinatay ang mga Amerikano sa buong mundo at sa ibang bansa?
Sagot: Kung sa WW2, hindi lang po ang mga Amerikano ang maraming napatay, marami din po sa kanila ang namatay gaya ng pumasok sila sa Omaha Beach, France. Kung nakita mo ang movie na 'Saving Private Ryan' at 'D-day', doon mo malalaman ang sinapit ng maraming mga Amerikano.

Issue 5: '..ang alam ko e mas madami sila (napatay) kesa sa mga drug pusher na napapatay sa pilipinas..'
Tanong: Anong kinalaman ng mga Amerikano sa 'war on drugs' ng Pinas?
Sagot: Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang koneksyon ng pagpatay ng mga Amerikano sa 'war on drugs' ng Pinas. Ang War against Drugs po ay kampanya ng Presidente at ng mga kapulisan laban sa droga, addicts, pushers at druglords. Wala pong kinalaman ang mga Amerikano dito. Internal affairs po natin ito. At hindi po isyu dito ang dami ng namatay, ang isyu po dito ay kung nasunod po ba ang titik ng batas ukol sa karapatang pantao ng bawat isa, ma suspect man o hindi.

Issue 6: '.. pinalaya daw tayo ng mga kano sa mga hapon pero ang totoo.. tayo ang pinalaya ng mga hapon sa kanila... kailangan ng mga americano ang pilipinas para sa puwersa nila sa asia..'
Tanong: Tayo nga ba ay pinalaya ng mga hapon? Kailangan nga ba ng Amerika ang Pilipinas para sa pwersa nila sa Asia?
Sagot: Hindi po tayo pinalaya ng Hapon. Bumalik po si Gen. McArthur at ang kanyang pwersa sa Pinas via Dulag, Leyte at tayo po ay napalaya ng combined forces ng mga beterano natin at Allied Forces laban sa mga hapon.

Maraming nagtatanong kung kelangan nga ba talaga tayo ng Amerika para sa presensiya nila sa Asia. Ang presensiya po nila sa atin ay bunga ng ating kasunduan sa kanila na tinatawag na 'Mutual Defense Treaty' na nilagdaan noong August 31, 1951. Ito po ay bunga sa matagal nating ugnayan sa Amerika, naging matatag po ang ating samahan at pakikipagkaibigan sa kanila. Kung ang tanong po ay kelangan ba talaga nila ang Pinas para sa pwersa nila sa Asia? Sa palagay ko hindi. Meron naman silang mga base militar sa South Korea, Japan at Australia. Ang pagbibigay ng Amerika ng independensya sa atin ay pagpapakita lamang ng kanilang respeto sa ating mga Pilipino. Kung susumahin mas marami ang nakukuha natin sa kanila kesa ang nakukuha nila sa atin, ito po ay gaya ng Aid-- military equipment, food, o financial man, investments, grants and loans, and other intangible benefits like favor and goodwill.

Issue 7: '..ang naganap o nagaganap pa na drug war sa Columbia mula noong dekada 70's ay mas malalala kesa sa nangyayari sa pilipinas.. libo libong pulis (mabubuting pulis) na ang napatay ng mga drug lords sa kanila,,. sana hindi na magaya ang pinas sa kanila. wag sana tayong mamatayan ng libo libong pulis..'
Tanong: Dapat bang matulad tayo gaya ng Colombia?
Sagot: Hindi dapat ikumpara ang ating sitwasyon sa Colombia na napabayan ang paghahari nina Pablo Escobar at Jose Rodriguez Gacha. Ang nangyari sa Colombia ay sila ang gumagawa ng mga drugs at ini export sa Amerika. Dahil nga marami ang mahihirap sa kanilang bansa at walang trabaho, napipilitan tuloy pumasok sa masamang bisyo para pantawid gutom. Ang sitwasyon naman sa atin ay tayo ang kumukuha ng mga drugs o materyales galing Tsina, Taiwan at North Korea na nilalako naman dito sa atin. Ang epektibong pagpahinto po ng drug trade sa Pinas ay pagpa file ng protesta sa mga nasabing bansa, bi/multilateral drug intelligence conduit, rehabilitasyon para sa mga user/addict, pagbibigay hanap-buhay/oportunidad sa mga walang trabaho at mahihirap, pagpapabilis sa sistema ng korte, professionalizing/training the police at paggamit ng camera during operation, pag kontrol ng populasyon, paggawa ng batas na walang extradition treaty pag nahuli ang drug trader within our territory, pag-impose ng death penalty sa large scale drug trafficking, etc. Hindi po pinapatay kung suspect pa lamang. Para maiwasan ang posibleng casualty ng mga pulis, dapat mabigyan sila ng kevlar o bullet proof pag nag-aaresto o maghahain ng search o arrest warrant.

