Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang tunay na dihilan bakit galit si pres. Duterte sa eu,un at america

Sagot: Hindi po ang mga Amerikano ang pumatay sa mga Pilipino. Nagkakampi kampihan ang mga bansa noon, Axis Powers vs. Allied Forces at kumampi po ang mga Pilipino sa Amerikano laban sa Hapon. Mahiya naman pokayo sa mga World War 2 veterans natin na ibinuwis ang kanilang buhay para sa ating kalayaan.

sinakop muna tayo ng mga kano pagkatapos ng mga kastila diba? merong american - filipino war? ilan ang pinatay nila doon?

Sagot: Maraming pinatay ang mga hapon dahil sa kanilang pananakop at hindi lang po ito nangyari sa Pinas kung hindi sa ibang mga lugar sa Asya. Nung sinakop ng mga hapon ang Pinas, nagkaroon pa nga ng 'Death March' from Bataan to Tarlac na ikinasawi ng 12,000 POWs (both Pilipino at Amerikano). Sana nakita mo yong palabas na Pearl Harbor' na pa traydor na inatake ng mga Hapon ang mga Amerikano sa Pearl Harbor sa Hawaii na ikinasawi ng marami.

Sa kinalaunan ng gyera, noong matalo naman ng Allied Forces ang grupo ni Hitler ay ayaw pa rin sumurender ng Hapon at nagpatuloy pa ang kanilang karahasan. Natural na gamitin ng Amerika ang bago nilang nadiskubreng imbensyon, ang 'Atomic Power', para mahinto na ang gawain ng Hapon at maisalba na rin ang mga buhay ng mga sundalo ng Allied Forces. Kaya hindi kasalanan ng Amerika yan, nag warning na sila pero ayaw pa rin huminto ng Hapon. (Kung sa tingin mo na talagang demonyo ang Amerika ay dapat sana binomba na lang nila ang buong Japan kaya lang hindi nila ito ginawa.)

pinaglakad po nila ang mga sundalong pinoy.. hindi po binomba tulad ng ginawa ng mga kano sa intramuros.. daang libong pinoy po ang namatay dun diba? kasama babae at bata? ano ba talaga ang dahilan ng hapon bakit sila lumaban sa mga amerikanong nagkokolonya sa asia? bakit ba nasa asia ang mga amerikano nung mga panahon na yun?

Sagot: Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay napirmahan po pagkatapos ng World War 2, 1950 po iyan. Ang nangyaring pang-aalipin sa mga 'blacks' ay nangyari bago ang ang deklarasyon noong 1951. Nangyari po ang Emancipation Proclamation ni Abraham Lincoln sa kanyang Gettsyburg Address noong 1863. Kaya nga po nagkaroon ng Civil War sa America at nahati ang bansa. Ang gusto po ni Lincoln ay palayain ang mga 'blacks' at mabigyan ng mga karapatan.

Ang binomba po ng mga Amerikano sa Maynila ay mga kalabang hapon po, hindi po mga Pilipino kasi nga po tayo po ay kaanib nila. (Hindi ho ata kayo nakikinig sa aralin nyo sa Araling Panlipunan o History noong nag-aaral po kayo kaya nangamote ang kinalabasan).

may batas man sa human rights o wala, anong kademonyohan ang papasok sa utak mo para gawing property ang isang tao? para patayin ang mga tunay na native ng america (mga indian)? aralin panlipunan? tinuro ba dun na nung binomba ang intamuros nang mga americano eh daang libong pinoy ang nandun? bata, matanda at mga babae? sino ang nangangamote? pinaatras ng mga hapon ang mga kasama nilang korean doon at ginawa nilang human shield ang mga pinoy dahil alam nilang talo na sila.... magaral po sana tayo ng tunay na history..

Sagot: Wala naman pong kinalaman ang Commission ng Human Rights sa Bilibid. Ang Bilibid po ay nasa pangangasiwa ng Bureau of Corrections. Kung ano man ang naging pagbabago sa kalakaran sa Bilibid, ito poy responsibilidad ng mga Jailguads, Jail management and penology, Bureau of Corrections at Department of Justice. Kung gusto nyo po mabago ang kalakaran sa NBP ay dapat gumawa ng magandang batas, i-abolish na ang Bureau of Corrections at palitan ng bago (kasi nga compromised na), pag apruba sa Death Penalty, paggawa ng bagong priso na nasa isang isla at walang komunikasyon ng cellphone/internet, rebisahin ang manual ng operasyon ng bilibid prisons, paglalagay ng monitoring camera sa mga prison cells, etc.

common sense po sana.. kung malaman mong kakasuhan ka dahil sa mga ginawa mo sa bilibid at wala ka nang lusot, ano ang gagawin mo? ikaw ba ang unang titira? gamitin mo ang extra judicial killings daw para sirain ang gobyerno, para pag kinasuhan ka na, magpapalusot ka na kaya nila ako ginaganito dahil may extra judicial killings sila, ewan ko bakit pinalaki ito ng media, o baka ako lang ang paranoid na ang tingin ko sa mga balita ng media eh, pinapalabas nilang may extra judicial killings talaga,, word by word kasi ako kung makinig... bawat term o word na bibitawan ng news anchor sa balita ee iniisip ko kung anong magiging impact sa utak ng mga nakikinig.. magkokoment pa ang ibat ibang bansa na parang wala silang pinag dadaanan o pinag daanan...

nakaka insulto po ang sinabi nyong kamote ang kinalabasan.. wag po sana ganon...
 
kahit kwentong barbero lang,,, parang tama!!
 
Ang problema kasi sayo yong pagpo post mo mali-mali. Sinagot ko lang yong post mo. Kung saan-saan ka nakakarating at ang gulo mo kausap! Ito ang post mo para mo makita mo yong sinulat mo at tingnan mo mabuti ang sagot ko sa post mo:

Bakit ang mga bansang kumalaban sa US tulad ng Vietnam at Japan ay mga umaasensong bansa? ang pilipinas na kumampi sa kanila, ewan ko kung umasenso na! :clap:
sa giyera ng hapon at kano sa pinas. pinakamadami ang mga pinoy na namatay dahil sa mga amerikano, halos Milyon, women and children included... isama mo pa yung mga pinatay nila sa japan ng atomic bomb na galing sa pilipinas... kung bibilangin mo ang pinatay ng mga kano na yan sa buong mundo sa ibat ibang bansa eh,bahala ka.. ang alam ko e mas madami sila kesa sa mga drug pusher na napapatay sa pilipinas.. pinalaya daw tayo ng mga kano sa mga hapon pero ang totoo.. tayo ang pinalaya ng mga hapon sa kanila... kailangan ng mga americano ang pilipinas para sa puwersa nila sa asia.. kailangan ba talaga sila ng asia? ano ang motibo nila sa asia? ang naganap o nagaganap pa na drug war sa Columbia mula noong dekada 70's ay mas malalala kesa sa nangyayari sa pilipinas.. libo libong pulis (mabubuting pulis) na ang napatay ng mga drug lords sa kanila,,. sana hindi na magaya ang pinas sa kanila. wag sana tayong mamatayan ng libo libong pulis... :dance:
Human Rights? sino ang bansang may pinaka madaming pinatay sa buong mundo? China? Rusia? German? Japan? North korea? Iraq? US? Pilipinas? :thumbsup:
totoong may nalalabag na human rights sa pilipinas.. human rights nino? simula pa noong unang panahon, parte na ng pang araw araw na buhay natin ang human rights violation, lagi na lang.. milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...
NASAAN ANG HUMAN RIGHTS BUWISET NOONG NAPAKADAMI ANG PINAPATAY NG MGA KRIMINAL? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NUNG BINOMBA NG MGA AMERIKANO ANG MAYNILA NA MAYROONG LIBO LIBONG PINOY NA NAMATAY? NASAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG LAGLAGAN NG ATOMIC BOMB ANG JAPAN? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG GINAWANG ALIPIN NG MGA AMERICANO ANG MGA ITIM? (tao.. gagawin mong property?)..... :slap:
Napaka laking tulong talaga ng human rights na yan para sa karapatan nating mga pinoy.. NANJAN SILA NGAYON para sa bansa natin ngayong nagkakantahan ang mga preso sa bilibid! :clap: :clap: :clap:

Naku! Ang hirap talaga ipaliwanag ang lahat pag ang tao ay makitid kung mag-isip. Kung saan saan napupunta ang usapan at di nakukuha ang punto por punto. Tama nga ang kasabihan sa Bibliya na sinasabi, 'Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.' (Proverbo 9:8). Ito na ang huli kong pagpo post dito sa thread na to, bago maging baboyan na lahat.

Issue 1: Sinabi niya sa giyera ng Hapon at Amerikano sa Pinas, eh marami daw ang namatay na Pilipino, halos milyon daw, babae at bata. At parang mga Amerikano lang ata ang naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Tanong: Ang mga Amerikano ba ang pumatay sa mga Pilipino?
Sagot: Hindi po ang mga Amerikano ang pumatay sa mga Pilipino. Nagkakampi kampihan ang mga bansa noon, Axis Powers vs. Allied Forces at kumampi po ang mga Pilipino sa Amerikano laban sa Hapon. Mahiya naman pokayo sa mga World War 2 veterans natin na ibinuwis ang kanilang buhay para sa ating kalayaan.

Issue 2: Maraming pinatay ang Amerikano sa Japan dahil sa paghulog nila ng Atomic Bomb.
Tanong: Wala bang pinatay ang mga hapon ma Pilipino man o Amerikano? Ano ba ang dapat gawin sa isang bansa na ayaw naman sumurender?
Sagot: Maraming pinatay ang mga hapon dahil sa kanilang pananakop at hindi lang po ito nangyari sa Pinas kung hindi sa ibang mga lugar sa Asya. Nung sinakop ng mga hapon ang Pinas, nagkaroon pa nga ng 'Death March' from Bataan to Tarlac na ikinasawi ng 12,000 POWs (both Pilipino at Amerikano). Sana nakita mo yong palabas na Pearl Harbor' na pa traydor na inatake ng mga Hapon ang mga Amerikano sa Pearl Harbor sa Hawaii na ikinasawi ng marami.

Sa kinalaunan ng gyera, noong matalo naman ng Allied Forces ang grupo ni Hitler ay ayaw pa rin sumurender ng Hapon at nagpatuloy pa ang kanilang karahasan. Natural na gamitin ng Amerika ang bago nilang nadiskubreng imbensyon, ang 'Atomic Power', para mahinto na ang gawain ng Hapon at maisalba na rin ang mga buhay ng mga sundalo ng Allied Forces. Kaya hindi kasalanan ng Amerika yan, nag warning na sila pero ayaw pa rin huminto ng Hapon. (Kung sa tingin mo na talagang demonyo ang Amerika ay dapat sana binomba na lang nila ang buong Japan kaya lang hindi nila ito ginawa.)

Issue 3: Walang Human Rights na sinusunod ang mga Amerikano sa panahon ng gyera nila sa Hapon.
Tanong: May human rights declaration na po ba during World War 2?
Sagot: Wala pa pong universal declaration ng Human Rights noong panahon ng World War 2. Kaya nga po maraming pinatay na mga Jews si Hitler, tinorture at sinunog pa niya. Survival mode po ang nangyari at nagkakampi kampihan po ang bawat bansa para sila ay mapangalagaan at hindi masakop ng kalaban. Nagkaroon lamang ng Universal Declaration of Human Rights noong 1950 after the War na binuo ng United Nations.

Issue 4: Marami napatay ang mga Amerikano sa buong mundo at sa ibang bansa.
Tanong: Marami nga bang pinatay ang mga Amerikano sa buong mundo at sa ibang bansa?
Sagot: Kung sa WW2, hindi lang po ang mga Amerikano ang maraming napatay, marami din po sa kanila ang namatay gaya ng pumasok sila sa Omaha Beach, France. Kung nakita mo ang movie na 'Saving Private Ryan' at 'D-day', doon mo malalaman ang sinapit ng maraming mga Amerikano.

Issue 5: '..ang alam ko e mas madami sila (napatay) kesa sa mga drug pusher na napapatay sa pilipinas..'
Tanong: Anong kinalaman ng mga Amerikano sa 'war on drugs' ng Pinas?
Sagot: Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang koneksyon ng pagpatay ng mga Amerikano sa 'war on drugs' ng Pinas. Ang War against Drugs po ay kampanya ng Presidente at ng mga kapulisan laban sa droga, addicts, pushers at druglords. Wala pong kinalaman ang mga Amerikano dito. Internal affairs po natin ito. At hindi po isyu dito ang dami ng namatay, ang isyu po dito ay kung nasunod po ba ang titik ng batas ukol sa karapatang pantao ng bawat isa, ma suspect man o hindi.

Issue 6: '.. pinalaya daw tayo ng mga kano sa mga hapon pero ang totoo.. tayo ang pinalaya ng mga hapon sa kanila... kailangan ng mga americano ang pilipinas para sa puwersa nila sa asia..'
Tanong: Tayo nga ba ay pinalaya ng mga hapon? Kailangan nga ba ng Amerika ang Pilipinas para sa pwersa nila sa Asia?
Sagot: Hindi po tayo pinalaya ng Hapon. Bumalik po si Gen. McArthur at ang kanyang pwersa sa Pinas via Dulag, Leyte at tayo po ay napalaya ng combined forces ng mga beterano natin at Allied Forces laban sa mga hapon.

Maraming nagtatanong kung kelangan nga ba talaga tayo ng Amerika para sa presensiya nila sa Asia. Ang presensiya po nila sa atin ay bunga ng ating kasunduan sa kanila na tinatawag na 'Mutual Defense Treaty' na nilagdaan noong August 31, 1951. Ito po ay bunga sa matagal nating ugnayan sa Amerika, naging matatag po ang ating samahan at pakikipagkaibigan sa kanila. Kung ang tanong po ay kelangan ba talaga nila ang Pinas para sa pwersa nila sa Asia? Sa palagay ko hindi. Meron naman silang mga base militar sa South Korea, Japan at Australia. Ang pagbibigay ng Amerika ng independensya sa atin ay pagpapakita lamang ng kanilang respeto sa ating mga Pilipino. Kung susumahin mas marami ang nakukuha natin sa kanila kesa ang nakukuha nila sa atin, ito po ay gaya ng Aid-- military equipment, food, o financial man, investments, grants and loans, and other intangible benefits like favor and goodwill.