Issue 8: '..Human Rights? sino ang bansang may pinaka madaming pinatay sa buong mundo? China? Rusia? German? Japan? North korea? Iraq? US? Pilipinas? totoong may nalalabag na human rights sa pilipinas.. human rights nino? simula pa noong unang panahon, parte na ng pang araw araw na buhay natin ang human rights violation, lagi na lang.. milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...'
Tanong: Para kanino po ba ang Human Rights?
Sagot: Ang human rights po ay para sa pangkalahatan hindi lang po ito para sa mga suspect, criminal, NPA, pulis, o army lang. Ang Karapatang Pantao po ay nakalagay sa ating Konstitusyon maging sino ka man upang ikaw ay mapangalagaan at hindi maabuso ay iyong mga karapatan. Ang problema po marami sa ating mga kababayan ang ignorante at hindi alam kung ano ang gawain ng CHR. Ang CHR po ay hindi isang korte, ito lamang po ay taga imbestiga at nagbibigay ng rekomendasyon patungkol sa isang asunto o complaint.

Ang hindi ko maintindihan ay ang pagkasabing "..milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...". Kung ang ibig sabihin nito ay ang mga mabubuting tao ang nabibiktima ng human rights violation gaya ng pagdakip ng Pulils na hindi binabasa ang MIRANDA Rule, pag aresto na wala namang warrant of arrest o search warrant, pagkulong ng autoridad sa isang tao lagpas sa itinakdang oras ng batas na wala namang complaint, pagpatay ng tao na hindi naman self-defense, ay ito po talaga ay pagyurak sa karapatang pantao. Kaya nga po may batas tayo sa Karapatang Pantao ay upang mapangalagaan ang bawat isa lalo na ang mga mabubuti at walang kalaban laban.

Issue 9: '..NASAAN ANG HUMAN RIGHTS BUWISET NOONG NAPAKADAMI ANG PINAPATAY NG MGA KRIMINAL? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NUNG BINOMBA NG MGA AMERIKANO ANG MAYNILA NA MAYROONG LIBO LIBONG PINOY NA NAMATAY? NASAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG LAGLAGAN NG ATOMIC BOMB ANG JAPAN? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG GINAWANG ALIPIN NG MGA AMERICANO ANG MGA ITIM?'
Tanong: Nasaan nga ba ang Human Rights? (lol.... hehehe)
Sagot: Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay napirmahan po pagkatapos ng World War 2, 1950 po iyan. Ang nangyaring pang-aalipin sa mga 'blacks' ay nangyari bago ang ang deklarasyon noong 1951. Nangyari po ang Emancipation Proclamation ni Abraham Lincoln sa kanyang Gettsyburg Address noong 1863. Kaya nga po nagkaroon ng Civil War sa America at nahati ang bansa. Ang gusto po ni Lincoln ay palayain ang mga 'blacks' at mabigyan ng mga karapatan.