Issue 7: '..ang naganap o nagaganap pa na drug war sa Columbia mula noong dekada 70's ay mas malalala kesa sa nangyayari sa pilipinas.. libo libong pulis (mabubuting pulis) na ang napatay ng mga drug lords sa kanila,,. sana hindi na magaya ang pinas sa kanila. wag sana tayong mamatayan ng libo libong pulis..'
Tanong: Dapat bang matulad tayo gaya ng Colombia?
Sagot: Hindi dapat ikumpara ang ating sitwasyon sa Colombia na napabayan ang paghahari nina Pablo Escobar at Jose Rodriguez Gacha. Ang nangyari sa Colombia ay sila ang gumagawa ng mga drugs at ini export sa Amerika. Dahil nga marami ang mahihirap sa kanilang bansa at walang trabaho, napipilitan tuloy pumasok sa masamang bisyo para pantawid gutom. Ang sitwasyon naman sa atin ay tayo ang kumukuha ng mga drugs o materyales galing Tsina, Taiwan at North Korea na nilalako naman dito sa atin. Ang epektibong pagpahinto po ng drug trade sa Pinas ay pagpa file ng protesta sa mga nasabing bansa, bi/multilateral drug intelligence conduit, rehabilitasyon para sa mga user/addict, pagbibigay hanap-buhay/oportunidad sa mga walang trabaho at mahihirap, pagpapabilis sa sistema ng korte, professionalizing/training the police at paggamit ng camera during operation, pag kontrol ng populasyon, paggawa ng batas na walang extradition treaty pag nahuli ang drug trader within our territory, pag-impose ng death penalty sa large scale drug trafficking, etc. Hindi po pinapatay kung suspect pa lamang. Para maiwasan ang posibleng casualty ng mga pulis, dapat mabigyan sila ng kevlar o bullet proof pag nag-aaresto o maghahain ng search o arrest warrant.

Issue 8: '..Human Rights? sino ang bansang may pinaka madaming pinatay sa buong mundo? China? Rusia? German? Japan? North korea? Iraq? US? Pilipinas? totoong may nalalabag na human rights sa pilipinas.. human rights nino? simula pa noong unang panahon, parte na ng pang araw araw na buhay natin ang human rights violation, lagi na lang.. milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...'
Tanong: Para kanino po ba ang Human Rights?
Sagot: Ang human rights po ay para sa pangkalahatan hindi lang po ito para sa mga suspect, criminal, NPA, pulis, o army lang. Ang Karapatang Pantao po ay nakalagay sa ating Konstitusyon maging sino ka man upang ikaw ay mapangalagaan at hindi maabuso ay iyong mga karapatan. Ang problema po marami sa ating mga kababayan ang ignorante at hindi alam kung ano ang gawain ng CHR. Ang CHR po ay hindi isang korte, ito lamang po ay taga imbestiga at nagbibigay ng rekomendasyon patungkol sa isang asunto o complaint.

Ang hindi ko maintindihan ay ang pagkasabing "..milyon milyong MABUBUTING tao na ang nabiktima ng human rights violation na yan, MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN...". Kung ang ibig sabihin nito ay ang mga mabubuting tao ang nabibiktima ng human rights violation gaya ng pagdakip ng Pulils na hindi binabasa ang MIRANDA Rule, pag aresto na wala namang warrant of arrest o search warrant, pagkulong ng autoridad sa isang tao lagpas sa itinakdang oras ng batas na wala namang complaint, pagpatay ng tao na hindi naman self-defense, ay ito po talaga ay pagyurak sa karapatang pantao. Kaya nga po may batas tayo sa Karapatang Pantao ay upang mapangalagaan ang bawat isa lalo na ang mga mabubuti at walang kalaban laban.

Issue 9: '..NASAAN ANG HUMAN RIGHTS BUWISET NOONG NAPAKADAMI ANG PINAPATAY NG MGA KRIMINAL? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NUNG BINOMBA NG MGA AMERIKANO ANG MAYNILA NA MAYROONG LIBO LIBONG PINOY NA NAMATAY? NASAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG LAGLAGAN NG ATOMIC BOMB ANG JAPAN? NASAAN ANG HUMAN RIGHTS NOONG GINAWANG ALIPIN NG MGA AMERICANO ANG MGA ITIM?'
Tanong: Nasaan nga ba ang Human Rights? (lol.... hehehe)
Sagot: Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay napirmahan po pagkatapos ng World War 2, 1950 po iyan. Ang nangyaring pang-aalipin sa mga 'blacks' ay nangyari bago ang ang deklarasyon noong 1951. Nangyari po ang Emancipation Proclamation ni Abraham Lincoln sa kanyang Gettsyburg Address noong 1863. Kaya nga po nagkaroon ng Civil War sa America at nahati ang bansa. Ang gusto po ni Lincoln ay palayain ang mga 'blacks' at mabigyan ng mga karapatan.

Ang binomba po ng mga Amerikano sa Maynila ay mga kalabang hapon po, hindi po mga Pilipino kasi nga po tayo po ay kaanib nila. (Hindi ho ata kayo nakikinig sa aralin nyo sa Araling Panlipunan o History noong nag-aaral po kayo kaya nangamote ang kinalabasan).

Issue 10: '...Napaka laking tulong talaga ng human rights na yan para sa karapatan nating mga pinoy.. NANJAN SILA NGAYON para sa bansa natin ngayong nagkakantahan ang mga preso sa bilibid!'
Tanong: Ano naman po ang kinalaman ng Human Rights Commission sa Bilibid?
Sagot: Wala naman pong kinalaman ang Commission ng Human Rights sa Bilibid. Ang Bilibid po ay nasa pangangasiwa ng Bureau of Corrections. Kung ano man ang naging pagbabago sa kalakaran sa Bilibid, ito poy responsibilidad ng mga Jailguads, Jail management and penology, Bureau of Corrections at Department of Justice. Kung gusto nyo po mabago ang kalakaran sa NBP ay dapat gumawa ng magandang batas, i-abolish na ang Bureau of Corrections at palitan ng bago (kasi nga compromised na), pag apruba sa Death Penalty, paggawa ng bagong priso na nasa isang isla at walang komunikasyon ng cellphone/internet, rebisahin ang manual ng operasyon ng bilibid prisons, paglalagay ng monitoring camera sa mga prison cells, etc.

Sana po ay naliwanagan kayo, magkaroon ng magandang perspektib o pananaw at hindi yong moro-moro lang. Salamat po.

Anyway, ito naman ang sagot ko sa post mo ngayon na magulo rin:

sinakop muna tayo ng mga kano pagkatapos ng mga kastila diba? merong american - filipino war? ilan ang pinatay nila doon?

Sagot:Opo. Nasakop po tayo ng mga Amerikano noong magkaroon ng American-Spanish War kung saan binayaran ng mga Amerikano ang Espanya ng 20 million pesetas upang ibigay sa kanila ang Pilipinas at napaglagdaan sa pamamagitan ng 'Treaty of Paris'. Nagkaroon ng insureksyon na tinatawag na Philippine-American War sa pamamahala ni Gen. E. Aguinaldo pero ito po ay natalo. Natural pag nagkaroon ng giyera may namamatay sa magkabilang panig. Kaya mali ang tanong kung ilan ang pinatay? Hindi iyon katulad sa ginawa ng amo mo na summary executions, giyera po iyon. Ito ang link at basahin mong maigi (https://www.britannica.com/event/Philippine-American-War).

pinaglakad po nila ang mga sundalong pinoy.. hindi po binomba tulad ng ginawa ng mga kano sa intramuros.. daang libong pinoy po ang namatay dun diba? kasama babae at bata? ano ba talaga ang dahilan ng hapon bakit sila lumaban sa mga amerikanong nagkokolonya sa asia? bakit ba nasa asia ang mga amerikano nung mga panahon na yun?
Sagot:Pinaglakad po ng mga Hapon ang combined forces na mga Amerikano at Pinoy sa tinatawag na 'Death March' at maraming namatay.

Ang pagbomba po sa Intramuros ay nangyari noong bumalik si Gen. Douglas McArthur na galing sa gyera niya sa Europa. Nasakop na po noon ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang 100,000 na patay na mga sibilyang Pilipino ay over-all 'estimated' casualty nang mangyari ang 'Battle of Manila' hindi lang po iyon sa Intramuros. Noong magkasagupaan ang combined forces (Amerikano at Guerilyang Pinoy) laban sa mga Hapon, na desperado ang mga Hapon at ang pinagbalingan ng kanilang galit ay ang mga sibilyang Pinoy na pinagpapatay. Yong iba naman na namatay ay na 'caught in crossfire' po iyon, bata, matanda, babae o lalaki. Ito po ang link at basahin nyong mabuti para maintindihan nyo ( ( https://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Manila_(1945) ).

may batas man sa human rights o wala, anong kademonyohan ang papasok sa utak mo para gawing property ang isang tao? para patayin ang mga tunay na native ng america (mga indian)? aralin panlipunan? tinuro ba dun na nung binomba ang intamuros nang mga americano eh daang libong pinoy ang nandun? bata, matanda at mga babae? sino ang nangangamote? pinaatras ng mga hapon ang mga kasama nilang korean doon at ginawa nilang human shield ang mga pinoy dahil alam nilang talo na sila.... magaral po sana tayo ng tunay na history..

Sagot:Yong tanong mo ay walang kwenta, parang tinatanong mo na bakit kumakain ang tao. Tanungin mo nga yong amo mo bakit niya pinagpapatay yong mga drug user at mga batang delinquents? Bakit hindi nalang ipinai rehab at dumadaan dapat sa tamang proseso ng batas? Pag nasagot mo yan, baka, bumilib pa ako sayo.

Koreans? Ang labo mo. Ang pinag-uusapan natin ay history ng Pilipinas at bigla ka umabot sa K-POP. LOL..... Maglagay ka ng link para mabasa at maintindihan natin. Yong link ko, nilagay ko na sa taas para mabasa mo. Hindi yong kwentong barbero lang ang pinag gagawa mo, isang imbento at hindi alam ang source kung authentic. Hahahaha....

common sense po sana.. kung malaman mong kakasuhan ka dahil sa mga ginawa mo sa bilibid at wala ka nang lusot, ano ang gagawin mo? ikaw ba ang unang titira? gamitin mo ang extra judicial killings daw para sirain ang gobyerno, para pag kinasuhan ka na, magpapalusot ka na kaya nila ako ginaganito dahil may extra judicial killings sila, ewan ko bakit pinalaki ito ng media, o baka ako lang ang paranoid na ang tingin ko sa mga balita ng media eh, pinapalabas nilang may extra judicial killings talaga,, word by word kasi ako kung makinig... bawat term o word na bibitawan ng news anchor sa balita ee iniisip ko kung anong magiging impact sa utak ng mga nakikinig.. magkokoment pa ang ibat ibang bansa na parang wala silang pinag dadaanan o pinag daanan...

Sagot:Yan ang pagkakamali mo, sinabi mo eh 'common sense', parang di nyo po ginagamit o wala kayo nun. Ano naman ang 'function' ng Human Rights sa bilibid, eh, taga imbestiga lamang po sila kung may nalabag na karapatang pantao. Wala nga rin pong akong narinig sa House hearing na kinupkop ng taga Human Rights yong mga testigong bilanggo. Ang mga testigong bilanggo po ay kinukop ni Sec. Aguirre at mabibigyan pa yata ng Presidential clemecy, kasi parte yan ng kanilang 'deal'.

At bakit napunta naman sa EJK ang usapan, napakalayo. From Philippine History to Bilibid to EJKs. LOL.... Hahahaha...

Ang EJKs po ay hearing ng Senado, former chaired by Sen. De5, pero ngayon ay chaired by Sen. Gordon. Totoo naman na may mga namamatay dahil sa operation ng pulis na 'Double Barrel' na kasama ang 'Tokhang'. Iniimbestigahan po yan ng Senado 'In Aid of Legislation', kung may mga karapatan ba ang mga biktima na nalabag sa operation ng mga pulis.

Aba, hindi paninira yan! Nakaka-alarma talaga yan! 3,000 buhay po ang nawala sa loob lamang ng 2 buwan at wala namang World War o Invasion na nangyayari. AT hindi po nasa 'Anarkiya' ang ating bansa. Ang pumapatay po ngayon sa mga Pilipino ay kapwa Pilipino hindi mga dayuhan. Nung mamatay ang 44SAF, halos maluha ang bayan, ito pa kaya na 3000 na buhay at may mga inosente pang nadamay. Nasaan na ba ang konsyensya mo nyan? Itong mga namatay hindi po dumaan sa korte at hindi pa napaptunayan na may sala sila. Hindi tayo ang pedeng humusga ng buhay nila kasi nga may korte at batas tayo. Ang batas ay pina-iiral!

Kung panget man ang pananaw ng ibang bansa sa atin ay wag nating sisihin sila o yong media. Ang media po ay taga-ulat lamang, nasasayo kung maniniwala ka o hindi. Sisihin natin ang ating mga sarili kasi pinahihintulutan natin ang mga gawaing ganyan at aminin natin ang ating mga pagkakamali. Ito yong tuwid at tama na pamamaraan. Hindi yong deny ng deny at nagmamalinis tayo.

Kung ano man ang pinagdadaanan ng ibang bansa, eh, problema na nila yon. Kung panget man ang kanilang ginagawa sa iba o sa sarili nila eh, kanilang problema na yan. At kung ako po ay bibigyan ng pagkakataon na makapag komento sa kanila ay gagawin ko naman po sa paraang pagpapa-alala, maayos, at sibil. 'Constructive criticisms' po ang tawag dyan.

Naiintindihan nyo po ba? Basahin nyo po kasi ng maigi para maliwanagan kayo.
 
Last edited:
Nakatambak ang mga bangkay so ang nahihirapan ay ang tao na tagapag alaga ng mga puninarya. Kaysa naman hayaan na pakalat-kalat ay kailangan mabigyan ng maayos na libing. Naisip dapat ni Rodrigo Duterte na magkaroon ng maraming puninarya o kung hindi makakayanan ay madali, ang maghukay na malalim na lupa sa ibang lugar at doon ihulog at ilibing. Iyon nga lang magiging similar si Duterte kay Hitler which is hindi raw good na ipagkumpara siya o keyso ipinipilit na ecompare daw siya kay Hitler. Parang genocide ang dating ang nakikita ko.
 