Ang binomba po ng mga Amerikano sa Maynila ay mga kalabang hapon po, hindi po mga Pilipino kasi nga po tayo po ay kaanib nila. (Hindi ho ata kayo nakikinig sa aralin nyo sa Araling Panlipunan o History noong nag-aaral po kayo kaya nangamote ang kinalabasan).

Issue 10: '...Napaka laking tulong talaga ng human rights na yan para sa karapatan nating mga pinoy.. NANJAN SILA NGAYON para sa bansa natin ngayong nagkakantahan ang mga preso sa bilibid!'
Tanong: Ano naman po ang kinalaman ng Human Rights Commission sa Bilibid?
Sagot: Wala naman pong kinalaman ang Commission ng Human Rights sa Bilibid. Ang Bilibid po ay nasa pangangasiwa ng Bureau of Corrections. Kung ano man ang naging pagbabago sa kalakaran sa Bilibid, ito poy responsibilidad ng mga Jailguads, Jail management and penology, Bureau of Corrections at Department of Justice. Kung gusto nyo po mabago ang kalakaran sa NBP ay dapat gumawa ng magandang batas, i-abolish na ang Bureau of Corrections at palitan ng bago (kasi nga compromised na), pag apruba sa Death Penalty, paggawa ng bagong priso na nasa isang isla at walang komunikasyon ng cellphone/internet, rebisahin ang manual ng operasyon ng bilibid prisons, paglalagay ng monitoring camera sa mga prison cells, etc.

Sana po ay naliwanagan kayo, magkaroon ng magandang perspektib o pananaw at hindi yong moro-moro lang. Salamat po.
:thumbsup:

- - - Updated - - -

magandang topic to ah. sarap mgbasa ng mga comments ng mgkabilang panig

Talagang gaganahan ka po basta ang mga komento ay may sustansiya at hind moro-moro lang. :salute: Peace...
 
Last edited:
Naku! Kwentong barbero nga at malayo sa katotohanan. Parang pinagtatakpan mo lang si Digong niyan. Parang tunog solid follower ka ata. Ako po ay taga Davao at mas me alam po kaming mga taga Davao sa nangyari noong 2013 Sasa Airport bombing. Hope ko lang sana na yong gumuwa ng istorya sa facebook na ang pangalan ay Pompee Lavina o Pamela Saavedra ay hindi sana kamag-anak ni Councilor Peter Lavina na stalwart ni Digong. Kasi marami na ngayon ay mahilig magpapanggap.

Bakit po ba nasabi ko na hindi totoo ang istorya, ito po ang aking mga basehan:

1. Kung ang sinasabi po ay malapit na barbershop, ang alam ko po ay sa isang kalyeng maliit na kaharap ng City Hall na tatawid ka pa. Ako po ay nakapagpagupit na dito at sa obserba ko halos lahat naman ng barbero nila ay hindi naman gaanong palasalita, pwera na lang kung may magtatanong o di kaya'y magpapasimula ng isang diskusyon o di kaya'y may sadyang nag-iimbento ng mga istorya. Karamihan po sa mga kustomer nila ay mga parokyano na makikita mo na mahilig makikipag debate tuwing hapon sa may Rizal Park at sa tabi ng Sangguniang Panglungsod. In short, talagang mahilig magkukwento ng kung ano ano yong mga tao dyan.

2. Yong 2013 Sasa Airport Bombing sa pagkakaalam ko po wala naman pong nabanggit na Amerikano ang nagsusupply ng bomba dito sa Davao. Ang klarong nailathala sa local news, ang gumawa po ng pambobomba ay residente ng Kabacan, North Cotabato. Masakit man pong sabihin na ang salarin po ay kapwa po namin Moro. Pero siya po ay isang terorista at ang isang terorista ay hindi namimili Muslim ka man o Kristiyano. Malimit din po kasi ang pambobomba sa Kabacan, gaya ng sa may Palengke at sa Sugni superstore. At sa simbahan at bus terminal naman sa Kidapawan, na di naman kalayuan sa Kabacan.