Last edited:
grabe naman sa tambak ng patay. Ganun na ba karami ang namatay? Mas marami pa ngang na salvage o napapatay nung nakaraang administrasyon e. Pinaganda lang ang word na salvage ginawa lang nilang EJK para may masisi agad sila sa mga walang habas na pagpatay ng mga riding in tandem o mga hired killers o mga tiwaling pulis o opisyal ng pamahalaan.
 
antayin n lang natin kung ano hakbang ni digong....malay mo sya p magsimula at sya ang dahilan ng WWIII.......
 
kay digong pa rin ako,matagal na tayong pumanig sa us,un,at eu wala na man nagbago sa pilipinas bagkus monkey people pa tawag nila satin...mukhang may katotohanan din yong kwento talino naman ng barbero na yan...
 
Sagot:Yong tanong mo ay walang kwenta, parang tinatanong mo na bakit kumakain ang tao. Tanungin mo nga yong amo mo bakit niya pinagpapatay yong mga drug user at mga batang delinquents? Bakit hindi nalang ipinai rehab at dumadaan dapat sa tamang proseso ng batas? Pag nasagot mo yan, baka, bumilib pa ako sayo.

di ba may ginagawang rehab center ngayon sa nueva ecija???
 
di ba may ginagawang rehab center ngayon sa nueva ecija???

Opo. May rehab na ginagawa na sa Nueva Ecija. Kung hindi pa na pressure ng media at ng international community, eh, di sana gagawin yon kasi sabi niya wala daw siyang budget. Nagawa yong rehab pero ang dami ng namatay. Napatay sa operation ng mga pulis o ng mga death squads. Buti pa dyan sa Luzon, may rehab na malaki para sa mga users. Dito sa amin sa Davao, pag mayaman o mapera ka may rehab kang pupuntahan, pero halos ng users dito, small time pushers, o petty crime offenders sa sementeryo ang kahahantungan. Pati mga juvenile delinquents yari yan. Ang susunod na itutumba ng mga death squads na yan ay yang mga batang hamog. Buti pa dyan sa Luzon, may media na nag-iingay pero dito sa amin halos tikom ang bibig kasi gusto pa mabuhay. Pati increase ng kuryente at tubig wala kang makikitang nagrereklamo.

Sa akin lang sana, bigyan ng pagkakataon ang tao at daanin sa tamang proseso ang paghuhusga. May batas po tayong pina-iiral at sana respetuhin yong batas. Kung may death penalty man na batas, eh, dapat yon ang igalang, hindi summary executions.

Ang hirap kasi ng summary executions pag pinabayaan at hindi nasugpo, marami ang magjo join dyan, kasi nga may pera. Hindi titira ang mga death squads kung hindi sila kikita. Sa kinalaunan, wala na ring seguridad pa mga buhay natin. Halimbawa, pag may nagagalit sayo kapitbahay mo o kilala mo, eh pedi ka na rin ipatumba at sasabihing drug-related ang case mo specially pag may kilala silang tirador. Ito po ay nangyari dito sa amin sa Davao pero di na nakakarating ang balita sa Maynila. May isang sitwasyon nga yong mga empleyado ng kumpanya na dealer ng isang kilalang kotse na nagreklamo sa DOLE dahil sa 'unfair labor practices' kasi nga tinanggal sila. Ang nangyari tinumba ng mga tirador yong mga kasama nila, bali anim sila na nagreklamo at dalawa na lang ang nag survive. Meron din isang Doctor na itinumba dahil napag tripan. At isang call center agent na napagkamalan na nasa 'deathlist'. Ang dami actually, pero, mahirap isa-isahin. Ngayong bago lang, isang kapitan ang itinumba dito sa amin, dahil daw isang drug user, eh, kagagaling lang nung tao magbigay ng seminar about drug addiction sa Ateneo. So, ito ang pinangangambahan natin pag nag proliferate na yan, mahirap na kontrolin. Sa akin lang wag sana mangyari sayo o isa sa mga kapamilya o kamag-anak mo ang nangyari sa mga biktima, eh, baka sa huli magsisisi ka rin.
 
wow!.ang ganda basahin ng mga komento..debatehan na.d pa ako tapos magbasa..to be continued. . . .
 
Basta ako pinaka the best na president na dumaan sa buhay si DU30..
paano magchachange ang isang bansa kung hndi susubukan ang ibang paraan para umuunlad..natural instinct lng ...
maraming dahilan kung bkit change alliance .. pero at the end pag unland pa din ang gzto nyang gawin...
kesa nmin tulad ng dati ulit...dadaan n nmn ang 6years ..bilihan ng boto..bentahan ng drugs..puro nakawan..100 days pa lng...
ngtataka lng aq kng bkit dn ualang nababalita magnda nagawa n nya..
..

Hi sir, the thing about your opinion "paano magchachange ang isang bansa kung hndi susubukan ang ibang paraan para umuunlad..natural instinct lng ...
maraming dahilan kung bkit change alliance .." is that China is known to be the world's most opportunist state, not just to us (Phil.) but to other neighboring asian countries including Russia. Changing alliance is the worst decision DU30 made, why? Obviously, China wanted the disputed islands, they wanted to shift their economic reliance on manpower to oil exploration in which the West Philippine Sea is abundant. Dont you know that the West Phil. Sea is an oil field? If our country could tap in and exploit the resources we can be a 2nd World country in an instant, there have been explorations done by Phil and US but it stopped due to the clamor of the leftists. And the only country that could help us explore the West Phil Sea EFFICIENTLY is US, i know they are also "evil" but their technology when it comes to oil exploration is better than of China's. Have you seen South Korea, Japan, Singapore, Indonesia, Malaysia and Vietnam partnering with China? NO. Those countries mentioned are allies with US. I dont know what people are reading to conclude that China is a better partner, China's main trading partner is North Korea. Even INDIA hates China for stealing the Indian Border, dont you know that India and China is at war in their respective borders?

I am still waiting on what DU30's plan to our economy especially the transfer of Japan's industries in China to Phil. Hey, change maybe good, but in Foreign Relations, changing alliance will never be good for a country, it is like replacing your mother to a different mother.
 
Opo. Nasakop po tayo ng mga Amerikano noong magkaroon ng American-Spanish War kung saan binayaran ng mga Amerikano ang Espanya ng 20 million pesetas upang ibigay sa kanila ang Pilipinas at napaglagdaan sa pamamagitan ng 'Treaty of Paris'. Nagkaroon ng insureksyon na tinatawag na Philippine-American War sa pamamahala ni Gen. E. Aguinaldo pero ito po ay natalo. Natural pag nagkaroon ng giyera may namamatay sa magkabilang panig. Kaya mali ang tanong kung ilan ang pinatay? Hindi iyon katulad sa ginawa ng amo mo na summary executions, giyera po iyon. Ito ang link at basahin mong maigi (https://www.britannica.com/event/Phi...e-American-War).

anghirap mag paliwanag sa taong hindi makaintindi!! BIlang ka dito ng Crimes Against Humanity ng mga sinasamba mong amerikano... http://www.the-philosopher.co.uk/whocares/popups/warcrimes.htm http://prosecuteuscrimesagainsthumanitynow.blogspot.com/ Gamit ka po ng Utak at i-search mo po isa isa.. tapos ikaw na sumagot kung Ilan ang pinatay nila? basahin mo po maigi kuya ha... gamitin mo utak mo...

Sagot:Yong tanong mo ay walang kwenta, parang tinatanong mo na bakit kumakain ang tao. Tanungin mo nga yong amo mo bakit niya pinagpapatay yong mga drug user at mga batang delinquents? Bakit hindi nalang ipinai rehab at dumadaan dapat sa tamang proseso ng batas? Pag nasagot mo yan, baka, bumilib pa ako sayo.

Koreans? Ang labo mo. Ang pinag-uusapan natin ay history ng Pilipinas at bigla ka umabot sa K-POP. LOL..... Maglagay ka ng link para mabasa at maintindihan natin. Yong link ko, nilagay ko na sa taas para mabasa mo. Hindi yong kwentong barbero lang ang pinag gagawa mo, isang imbento at hindi alam ang source kung authentic. Hahahaha....

History ng Pilipinas? utak mo sir gamitin mo...
Pinag papatay? subukan mong patunayan sinasabi mo... walang kailangan sumagot sa iyo... gamit ka utak sir... Koreans? wala ka talagang alam sa history... aral po muna maigi sir! baka madiskubre mong may kasamang mga korean marines ang mga hapon sa pinas....

Sagot:Yan ang pagkakamali mo, sinabi mo eh 'common sense', parang di nyo po ginagamit o wala kayo nun. Ano naman ang 'function' ng Human Rights sa bilibid, eh, taga imbestiga lamang po sila kung may nalabag na karapatang pantao. Wala nga rin pong akong narinig sa House hearing na kinupkop ng taga Human Rights yong mga testigong bilanggo. Ang mga testigong bilanggo po ay kinukop ni Sec. Aguirre at mabibigyan pa yata ng Presidential clemecy, kasi parte yan ng kanilang 'deal'.

At bakit napunta naman sa EJK ang usapan, napakalayo. From Philippine History to Bilibid to EJKs. LOL.... Hahahaha...

Ang EJKs po ay hearing ng Senado, former chaired by Sen. De5, pero ngayon ay chaired by Sen. Gordon. Totoo naman na may mga namamatay dahil sa operation ng pulis na 'Double Barrel' na kasama ang 'Tokhang'. Iniimbestigahan po yan ng Senado 'In Aid of Legislation', kung may mga karapatan ba ang mga biktima na nalabag sa operation ng mga pulis.

Aba, hindi paninira yan! Nakaka-alarma talaga yan! 3,000 buhay po ang nawala sa loob lamang ng 2 buwan at wala namang World War o Invasion na nangyayari. AT hindi po nasa 'Anarkiya' ang ating bansa. Ang pumapatay po ngayon sa mga Pilipino ay kapwa Pilipino hindi mga dayuhan. Nung mamatay ang 44SAF, halos maluha ang bayan, ito pa kaya na 3000 na buhay at may mga inosente pang nadamay. Nasaan na ba ang konsyensya mo nyan? Itong mga namatay hindi po dumaan sa korte at hindi pa napaptunayan na may sala sila. Hindi tayo ang pedeng humusga ng buhay nila kasi nga may korte at batas tayo. Ang batas ay pina-iiral!

Kung panget man ang pananaw ng ibang bansa sa atin ay wag nating sisihin sila o yong media. Ang media po ay taga-ulat lamang, nasasayo kung maniniwala ka o hindi. Sisihin natin ang ating mga sarili kasi pinahihintulutan natin ang mga gawaing ganyan at aminin natin ang ating mga pagkakamali. Ito yong tuwid at tama na pamamaraan. Hindi yong deny ng deny at nagmamalinis tayo.

Kung ano man ang pinagdadaanan ng ibang bansa, eh, problema na nila yon. Kung panget man ang kanilang ginagawa sa iba o sa sarili nila eh, kanilang problema na yan. At kung ako po ay bibigyan ng pagkakataon na makapag komento sa kanila ay gagawin ko naman po sa paraang pagpapa-alala, maayos, at sibil. 'Constructive criticisms' po ang tawag dyan.

Naiintindihan nyo po ba? Basahin nyo po kasi ng maigi para maliwanagan kayo.

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay... napaka hirap mo makaintindi sir.... paki define po ng "Propaganda"... intindihin mo po maigi kung kaya ng utak mo, gamitin mo common sense mo, isipin mo kung sino ang gumagamit ng propaganda.. tapos patunayan mo na may extra judicial killing nga., hanap ka muna matinding ebidensya mo tapos punta ka sa DOJ o sa International Criminal Court...

Adik ka po ba sir? wag po sana tayo mag droga mga kuya...
 
Kailan pa natin pinalitan ang inang bayan natin? Sa pinapalabas nyo sa sinasabi nyo e sa pagpapalit natin ng ally e parang nagpalit na din tayo ng mgaulang. Bakit China o US ba ang magulang natin? Ang magulang natin dito e ang Pilipinas mismo at ang leader natin. At di tayo nagpapalit ng allies kundi nagdadagdag tayo ng allies lalo na pagdating sa ekonomiya o pakikipag trade. Walang tatanggalin at walang iiwan. Madadagdagan lang. Pakibuksan ang isip nyo wag nyo ilimit lang sa gusto nyong makita o matanaw. US nga ka partner ang China sa trading e tapos tayo gusto nyo pagbawalan ang bansa natin na makipag trade sa China? Iniisip nyo agad magiging komunista tayong bansa. Napaka advanced naman ng mga isip nyo mukhang mas advanced pa sa CIA o FBI. Hehe.
 
tama ka sir, nice answer ;)
 
View attachment 291010

yan sir hindi mo pa nasasagot, kung iyan lang tinanung ni sir badong88 ano kaya sagot mo?? para kay sir ampatuan
 
Attachments

  • 2016-10-20 14_10_36-Ang tunay na dihilan bakit galit si pres. Duterte sa eu,un at america - Page.jpg
    2016-10-20 14_10_36-Ang tunay na dihilan bakit galit si pres. Duterte sa eu,un at america - Page.jpg
    12.6 KB · Views: 11
Last edited:
anghirap mag paliwanag sa taong hindi makaintindi!! BIlang ka dito ng Crimes Against Humanity ng mga sinasamba mong amerikano... http://www.the-philosopher.co.uk/whocares/popups/warcrimes.htm http://prosecuteuscrimesagainsthumanitynow.blogspot.com/ Gamit ka po ng Utak at i-search mo po isa isa.. tapos ikaw na sumagot kung Ilan ang pinatay nila? basahin mo po maigi kuya ha... gamitin mo utak mo...

History ng Pilipinas? utak mo sir gamitin mo...
Pinag papatay? subukan mong patunayan sinasabi mo... walang kailangan sumagot sa iyo... gamit ka utak sir... Koreans? wala ka talagang alam sa history... aral po muna maigi sir! baka madiskubre mong may kasamang mga korean marines ang mga hapon sa pinas....

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay... napaka hirap mo makaintindi sir.... paki define po ng "Propaganda"... intindihin mo po maigi kung kaya ng utak mo, gamitin mo common sense mo, isipin mo kung sino ang gumagamit ng propaganda.. tapos patunayan mo na may extra judicial killing nga., hanap ka muna matinding ebidensya mo tapos punta ka sa DOJ o sa International Criminal Court...

Adik ka po ba sir? wag po sana tayo mag droga mga kuya...

Ito na yong sagot ko sa baba. hehehehe....

Ikaw yong hindi nakakaintindi sa mga pino post mo. Sinasagot ko po yong post nyo na punto por punto, eh, pero kayo kung saan saan napupunta. Anong 'Crimes against Humanity' ang pinagsasabi mo dyan? Hindi mo nga alam kung ano ang mga requisites ng tinatawag na 'Crimes against Humanity'. Abir nga, ipaliwanag mo nga kung ano ang mga requisites niyan? Tapos magbibigay ka ng link, na hindi naman officially recognized ng karamihan, gawa-gawa lang ng iilan at parang kinuha lang sa komiks. LOL...