Yong napatay po na terrorist ay ipinahatid pa nga ni Digong sa Kabacan at wala naman po kaming nabalitaan na Amerikanong CIA. Kung totoo man yan, eh, di sana ay kumalampag na si Digong noon at naging malaking news na sana yan.

3. Mahirap talaga po paniwalaan, kasi ang gumawa ng istorya ay mga babae. Wala naman sigurong mga babae na magpapagupit sa barbershop di ba? Pwera na lang kung siguro tomboy pero kahit tomboy man yan, sa parlor po yata sila nagpapagupit.

4. Ang totoo lang po ay talagang 'loud' po talaga ang personalidad ni Digong. Hindi mo po siya pedeng mapagsasabihan, kasi talagang reresbakan ka niya. Halos po ata ng pumupuna sa kanya ay dumaan sa matinding pang-iinsulto at mura. Gaya na lang ng namayapang radio commentator na si Jun Porras Pala ng DXOW at si Fr. Amado Picardal ng Redemptorist Church sa may Bajada St., Davao City.

5. Ang sinasabing hegemony na ginagawa ng Amerika ay wala pong kinalaman sa kanyang pag-uugali at ng kanyang panget na asal. Kahit po sa pangangampanya niya dito sa Davao at sa mga baranggay, bastos talaga po siya magsalita at mahilig magpuna at maghamon. At pag di ka pa siniwerte baka matumba ka pa.

6. Ang masakit lang po ay ginagamit pa niya kaming mga Muslim para pagtakpan ang kanyang kapalpakan na pang-iinsulto sa Amerika. Marami po sa mga kapatid naming mga Muslim ay halos wala ng alam sa mga nangyayari sa nakaraan at hindi naman po totoo na galit kami sa mga Amerikano. Kaya po masasabi kong di po siya patas. Ang ipinaglalaban lang po namin ay magkaroon ng sariling pagkakilanlan na matatawag naming amin at mabuhay na payapa.

7. Kung ano man po ang ipinaglalaban ni Digong, ang masasabi ko po ay hindi po ito laban para sa amin, kung hindi ito po'y laban para sa kanyang pansariling adhikain. Alam naman po natin na siya po ay minsang nanggaling sa kaliwa at kaibigan ng mga komunista. Wag naman sana po kaming gawing dahilan para pagsimulan ng gulo at pagkawatak watak ng mga Pilipino.

KAYA NGA KWENTONG BARBERO, simple logic
 
Basta ako pinaka the best na president na dumaan sa buhay si DU30..
paano magchachange ang isang bansa kung hndi susubukan ang ibang paraan para umuunlad..natural instinct lng ...
maraming dahilan kung bkit change alliance .. pero at the end pag unland pa din ang gzto nyang gawin...
kesa nmin tulad ng dati ulit...dadaan n nmn ang 6years ..bilihan ng boto..bentahan ng drugs..puro nakawan..100 days pa lng...
ngtataka lng aq kng bkit dn ualang nababalita magnda nagawa n nya..
..
 
Matanong lang ko... Ilang muslim drug lord na po ba ang narinig nyo sa news na inaresto o ni raid? ^_^

Marami na pong naarestong mga muslim na sangkot sa drugs. Isa sa pinakamalaking raid na ginawa nila is yung sa Islamic Center sa Quiapo na 2nd time pa lang na raid yung huli ay nung panahon pa ni Marcos. Dahil masyadong delikadong pasukin yung lugar na yun. Ngayon lang naglakas loob ang mga pulis na pasukin ang lugar na yun para mag raid.