Ikaw nga yong dada ng dada sa mga nangyayari noong unang panahon dito sa atin, nagbigay ka pa nga ng mga figures na maraming namatay, at sinasagot naman kita (basahin mo nga yong post mo). Binigyan pa kita ng mga 'official links' gaya ng wikipedia at britannica para mahanap mo, in short, hindi kwentong barbero gaya ng ginagawa mo. Wala ka ngang maibigay na matinong links eh. Nag-aral ka ba? Parang hindi ka yata tinuruan ng tama ng teacher mo, paano at saan kukuha ng mga 'links' na officially recognized.

Ano palang tawag sa ginagawa mong pagde detalye sa mga pangyayari sa nakaraan? Di bat 'history' yan? Sana alam mo ang definition ng history at naiintindihin mo. Ang gulo mo nyo pong kausap.

Tinatanong mo pa ako kung may katunayan na pinagpapatay yong mga drug users, ang sagot po dyan ay sinabi na nga po ni Du30 sa mga speeches niya sa pulis, 'Kill them!', binago nya lang ng konti yong mga speeches niya nitong mga huli. At saka may mga testigo na nga doon sa Senado, pinatunayan nga nila na EJK ang nangyayari sa mga ka pamilya nila. Ang hirap mo naman umintindi. Tapos ngayon gusto mo pa ipagpilitan yong koreans mo, na hindi na importante sa istorya. Basahin mo kasi yong mga link na ibinigay ko sayo para maintindihan mo at huwag ka kumuha ng mga istorya sa mga komiks. LOL....

Ito na naman, bigla ka na naman nag insert ng isang terminolohiya na wala sa caption ko. Ang ginamit mo pang term ay 'Propaganda' at ako pa ang inuutusan mong mag define, eh, ikaw ang naglagay nyan dito, dapat sana ikaw ang mag define nyan. Hahahaha..... Uutusan mo pa ako na hanapin kung sino ang gumagamit ng propaganda. Nahihibang ka na po ata.

Sinabi mo pa na patunayan ko kung may EJK na nangyari at pahahanapin mo pa ako ng ebidensiya para isampa sa DOJ o ICC. LOL... Well, ang sagot dyan ay hindi naman ako abogado o pulis para maghanap ng ebidensiya para isampa doon sa DOJ o ICC. Di ko trabaho yan. Hahahaha..
Pero kung gusto mo talaga malaman kung may nangyayaring EJK, hintay ka lang pagkatapos ng termino ni Du30, kasi nga may nag sampa na ng kaso ng EJK sa mga pulis, yong mga naulila ng mga biktima. Hintayin mo lang yong magiging desisyon ng korte at doon mo malalaman.

Natatawa naman ako sayo. Hehehehe..........
 
Last edited:
Mga kababayan, nandito po ang sagot sa Title mismo ng Thread na to. Si P. Duterte na po mismo ang sumagot sa video o interview ng Al Jazeera sa kanya.

https://www.youtube.com/watch?v=85GGXZJztCA

Kung ally talaga natin ang US at EU bakit di nila suportahan ang war on drugs ni P.Duterte, bagkus eh salungat pa ang ang ginagawa nila, at nagbabase pa sila sa biased media. Hindi nyo po ba napapansin ang nasa likod ng lahat. Ang liberal party ang lahat ng may pakana ng lahat na to. Nung panahon ni Pnoy mas marami ang mga namamatay na inosente riding in tandem pa nga ang tawag, pero ngaung war on drugs ni digong naging EJK na. ang ang mga namamatay eh talagang mga nasa drugs mga criminal at may inosente man nadadamay eh pina iimbestagahan naman, sabi nga ni P.Duterte hindi naman sya Diyos para magawa nyang perfect ang lahat.

Ang US nagbibigay nga ng Aid pero kanino ba bumabagsak yun sa Gerry Roxas Foundation na nanay ni Mar Roxas. At ang ibang mga Aid nakakarating ba talaga sa mga nangangailangan at bakit kailangan isumbat ng US yun satin. Ang problema sa Aid ng US eh may kapalit ang pakikialam nila sa internal affairs natin. Samantalang ang Japan, China mas malaki naibibigay na Aid satin pero di sila nakikialam satin. Ang punto ni P.Duterte dito eh matagal na tayong Ally ng US bakit mahirap pa rin tayo bakit di nila tayo tulungan umunlad ng walang kapalit. Kaya isang option nya yung pag punta ng China. Di naman kailangan makipaghiwalay sa US ang kailangan lang eh karagdagan ally para mapaunlad naman tayo yung ginagawa ni P.Duterte ngaun eh para sating mga Filipino yun, hindi sa kanyang interest lamang.
 
Eto pa isang tanong. Bakit sa kabila ng pag kontrol ng USA sa Afghanistan e ngayon tinuturing ito na isa sa pinakamalaking supplier ng illegal drugs sa buong mundo. Tinalo pa nito ang Colombia at Mexico. mahigit 200K hectares ang taniman ng opium dun sa Afghanistan. Sobrang laki nun halos kasing laki ng Ilocos Sur ang taniman nila ng Opium. Napakalaking pera nun baka bilyong dolyar ang halaga nun o baka nga trilyon pa. Bakit nakakalusot to sa kanila? Dahil nakikinabang sila dito? Simula daw nung nagapi ang Taliban e dyan umusbong yung taniman ng Opium at pagyaman ng mga drug lords sa Afghanistan.
 
Mga kababayan, nandito po ang sagot sa Title mismo ng Thread na to. Si P. Duterte na po mismo ang sumagot sa video o interview ng Al Jazeera sa kanya.

https://www.youtube.com/watch?v=85GGXZJztCA

Kung ally talaga natin ang US at EU bakit di nila suportahan ang war on drugs ni P.Duterte, bagkus eh salungat pa ang ang ginagawa nila, at nagbabase pa sila sa biased media. Hindi nyo po ba napapansin ang nasa likod ng lahat. Ang liberal party ang lahat ng may pakana ng lahat na to. Nung panahon ni Pnoy mas marami ang mga namamatay na inosente riding in tandem pa nga ang tawag, pero ngaung war on drugs ni digong naging EJK na. ang ang mga namamatay eh talagang mga nasa drugs mga criminal at may inosente man nadadamay eh pina iimbestagahan naman, sabi nga ni P.Duterte hindi naman sya Diyos para magawa nyang perfect ang lahat.

Ang US nagbibigay nga ng Aid pero kanino ba bumabagsak yun sa Gerry Roxas Foundation na nanay ni Mar Roxas. At ang ibang mga Aid nakakarating ba talaga sa mga nangangailangan at bakit kailangan isumbat ng US yun satin. Ang problema sa Aid ng US eh may kapalit ang pakikialam nila sa internal affairs natin. Samantalang ang Japan, China mas malaki naibibigay na Aid satin pero di sila nakikialam satin. Ang punto ni P.Duterte dito eh matagal na tayong Ally ng US bakit mahirap pa rin tayo bakit di nila tayo tulungan umunlad ng walang kapalit. Kaya isang option nya yung pag punta ng China. Di naman kailangan makipaghiwalay sa US ang kailangan lang eh karagdagan ally para mapaunlad naman tayo yung ginagawa ni P.Duterte ngaun eh para sating mga Filipino yun, hindi sa kanyang interest lamang.

Ang labo naman po ng argumento nyo. Kung 'ally' ba susuportahan na lang kahit mali? Halimbawa, kung sasakupin natin ang Indonesia, tama bang gawin ng allies natin na suportahan tayo sa pananakop? Kaya mali po kayo sa pagkakaintindi nyo. Ang nakalagay po sa Mutual Defense Treaty ay kung sasakopin tayo, ang ally natin ay handa tayo tulungan at ipagtanggol.

Yong 'War on Drugs' campaign ay sinusuportahan naman yan ng International community kasi nga para masugpo ang problema. Ang hindi po sinusuportahan nila ay ang pamamaraan ng pagsugpo na hindi dumadaan sa tamang proseso ng batas na nakalagay naman sa ating Konstitusyon, gaya ng hindi pag obserba sa Karapatang Pantao. Ang US at UN po ang may akda ng Declaration of Human Rights at nangangasiwa ng International Commission on Human Rights (ICHR). Kung hindi nila pinatutupad yong advocacy nila, ay para ano pa ang silbi ng pagbibigay nila ng deklarasyon at ang patuloy na pangagasiwa nila sa karapatang pantao.

Hindi lang po 'media' ang binabatayan nila, meron ho silang mga 'observers' dito sa atin at mga NGOs na affiliated na nag rereport sa kanila.
Hindi po makatwiran na idawit ang Liberal party kung wala naman talaga po silang kinalaman. Ang isyung panlipunan naman po natin ay totoong nangyari at nangyayari kaya di iyan lingid sa kaalaman ng international community.

Ang pagdakip sa mga 'riding in tandem' na yan ay trabaho po ng mga pulis. Pede po yong international community na mag komento sa atin kung walang ginagawa ang ating mga pulis at nagpapabaya. Minsan nga po ay nakomentohan na si Pnoy ng international community dahil sa bagal ng usad ng sistema ng hustisya sa ating bansa at sa dami ng namatay na mga journalists.

Ang ginawa po ni Pres. Obama ng US at Mr. Ban ki Moon ng UN ay isang komento lang para kay Pres. Duterte na dapat di naman sana ikinasama niya. Pagpakita po yan ng 'concern' nila sa atin bilang ka alyado, parang payong kaibigan ba. Ang problema ay minasama ni Pres. Duterte ang komento nila at inatake pa sila ng mga maaanghang na salita gaya ng 'Putang iNa!'. At ang Presidente din po natin ang nagdesisyon na kumawala na sa alyansa nila at nagpahinto pa nga sa Joint Military Exercises. Kasi nga gusto kasing umanib ng ating Presidente sa Tsina. Wala naman po akong nakitang malaking kasalanan na ginawa ng US at UN at wala ka nga pong naririnig na pagmumura na galing sa kanila kahit na pinagmumura na sila ni Pres. Du30.

Ang EJK (Extra Judicial Killing) po ay isang klase ng pagpatay kung saan ito ay nagawa ng isang may katungkulan gaya ng Pulis o Military na hindi dumaan sa tamang proseso; gaya ng hindi pagbasa ng Miranda Rule kapag nahuli ang suspect, hindi pagsi serve ng Warrant, at may 'excessive use of force' ang ginamit sa paghuli na nauwi sa pagkasawi ng buhay ng isang suspect.

Tandaan po natin na hindi po tayo pwede kumitil ng buhay ng isang tao ng hindi alinsunod sa batas. Magiging anarkiya po ang kalalabasan kapag hindi natin sinusunod ang tamang proseso. Ang mga drug users at drug pushers po ay 'presumed innocent', hanggat hindi pa po sila nabibigyan ng sakdal o hatol ng korte. At ang mga drug users po ay ni rerehab, hindi po pinapatay. Halimbawa, kung nakitaan ba ang anak o tatay mo na may dala ng isang maliit na pakete ng droga ay payag ka bang patayin na lang agad sila? (Hindi mo pa nga alam baka itinanim lang yong droga sa bulsa nila noong mga taong galit sa kanila.)

Kaya nga po bilang Pangulo ng bansa, dapat nyang ipaintindi sa mga Pulis na dapat silang sumunod sa tama, at pag hindi nila nasunod ang tama ay talagang magkakaroon sila ng problema. Ang problema lang kasi ay kinokonsente ng Pangulo ang patayan at pati mga inosente ay namamatay na din gaya ng mga bata.

Yong tungkol kay Roxas naman po tungkol sa AID eh hindi na ho yan malaking isyu. Halos lahat ng Pulitiko may mga Foundations po iyan, kahit nga po ang pangulo natin meron din yang Foundation dito sa Davao na tinatawag na 'Lingap'. Aabot din po iyan sa Maynila at Visayas. Marami talaga ang nagbibigay ng pondo dyan, may mga local o international man. At trabaho na po yan ng Ombudsman o DOJ (kung totoo man) na habulin yong mga nangungulimbat ng pera at ginagamit yang mga foundations na yan. Huwag na lang po sana kayo gumawa pa ng mga 'conspiracy theories', kasi meron na pong institusyon ng gobyerno na nag iimbestiga dyan.

Ang Japan po ay wala po tayong Mutual Defense Treaty sa kanila. Ang US lang po. Kaya lang nagiging 'ally' natin sila dahil sa kadahilanang ka alyado sila ng US. Kung sino ang kaalyado ng US ay kaalyado din natin. At dapat po talaga magbigay ng AID ang Japan, kasi malaki ang pagkakautang nila sa atin noong mangyari ang WWII. Hanggang ngayon nga po ipinaglalaban pa rin ng ating mga 'comfort women' o mga babaeng ginahasa ng hapon, na mabayaran sila. Kaya lang ang pagbabayad ng Japan sa atin ay thru International Cooperation po at pagpapautang.

Huwag nyo pong isumbat sa mga Amerikano bakit di tayo umaasenso, kasalanan natin yan kasi nga kurakot tayo. Ang dami na po ng binigay ng US sa atin, sobra sobra na po suma total. At hindi sila nanununumbat at nangingialam sa internal affairs natin, nagbibigay lang sila ng komento at 'advice' pero tayo pa rin po ang nagdedesisyon. Tumutulong pa nga sila sa counter terrorism at pabibigay ng mga gamit sa ating mga pulis at military.

Ang China po ay hindi kaalyado natin. Kung nagbibigay man sila ng AID ay kusa po nila iyon dahil po sa ating samahan sa negosyo. Pero di naman kalakihan ang ibinibigay nila. At kung magbibigay man sila ng malaking pera, nakakasiguro po ako na ang pambayad naman niyan ay yong mga isla natin sa West Philippine SEA na pag-aari natin. Kung may maipapakita po kayo na datos na malaki nga ang naitulong na ibinigay ng Tsina kesa ng mga Amerikano sa atin, eh baka pumanig pa ako sayo. Pero kung wala ka po maipakita eh puro imbento mo na lang yan o gawa gawa, at posible, ang utak mo po ay tulad ng mga komunista na 'black propaganda' ang nalalaman.
 
Last edited:
Hahahaha.. wag kayo mag-away bad yan.. iwasan ang salitang bobo pls..
 
Back
Top Bottom