- - - Updated - - -

Basta ako pinaka the best na president na dumaan sa buhay si DU30..
paano magchachange ang isang bansa kung hndi susubukan ang ibang paraan para umuunlad..natural instinct lng ...
maraming dahilan kung bkit change alliance .. pero at the end pag unland pa din ang gzto nyang gawin...
kesa nmin tulad ng dati ulit...dadaan n nmn ang 6years ..bilihan ng boto..bentahan ng drugs..puro nakawan..100 days pa lng...
ngtataka lng aq kng bkit dn ualang nababalita magnda nagawa n nya..
..

Yun nga e puro ang main topic ng mga media ay puro war on drugs at pagmumura ni Digong. Pero kung manonood ka ng CNN at Ch.4 Sabihin na nating channel yan ng gobyerno pero nandyan lahat ng proyekto ng gobyerno. Dyan pinapakita yung araw-araw na ginagawa ng gobyerno sa bansa na di pinapakita sa mga malalaking istasyon. Kahit sa mga dyaryo gaya ng Philstar di mo makikita yan pero kung magbasa ka ng ibang dyaryo gaya ng Manila Bulletin tatanong mo na lang sa sarili mo ay may ganitong balita pala bakit di ko nakita sa ibang balita to. Iba ang kayang gawing pagmamanipula ng mga media.
 
Tanong lang po pano pag nag alisan na po ang eu ,us, pano ang ang manggagawa sa us co?. Sa eu co.? Bakit gaon na ba tayo kayaman may mga product ba nga made in russia dito sa atin , made in china cguro marami pero not a genuine made tulad ng ibang country.ANG ALAM KO WALA PANG SAGOT ANG AMERICA SA MGA BANAT NI DIGONG BUT AFTER THEIR ELECTION MALAMAN NA NATIN YAN.
 
Last edited:
Siguro, iniisip ng mga Filipino ay superpowers ang Philippines na you know kaya tumayo ng sariling paa, na kayang-kaya na maging independent para eshow off sa buong bansa na magaling at makapangyarihan---mga ganun tipo? Iyon ata ang essence na napansin ko sa mga Filipino kung bakit binoto nila si Duterte dahil si Duterte daw ang magchachange ng lahat-lahat like a higher human being na nagdagsaan na ang mga fans at mga supporter na savior ng Philippines at mga dating presidente ay etchepwera na. Ganun ang nakita ko as in so lahat ng trust ng tao bayan ay ibinigay nila kay Duterte at dahil doon, they do not care kung mag-aalisan na ang mga investor dito sa Pinas dahil naniniwala ang mga Filipino na "uy, uunlad naman tayo, have trust to Duterte daw" mga ganun. Ganun ang nakikita kong energy sa kanila pero para sa akin........ hmmmm........ ayoko magjudge pero parang alinlangan sa akin.

Kailangan pa kase na baguhin to Federalism para lang masabi na uy---uunlad ang Pinas. Pwede naman hindi baguhin iyon. Dapat nanatili na lang kung ano type of government tayo dahil uunlad tayo kahit hindi na gawin Federalism. Depende lang sa Presidente iyon. Nagkataon lang kase si Duterte ay literal ay babaguhin niya talaga pati government ng Pinas.

Para siyang anime na diba karamihan sa mga kalaban is mahilig sila sa terminology na wasakin ang mundo para makapagcreate ng new world. Ganun siya. Ang ipinagkaiba lang is new government ang kanya.

----

Lahat ba ay sang ayon sila sa Federalism? After ng 6 years ng pagkaupo ni Duterte, e di balik tayo sa dati dahil si Duterte lang ang meron ganyan pananaw. Ang sunod na tatakbo presidente ay hindi naman ganun unless ibigay niya ang awtoridad niya kay BongBong Marcos para siya ang magtuloy from generation to generation which is impossible naman iyon. Kutob ko nga, after ni Duterte, Ang Pinas at Amerika ay good terms ulit sila. Nagkataon lang si Duterte ang namuno. Parang isang panaginip ito na after 6 years, magiging normal ulit. Malakas ang kutob ko na ang war on drugs ay temporary for 6 years lang iyan. May papalit na bago presidente na hindi sang ayon sa ganyan at malamang, tatanggalin iyan.

I have this feeling na ganun ang mangyayari.

Reason?

Hindi kase talaga siya pang normal as in dahil kung normal siya---e dapat simulang sapul pa, ganun na ang paraan natin ng sistema. Kaya lang, ito lang 2016 lang ang naiba.

----

Ang ipinagdarasal ko ay huwag tumulad si Duterte kay Marcos dahil si Marcos noon ay nang natapos na ang pagkapresidente niya ay gusto pa niya uli maupo sa malacanang. Meron ideal kase si Marcos dahil meron siya aim sa Pinas, I mean para sa Pinas talaga kaya ayaw niya umalis. Huwag naman after ng 6 years, ganun din gawin ni Duterte na parang ayaw na niya umalis o ano para matupad lang ang pangarap niya sa Pinas. Sana lang, huwag.

Iba na iyon, kung ganun.

_____

Wala tayo originality. Mahilig tayo mag imitate talaga. Si Marcos ay ginaya ata niya sa China o Singapore ng Pinas ba iyon kaya umunlad. Then si Duterte ay gagayahin niya ang Federalism ng ibang bansa. I have this feeling na desperate moves talaga ang nakikita ko. Katulad kay Hitler na inisip niya na uunlad kapag inapply niya kung binago niya ang type of government---mga ganun sila.

Ganun ata kapag desperate na wala na sila makita maganda sa bansa. Ss ibang direction sila pumupunta.
 
Last edited:
Basta ako pinaka the best na president na dumaan sa buhay si DU30..
paano magchachange ang isang bansa kung hndi susubukan ang ibang paraan para umuunlad..natural instinct lng ...
maraming dahilan kung bkit change alliance .. pero at the end pag unland pa din ang gzto nyang gawin...
kesa nmin tulad ng dati ulit...dadaan n nmn ang 6years ..bilihan ng boto..bentahan ng drugs..puro nakawan..100 days pa lng...
ngtataka lng aq kng bkit dn ualang nababalita magnda nagawa n nya..
..

agree ako sayo sir. kasi sa kanya makikita mo talaga na he is trying to make a change sa matagal nang corrupt na gobyerno natin. kahit na madaming negative feedbacks sa kanya even during elections, hindi naging dahilan yun para hindi siya iboto ng mga tao. ngayon naman na nasa posisyon na siya, hindi nya hinahayaan yung mga pambabatikos sa kanya na pigilan ang mga plano nyo para sa bansa. war on drugs man yan o yung strategic plan nya para sa ikauunlad ng Pilipinas, i just hope maging matagumpay si presidente at sana suportahan natin siya.

regarding naman dyan sa news, biased kasi mga tv networks so expect mo na puros pambabatikos talaga gagawin nila. pili lang na impormasyon na gusto nila ishare sa mga mamamayan, kaya kung hindi ikaw mismo sa sarili ang magresearch, madaming importante kaganapan ang di mo malalaman kung iaasa mo lang sa telebisyon
 
Kung magsalita ka akala mo may nagawa na si Duterte para labanan ang korupsyon. Wala pa nga eh, war on drugs pa lang. Wala pang nga siyang naipatapon doon sa Laguna lake na mga korup na opisyal. Kahit sa Davao, wala ngang pinatay na mga korup na public official. Kahit yong kapitbahay namin sa Davao na taga Customs, nagpatayo ng P25M na pangalawang bahay, wala ngang nagawa si Duterte noong Mayor pa siya. Ang kaya lang niyang ipapatay ay yong mga maralitang adik, mga kabataang nag sosolvent at mga kriminal ng petty crimes. Pede na rin isama yong mga nangho hold-up pero yong mga bigtime o pulitiko eh malabo.

Yong mga gabinete nga niya ngayon, meron dyan na kurakot din eh.
 
Back
Top Bottom